CRAZY EX-WIFE CHAPTER 27


– MARK-
Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko ng sabihin sakin ng anak ko na may boyfriend na sya. Mas nauna nya pang sagutin bago ipakilala sakin.
” Blessy akala ko ba magkaibigan lang kayo ng Reyden na yan? ”
” Pa, nakikita ko kase sa kanya yung pagkatao mo kaya hindi na ako nagdalawang isip na sagutin sya. Baka maagaw pa ng iba ”
” Ang bata-bata mo pa! Diba dapat pag-aaral mo muna inaasikaso mo hindi lovelife”.
” Pa kita nyo naman ang mga improvements ko diba? Dahil po yon kay Reyden. Dahil mabuti syang impluwensya sakin. ”
” Anak kahit na! Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayaw kitang masaktan! Kapag maaga nagmahal maaga rin masasaktan!”
“Masaya po ako sa kanya at alam ko po hindi nya ako sasaktan”
” Anong alam mo? Wala kang alam sa lalake!”
” pa ayaw mo ba ako maging masaya? ”
” Syempre gusto ko pero sa ibang paraan . Kapag nalaman to ng mama mo magagalit yon sayo ”
” Pa permiso mo lang ang kailangan ko wala naman syang pakialam sakin e. Sige na please? Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko promise! At lalo ko pang gagawin lahat. Magtatapos kaming dalawa ni Reyden dahil yun din ang pangarap nya. Mabuti po syang tao pa. ”
” Ihahatid kita sa school. Ipapakilala mo sya sakin maliwanag?”
” I love you papa . Salamat po. Love mo talaga ako”
Kahit hindi bukal sa kalooban ko ang gusto ni Blessy kailangan ko parin syang suportahan para hindi sya magrebelde. Ayokong lalo syang makalimot sa limitasyon dahil lang sa sobrang paghihigpit ko sa kanya. Kailangan ko lang sabihan yung lalaki na yon na wag na wag nyang sasaktan ang anak ko dahil kung hindi, magkakasala ako sa kanya.
” Sandali lang po pa, pupuntahan ko lang po sya sa room”
– Lance Reyden –
Hanggang ngayon di ko parin lubos maisip na may girlfriend na ako. Sinong mag aakala na magiging girlfriend ko pala yung maarteng babae na yon. Kung dati rati naiinis ako sa kanya ngayon naman, minamahal ko na sya. Lalo akong sinisipag sa pag-aaral dahil sa kanya. Kunwari lang palang may gusto sa iba ako naman pala ang gusto hinihintay lang pala akong mag first move. Ngumiti agad ako ng makita ko ang magandang dilag na papunta sakin. Nakaka good vibes naman talaga ang ngiti nya sakin.
” Reyden! Sumama ka sakin!” Nagmamadali ang mahal ko na to.
” S-Sandali bakit? ”
” Hinihintay ka ni papa sa labas gusto ka nya makilala” nabigla ako sa sinabi nya. Kinakabahan ako na parang natutuwa din dahil magiging legal na kami . After kong makita at kausapin ang papa nya ipapakilala ko naman sya kay mama.
” Okay lang ba itsura ko? Matatanggap nya kaya ako? ”
” Matatanggap ka nya panigurado ikaw pa! Magugustuhan ba naman kita kung hindi ka katangggap-tanggap? ”
Ganto pala ka pressure kapag ipapakilala ka ng girlfriend mo sa parents nya. Hinawakan ni Grace ang kamay ko para hindi raw ako kabahan
” Pa, sya na po si Reyden ” masaya kong tiningnan si Blessy Grace dahil ramdam kong proud sya sakin bilang boyfriend nya .Humarap sakin ang papa ni Grace kaya naestatwa ako.
” Reyden ang pangalan mo ? Parang pamilyar ka sakin. ”
Nakatitig lang ako sa kanya. Sa lahat naman ng lalaki sya pa naging ama ni Grace. Pakiramdam ko nanginginig na ang kamay ko sa galit kaya bumitaw ako sa kamay nya.
” Oo ako nga ” walang gana kong sagot at di manlang makatingin sa mukha nya.
” Reyden umayos ka. Wag mo akong ipahiya kay papa anong nangyare? Magkakilala ba kayo?” Kung di lang dahil kay Grace kanina ko pa naupakan sa mukha ang sinasabi nyang papa nya..
” Gusto ka ng anak ko kaya hindi ko na kayo pipigilan. Mahalin mo lang si Blessy at wag na wag mo syang sasaktan dahil mahal na mahal ko ang anak kong yan”
Wow! Kinakagat ko ang labi ko dahil pigil na pigil talaga ako sa gusto kong gawin sa kanya. Kapal ng mukha ng lalaking to. Anong alam nya sa pagmamahal sa isang babae lalong-lalo na sa isang anak? Dagdag mo pa yung mas nakakainit ng ulo dahil iniidulo sya ni Grace dahil hindi nya kilala ang taong to.
” Wag kang mag-alala Sir. Meron akong isang salita! ”
” Magaan ang loob ko sayo Reyden kaya wala na akong sasabihin pa sayo. Pagkakatiwalaan kita pero wag na wag mong sisirain ” Makikipag kamay pa sana ang magaling kong ama pero hindi ko na kayang makipag plastikan sa kanya . Umalis ako sa harapan nila ng walang paalam
” Pa pasensya na po may bigla lang pong naalala si Reyden kaya nagmadaling umalis . Maybe next time nalang kayo mag usap ng maayos ?” Kahit malayo-layo na ako sa kanila rinig ko paring pinagtakpan ako ni Grace . Dapat hindi nya na ginawa yon dahil kahit sa kanya hindi ko na alam kung pano ko sya pakikisamahan gayong alam ko na anak rin sya ng walang kwenta kong ama. Magkapatid kami.
” Ganon ba? Sige mauna na muna ako. ”
Hinabol ako ni Grace dahil alam kong nagtataka sya sa inasal ko
” Reyden sandali, bakit mo ginawa yon?!”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. Mas mabuti pa siguro tapusin ko na agad ang ugnayan ko sa kanya . Hindi kami pwede pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na magkapatid kami dahil ayaw kong masaktan sya. Masyado nyang mahal ang taong walang puso para sakin
” Grace wag mo na ako sundan please lang?! Magulo ang isip ko ngayon ”
” Bakit ang bilis naman atang gumulo ang isip mo? Okay ka naman kay papa e! Ano bang problema mo...


?”
” Mag break na tayo Grace. ”
“A-anong sinabi mo? ” Gusto ko na agad magwala lalo na ng makita ko ang mga namumuong luha sa mata nya. Masakit ito pero kelangan kong gawin. Yung nararamdaman namin sa isat-isa luksong dugo lang pala to. Mahal ko lang sya bilang kapatid.
” Seryoso ako Grace. Nung nakausap ko ang papa mo, narealize ko, hindi mo ako deserve . Hindi ako mapapagkatiwalaan kaya simula ngayon, humanap ka nalang ng iba. Si Robi nalang ang mahalin mo seryoso sya sayo ” sinampal nya ako sa pisngi ng malakas pero pumikit lang ako. Hindi ko ramdam ang sakit ng sampal nya kundi ang mga salitang sinabi ko sa kanya na hindi bukal sa kalooban ko.
” Matapos mo akong paasahin na mahal mo rin ako? Matapos kitang ipakilala sa papa ko? Kanina lang Reyden, kanina lang, sinabi mo na may isa kang salita! Ngayon itutulak mo ako sa iba? How dare you!!” Gustong-gusto kong yakapin si Grace sa mga oras na to pero mas masasaktan lang sya kapag pinagpatuloy pa namin to. At sa nangyareng ito, lalong dumagdag ang galit na meron ako sa papa ko.
“Sorry Grace pero talagang kailangan ko ng tapusin to para hindi kana masaktan ”
” Bakit? Meron nabang iba? Papayag lang akong makipag break kung sasabihin mong may iba kana. ” Nilakasan ko ang loob kong sabihin sa kanya na meron kahit wala naman talaga.
” M-meron na ”
Wala ng sabi-sabi pa at umalis sya sa harap ko.
” AHHHHHH!!! ” Pinagmamasdan ko lang tumulo ang dugo sa kamay ko matapos kong pagsusuntukin ang pader dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko
” Wala kang kwentang lalaki! Sana ikaw nalang yung namatay dahil ikaw yung walang paninindigan! Ikaw dapat yung nasasaktan hindi ako! For the second time, sinaktan mo nanaman ako ng wala kang kaalam-alam! ”
– Lorraine –
Alas syete na nang gabi nang mapagdesisyonan kong umalis at pumunta sa sementeryo bigla nalang akong nalungkot sa panganay ko.
Ang kalat naman ng paligid kaya parang tutulo ang luha ko. Para kasing pinabayaan na sya. Wala manlang naglilinis kaya naiinis ako sa sarili ko. Dapat kasi ako gumagawa nun e hindi lang si Mark.
” Anak sorry ha? Ngayon lang nagkalakas ng loob si mama na pumunta ulit dito. Hindi ko kasi talaga kaya. Pero ngayong magaling na magaling na ako, palagi na akong dadalaw sayo. Napatawad mo na kaya ako? Alam kong hindi sapat ang sorry lang sa kapabayaan kong ginawa sayo pero talagang nagsisisi ako ng sobra-sobra. Kasalanan ng mama kung bakit nagkahiwalay kami ng papa mo. Hindi nya kasi matanggap na wala kana. Ang daya mo kasi e, iniwan mo agad kami. Sabi ko sayo kumapit kalang e. Ilang taon na anak, ilang taon ka ng wala sakin pero ramdam ko parin ang saya nung malaman kong pinagbubuntis kita at sakit nung nalaman kong wala kana. Hindi talaga ako masaya. Hindi ko kailan man ipinagdiwang na nawala ka. Mahal na mahal kita anak ko. Ikaw ang unang nagbigay sakin ng kasiyahan at hindi kita makakalimutan hanggat nabubuhay ako.”
Bago ako pumunta dito sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak pero talagang hindi ko kayang pigilin. Parang gusto kong hukayin at yakapin sya kahit ano na ang itsura nya ngayon. Dalawa sana nila ni Reyden sa buhay ko ngayon at masayang-masaya kami bilang pamilya. Hindi rin sana nagkaron ng ibang pamilya si Mark
” Dito ako matutulog ha? Bantayan mo si mama. Pero bago ako pumikit, pwede bang magparamdam ka sakin? Hindi ako matatakot sa multo kung ikaw naman ang makikita ko kung ayaw mong magparamdam nalang . Sige na anak. Kahit ngayon lang ”
Wala akong tigil sa pag iyak ng hindi manlang sya nagparamdam sakin at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Napamulat lang ako nang may humawi ng buhok ko sa mukha ko. Pakiramdam ko hinang-hina parin ako sa kakaiyak
” Mark? ” Madilim ang paligid at tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa amin
” Bakit dito ka natutulog? ” Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili. Pinunasan sya ang mga luha ko sa pisngi kaya nailang ako
” W-wag na .. A-ako na! Ayos lang ako Mark ”
” No you’re not. Its okay not to be okay. Gusto mo palang umiyak ng walang nakakakita”
” Anong ginagawa mo dito? Bakit andito ka? ” Tumabi sya sakin
” Dito ako natutulog lalo na kapag nalulungkot ako. Pakiramdam ko pinapatay nya ang lungkot ko tapos parang maririnig ko nalang bigla tinatawag nya akong papa. Minsan, nagigising nalang ako dahil parang buhay na buhay sya at umiiyak . Hinahanap nya tayong dalawa sa panaginip ko pero ikaw lang yung nakita nya. Hinahanap ko kayo pero hindi ko kayo mahanap at nagagalit sya sakin dahil don. ”
” Wag ka ng malungkot dyan! Panaginip lang yon. Siguro nalulungkot lang sya dahil naghiwalay tayo ng dahil sa kanya. ”
” Gumuho ang mundo ko Lorraine , sobrang sakit. Umiiyak ka mag-isa dahil akala mo walang nakakaintindi sayo. Wala kang makaramay, wala kang malabasan ng sama ng loob”
” At dahil yon sakin. Kasalanan ko lahat. Tanggap ko na ngayon na ako ang dapat sisihin sa nangyare. Kung hindi pako nakakahingi ng tawad sayo, sana mapatawad mo pa ako Mark. Ang totoo nyan, naging sinungaling talaga ako. No matter how much I pretend that i’m happy, I still feel sad and empty . Hindi ako kailanman naging masaya na nawala ang anak natin. Lalo akong nawalan nung pati ikaw iniwan mo ako ”
Muling pinunasan ni Mark ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Nakita ko rin ang mga lungkot sa mata nya.
” Past is past. Hindi na natin mababalik ang nakaraan pero pwede na nating itama ang lahat this time “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top