DAHIL SA MASAMANG BIRO, MAY BUHAY NA NAW4LA


DAHIL SA MASAMANG BIRO, MAY BUHAY NA NAW4LA🖋️
(Please take time to read this!!)
“Hey, Laiza” napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa akin.
“Uhmm a-ayaw ko ng away” naiilang kong sabi kila Cassandra. Kasama niya ngayon sila Vickie at Ellaine.
“Oww c’mon dear. Hindi kame nagpunta dito para makipag away or what. May sasabihin lang kame.” Kumunot ang nuo ko sa sinabi ni Ellaine.
Hindi nila ako pinuntahan para sa away? Bago ata yun
“A-Ano yun?” Tanong ko
“Tomorrow is my birthday at gusto ko sanang imbitahin ka” ngiting sagot ni Cassandra.
“A-Ako?” Tanong ko
“Ofcourse ikaw” sagot ni Ellaine.
Nakakapanibago ata sila ngayon. Lagi kase nila akong binub*lly kaya naman nagtataka talaga ako.
“Doon sa bahay nila Cassandra, gaganapin yung party kaya sana magpunta ka. Isa pa same lang naman kayo ng subdivision na inuuwian eh” sabi bigla ni Vickie.
“Si-Sigurado ba kayo?” paninigurado ko
Lumapit naman sa akin si Cassandra, at hinawakan niya yung kamay ko na ikinabigla ko.
“Yup and gusto ko rin talaga mag sorry sayo ngayon. Sorry sa pambub*lly namin sayo. Sana i-accept mo yung sorry ko” mas lalo akong nagulat
Seryoso talaga?!
“Oo naman” ngiting sagot ko
“Good. By the way sana makapunta ka bukas ng gabi sa bahay.” tumango ako bilang sagot tsaka sila umalis.
AUTHOR’s POV
Nang makaalis na sila Cassandra, Vickie at Ellaine, ay kaagad silang napangisi.
May masama kase silang balak kay Laiza. Gusto ni Cassandra na ipahiya si Laiza.
******************
-KINAGABIHAN-
“Seryosong nakipag ayos sila?” Gulat na tanong ni Jane, kay Laiza.
Si Jane, ang nag-iisang kaibigan ni Laiza.
“Oo. Bukas rin ng gabi ay dadalo ako sa bahay nila Cassandra, dahil kaarawan niya.” ngiting sabi ni Laiza.
“H’wag na at baka may gawin sila sayo” sabi ni Jane
“Wala naman siguro. Isa pa nakakahiya kung hindi ako sisipot. Baka i-b*lly ulit nila ako kapag hindi ako sumipot bukas ng gabi.” sagot ni Laiza.
“Hayts. Bahala ka. Pero kung pool party yun ay wag na wag kang magswi-swimming huh” sabi ni Jane
“Hahaha oo naman. Isa pa alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy.” tumatawang sabi ni Laiza.
Si Laiza, ay nakatira sa isang condo unit na binili mismo ni Jane. Matagal na kaseng naulila si Laiza, kaya gumawa siya ng paraan para kumita ng pera. Maswerte din siya dahil tinulungan siya ni Jane.
*****************
-KINABUKASAN-
“Himala at wala ata yung tatlo” sabi ni Jane, sabay subo ng pagkain.
Nasa cafeteria sila ngayon ni Laiza.
“Baka naghahanda na sila para sa gaganaping celebaration mamayang gabi” sagot ni Laiza.
“Hmm siguro nga. Pero mas mabuti na rin na wala sila dito dahil nakakairita sila” sabi ni Jane, kaya napailing nalang si Laiza.
Alam kase ni Laiza, na ayaw ni Jane, kila Cassandra, Vickie at Ellaine.
******************
-KINAGABIHAN-
Nag-umpisa na ang party at si Laiza, naman ay nandun na rin sa loob ng bahay nila Cassandra.
“Hey! Laiza” napatingin si Laiza, kay Vickie
“Vickie”
“Tara, andun sila” ngiting sabi ni Vickie, kaya tumango si Laiza.
Pagkarating nila sa pool area ay nakita ni Laiza, ang iilang lalaki at babae na halos kaedaran lang nila.
Malakas na music ang isa sa mga bumungad kay Laiza.
“Nasaan yung parents ni Cassandra?” Tanong ni Laiza, kay Vickie.
“Nasa business trip ang parents ni Cassandra, at hindi sila makakarating ngayon.” Sagot ni Vickie.
Napatango nalang si Laiza.
Pagkarating nila sa table nila Cassandra ay kaagad na bumati si Laiza.
“Uhmm h-happy birthday Cassandra. H-Heto regalo ko” medyo utal na sabi ni Laiza, kaya ngumiti si Cassandra sa kanya.
“Oww thankyou. Buti at nakarating ka” ngiting sabi ni Cassandra tsaka niya tinanggap ang regalo.
“Uhh o-oo” sagot ni Laiza.
*****************
-FAST FORWARD-
Lumipas na ang isang oras at tuloy pa rin sila sa kasiyahan.
Marami rin ang may tama na ng alak. Si Laiza, naman ay nakainom lang ng dalawang baso at umayaw na rin siya kaagad.
“Laiza, tara” inaya bigla ni Cassandra si Laiza, na tumayo.
“Bakit?” Tanong ni Laiza, ng makatayo na sila.
“Basta” sagot ni Cassandra, at tumingin ito sa lahat ng mga kaibigan niya.
“HEY!! EVRYONE! MUKANG NAG-EENJOY KAYO. PERO AKO KASE, HINDI GAANO!” Sigaw ni Cassandra, at tumingin ito kay Laiza.
“PERO...


SA GAGAWIN KO…MAG-EENJOY AKO!” ngising sigaw ni Cassandra, sabay tulak kay Laiza sa pool.
“OHHH!!”
“WOOOHH!!”
Sigawan ng lahat at marami pang natawa.
“You really think na makikipag ayos ako sayo huh? Pwes malabong mangyare yun!” ngising sabi ni Cassandra kay Laiza.
“Tu-Tulong!” nahihirapang sabi ni Laiza, habang pinipilit niyang umahon.
“Cass, hindi ata siya marunong lumangoy” bulong ni Ellaine, kay Cassandra.
“Tsk! nag-iinarte lang yan” sagot ni Cassandra.
“/*cough cough Tu-T….Tulong /*cough” Pakiusap ni Laiza, at doon ay napansin na ni Cassandra na hindi nga marunong lumangoy si Laiza.
“Nalulun0d na siya” sabi ng isang babae na kasama nila sa party, kaya mabilis na tumalon ang ilang lalaki at kaagad silang lumangoy papunta kay Laiza.
Si Laiza, naman ay tuluyan nang nawalan ng hangin at unti-unti na siyang lumulubog.
Mabilis siya sinagip ng ilang lalaki at nagtulungan sila para iahon si Laiza.
Pagka-ahon ay kaagad na kumilos yung isang lalaki. Cpr ang ginawa niya kay Laiza.
“Tumawag na kayo ng tulong!” inis nitong sabi kila Cassandra.
Si Ellaine, naman ang kaagad na tumawag.
“O My Gosh! Okay pa ba siya?” Nag-aalalang tanong ni Vickie.
“Wala na siyang pulso” sagot nung lalaki kaya sobra ang kaba na naramdaman nila Cassandra.
“Cassandra, kasalanan mo’to” sabi nung isang lalaki.
“Hi-Hindi ko a-a-alam na hindi siya marunong l-lumangoy” natatakot na sagot ni Cassandra.
“Kahit na. Ikaw pa rin ang nagtulak sa kanya” sabi naman nung isang babe.
******************
-FAST FORWARD-
Kaagad na isinugod si Laiza, sa ospital.
“Nasaan ang kaibigan ko?” bigla silang napatingin kay Jane, na kararating lang.
“Nasa E.R pa siya” sagot nung isang babae
Nilapitan naman ni Jane, si Cassandra at malakas niya itong sin4mp4l.
“PAG HINDI NABUHAY ANG KAIBIGAN KO, MALALAGOT KA SA’KEN!!” Galit na sigaw ni Jane, kay Cassandra kaya napayuko nalamang si Cassandra
“So-Sorry” utal na sabi ni Cassandra.
“Sisiguraduhin kong babagsak kayo, Cassandra. I swear gagawin ko yan para naman makaganti sa ginawa niyo. Kayo rin Vickie at Ellaine, idadamay ko kayo.” Galit na sabi ni Jane
Malakas ang loob ni Jane, na sabihin yun dahil lumaki siya sa mayamang pamilya. Both parents niya ay mayayaman.
HABANG sa loob naman ng E.R ay…
“Doc, wala na talaga siyang pulso” sabi nung isang Nurse.
“Isa pa. Go” utos ng Doctor.
“1-2-3- Clear”
“Isa pa”
“1-2-3- Clear”
“Doc, wala na siya” -Nurse
“Time of de*th, 9:43pm” Pagkasabi nun ng Doctor, ay kaagad na nilang binalutan ng puting tela si Laiza, at lumabas naman ang Doctor.
“Doc” Kaagad na lumapit si Jane, sa babaeng Doctor.
“Ginawa namin ang lahat kahit na wala na siyang buhay nang dalhin dito, pero wala pa rin talaga. Paulit-ulit namin siyang ni-revive pero huli na talaga” sabi ng Doctor, kaya napaluha nalamang si Jane.
“Gawin niyo ulit *sob* p-please d-doc” umiiyak na pakiusap ni Jane.
“Kanina pa siya nawala. Ginawa na namin ang trabaho namin” sabi ng Doctor tsaka ito umalis.
Galit na tumingin si Jane, kila Cassandra.
“KASALANAN NIYO TO!!” Galit na sigaw ni Jane, at susugurin niya sana sila Cassandra, pero inawat kaagad siya.
“Tama na Miss. Magiging witness nalang kame kung sakaling babalakin mong kasuhan sila” sabi pa ng isang lalaki.
“Tandaan niyo to, Cassandra, Vickie at Ellaine. Ipakukulong ko kayo, at sisiguraduhin kong babagsak ang mga kumpanya niyo. Sisiguraduhin ko rin na doon na kayo sa kulungan mam@t*y” Galit na galit na sabi ni Jane.
******************
-AFTER 2 WEEKS-
Nahatulan ng guilty si Cassandra. Tanging si Cassandra, lamang ang nakul0ng. Marami rin kase ang tumistigo.
Hindi nakulong sila Vickie at Ellaine, dahil tanging si Cassandra, lamang ang tumulak kay Laiza at yun lang ang nakita ng mga tao ‘don.
Binawe naman ng pamilya nila Jane, ang kanilang shares sa kumpanya nila Cassandra, Vickie at Ellaine.
Hindi pa rin kuntento si Laiza, dahil nainis siya nung malaman niyang si Cassandra lang ang nakul0ng.
Lagi namang nabub*lly sila Ellaine at Vickie, sa kanilang University.
Kahit si Cassandra lang ang nakulong ay sisiguraduhin ni Jane, na hindi na ito makakalabas pa.
________________END_________________
A/N: MARAMI NA’KONG NAPANOOD NA GANITO AT NARINIG NA GANITO ANG NANGYARE. PAKIUSAP SA LAHAT LALO NA SA MGA KABATAAN NGAYON. HINDI MAGANDA ANG GANITONG BIRO. MARAMI ANG NAM*M*TAY DAHIL SA GANITONG BIRO.
::work of fiction






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top