Her Greatest Downfall CHAPTER 5


“Donya Miyaka?” Tawag muli ng katulong kaya wala kong pagpipilian kung hindi ang paampatin ang luha ko at punasan ang mga ito. Nanghihinang tumayo ako.
“Sandali lang.” Sagot ko bago dumiretso sa banyo ko at naghilamos para kahit papaano mawala ang pamumula ng mata at ilong ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko doon ang katulong na hinihintay ako. Pinababa ko na ito at dumiretso ako sa master’s bedroom na nasa ikalawang palapag lang din. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang door knob na nasa harap.
This is it. Huminga muna ko ng malalim bago ko napagdesisyunan na pihitin na ang pinto. Una kong nakita si Greg na nasa may table at nakatutok sa ilang mga papeles. Tumingin ito sa akin bago tumalikod muli.
“Sa susunod dito ka na dumiretso hindi iyong kailangang ipatawag pa kita sa katulong.” Ani ni Greg habang nakatalikod pa din. Ako naman ay hindi alam ang gagawin kaya humiga na lamang ako sa napakalaking kama na kakasya yata ang isang pamilya sa laki nito. Nasa pinakadulo ako nahiga at patagilid din na nakahiga. Habang hinihila ko ang napakalaking blanket pataas sa katawan ko muling nagsalita si Greg.
“Pakisamahan mo si Adam habang nandito ang anak ko. Hindi din naman iyon magtatagal. Mauna ka ng matulog may tatapusin pa ko.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako na pinapatulog na ako ni Greg na ibig sabihin lamang lang ay ligtas ako ngayong gabi o ang katotohanang kailangan kong pakisamahan si Adam. Si Adam na hindi ko alam kung makakasundo ko ba o maghahatid lang din ng pasakit sa akin.
Pinilit kong matulog ngunit ayaw makisama ngayon ng antok ko siguro ay naninibago sa kama at kwarto ang katawan ko. Hindi ko alam paanong nangyaring napunta ako sa pag-alala sa nangyari kanina sa batis. Napakagwapo ng binata lihim kong pinagalitan ang sarili lalo ng maalala kung gaano katikas ang katawan nito. Ipinilig ko ang ulo para maalis sa utak ko ang larawan ng hubad na katawan ng lalaki.
Tandaan mo Miyaka Solenn kung papaano ka niya pinagsalitaan kaya tigilan mo na iyan pagsaway ko sa sarili. Muli ay nasaktan ako ng bumalik sa akin kung paanong binitiwan niya ang mga salita na para bang kilalang kilala niya na ko. Napaluha akong muli ngunit pinunasan ko agad bago pa ito marinig ni Greg. Hanggang pagtulog ay dala ko ang bigat at sama ng loob para sa mag-ama.
*****************
Nagising ako sa mahihinang katok sa may pinto. Humihikab na binuksan ko ito at bumungad sa akin si Elena.
“Donya Miyaka baka kako kayo ay nagugutom na. Tanghali na po—”
“A-Ano?! Tanghali na kamo?!” Gulat kong tanong. Tiningnan ko ang kama at wala na nga doon si Greg. Ito ang unang beses na tinanghali ako ng gising. Kasalanan ito ni Adam. Nakakahiya lalo na at nandito si Adam baka sabihin niya na mukha na nga kong pera tapos batugan pa. Nagmamadaling nagpaalam ako kay Elena na maliligo muna bago bumaba. Limang minuto lang yata ang ginugol ko sa pagligo. At bestidang bulaklakin na lang ang napili kong suotin para isang bihisan na lang. Nagpulbo, naglotion at nagsuklay ako ng mabilis. Nagpahid ng kaunting liptint para magkakulay naman ang mukha ko bago nagwisik ng pabango. Tiningnan ko muna ang repliksyon sa salamin at pakiramdam ko naman ay kaaya-aya na kong tingnan.
Nagmamadaling bumaba ako at dumiretso sa dining area. May nakahanda ng pagkain na sinigang na hipon at pritong tilapia may tahong pa nga. At nandoon na si Adam na nakaitim na sando at boxers lang na mukhang kagigising lang din.
“Finally. Akala ko bukas ka pa bababa. I’m hungry already.” Reklamo agad ni Adam na sumubo na agad pagkaupo ko.
“Sana nauna ka ng kumain.” Ani ko at sumandok na din ng kanin.
“That’s not possible. Siguro naman sinabihan ka na din ni Dad na pakisamahan ako like he said to me. But don’t expect too much I don’t like you.” Seryosong sabi ni Adam sabay tingin sa akin maging ako ay napatigil sa pagsandok at napalunok.
Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na. Tahimik kaming kumain wala kong balak kausapin siya. Lalo na’t sa...


kaniya mismo nanggaling na ayaw niya sa akin. Hindi ko na kailangan pang itanong ang dahilan dahil maliwag niyang ipinarating sa akin kagabi ang malaking disgusto niya sa akin.
“Mahilig ka pala sa tahong. Masarap ba iyong tahong?” Biglang tanong ni Adam na may ngisi sa labi. Hindi ko alam kung may ibang ibig sabihin ba siya doon ganoon pa man ay tumango na lang ako para walang away.
Ako na lang iiwas, ako na lang ang makikisama.
“Eh ako, hindi mo ba ko tatanungin kong mahilig at nasarapan ba ko sa tahong?” Nanlaki ang mata ko sa tanong na iyon ni Adam. Sigurado akong para na akong sinilaban ngayon sa sobrang pula ng mukha ko.
Humalakhak naman ang lalaki na ikinainis ko. Alam ko kasing iyong pamumula ng mukha ko ang pinagtatawanan niya.
“I’m just kidding. You look like a potato. Akala ko sasampalin mo ulit ako eh.” Nakatawang sabi ni Adam. Napahiyang napayuko naman ako. Naalala ko ang pagsampal ko sa lalaki dahil sa pangmamaliit nito sa akin. Buti at ngayon ko lang naalala ang pagsampal na iyon dahil kung naalala ko agad baka hindi na ako bumaba pa sa kahihiyan.
Pero bakit ako mahihiya. Deserve niya iyon hindi ba? Ginamit ang kabataan at katawan para sa pera iyon ang tingin niya sa akin. At kahit kailan wala pang nang-apak ng ganoon sa pagkatao ko. Taas noo akong tumunghay sa lalaking magpahanggang ngayon ay tumatawa pa din.
“Nakalimutan ko eh. Next time ipaalala mo para masampal na kita.” Nakangiting sabi ko na nagpatigil sa pagtawa sa lalaki. Ako naman ay uminom ng tubig bago umalis sa hapag.
Umalis na ako bago pa man kung anong masabi ko sa kaniya. Lumabas ako ng mansyon at naglakad-lakad. Mainit ang sikat ng araw ngunit hindi masakit sa balat. Napangiti ako nang makita ko kuwadra kung nasaan ang mga kabayo. May binigay na kabayo sa akin si Greg bago kami ikinasal. Isa itong puting Arabian horse na unang tingin ko pa lang ay napamahal na ako.
“Magandang tanghali Donya Miyaka.” Bati ng namamahala sa mga kabayo na si Mang Toning.
“Magandang tanghali din po. Dadalawin ko lang po si Mimon.” Tukoy ko sa kabayo ko. Mimon ang ipinangalan ko sa babaeng kabayo ko hinango ko iyon sa pangalan ko at ni Simon. Inihatid naman ako ni Mang Toning sa kulungan ni Mimon na abala sa pagkain ng dayami.
“Mimon!” Masaya kong pinuntahan si Mimon at hinawakan. Naalala ko noong binigay ito sa akin ni Greg halos dito na yata ako tumira kung hindi lang ako binantaan ni Greg na babawiin niya si Mimon sa akin.
“Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakapunta. Namiss kita sobra. Ang daming nangyari at ang dami kong ikukwento sa iyo Mimon. Ilalabas ko po si Mimon Mang Toning.” Ani ko.
“Sige po Donya Miyaka.”
Inilabas ko si Mimon akay sa kaniyang tali. Sobrang hyper na kabayo ni Mimon noong una ngang sumakay ako sa kaniya akala ko katapusan ko na. Buti na lang nahabol ako ng mga tauhan ni Greg kaya mula noon hindi ko na siya sinakyan pang muli. Hindi din naman kasi ako marunong mangabayo sadyang nasabik lang ako noong magkakabayo na ko. Hindi ko na inulit kasi baka hindi lang ako ang masaktan baka pati si Mimon. Itinali ko siya sa may puno ng siniggwelas kasi doon maraming damo na makakain siya habang ako naman ay nakaupo malapit kay Mimo at nagsimulang magkwentong muli.
“Alam mo ba Mimon may hudas sa mansyon. Naku kung hindi lang iyon anak ni Greg napitik ko na sa itlog iyon. Sumusobra na siya. Kabastos-bastos ba ko Mimon? Wala naman akong pinakita sa kaniyang masama. At ano pa ngang sabi niya kagabi. Ah iyon sabi niya mas magaling daw siya kay Greg. Napakabastos! Ganoon ba talaga kapag mayayaman. Ano ngang tawag sa ganoon? Ah pakboy. Tama pakboy siya. Pati tahong pinagiisipan ng kahalayan naku wag sana siyang mabusong. Akala ko siya ay prinsipeng napakakisig dahil iniligtas niya ko kahapon sa batis iyon pala ay hudas sa lahat. Nakaka— Ay itlog ni Adam!”
Napatigil at napasigaw ako sa pagkukwento ng may biglang tumalon pababa sa puno ng siniggwelas kung nasaan kami ni Mimon.
Si Adam…
To be continued…
Lagot ka Miyaka pipitikin pala sa itlog ha😂🤣






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top