THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 4


MATULIN ang pagpapatakbo ni Andrius sa kaniyang sasakyan patungo sa lugar kung nasaan si Micah. Maraming nagbubusinang sasakyan pero sadyang wala siyang pakialam. Ilang taon ang iginugol niya para lang mahanap si Micah kaya ngayon hindi siya makakapayag na mauwi lang sa wala lahat ng planong inihanda niya para sa dalaga.
Planong PAGHIHIGANTI sa ginawa nitong pagpapahiya sa kaniya limang taon na ang nakakaraan.
“Tsked,”

MICAH’S PUNTO DE VISTA
“BITIWAN NIYO ‘KO! MGA HAYOP KAYO!,” galit na sigaw ko kila Sir. Ruise at Mr Tan.
“‘Wag ka nang pumalag pa Micah. Kahit ano pang gawin mo, walang tutulong sa’yo,” Sir. Ruise.
Naikuyom ko ang kamay dahil sa sinabi niya.
“Pa’nu yung isa Ruise? Baka magsumbong ‘yun, mayayare tayong dalawa,”
Oo nga pala si Annie. Mabuti naman nakatakas siya.
“Hindi ‘yun magsusumbong Rico, masyadong mahina si Annie, isang sigaw ko lang sa kaniya, tiyak tatahimik na yun, ako pa HAHAHA,” ani ni Sir kay Mr.Tan.
Mas lalo kong naikuyom ang kamao ko dahil sa tinuran niya. Ayaw ko mang aminin pero tama siya. Masyadong malambot at mahina si Annie, kaya alam kong madali lang para kina Sir Ruise na takutin siya at pagbantaan.
“Sino sa’tin ang mauuna?,” ani Mr. Tan.
“Aba, ako na! Matagal na akong nasasabik sa babaeng ito. Kung di ko lang toh empleyado, matagal ko na itong—”
Hindi na natapos ni Sir Ruise ang sasabihin dahil merong nang kumatok sa pintuan. Pareho silang natahimik, maging ako’y napatingin din doon.
“Tingnan mo kung sino ‘yun,” utos ni Sir sa kaibigan,
Agad naman itong sumunod at binuksan ang pinto.
Lahat kami’y nagulat dahil bigla na lang natumba si Mr. Tan at napasandal sa pader. Tila merong isang pwersang tumama sa kaniya mula sa labas ng pintuan.
“Hi baby, sorry natagalan ako,” ani ng ‘sang tao nang makapasok sa silid at tumingin sa deriksyon ko.
Tsked, antagal mo.

“O MY GHAD!, S-SIR….” Gulat na ani ng staff nang makita si Andrius na pumasok sa motel nila.
Makikita sa mga mata ng babae ang matinding paghanga sa binata. Kilala kasi si Andrius ng mga tao, lalo na ng mga babae dahil lagi siyang nafe-feature sa mga men’s magazines. Sikat siyang modelo sa ibang bansa maging dito sa Pilipinas dahil sa angking nitong kagwapuhan at tikas ng katawan.
“What is the room number of Mr. Tan?,” walang paligoy-ligoy na sabi ni Andrius.
“H-ho sir? Ano..po kasi, bawal po naming ibigay ‘yung number ng gue—”
“Miss…” Ani ni Andrius sa malamig na tono.
“Waaaah sige na nga po sir, pero po pwedeng papicture? Hehe,”
Sa mga pagkakataong ito, mas mahalaga ang paglalandi kesa sa trabaho.
“Do what you want,”
At wala nang nagawa si Andrius kundi pagbigyan ang gusto ng staff kapalit ng room number kung nasaan si Micah at sina Mr. Tan.
Tsked.
Matapos ang sandaling iyon, agad nang hinanap ni Andrius ang room number na ibinigay ng staff sa kaniya kanina.
Papasukin niya nasa ang kwarto kaso may merong babaeng tumawag sa kaniya.
“Andrius? Oh my ghad! Ikaw nga!” tili ng babae.
Napamura ng mahina ang lalaki dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. ‘Bakit ngayon pa’, aniya sa isipan.
“What are you doing here? May..may kasama ka ba?” Nagpaling linga naman ang babae, tila hinahanap ang kung sino mang kasama ni Andrius
“It’s personal, Cassandra” malamig na tugon ng lalaki. “It’s not your business,”
“Ah, uhm, okay. I’m… just asking,” tila napapahiyang ani ng babae.
Napatingin si Andrius sa kwartong bubuksan niya sana kanina.
“Cassandra! Ow hi, Mr. Zapanta!,”
K*ingina. Mura ulit ni Andrius dahil meron na namang dumating na isa. Hindi niya ito pwedeng...


baliwalain dahil isa ito sa mga stockholders ng kaniyang kompaniya.
“Would you like to join us Mr. Zapanta? Pupunta kami sa isang bar, magiinuman. Tatawagan sana kita para imbitahan pero ngayon na andito ka na, baka gusto mong sumama samin,, right Cassandra?” alok sa kaniya ni Trim.
Napabuntong-hininga si Andrius at napatingin sa kwarto kung nasan si Micah.
“Mr. Zapanta?,”
Yumuko siya sandali at tumalikod sa mga kasama, saka walang emosyong naglakad papalayo sa kanila..
Papalayo sa kwarto kung nasan ang dalaga.
“I’m in,” sagot ni Andrius sa alok ni Trim habang naglalakad na palayo.
Natuwa naman ang dalawa dahil sa sinabi ni Andrius, ngayon sabay sabay silang naglakad papalabas mg motel.

MICAH’S PUNTO DE VISTA
“Sigurado ka bang walang masakit sa’yo?,” Ilang ulit ng tanong sakin ni Wilton habang naglalakad na kami palabas ng motel.
“Oo nga, ayos lang ako, tsked,” nakangiting aniya. “Salamat dahil pumunta ka,” dagdag ko pa.
“Aist, mabuti na lang tinatawagan mo’ko. Tsked, ”
Ngumiti ako saka napabuntong-hininga.
Nung nasa loob kasi kami ng room ni Annie, tinawagan ko nun si Wilton. Palihim kong kinuha ang selpon sa bag, at inilagay sa gilid ng table namin.
Narinig ni Wilton lahat ng usapan namin nila Sir Ruise kaya alam niyang nasa panganib kaming dalawa ni Annie.
Mabuti na lang talaga dunating siya, kung hindi. Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin kanina. Aaminin kong natakot ako. Kahit sino naman siguro.
“So anong plano mo ngayon? Magsasampa ka ba ng kaso sa kanila?” Tanong niya habang nagmamaneho. Nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay namin.
Huminga ako nang malalim saka siya sinagot. “wala na akong oras para dun Wilton. Bukas, pupunta ako sa restu para ibigay ang resignation letter ko. Hahanap na lang ako ng bagong trabaho,”
Napahinga siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko.
“Okay, just let me know if you need some help, Wilton.
Ngumiti ako sa kaniya at tumugon ,” Salamat,”

Pumunta nga ako sa resturant kinabukasan. Wala si Sir Ruise sa opisina niya kaya inilagay ko na lang ang resignation letter ko sa table niya. Alam kong nagtataka ang lahat lalo na si Lianne dahil sa ginawa ko pero wala akong balak na sabihin sa kanila ang totoo. Bahala na sila kung anong isiping nilang dahilan, basta ako, gusto ko nang umalis sa lugar na ito at magpakalayo-layo. Hindi ko na din nakita si Annie pagkatapos ng lahat. Nabalitaan ko na lang na nasa probinsya siya sabi ng kaniyang kakilala.
Ngayon, nasa bahay ako. Walang ginagawa dahil tapos na ako ng mga gawaing bahay. Pini-prepare ko na din ang resumé ko dahil bukas, hahanap na ako ng bagong trabaho. Hindi pwedeng wala akong pagkukunan ng pera, pareho kaming maghihirap ni Lola Anita.
Kinabukasan, maaga akong nagising para gawin ang plano ko ngayong araw. Ang OPLAN-HANAP-TRABAHO.
Ginawa ko ang lahat para makahanap ng mapapasukan. Tiniis ko ang pagod, init at gutom pero wala pa din akong nahahanap hanggang sa dumating ang araw ng hapon.
Wala akong napala ngayong araw.
Dumaan ang ilang linggo, wala pa din akong nahahanap na trabaho. Nauubos na ang ipon ko dahil sa dami ng gastusin sa bahay. Sa dinadami ng pinuntahan kong interview, ket isa walang tumatawag. Nawawalan na ako ng pag-asa, hanggang sa isang araw meron akong natanggap na isang notification sa email acc ko, iniimbitahan ako para sa isang job interview.
“Shit!,” Gulat kong sabi. Totoo ba toh?
Agad akong nagreply at pumayag sa alok nila.
Masayang masaya ako. Sheyt, sobra!.
Excited na ako bukas,
Ito na ang simula ng bago kong kabanata.
“GO MICAH!,” pag checheer up ko sariling kasiyahan.
TO BE CONTINUE..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top