BULAG NA PAG-IBIG KABANATA 5


Minsan ng nasaktan si Ana kaya di ko hahayaan na masaktan siyang muli…
Matapos ang misyon namin sa bundok, kinausap ko sila Nanay Carmen at Tatay Lito, ipinagpaalam ko sa kanila na liligawan ko si Ana pero ito ang sagot na narinig ko mula sa kanila.
” May pinag-aralan kang tao at Normal ka, matitiis mo ba na pagsilbihan at alagaan ang anak ko? Makakaya mo ba ang panghuhusga ng ibang tao sa kanya? Bulag si Ana at hindi magtutugma at magiging normal ang pagsasama ninyo Ramon.”
Mga salitang binigkas sa akin ni Nanay Carmen, bagay na gusto kong patunayan sa kanila na narito ako para alagaan at mahalin si Ana.
Hindi ako tumigil ng panliligaw kay Ana hanggang sa naging magkasintahan kami dito ko na naranasan at narinig ang pang huhusga ng tao sa kanya.
Bulgar ako kung magmahal kapag lumalabas at namamasyal kami ni Ana, inaakbayan ko siya, nilalambing, ganun ko siya kamahal, kahit maraming mga tao ang nakakakita sa amin.
” Ano ba yan, anong nakita ng lalaking yan sa babaeng bulag na yan, tingnan nyo sweet na sweet pa sila…hehehe.” pagpuna ng isang babaeng dumaan sa harapan namin at nakapansin sa pagiging sweet ko kay Ana.
” Ramon, huwag mo ko akbayan, nakakahiya, narinig mo ba yun sinabi ng isang babae?” Naiilang na si Ana.
” Hayaan mo sila, ang mahalaga, mahal kita at nagmamahalan tayong dalawa.” Sagot ko sa kanya.
Madalas, naikukuwento sa akin ni Ana na napapanaginipan niya ang isang lalaking nakadamit ng puti, mahaba ang damit, nakakasilaw ito at nakapalibot rito ang mga taong may iba’t ibang karamdaman at masayang masaya ang mga ito sa piling ng lalaking nakadamit ng puti, hinawakan daw nito ang kanyang mukha at sinabing ” maniwala ka at magtiwala.., ikaw ay gagaling.”
Biglang tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ko ang kuwentong iyon kay Ana.
Batid ko na nagpakita ang DIYOS kay Ana sa panaginip at may nais itong iparating sa kanya.
Kasama rin sa panaginip ni Ana na tila may itinuturo ang lalaking nakasuot ng puti sa kanya mula sa kalayuan hanggang may lumabas raw sa kalayuan na iyon,
ang isang lalaki na singkit ang mata, maputi, katamtaman lang ang laki nito at sinabi raw ng lalaking nakasuot ng puti na” sumama ka na sa kanya,...


iniintay ka na niya.”
Ako yun, ako yun nakita niya at itinuturo sa kanya ng lalaking nakasuot ng puti.
Parang sinasabi sa akin ng DIYOS na alagaan ko si Ana, patunayan at ipaglaban ang pagmamahal ko kay Ana.
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa, pinakasalan ko si Ana.
Malugod naman siyang tinanggap ng pamilya ko, naging mabuti sila kay Ana.
Noong bata pa si Ana, hindi na siya napacheck up ng mga Magulang niya dahil sa hirap ng buhay nila.
Note: If your child’s eyes look crossed or misaligned, the problem could be strabismus
(misaligned eyes) or amblyopia (lazy eye).Early help or intervention is always preferred for better recovery, Therapy helps with correction in this case, we are sharing here with you” Therapy treatment.”
Kaya bilang nurse inalagaan kong mabuti si Ana at bilang kabiyak niya, humingi ako ng tulong sa mga nakakasama naming kakilalang Doctor na espesyalista sa pagtingin sa mata, dumaan si Ana sa tinatawag na ” Therapy treatment”
Matapos nito ay unti unting nakarecover si Ana at sa mataimtim na pagtitiwala sa Diyos ay tuluyan ng nakakita si Ana.
” Ang singkit pala ng mga mata mo Ramon, ikaw pala yun lalaking nasa panaginip ko na itinuturo sa akin ng lalaking nakasuot ng puti.”nangingiting wika ni Ana sa akin.
” Oo, ako nga yun, ako yun ibinigay sa iyo ng Diyos para maalagaan ka at makita mo ang magandang mundo na ginawa niya para sa atin.” paliwanag ko naman kay Ana.
” Ngayon ko lang nakita ang sarili ko.” wika ni Ana na nakaharap sa salamin na may ngiti sa mga labi niya.
” Sa wakas nakita mo na rin ang sarili mo at para sa akin napakaganda mo hindi lang pisikal kundi pati kalooban mo, mahal na mahal kita Ana.”banggit ko sa kanya.
” Salamat Ramon sa lahat ng kabutihan na ginawa mo sa akin, sa lahat ng pagtitiyaga at pagmamahal mo sa akin, mahal na mahal kita Ramon.” pasasalamat ni Ana sa akin na may matamis na halik at masarap na yakap.
😇WAKAS😇
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Marami pong salamat sa mga nakabasa po ng kuwento nila Ramon at Ana simula po KABANATA 1 hanggang KABANATA 5, nawa po sa maikling kuwento ng BULAG na PAG- IBIG ay may mga aral kayong natutunan… Godbless po sa atin lahat.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top