I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-DALAWAMPU’T-ISA


Linggo ng Umaga ay nagising si Hayasein, inikot nya ang mata nya hanggang sa huminto iyon sa mukha ng babaeng nasa harap nya.
“Besh……! ” mangiyak-ngiyak na tawag ni Yana kay Hayasein kasabay ng pagyakap nya dito. “Akala ko Napano kana, akala ko ay hindi na kita makikita! “hindi napigil ni Yana ang pag buhos ng Luha nya, bagaman naka salalay sa kaligtasan ni Hayasein ang buhay nya ay mas inalala pa nya ang pagiging mag kaibigan nila.
“Ano bang nang yayare sa’yo? ” ibinangon ni Hayasein ang kalahati ng Katawan nya.
“isang linggo ka daw natulog sabi ni Calvin.”
“Oo, pero maayus na naman ako, kita mo nga wala na ang mga pasa at sugat ko. ” ani hayasein sa kaibigan para maibsan ang pag aalala nito.
“Sabi sa East ay pansamantalang hiniling ng ika-walong ranggo na palabasin ka para makapag pahinga ka ng maayos. ”
“Si Eight? Oo Iyon nga ang sabi ni Calvin may kabaitan din palang itinatago Yung Kuya mo? “ani Hayasein.
Hindi makapaniwala si Yana na nalaman kaagad ni Hayasein ang tungkol sa pagiging magkapatid nila ni Eight, ngunit bakit pa ba naman sya mabibigla gayung anak itong ng babaeng pinaka gagalang at hinahangaan nya, pero nag baba parin sya ng tingin. “Sorry besh, hindi ko kaagad nasabi sa’yo. “malungkot na anito, hindi sya naging palakwento sa buhay nya dahil ayaw nyang mapahamak ito pero kahit baliktarin pa ang sitwasyon ay mukhang dun din ang punta ni Hayasein.
Ngumiti si Hayasein at inakap ang kaibigan, “ayus lang basta… Wag ka nang magsisinungaling sa’kin.” aniya pa habang hinahagod-hagod ang likod ni Yana. “Teka, ibig sabihin ba ay nasa labas tayo ng East?
” tanong ni Hayasein nang bitawan nya si Yana. na ikinatango naman nito.
“Aasikasuhin ng mga Rank student ang Gate pass mo para maka alis ka kaagad sa East.”
“Ano! Hindi pwede! Kailangan kong manatili doon” hurumintadong ani Hayasein pero kalaunay kumalma din. “Ang totoo, pinadalhan ako ng imbitasyon ng Paaralang iyon hindi ko alam kung kanino galing pero natitiyak ko na isa sya sa malapit na kaibigan ng nanay ko kaya’t kailangan ko syang mahanap,aaminin ko na ayaw ko doon nung una..pero kailangan kong sumugal kahit ikamatay ko pa, pumunta ako dun dahil sa napaka raming rason, una ay ang pagkatao ko.” nagbaba ng tingin si Hayasein, kitang-kita ni Yana ang lungkot nito. “kung sino ba ang magulang ko.. ”
Pilit na nanahimik si Yana pero tila kinakain sya ng konsensya nya.
“Sixteen ako nang makatanggap ako ng mga sulat tungkol sa pagkatao ko, nung una ay hindi ako na niniwala hanggang sa maklaro ko iyon sa bibig mismo ni Mommy Chairyl.”
“Galit ka ba dahil iniwan ka ng tunay mong ina? ” ani Yana.
Umiling si Hayasein, “Syempre hindi, alam kong may malalim syang dahilan kaya nya nagawa iyon kaya nga gusto kong makita ang tunay kong ina dahil nais kong sya mismo ang sumagot noon sa’kin, kung sakali na makakasama ko sya ng matagal hindi ko babanggitin ang mga panget kong nakaraan, gagawa ako ng memories kasama sya at mamahalin ko sya ng higit sa pagmamahal ko sa tumatayo kong ina ngayon ”
Lihim na nakikinig si Alexa sa...


gilid ng bintana at masayang pinag mamasdan ang anak nya. “Salamat Chairyl, napalaki mo nang maayus ang anak ko. “nasabi nya habang gumuguhit ang ilang butil ng luha sa pisngi nya.
“kailangan kong iligtas ang mga estudyanteng nakulong doon sa mahabang panahon. ” ani Hayasein.
“paano mo iyon gagawin? Eh napaka laki ng pader na babanggain mo? ”
“Na nanalaytay sakin ang dugo ng Aking ina kaya’t bakit ako matatakot. ” nakangiting ani hayasein.
“na mana nya sa’kin ang kayabangan ngunit lamang ang ugali ni Jiro sa kanya.” halos masapo ni Alexa ang noo nya.
“Bukod pa roon, hindi ako papayag na hindi ko mabasag ang mukha ng babaeng yun!”patungkol ng dalaga kay Thalia.” panigurado na tinatawanan nya ko ngayon pero hanggang ngayon lang yon dahil pag balik ko ay iiyak sya!” matapang na saad ni Hayasein. Napangiwi si Yana dahil pakiramdam nya ay si Alexa ang kausap nya sa mukha at kilos pati na sa pananalita.
“Oo nga pala, sabi ni Calvin ay pumuta ka sa Coffee shop nyo kapag nagising ka, nag text sya sa’kin kanina. ” pagbago ni Yana sa Usapan.
📍EIGHT📍
Ipinarada naming tatlo ang kanya-kanya naming motor sa harap ng Coffee shop ni Tita Chairyl.
“Napa haba yata ang bakasyon ni Seken, nakalimutan na nyang bumalik.” natatawang saad ni Ivo.
“Kamusta na kaya si Hayasein? ” ani Ivo. “malaki na ang naging parte nya sa buhay ko kaya malulungkot ako kapag umalis na sya sa University. “ani Raizen.
“Hoy, ikaw ang pinaka ayaw nya sa’tin dahil sa pagiging babaero mo kaya kahit mamatay ka sa lungkot ay wala syang pakialam. ” biro ni Ivo.
“Oh, nariyan pala kayo? Sandali at tatawagin ko lamang si Calvin. ” saad ni tita Chairyl.
“sigurado ka na ba sa gagawin mo? ” ani Ivo nang makaupo kami sa gilid na bahagi ng Coffee shop.
“Nag wawala ang mga Estudyante ng East dahil kay Hayasein, matapos ipalunsad ni lolo ang pagbibigay nya ng Gate pass sa makakapatay sa babaeng iyon ay nagkaletche-letche na ang lahat kaya nga kinakailangan na makaalis kaagad si hayasein sa loob.”
“ibig sabihin kapag umalis si Hayasein ay titigil na ang lolo mo? ” ani Raizen.
“Hindi, malabo yun.. Mas magiging delikado ang buhay ni Hayasein kapag lumabas sya. “sagot ni Ivo.
‘tama! Bakit hindi ko agad naisip yon? ‘
“pero kung makakalabas ang mga siraulong kriminal na naka kulong sa East mas malaking gulo, paniguradong papatay sila ng mas maraming tao.” kunot noong saad ko. “nag baba ako ng mga patakaran- – -”
Naputol ang pag uusap nila nang pumasok ang babaeng naka over size shirt na naka tack-in sa maong nitong short na naglantad sa mapuputi nitong hita, “Wow ganian pala ka ganda kapag hindi naka uniform. ” ani Raizen.
Mula sa paghakbang ng dalaga kasabay ng bahagyang pag pitik ng balakang nya na sumasabay sa pag indayog ng may kaiksian nitong buhok ay napanuod iyon lahat ni Eight.
‘ bakit ba nababago ang pananaw ko kapag ikaw na ang nakikita ko. ‘ hindi talaga mahulaan ni Eight kung kailan sya nabihag ng dalaga pero ayaw nya ang pakiramdam na iyon dahil batid nyang kamatayan lang ang kahahantungan noon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top