Catch Me If You Can Chapter 2


πŸ’•Megan PoVπŸ’•
Kinaumagahan ay mag isa akong naglalakad sa mall nakadamit ako ng Simpling damit.
Habang naglalakad ako ay biglang may kumuha sa bag ko.
“Magnanakaw!” Sigaw ko ng malakas at hinabol ang magnanakaw nakatakong ako kaya d ako makatakbo ng maayos. . Pisting takong na ito.
Kita ko yung magnanakaw na inihagis nya ang bag ko sa isang matipunong lalaki?
Nakatayo lang yun at hawak ang bag ko kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.
Hinawakan ang kwelyo ng polo nya. Mukhang disente ang lalaking ito. Pinag aralan ko mona ang pagmumukha at itsura nya.
Bago ako nagsalita
“Wala kanang kawala ngayon saakin. Magnanakaw ka.” Sabi ko sa kanya.
“Miss I dont know what are you talking about?” Seryusong sabi ng lalaki
Aba! Englishero? Mayaman!
“Hoy Ikaw! Nagagawa mo pang mag magsalita ng hindi ko maintindihan. Mabubulok ka ngayon sa kulongan dahil kasabwat mo ang nagnakaw sa bag ko.”
Ang dami nang nkatingin saamin sa mall kailangan umarte pa ako lalo para mas magmukha akong biktima dito.
“Hinagis lang ito saakin.?”
” sinungaling! Ganyan naman talaga kayo nagpapanggap kayong mayaman para di kayo pagbintangan. Alam kung kakuntsaba mo ang magnanakaw na iyon. ” naiiyak kong sabi.
Inagaw ko sa kanya ang bag ko at hinalukat ang bag ko nawawala ang pitaka ko.
” Nawawala ang pikata ko. Ano na ang gagawin ko ngayon paano na ang tatay ko. . Hindi ko na sya mabibilhan ng gamot” naiiyak kong sabi at napa upo nalang akona para bang nawalan ako ng pag asa.
Rinig kong ung mga bulongan ng mga tao saamin. Kaya mas kailngan ko pang galingan sa pag iyak.
“Mahirap lang kami tapos nawala pa ang perang pinag hirapan kong ipunin. Bakit ganito ang buhay bakit npakalupit saamin ng tadhana. Hindi ko na maipapagamot ang tatay ko. ” umiyak ako ng umiyak
“Miss! Im sorry pero hindi ko talaga kilala ang nagnakaw ng pera mo.”
Sabi ng lalaking saakin at pinapataha ako sa kalagitnaan ng mga tao na nonood sa eksinang ito. . Alam kung OA na ako pero dito lang ako nbubuhay.
“Kawawa naman yung babai. . Mahirap na nga nanakawan pa. ” Malakas na sabi ng isang babai. Umiyak lang ako ng malakas
“Hoy! ” Lumapit yung babai sa lalaking nahagisan ng bag ko.
“Kung may kunsinsya ka bayaran mo yung pera nya kawawa naman.”
“What? I didn’t even stole her money” galit na sabi ng lalaki sa babaing nagsalita.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ng guard
Pagkarinig ko sa guard ay naglakas akong magsalita
“Eto po kasing lalaking ito kasabwat ata ng lalaking nagnakaw ng bag ko. Hawak pa nga nya bag ko kanina kaya malamang kasabwat sya.”
“What? Its a bullsh*t! Miss wag kang gumawa ng kwento.” Galit na sabi ng lalaki.
“Totoo naman na hawak mo kanina yung bag nya. ” Nagsalita ulit yung babai kanina
“Ang mabuti pa pag usapan nyo nalang yan sa police station para matapos ang usaping yan. ”
“Mabuti panga. . Miss tulongan nyo po akong sabihin sa mga police ang nakita nyo. ” Pagmamakaawa kong sabi sa babai
“Wag kang mag alala miss titistigo ako”
“Kung ganon sasamahan ko na kayo sa….” Hindi natuloy ang sinasabi ni mamang body guard ng magsalita ulit ang lalaki.
“No need. . Babayaran ko nalang ang nawalang pera ng babaing yan. ”
“O madali ka naman palang kausap. . O miss magkano ba ang laman ng pitaka mo?” Tanong ni Mamang police
“20k po mamang guard”
“What? Ang laki naman?” Galit ng lalaki
“Inipon ko diba? ” Sabi ko
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki bago nya kinuha sa bulsa nya ang wallet nya.
Wow mayanan talaga ang lalaking ito.
Kinuha nya ang ATM Card
“Just Follow me Miss.” Galit na sabi ng lalaki kaya sinundan kona.
Nasa ATm machine na kami may tinagawagan sya pero wala akong paki alam basta makuha kona ang Pera. Mayat maya naka wedro na sya.
“Hito na miss”
“Ano to bakit 5k lang to?” Pagririklamo ko.
“Miss hindi ako nagnakaw ng bag. . Pasalamat ka naawa pa ko sayo. Yan lang ang maitotolong ko sayo. Kaya sana Miss ingat ingatan mona ang pagdala ng bag mo.”
Umalis na ang lalaki. Pasalamat sya gwapo ka kunde erereport kita.
Tumawag ako sa mga kasama ko.
“O nasaan na kayo? Ahh ganon ba hintahin nyo ako diyan. ”
Nagpunta na ako sa lugar kung saan ang tagpuan namin ng mga kasama ko.
Kita kong naghihintay si Mamang Guard, yung babaing tumolong saakin at yung magnanakaw. . Iisang group kami.
“Hoy baluga! 2ok ba binigay ? ” Sabi ng babaing mas matanda pa saakin...


ng limang taon si Ate Isay.
“Tsk. 5k lang hindi pala mayaman” sabi ko
“Dapt pinapolice na natin yun para ibigay yung 20k. ” Sabi ni mamang Guard si Kuya Kardo.
” Idi sa susunod na raket natin ipapapolice na natin.” Ung magnanakaw si tiko kinakapated ko.
“Walang next time dahil sa kulongan ang bagsak nyong apat!” Lahat kami napalingon ng marinig namin ang busis sa likuran namin. . Yung lalaking target namin kanina anong ginagawa nya rito. Bakit may kasama na syang isa pang lalaki siguro sya yung tinawagan nya kanina. Sinondan kaya nila ako?
“Sibat na!” Sigaw ni kuya kardo at kanya kanya kaming takbo.
Tumakbo ako ng mabilis ako yung sinundan ng lalaking tinawag ng target namin.
Hindi ako tinantanan ng lalaking ito ang bilis nyang tumakbo. .ano na ang gagawin ko mukhang maabotan nya ako sa subrang bilis nyang tumakbo.
Runner ba ang tukmol na lalaking ito.
Wala na akong kawala pa dahil naabotan na nya ako pumunta pa nga sya sa harap ko para mapahinto ako sa pagtakbo kaya ayon bumangga ako sa matigas nyang dibdib. Nagtagal pa kami sa ganong setwasyon dahil pariho kaming hinihingal
bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ko at inilayo sa katawan nya.
“I catch you! ” hinihingal nyang sabi at sabay Ngiti saakin ng lalaking tukmol n ito.
Bigla kaming nagkatitigang nadalawa habang hinihingal. .
“Buti nahuli mo sya! ” Sabi ng target namin kanina. Pagkarinig sa busis na iyon ay nag ipon ako ng lakas para maitulak ng malakas ang lalaking nakahuli saakin. Pagkatulak ko tumakbo na ako ng mabilis buti natumba yung lalaki hindi nakahabol ung isa kasi tinulongan nya yung kasama nya kaya. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo sa wakas hindi na nila ako nasundan.
πŸ’šBrian POVπŸ’š
“Are you oket?” Sabi saakin ni Vincent ng makita akong itinulak ng babae na iyon. Napangiti nalang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng babai na ganon kabilis tumakbo..
Tinulongan na akong patayuin ni Vincent
“I’m sorry nasaktan ka tuloy.” Sabi ni Vincent
“Its okey, Ano pala ang nangyari bakit kailangan natin silang habulin?”
“Con artist kasi ang babaing yun
Nagpanggap sya na ninakawan. yun palang nagnakaw kakuntsaba nya pati yung babaing akala mo tumistigo at kasama din nila yung guard ang dami nang luko luko sa lugar na ito.”
“Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na mag police ka sa second degree mo. Pag naging police ka maipapakulong mona ang mga luko luko sa paligid tulad ng mga Con artist na yan, mapagsamantala sila sa mga taong mayayaman, tulad mo nabiktima ka ?”
“No! Hindi ako mag popolice. Sinabi ko sa Dad ko na im a gay. ”
“Eh ikaw pala ang luko luko eh. . Bakit sinabi mo yun sa Dad mo buti di kanya sinuntok”
“Nakatikim nanga ako ng suntok. bukas nga ipapadala na ako ni Dad. Temporary student lang ako sa training na iyon. Anong gagawin ko.?”
“Sabi mo bakla ka. Di landiin mo yung mga tao doon.”
“Ako naman ang kawawa paano kong mabugbog ako? Sagot mo ba ang kabaong ko?”
“Ano kaba pare hindi nila iyon gagawin. Anak ka ng Major pag ginawan nila iyon. Drop out na sila. Pero kung ayaw mo idi mabubulok ka doon. ”
“I’ll try. . Hindi naman ako marunong mag landi tulad ng mga bakla.”
“Mag research ka at pagralan mo galawan ng bakla para maniwala si Tito na bakla ka talaga.”
“Bahala na bukas. No choice na ako eh.”
Pagkatapos naming mag usap ni Vincent ay mag isa akong naglalakad.
Hindi mawala sa isip ko ang titigan naming dalawa ng babaing yun. Ano ba itong nangyayari saakin?
Pumunta na ako sa Blind date ko. Kalahating oras akong late buti may tiyaga ang ka-date ko ngayon. Gusto ni Mama na makipag blind date ako. Pero ni isa sa naka-date ko walang bumihag sa puso ko.
Kapag diko nagustuhan ang babaing ka blind date ko sinasabi ko na bakla ako para ma turn off ung kadate ko.
Pero mula ng ma incounter ko ung babaing hinabol ko parang gusto ko syang makita ulit. . Magkikita pa kaya kami?
Im Brian Rosalis 28 years old, Independence , may sariling bahay at kumakayod mag isa sa sariling paa.
At dito magsisimula ang kwento ng buhay ko.
Ang kwento ng buhay naming tatlo nina Vincent , megan at ako.
To be continue
Sana bumalik yung mga readers ko sa Run away Bride saan na kya sila. Hehehe. Hello po sa mga solid readers ko pasinsya na kung minsan bibihira akong makapag update pero sisikapin kong makapg update araw araw.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top