CROWN OF HEART


GENRE:🌹HISTORICAL FICTION🌹
🌹PROLOGO🌹
Sa kaharian ng Goryo ay mayroong isang prinsipe na kinatatakutan ng lahat, sya ay walang awa at malupit kung ituring kahit pa sa kabila noon ay wala pa talagang nakakakilala sa kanya.
“Kamahalan, ngayon po mag papaanod ng parol sa sa ilog at mayroon din pong pista sa bayan..hindi po ba kayo paparoon para matunghayan iyon? ” anang kanang kamay nito.
“kung mahuhuli ako ni Ama tyak na parurusahan nya ako at ibibilanggo na naman dito nang tatlong buwan. ” patungkol nya sa malawak na palasyong ibinigay sa kanya ng ama. “pero hindi ko maaaring palampasin ang pistang iyon kaya tumungo na tayo. ” anang prinsipe tsaka tinungo ang sikretong lagusan papunta sa bayan.
“kamahalan, ipapaalala ko lang po sana na hindi po tayo maaaring mag tagal.” nakayukong saad ng alalay nya.
Tumango ang prinsipe. Habang nasa likod niya ang parehong kamay ay pinagmasdan nya ang ganda ng paligidm punong-puno ng mga ilaw at banderitas ang buong paligid ngunit napako ang paningin nya sa taong nakasuot ng asul na salakot.
Nanliliit ang mata nya habang tinatanya kung babae o lalaki ba iyon.
“Kuchan. ” tawah nya sa lalaking alalay. “sabihin mo, ano ang katungkulan ng taong iyon. ” patungkol nya parin sa naka asul na salakot.
“isa po syang scholar sa Unibersidad nang Sungkwan kamahalan.” sagot nito.
“ano ang lugar na iyon? ”
“isa po iyong paaralan, kung saan malayang tinuturuang bumasa, sumulat at makipag laban ang mga nag aaral doon.”
Pakiramdam ng prinsipe ay nagbukas ang panibagong pinto para sa kanya nang marinig nya ang salitang ‘MALAYA’
“kung gayon, nais kong tumungo roon. ” nakangiting saad ng prinsipe.


/> “ngunit Kamahalan, hindi po kayo maaaring pumasok roon..marunong naman na po kayong sumulat at bumasa ano pa po ba ang nais nyo?”
“Nais kong matutong makipag digma. ” anito habang diretso padin sa pag lakad.
“kamahalan! ” nakikiusap ang boses ng alalay nya kasabay noon ang pagyuko nito sa lupa. “paslangin nyo po muna ko bago kayo tumungo roon. ”
Ngunit tinawanan lang sya ng prinsipe tsaka nag lakad muli hanggang sa mabangga nito ang taong naka asul.
Tinaasan nya ito ng kilay tsaka masungit na tinitigan.
“bakit ganian kang tumingin? Matuto kang humingi ng tawad sa pag kakamali mo. ” anang naka asul na salakot.
“sino ka para kausapin ang- – -” hindi naituloy ng alalay ang sasabihin nya ng senyasan sya ng prinsipe na huminto.
“mag bigay ka ng dahilan para humingi ako ng tawad. ” seryosong wika ng prinsipe.
“ang pag kakabunggo mo sakin ay sapat nang dahilan para humingi ka ng tawad. ” pangangatwiran nito.
” ang paghingi ko ng tawad ay kapantay na ng pagpugot sa ulo mo. ” kalmadong saad ng prinsipe.
“aba’t wala kang galang.. ” hindi makapaniwalang wika ng naka asul na salakot. Umikot sya tsaka nya itinaas ang paa nya paharap kasabay noon ang malakas na pagtama ng mga paa nya sa ilong ng prinsipe na dahilan ng pag dugo niyon.
“Lady Yong Shin…” tawag sa pangalan ng babaeng naka suot ng asul. “Hinahanap na po kayo ni Master Yong seo. ” anang alalay tsaka ito hinatak palayo sa prinsipe.
Samatala ang prinsipe ay hindi makagalaw dahil sa hindi makapaniwalang pangyayari.
“Kamahalan.. “maiyak-iyak na saad ng alalay nya nang makita kung paano umagos ang dugo sa ilong ng kamahalan.
” kuchan, Ngayon may dahilan na ko para pumasok don papatayin ko ang babaeng yon! ” nang gigigil na saad ng prinsipe.
# DELETE OR SUPPORT?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top