CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 24


– Lorraine-
Nanghihina ang mga paa ko habang naglalakad papasok sa bahay . Pakiramdam ko ang sakit-sakit nanaman sa dibdib. Ginabi na pala ako ng uwi dahil sa nangyare . Inaliw ko ang sarili ko sa labas kanina para lang makalimot. Namasyal ako, kumain ng marami at uminom din ako ng alak. Hindi parin ako nalasing at naaalala ko naman ngayon. Ito talaga ang ayaw ko sa sarili ko. Matagal mawala ang sakit na nararamdaman ko. Natutulog na silang lahat kaya hindi na nila ako nahintay. Ang alam siguro nila nasa bahay ako ni Alex. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at sumandal dito pagkatapos .
Flashback
” Gusto kong mahanap ulit ang gumahasa at pumatay sa mga magulang ko! Hindi ko sila mapapatawad! Maghihiganti ako sa kanila! Kung kinakailangan ubusin ko ang pera ng mga magulang ko mabigyan lang kami ng hustisya gagawin ko ! ” Isang buwan palang kaming kasal noon ni Mark nang hindi parin ako tumigil sa paghahanap para sa hustisyang gustong-gusto ko makuha. At makalipas lang ang limang buwan nagtagumpay na ako pero nang malaman ko ang mga dahilan at kung sino-sino ang mga sangkot sa nangyare ay nagimbal ako. Bakit kasama ang mga magulang ni Mark? at walang alam si Mark sa kalokohang ginagawa ng parents nya. Myembro ng sindikato ang mga magulang nya at gusto ng lider nila na kidnapin ako kapalit ng pera na hihingin nila sa magulang ko. Nagmula sa mga mayayamang angkan ang pamilya ko kaya hindi nako magtataka kung bakit nila kami pinag interesan. My mother is a Queen of De Villa family at kilalang napakayaman. Sikat din naman na businessman ang father ko na si Lee Min Madrigal at ako ang nag-iisang prinsesa nila. Ang mga magulang ni Mark ang nag utos na patayin kami dahil kung hindi nila gagawin yon, sila ang papatayin ng lider nila.
Dahil mahal ko ang asawa ko, lahat kaya kong isakripisyo . Handa akong kalimutan ang lahat maging masaya lang ang asawa ko . Iniwan ko ang buhay na meron ako para sa kanya . Binalik nya ako sa tamang pag-iisip kaya kahit ang kaaway ko ay tinuring ko rin na pamilya kahit na ayaw nila sakin. Pero dahil mahal sila ng asawa ko kinaya ko. Pamilya nya ang may atraso sakin at nahihirapan akong pakisamahan sila pero tiniis ko. Kinaya ko sa loob ng ilang taon dahil yon ang gusto ni Mark . Gusto nyang mapalapit ako sa family nya . Isang beses lang ako bumigay dahil sobra-sobra na sila. Kahit na ang ate nya hindi rin maganda ang pakikitungo sakin kahit na hindi ko sya inaaway. Nagpakabuti ako pero talagang pinipilit nila akong labanan ko sila ..
” Ano Lorraine? Wag mong sabihing buntis ka kaya hindi kita papatulan? Sayang-saya ka ano? Kasi tuwang-tuwa si Mark dahil magkaka anak na kayo! Kung hindi ka nabuntis tingin mo ba tatagal kayo? Mamahalin ka parin nya hanggang ngayon?”
” Ate mitch please? Ayoko po ng gulo. Hayaan nyo na ako. Mahal ako ng kapatid mo at mahal ko rin sya. ”
” Wag mo nga akong maate-ate dyan! Ayoko sayo obvious naman siguro ano? Hindi tayo close! Ayaw din sayo ng mama ko! ”
” Okay lang.. ang mahalaga nagkakaintindihan kami ng asawa ko. Balang araw matatanggap nyo rin ako ”
” Never! ” Masyado akong nahihirapan kumilos noon dahil sa laki ng tiyan ko kaya sinamantala yon ng kapatid ni Mark. Kinuskusan nya ng floor wax ang sahig na dadaanan ko kaya siguradong madudulas ako. Naiyak ako sa kabang naramdaman ko at kahit nagmakaawa ako hindi nya ako pinakinggan
” Ate please! Mapapahamak yung pamangkin mo! ” Tinaasan nya lang ako ng kilay habang wala akong tigil sa pag iyak dahil wala akong magawa
Nainsulto ako sa ginawa nya kaya sinikap kong abutin sya at sabunutan dahil sa inis ko. Napakasama nya sakin. Idadamay nya pa yung anak ko sa galit nya sakin. Nagkamali ako ng apak dahil gumanti rin sya sakin at napaupo ako sa sahig. Binaliktad nya ako ng dumating si Mark. Sinabi nyang ako yung nakipag away at hindi inisip na buntis ako. Ayokong mag away silang magkapatid dahil sakin kaya tiniis ko ang sakit at simula nun, palagi nakong nilalabasan ng konting patak na dugo. Hindi ko inaasahang mapapangalwahan pa ang away naming dalawa. Para syang hayop na gustong pumatay ng kapwa hayop din. Ayoko na sana ulit syang patulan pero sobra na akong nasasaktan sa ginagawa nya
” Simula ngayon hindi na kita gagalangin! Inaabuso nyo yung kabaitang pinapakita ko sa inyo! Ginagawa ko lahat at lalong tiniis ko lahat ! Malaki atraso nyo sakin kaya wag nyo akong gaganyanin! ” Nanlaki ang mata nya nang hawakan ko sya ng mahigpit sa braso nya .
” HAHAHAHA alam mo na pala? Oo nga pala nagpa imbestiga ka! Nagtataka kaba kung bakit alam ko? Matalino kasi ako! Ano magsusumbong kana ngayon kay Mark para may kakampi ka? ”
” Wag kang mag-alala, para kay Mark. Alang-alang nalang sa kanya mananahimik nalang ako. Pasalamat kayo naging asawa ko ang kapatid mo dahil kung hindi wala akong ititira sa inyo! ”
” Wag kang matakot. Gusto mo bang mamatay si Mark dahil papatayin din sya ng lider ng sindikato dahil lang ipaghihiganti nya ang mahal nyang asawa? HAHAHA ”
” Wala talaga kayong puso! Nagmana ka sa mga magulang mong walang konsensya! Makasarili kayo! Dapat sa inyo sa impyerno! ”
” Well magkita-kita nalang tayo don! ” Tinulak nya ulit ako at nangyare na nga ang kinatakutan ko.
Sobrang tagal na nun pero nasa puso ko parin ang sakit. Sarili ko parin ang sinisisi ko sa pagkamatay ng anak ko. Dahil pinaglaban ko sya nawala ang anak ko pero sa huli, hindi nya pala kayang gawin sakin ang mga ginawa...


ko para sa kanya . Iniwan nya nalang ako na parang basura at tinanggalan ng karapatan na maging ina. Pinagpalit ng ganon kadali sa iba pagkatapos ngayon, nang dahil lang sa sorry mapapawi na lahat ng sakit? Mabubura na ang nakaraan ko? Makakalimutan ko ng naging baliw ako dahil sa kanya? Sya at ang pamilya nya ang sumira ng buhay ko.
Tahimik akong umiiyak at nilalabas lahat ng sama ng loob ko sa mga luha ko.
” L-Lorraine? Umiiyak ka ba? Nag away ba kayo ni Alex?” Agad akong nagpunas ng luha ng lumapit sakin si Lara
” H-Hindi! Bakit gising kapa? Akala ko mga tulog na kayo? Wala kasi akong nakita ni isa sa inyo pagdating ko. ”
” May problema ka ano? Wag na mahiya. Ikwento mo na sakin. Kaibigan mo ko diba?”
Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. Niyakap ako ni Lara para icomfort.
” S-si Mark.. alam nya na ang past ko. Alam nya na ang mga nangyare saken. Hindi na ako nakatanggi pa meron na syang ebidensya e. ”
” Shhh.. it’s okay .. Normal lang na malaman nya yon dahil hindi mo naman habambuhay malilihim yon Lorraine. Ang tungkol kay Reyden alam nya na ba? ” Umiling ako bilang sagot sa tanong nya
“Lorraine! Lorraine alam kong dyan kapa! Lumabas ka muna dyan! Mag usap tayo!”
” S-Si Mark Lara ”
” Nasundan ka nya? Walang hiya talaga ang lalaking yan oh! Ako na kakausap wag ka ng lumabas ” kinakabahan ako dahil baka magising si Reyden
” Oh ikaw pala Mark! Anong sinisigaw mo sa labas ng bahay ko? Sinong hinahanap mo?” Nakikinig lang ako sa usapan nila.
” Si Lorraine ang kailangan ko. Gusto ko sya makausap!”
” Wow! Ilang taon na ba kayong hiwalay? Pasensya kana ha kung nakikisali ako sa inyo pero gusto ko lang sabihin na ang kapal ng mukha mo! Ramdam mo ba yon? ”
” Hindi mo alam ang problema namin kaya manahimik ka! Doktor kalang nya!”
” Ayon! For your information alam ko lahat . Ikaw anong alam mo? Ang nalaman ko ngayon mo palang nalaman kaya wag mo akong pagmalakihan! Gusto mo ulitin ko ngayon yung sampal ko sayo? ” Gustong-gusto ko ng awatin si Lara at Mark pero parang ayaw ko na magpakita sa kanya
” Hindi ako pumapatol sa babae! Kaya pakiusap hayaan mo kami. Away mag asawa to! ”
” Hahahaha natatawa ako sayo. Alam mo kung bakit? Nakikita ko kasi sayo ngayon na magiging pasyente din kita soon. Pumatol ka! Pumatol ka nga don sa kabet mo . Ganda nya diba? Mas maganda kay Lorraine wala pa nga isang taon paghihiwalay nyo inanakan mo na! Ako naman kaya patulan mo ngayon? Ano try lang ! Tingnan natin kung makilala mo pa sarili mo pagkatapos! Hahaha” alam kong nagagalit na si Lara kaya dinadaan nya nalang sa tawa ang inis nya.
” Hindi ako nakikipaglokohan sayo Doc Lara. Ayaw kitang bastusin so please. Ilabas mo na si Lorraine! ”
.
” Hindi din naman ako nakikipaglokohan sayo Mark. Balita ko matalino ka naman bakit hindi pumapasok sa isip mo na kung talagang gusto ka nyang makita at makausap lumabas na sya . ” Mas mabuti na ang umiwas palagi para malayo sa gulo. Kahit sinaktan nya ako kapakanan nya parin ang iisipin ko dahil sya parin ang ama ng anak ko.
– MARK-
Talagang wala pang balak si Lorraine na kausapin ako. Tinatago rin sya ng doktorang ito. Alam kong nabigla sya at nabigla din naman ako. Gusto ko lang naman maliwanagan. Gusto kong malaman kung bakit ayaw nyang ituloy yong kaso. Naiinis nako sa babaeng to pero ayoko pumatol sa babae kaya bumalik nalang ako sa sasakyan ko.
” Pagmasdan mokong mabuti! Tingnan mo kung pano ako umiyak dahil nasasaktan ako! Diba ito naman ang gusto mo? Ang malungkot ako? Ito na mark! Totoong pinatay ang mga magulang ko sa harap ko at ginahasa ako ng mga demonyong tao ! Nabaliw ako! Oo hindi lang isa kundi dalawang beses dahil namatayan ako ng anak! Nabaliw ako kasi akala mo masaya ako! Nabaliw ako dahil iniwan moko! ”
Hindi naman ibig sabihin na gusto ko sya makitang umiyak noon ay dahil gusto ko sya makitang malungkot. Ayoko rin naman na nalulungkot sya kaya nga ginagawa ko ang lahat ng makakapagsaya sa kanya noon kaya lang, hindi ko kinaya ang nangyare sa anak namin. Gusto ko ng karamay ng mga oras na yon at gusto ko nasa tabi ko sya kahit sa pagdalaw lang sa sementeryo. Ayoko kasing isipin na masaya sya sa nangyare kaya nagalit ako sa kanya. Hindi naman ako manghuhula o kahit na ano pa na malalaman kung ano ang laman ng puso at isip nya . Naglihim parin sya sakin dahil iniisip nyang hindi ko sya tatanggapin. Akala ko masaya sya dahil palagi syang nakangiti. Hindi ko alam na doble pala ang sakit na na nararamdaman nya. Tumulo ang luha ko. Si Lorraine nalang palagi ang dahilan ng pagluha ko
” Akala ko kahit di ako magsalita alam mo ang nasa puso ko dahil sa ganon mo’ko sinanay . Umasa ako sayo, nagtiwala. Minahal kita Mark hindi lang dahil kailangan kita kundi dahil hindi ko alam kung pano mabuhay ulit kapag wala ka . Hindi mo alam lahat yon dahil sumuko ka at wala ka ng magagawa pa!”
Nabulagan ako ng galit kaya hindi ko naisip na hindi pala talaga sya masaya . Akala ko noon sarili lang nya iniisip nya. Sumuko ako dahil akala ko yun ang mas mabuting gawin pero mali ako. Lalo lang kumulang ang pagkatao ko nung nawala sya. Kahit na ayaw mong buksan ulit ang kaso gagawin ko para sayo Lorraine. Babawi ako sa lahat





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top