Cassandra (the innocent) Chapter 24


Sa ilang araw na paghahanap ng chang ni Cassandra ay napag-alaman nito na sa isang sikat na Bar ito nagtratarabaho.
“sigurado ba kayo..!!!!na dun sya nagtra-trabaho!!!bulyaw nito sa mga tauhang napag-utusan nya.
“Yes M’am nakasisigurado po kami dahil nakita namin pumasok sya sa Bar na yun …saad ng mga tauhan nya..
“Sige ….!!!!bantayan nyo ang babaeng yun …!!!!kahit saan man sya magpunta…at gumawa kayo ng paraan para makuha nyo si cassandra…dahil kung hindi ….
hindi ko kayo babayaran ng buo…naintindihan nyo!!!!!
“Ok po M’am belinda masusunod….tugon ng mga ito.
“Cassandra….habang kinakatok ni andrea ang pintuan ng silid nito…
“Ano bang nangyari sa kanya?.wala ba syang pasok…cassandra patuloy na malalakas na katok nito..
pero akmang bubuksan nya ang pinto ay may isang pirasong papel sya nakita mula sa tapat nito na nakasipit sa gilid ng pintuan .
“Andrea…”Ethan..
Una sa lahat salamat sa sakripisyo at tulong naibinibigay nyo sa akin,Pasensya na kung biglaan ang pag-alis ko ng wala man lang paalam…Alam kong hindi nyo ko papayagan …pero desisyon ko itong sumama kay Gabriel…at alam ko Sa huli mauunawaan nyo din ako kung Bakit..
Nagmamahal; Cassandra
Matapos mabasa ni andrea ang sulat ng kanyang kaibigan ay dali-dali nya itong tinawagan pero unattended na ito at hindi na nya makontak pa.
hay naku naman…kasabay ng paghawak nito sa sintido nya… “Cassandra….Ano bang naisip mo at sumama ka sa kanya…? bulong nya sa kanyang isipan.
Dinala sya ni Gabriel sa isang probinsya na kung saan mas malayo sa lahat…walang koneksyon sa kahit sino man ang tanging dala lang nya ay ilang pirasong damit na sinusuot nya at sarili nya.
Nanay betrin….hiyaw ni cassandra sa di kalayuan…habang tinatahak nya ang tabing dagat ng dalampasigan…halos sariwang hangin..at mapuputing buhangin ang bubungad sayo kung dito mo nais magpunta…sa gitna ng lugar na yun ay isang simple bahay ang iyong makikita…napapaligiran din ito ng mga matatayog na puno,
“Oh señorita …dahan-dahan…sa pagtakbo..tugon ng matanda sa kanya.
Nanay betrin akala ko po kasi mag-isa lang ako dito..pero buti nalang dumating po kayo..kasabay ng pagngiti ng maganda sa kanyang mukha.
“Naku naman señorita..papayag ba ako na nagiisa ka dito.
“Oh sya halikana sa loob..at ipagluluto kita ng masarap na pananghalian…
Salamt po..Nanay betrin..
Señorita …tawag nito sa kanya…
Ano po yun..? Nanay betrin..
Tandaan mo..kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Gabriel ay masaya ako para sa inyo.At gusto ko masaya ka señorita..
“kayo ni señorito…
kasabay nun ang pagngiti ni cassandra…na may halong kalungkutan sa puso nya…
“Syempre naman po..mahal ako ni Gabriel..ngiti ni cassandra na may pagAalinlangan…
Mas pinili kong sumama sa kanya..at magtrabaho bilang asawa nya kaysa naman …makita ako ni chang at ibigay nya ako duon.
Masakit para sa akin ang mga sinabi nya ng mga gabing iyon...


pero tinanggap ko nalang…kaysa naman mapunta ako sa kamay ng mga taong humahanap sa akin.
Previous;
Asawa…anong ibig mong sabihin Gabriel ? takang tanong nya habang nakatitig sya sa mga mata nito.
“Hindi mo ba ako narinig…tugon nito…
habang nakangiti ito , at hawak ang magkabila pisngi ni cassandra
Cassandra….hindi kana sa pagmamay-ari ng Bar kong ito magtratrabaho,kung hindi sa akin bilang asawa mo..
“Siguro naman hindi mo magugustuhan kung ibigay nalang kita ng ganun-ganun nalang sa tiyahin mo hindi ba…
“At Alam kong hinahanap ka nila…sambit ni Gabriel sa kanya..
Gabriel…pakiusap…ayoko kong matunton nila ako kung na saan man ako…
isa lang naman ang kasunduan natin cassandra…ang manatili ka at magpanggap bilang asawa ko.
At higit sa lahat wag kang maghaha-ngad na mamahalin kita oh magugustuhan man kita ng higit sa ating pinagkasunduan….
Oh…señorita….naipaghanda na kita ng pananghalian mo halika na at ng makakain na tayo.
“siguradong magugustuhan mo ang niluto ko….sambit ng matanda sa kanya….
sa ilang araw na pamamalagi ni cassandra sa probinsya ay nakasanayan na nya araw-araw ang gumising ng maaga upang lumanghap ng sariwang hangin sa dalampasigan.
halos si nanay betrin na lamang at ibang katiwala ang kanyang nakakasama at kasabay din nun ang ilang araw na hindi pagbisita ni Gabriel sa kanya.
Nanay betrin…tawag nya dito habang paakyat na sya ng hagdan…
si Ga… Gabriel….po..mautal – utal na banggit nya…
Magsasalita na sana ang matanda ng …..marinig nya ang baritonong boses nito.
“Why do you miss me?…tugon ni Gabriel
at sa sandaling yun pagka-gulat ang nangibabaw kay cassandra…
“Ah hindi naman…ilang araw ka kasi wala..kaya naman natanong ko lang…at kadunod nun ang pagbaling nito sa matanda
“sige po matutulog na ako…nanay betrin..tugon nya dito..kahit kaba ang kanyang nararamdaman habang nakatitig ito…sa kanyang kasuotan…suot kasi nya ang mahabang long blouse at tinernuhan ng maikli nitong short kaya naman kita ang hubog ng kanyang katawan at hita nito.
“hindi ka maaaring matulog cassandra…hangang hindi mo pa nagagawa ang obligasyon mo bilang asawa..
Ano..Gabriel….? sambit nito
“kailangan mo akong pagsilbihan…cassandra…
at hindi ka matutulog hanggat hindi ko sinasabi…
Gabriel….kung ano man yan naiisip mo…ayoko!!!
kasabay ng pagtakbo nito sa kanyang silid…
‘Oh sya señorito…maiwan ko na po kayo…saad ng matanda habang ngiti ang lumabas sa mga labi nito.
Cassandra….habang tinutungo ni Gabriel ang silid nito..
“kapag hindi mo binuksan ang pintong ito,hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo..
“pwede ba Gabriel…!!! habang sa isip ni cassandra iba ang tumatakbo sa isip nya…
“isa….sigaw ni gabriel…dalawa….isa pang malakas na sigaw nito…pero akmang bibilang sya uli ng buksan ng babae ang pinto ng silid nito.
“please…Gabriel kung ano man yun…hindi pa ko handa…mangiyak ngiyak…nito habang binibigkas nya ang mga salitang nagmumula sa mga labi nya…
“Ngiti….mula sa mga bibig ni Gabriel ang sumilay kay cassandra…
Ano bang sinasabi mo…?magpapahanda lang naman ako sayo ng dinner…nagugutom na kasi ako…
“hwag ka mag-assume ng isang bagay na hindi mangyayari…cassandra…
kasunod ng pagtalikod nito sa kanya…
🍂thank you readers and admin🍂
sorry if now lang ako nakapagupdate
naging busy lang…enjoy reading…🍁🍀☘️🌿






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top