TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 18


“Oh! Nandoon rin sila Travis, Candace?”
“Malandi talaga itong pinsan mo, ‘no, Betsy? Kita mo! May paakbay-akbay pa siyang nalalaman kay Aidan! Naku!”
“Sila na kaya! Hindi mo alam? Tinagurian ka pa namang chismosa, Bana.”
“Tse!”
“Oh my! Oh my! Look, Candace! May napadpad na taga ibang kurso.”
Nakatalikod ako sa kanila habang kasalukuyang tinitignan kung may kulang pa bang idalang pagkain. I called them, para may kasama akong magbuhat. Magpasundo na lang kami kila Liyk.
Hindi ko masundan ang mga sinasabi nila nang tawagin ako ni Bana. Humarap ako sa kanila. Naabutan kong pinalibutan nila si Bana sa gilid ng mesa. Nakakunot noo akong lumapit sa kanila.
“Ano ‘yon, Bana?” tanong ko ng tuluyan nang nakalapit.
“Ito, oh!” sabay harap sa akin ng cellphone niya.
I looked closely at her phone. It’s a group picture, though, may isang taong pinagkainteresan ng mata ko.
Si Angela, kahit may tanging suot na kulay puting t-shirt, halata pa rin ang kulay itim niyang underwear sa loob. Lantad ang mapuputi nitong hita. Hindi na ako nagtaka noong siya ang nanalong Ms. Santa Alicia. She have that beauty and brain.
Nabanggit nga ni Travis na may picnic rin sila ngayon no’ng hinatid ako kahapon dito sa bahay. Napag-usapan rin namin magkita na lang kami doon.
“Kaya ‘yan nandiyan kasi bestfriend noong pinsan ni Betsy.” Sabi ni Heya sa tabi ni Astepa sabay subo sa kapirasong cake sa platito.
“Guard your boyfriend, Candace. Maraming nanunuklaw diyan kahit alam ng nakatali!” makahulugang sabi ni Bana. At nag-aya ng umalis dahil kanina pa siya tinatawagan ni Liyk.
Tinignan ko ang cellphone ko.
Nabawasan ang kaba ko nung magtext si Travis.
Tarrik;
Saan ka na? Are you going to swim later?
Hindi ko na iyon nagawang reply’an dahil nagmamadali kami sa pag-alis, kanina pa kasi tumatawag sila Liyk na nauna na roon.
Nang makarating kami ay nagtype ako ng mensahe para kay Travis.
Ako;
I’m here.
Hindi ko kasi siya makita. Mas marami sila kaysa sa amin. Siguro dahil may taga ibang departamento silang kasama, at sa ibang school galing.
I took my phone out upang kuhanan ang sarili. Sa likod ko ay ang malinaw na tubig.
Tinignan ko iyon pagkatapos. Kalahati ng mukha ko ang kuha. Ang masakit na kagat ng sinag ng araw ay tumama sa mukha ko kaya mas lalong nadepina ang freckles sa mukha, ang mahabang buhok ay tinatangay ng ihip ng hangin. Sa kabuuan ng larawan kong iyon, kapansin-pansin ang magkaagapay na bundok sa likuran ko.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may dalawang brasong pumulupot sa baywang ko.
“Hey, baby.” sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap sa akin like he’s claiming his territory. Just like before, I’m perfectly fit into his arms.
Umikot ako paharap sa kanya dahil may gusto akong patunayan sa naamoy ko.
“Lasing ka na, sabi ko, kaunti lang.” Wika ko.
Umiling siya subalit iba ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata. Mapupungay itong nakatitig sa akin. Mamula-mula ang labi nito. Wala sa ayos ang buhok nito dahil sa ihip ng hangin.
“One bottle of beer? Nah, I don’t think so, Candace.”
“You have the face of being drunk, Trav.” Matigas kong sabi.
“Not that, baby,” Nakita ko ang pagbaba at pagtaas ng adam’s apple nito. He even licked his lower lip.
“Your smell makes me tipsy… you have that effects on me, baby.”
Pakiramdam ko pumunta lahat ang dugo ko sa’king mukha. Pasalamat ko nalang sa masakit na sinag ng araw dahil iisipin niyang pumula ang mukha ko dahil roon, not the other way around. Hindi pa rin pala talaga ako sanay sa mga bigla nalang lumalabas sa kanyang bibig.
Tumikhim ako’t mabilis inangat ang kaliwa niyang braso. Sumilip ako roon upang tignan kung saan galing ang namumuong ingay. Mula iyon sa cottage nila. At sa layo namin kita ko ang iilan sa grupo nila ang nakatingin sa’min.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga babaeng naroon. Wearing my maong shorts with crop top, malayo iyon sa suot nilang bikini. Ngumuso ako dahil malayong-malayo ang pangangatawan nila sa katawan ko.
I heard him chuckled at my sudden move.
“Balik na ako roon.” Paalam ko nang mahagip ng mata ko si Bana na kumakaway sa akin.
Tumango siya’t bumaba ang tingin sa suot ko. I saw how his eyebrow met. But, the amusement are still dancing in his pitch-dark eyes the whole time I’m in between into his arms.
Oh! Right!
“S-sige. Balik ka na rin doon.” Sabi ko at kumalas sa mga bisig niya.
“Text me if you want to swim later. Sasamahan kita.” aniya.
Tinanguan ko siya. At umalis din agad.
“Ano? Natawagan mo ba si Keith?” salubong sa akin ni Bana.
“Out of coverage, e.” Sagot ko, dahilan noong napalayo ako sa puwesto namin kanina. “But I sent her a message.”
“Baka naman busy. Kilala niyo naman iyon, hindi gaanong mahilig sa ganito.” Si Weiya.
“Si Hiron rin.” Si Astepa.
Nagkatinginan kami ni Bana. Alam kasi nila ni Keith iyong nangyari sa naging usapan namin ni Hiron.
Kung maingay kami mas lalo sa banda nila Travis. May iba pang dumating na kalalakihang hindi pamilyar ang mukha.
Nahanap ng mata ko si Travis. May hawak na bote ng beer habang nakikipagtawan kila Aidan. Umiwas agad ako ng tingin nang mapatingin siya sa gawi ko.
Ako;
Maliligo lang kami ni Bana.
Napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin na rin siya sa kanyang cellphone.
Travis:
Okay. Susunod ako.
“Tara na, Candace!” excited na anyaya ni Bana, pagkatapos kong palitan ng spaghetti strap ang kaninang suot pantaas. Nauna...


ng lumusong roon sila Betsy pagkatapos kumain.
Bumaba kami ni Bana sa malaking bato para tuluyang makababa sa tubig.
“May napapansin ka ba lately kay Keith, Candace?” puno ng pag-alala sa boses ni Bana.
“Wala naman.” bukod sa bigla siyang nagpakita noon ay wala na akong ibang napansin sa mga kinikilos niya. Hindi rin naman kasi palasalita ang isang ‘yon.
“Bakit?” tanong ko habang pinaglalaruan ko ang pinong buhangin sa ilalim ng tubig sa aking paa.
“Wala. Natanong ko lang.” sabi niya’t umiwas ng tingin.
“Hoy! Dito kayo!” Sigaw nila Astepa.
“ ‘Di kaya ng height ko ang lalim diyan!” balik sigaw rin ni Bana.
Dahil hindi rin ako marunong lumangoy, nanatili kami ni Bana sa gilid lamang. Hanggang sa baywang ko lang iyon.
Wala pang ilang minuto sa tubig ay nabaling ang atensyon namin ni Bana sa tawanang papalapit. ‘Yong tatlong lalaking kadarating lang sa kabilang cottage.
Tumaas ang isang kilay ko nang lumapit sila sa kinaroroonan namin ni Bana. Sa puwesto talaga namin ni Bana ang sadya nila, dahil kung hindi, puwede namang sa itaas o sa baba sa parte ng ilog sila dumaan ng walang inaabalang tao.
“Ahm. Hi, miss.” Bati noong lalaki, sa tingin ko’y para sa akin dahil sa akin siya nakatingin. Iniwas ko ang kamay ko sa kanya nang pilit niya iyong abutin.
‘Yong dalawang kasama niya kay Bana nakipag-usap. Pinagmasdan ko silang tatlo. Bukod sa mas may dating ang kaharap ko sa kanilang tatlo ay siya rin ang may maangas na ngisi sa labi.
I rolled my eyes. “Tara na, Bana.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Bana, alam ko namang susunod siya.
Nagsimula na akong maglakad paalis pero nahigit ako noong lalaki sa braso. Napasinghap ako dahil halos mawalan ako ng balanse.
“Inisnab ka, pare. Wow! New record!” sabi noong mas payat sa kanila. Nakipagtawanan pa sa may kaliitan sa kanilang tatlo.
“Ganyan nga, magtaray ka! Ganyan mga gusto ko sa babae. Mga kagaya mong pa-hard to get. Ganda mo!” sabay hawak pa sa baba ko at kindat sa’kin.
Iniwas ko iyon at pilit hinahatak ang kamay sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa takot. Takot na baka ano ang kaya niyang gawin sa’kin.
“Bitiwan mo ako!” nang sa wakas nahanap ko ang lakas ng loob para magsalita pero natabunan ang sigaw kong iyon sa sigaw ni Bana. Kung nasa ibang sitwasyon siguro ako baka magawa ko pang tawanan ang lakas ng boses ni Bana.
“Travis! Si Candace!” si Bana, nakatayo sa malaking bato, nag-echo ang sigaw niyang iyon.
Wala pang ilang segundo nakita ko si Travis na madilim ang tingin sa lalaking nakahawak sa akin. Walang pag-aalinlangan dumadausdos sa lupa pababa sa malaking bato.
Lumuwag ang pagkakahawak noong lalaki sa’kin, at takot na umatras.
But with his long arms naabot niya ‘yong lalaki. He held him at his collar. I screamed when I saw how he strongly punched the guy’s face. Nang paulit-ulit.
“Travis! Tama na!” sigaw ko para awatin siya. Baka ano pa ang magawa niya sa lalaking duguan na ang mukha.
Marami siyang pinakawalang mura para sa lalaki. I tried to hold on to his shirt pero hindi ko kayang pantayan ang lakas niya sa pagsuntok niya roon sa lalaki. Kada hawak ko’y nabibitiwan din agad.
Natigil lang iyon ng umawat na sila Aidan at Kaxton.
“That’s what you got by touching his girl, man.” Madiing bulong ni Aidan sa lalaking tinutulungan makatayo.
Nakatayo lang ako roon, hindi magawang kumilos dahil sa nangyari. Tila hinahabol ko pa ang sariling hininga dahil sa kabang nararamdaman.
Malakas iwinaksi ni Travis ang mga kamay na nakahawak sa kanya, at mabilis bumaling sa akin.
Banayad niyang inabot ang kamay ko. “I’ll take you home now, Candace.”
Wala sa sariling nagpatangay ako sa kanya.
Binuksan niya ang back seat ng kanyang sasakyan, at may kinuha sa loob. He gently wrapped the white towel around my body. Nanatili ang kamay niya sa dulo ng tuwalyang nakayapos sa katawan ko. Then, he slowly pulled me to him para mayakap ako ng mahigpit.
“Did he hurt you?” he hoarsely whispered.
Umiling ako nang walang lumabas sa aking bibig.
“I’m sorry. I shouldn’t let you go that easy.” aniya.
“Iuwi mo na ako, Trav.”
Kanina pa ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko naghihintay sa tawag ni Travis. Mag-a-alas nuebe na ng gabi, kahit manlang sana text.
Maraming dumating na mensahe galing sa ka-klase. Hindi ko na iyon binuksan lahat dahil panigurado tungkol sa nangyari kanina ang itatanong.
Pagkatapos akong ihatid ay bumalik din agad doon si Travis.
Dapat nandoon rin ako… Paano ‘pag aakusahan siya noong lalaki? Kahit ‘yong lalaki naman talaga ang may sala. I’m the victim here. I should be there. Sino ang magtatanggol sa kanya kundi akong biktima.
The police need my statement. Damn it!
W-wait! Bakit napunta sa pulis ang isip kong iyon? Sa condition noong lalaki, napuruhan talaga sa suntok ang mukha. At walang dumapo ni kahit isang suntok sa mukha ni Travis.
Dahil roon babaliktad ang buong kwento. Dahil lang sa mas naagrabyado ang mukha noong lalaki. Dahil hindi lahat ng naroon alam ang buong nangyari. It’s between me, Bana, and that three boys.
I should be there! Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Travis sa contacts ko. Bago ko pa siya matawagan ay naunahan na niya ako.
“Are you okay? What happened?” Magkasunod kong tanong.
“Nothing happened, Candace.” Rinig ko ang pag-buntong hininga niya sa kabilang linya. “Matulog ka na. We talked tomorrow. Okay? I love you.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top