“BULAG NA PAG- IBIG.”


Madalas naikukuwento ko kay Ana ang mga lugar na pinupuntahan ng aming grupo at yun mga taong natutulungan namin sa medical mission.
Sabi niya gusto niya sumama kahit isang beses lang para makalabas naman siya ng bahay at makapunta siya sa ibang lugar, kinulit niya ko ng kinulit kaya ipinagpaalam ko siya kay Nanay Carmen at Tatay Lito, ayaw pa nga nila pumayag kasi nag-aalala sila sa kalagayan ni Ana pero sa huli ng aming pag-uusap ay pumayag na rin sila, alam naman daw nila na di ko pababayaan si Ana.
Tuwang tuwa si Ana.
” Ramon, sorry kung kinukulit kita, alam ko masaya dun, gusto ko lang maranasan, maramdaman at kahit marinig man lang kung ano pa yun mga ginagawa ninyo sa medical mission, excited na ko…”wika ng masaya at nakangiting si Ana.
Alam ko gusto ni Ana na matuto at gusto niyang maranasan maging normal na tao, ipagkakait ko pa ba yun sa taong iniibig ko? lahat ay gagawin ko para mapasaya siya.
Ipinaalam ko sa grupo ang tungkol sa pagsama ni Ana sa susunod naming misyon ang pagbaba ng bundok pero ang iba ay di sumang- ayon.
” Ano ka ba naman Ramon, huwag mo na isama ang kaibigan mo, baka maging pabigat lang siya sa grupo.” pagtutol ni Alex na kasama ko sa medical mission.
” Mahirap ang daan doon baka mapagod siya at mahirapan.” wika naman ni Carlo.
” Sabi ko na nga ba, gusto mo talaga isama si Ana kasi nga mamimis mo siya, iba na talaga pag- inlove.” wika naman ni Rico na madalas kong nakakausap tungkol kay Ana.
“Bakit naman ganyan kayo? di ba dapat ang mga kagaya ni Ana ang tinutulungan natin para saan pa itong ginagawa natin pagtulong kung sa inyo ko mismo naririnig ang mga salitang yan, huwag kayo mag-alala ako bahala kay Ana.” Pagmamalasakit ko kay Ana.
” Sige, sabi mo ikaw ang bahala kay Ana, eh… di ikaw na nga.” wika ng nakasimangot na si Alex.
Sa medical mission at Outreach program na ginagawa namin ay may mga nakakasama kaming mga doktor tungkol sa iba’t ibang kalusugan, ngayon ay kasama namin si Dr. William Delos Reyes at tamang tama ang topic niya ngayon, dahil Doctor siya ng mga may karamdaman sa mata, tiyak maririnig ni Ana at ng iba pang mga tao ang paliwanag niya.
Nagsimula na si Dr. William na magpaliwanag habang si Ana ay kasama naming nakikinig…
” Kahit na mayroon kang normal na paningin, mayroon kang isang bulag na lugar sa iyong retina, karaniwan hindi nakakaapekto kung paano mo nakikita ang mundo dahil ang iyong utak ay pumupuno sa mga gaps.” Paliwanag ni Dr. William.
” Ah…ganoon pala iyon.” wika ng isang lalaking katabi namin na may kapansanan sa mata.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag...


si Dr. William.
” Ngunit ngayon natagpuan ng isang koponan ng mga mananaliksik na ang mga pagsasanay s mata ay maaaring mabawasan ang laki ng bulag na lugar na iyon na makakatulong sa mga taong bulag na mabawi ang ilan sa kanilang pangitain, Ang iyong retina ay ang layer ng mga cell sa likuran ng iyong eyeball na napaka sensitibo sa ilaw, ngunit walang mga cell na nakikita ng ilaw sa lugar kung saan kumokonekta ang mata sa utak sa mata, Nangangahulugan iyon doon sa medyo maliit na lugar na kung saan ang iyong mata ay maaaring hindi nakakakita ng anumang ilaw.” Paliwanag uli ni Dr. William.
Habang nagpapaliwanag si Dr. William ay panay ang tingin ko kay Ana, tinitingnan ko siya kung ok lang siya, mukha namang nag- eenjoy sa pakikinig si Ana.
Nagpatuloy muli si Dr. William sa pagpapaliwanag sa pagkakataong ito, sa karamihan ng tao na nakikinig sa kanya ay tumawag siya ng isang lalaki para mag-demo.
” Upang mahanap ang iyong bulag na lugar, maaaring kailangan mong umupo nang kaunti sa malayo kung mas malaki ang iyong screen.Tingnan ang imahe sa ibaba, isara ang iyong kaliwang mata, tingnan ang krus gamit ang iyong kanang mata hanggang sa wala na ang tuldok.” Wika ni Dr. William.
Muli akong tumingin kay Ana at Tinanong ko siya kung ok lang siya.
” Oo, ok lang ako Ramon, huwag ka mag- alala.” Nakangiting tugon sa akin ni Ana.
Hanggang nagpaliwanag muli si Dr. William.
” Para sa mga taong bulag dahil sa pinsala sa isang partikular na bahagi ng retina at pagkabulok nito isang kondisyon kung saan ang mga bahagi ng retina ay bumagsak na, ang mga pasyente na may kapansanan sa paningin dahil sa isang problema sa ibang bahagi ng mata tulad ng lens o mga daluyan ng dugo ay hindi dapat balewalain dahil kailangan natin ng Therapy treatment para matulungan natin sila.” Huling pagpapaliwanag ni Dr. William.
Tuwang tuwa ang mga taong naroon at masaya silang nakapakinig ng mga paliwanag ni Dr. William.
Maya maya pa ay nagpaalam muna ko saglit kay Ana para tulungan ang mga ka-grupo ko sa pagbibigay ng mga libreng gamot.
” Ana, dito ka lang wag kang aalis sa puwesto mo, babalikan kita, umupo ka lang diyan.” Paalam kong wika kay Ana.
” Oo, sige Ramon, dito lang ako, sige na tulungan mo na sila.” Nakangiting tugon ni Ana sa akin.
Mga ilang saglit pa, nagmamadali ako para balikan ko si Ana pero nawala siya sa puwesto niya.
Hinahanap ko siya doon, dito at kung nasaan na siya, malayo na ang nalakad ko sa kahahanap kay Ana napalayo na ko sa grupo ko pero hindi ko siya makita…
ABANGAN po ang susunod na kabanata… thanks po & Godbless…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top