MABIBIGAT ang bawat hakbang ko habang pababa ng sasakyan. Nasa tapat ako ngayon ng bahay ng lalaking iniwan ko noon, si Gavin na siyang dati kong kasintahan. Kaarawan niya ngayon at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ‘ko ulit pagkatapos nang halos dalawang taong
Pero magiging masaya nga kaya siya ngayon kung… umalis ako noon? Oo, alam kong mali na iwan siya ng walang ibinibigay sa kanya na kahit anong rason, na iniwan ko na lang siya bigla. Pero ginawa ko lang naman ‘yon para sa kanya, para hindi na siya masaktan pa kapag nalaman niya ang totoo kong kalagayan, ang totoo kong dahilan, ayoko lang na mag-alala pa siya para sa ‘kin.
“Pia, I miss you.” Salubong sa akin at sabay yakap ni ate Alexandra nang makapasok ako sa loob. She’s Gavin older sister.
She’s the one who invited me on this day, at ang nagpumilit na kausapin ko na ang kapatid niya para raw maayos ko na ang bagay na iniwan ko noon. Tumanggi pa ‘ko nang una dahil parang wala pa akong lakas at mukhang maihaharap sa kanya, but then i realize na tama siya, kailangan kong itama ang pagkakamali ko habang nandito pa ‘ko, habang may oras pa.
Kung ano man ang mangyari ngayong gabi sa pagitan naming dalawa, masakit man ‘yon o hindi, tatanggapin ko dahil alam kong ‘yon ang resulta ng pang-iiwan ko sa kanya noon. Sana lang ay kayanin ko.
“I miss you too, Ate.” Niyakap ko ‘to pabalik.
“Are you ready? Don’t be nervous, ok? Everything will be alright soon.” mahinang bulong nito sa tenga ko. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Kumalas na siya sa pagkakayakap pagkatapos.
Habang naglalakad kami maraming bisita akong nakikita. May mga naka-bussiness attire, siguro ay mga kasosyo sa negosyo ng tatay ni Gavin ang mga ‘yon. Meron din akong nakikita na kasing-edad lang namin ni Gavin, marahil ay mga kaibigan niya ‘yon.
Patungo kami mismo sa loob ng bahay dahil mas magandang magharap at magkausap kami ni Gavin ng tahimik lang ang paligid.
Kabadong-kabado ako, namamawis ang mga kamay ko, at ‘yung puso ko hindi ko na maintindihan, nagkabuhol-buhol na.
Pagkapasok namin sa loob ng mismong kabahayan nanibago ako. Ang daming nagbago sa ayos ng mga gamit dito noon. Kung titignan ang buong bahay, lalo itong gumanda. Nakakapanibago lang.
Marami na nga sigurong nagbago sa lahat, pero umaasa ako na sana sa...