CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 31


– Lorraine –
Agad akong umalis sa bahay namin ni Mark nang magising ako. Iniwan ko sya at hindi na nagpaalam pa sa kanya nang maging maayos na ang pakiramdam ko. At nang makauwi ako sa bahay ay hindi ako mapakali. Nagi guilty ako sa nagawa ko. Nakokonsensya ako. Bakit ko nagawa yon? Para akong nawala sa sarili nang halikan ako ni Mark. Tumulo ang luha ko ng maalala ko si Alex. Hindi ko dapat hinayaang mangyare yon. Hindi dapat ako nagpadala sa kanya. Pinagkatiwalaan ako ni Alex tapos ito pa ang sinukli ko sa kanya .
” Lorraine ang tanga-tanga mo! Ang rupok-rupok mo! ” Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko
Habang naliligo ako ay sumasabay din sa agos ng tubig ang mga luha ko. Sobrang nagsisisi ako sa mga nangyare. Ilang beses ko mang buhusan at sabunin ang katawan ko, hindi naman kayang tanggalin sa isip ko ang kasalanang nagawa ko. Ayaw kong saktan si Alex pero nagawa ko dahil sa isang gabing pagkakamali. Binalewala ko ang pitong taong pag-aalaga sakin ni Alex dahil lang sa isang araw na pag-aalaga ni Mark.
Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin. Minsan talaga, hindi ko narin kilala ang sarili ko. Kung ano ba talaga ang gusto ko at bakit parating dumarating sakin ang pagsisisi. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Alex. Nanginginig ang mga kamay ko at nag-aalangan kung sasagutin ko ba ito
” H-Hello? L-Lorraine? ” Hinayaan ko muna syang magsalita sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag. Napatabon ako ng bibig para hindi nya marinig ang mga hikbi ko.
” Lorraine? Andyan kapa ba?”
” O-o0 A-Alex .. ”
” Kamusta na? Pasensya kana kung ngayon lang ako nakatawag ha? Wala kasing signal dito kaya nakiusap muna ako na aalis saglit para lang makausap ka. Kumakain kaba ng maayos? Wag kang magpapalipas ng gutom. Wag mo akong alalahanin dito dahil okay kami ni Lara dito. Si Reyden ayos lang ba sya? ”
” O-o0 kumakain ako ng m-maayos . A-ayos lang din si Reyden.. N-nasa school sya ngayon. Ingat ka dyan ah. ”
” Umiiyak kaba? May problema ba?”
” H-Hindi! Sinisipon lang ako pero … U-umiinom naman ako ng gamot”
” Ganon ba? Pasensya kana ha? Hindi kita masamahan ngayon. Wala tuloy mag-aasikaso sayo dyan. Wag kang mag-alala, ginagawa naman namin lahat para mapadali ang pag uwi dyan kaya konting tiis nalang. Babawi ako sayo. Baka maextend pa araw kasi ng one week ang pag stay dito. Namimis na nga kita e. ”
” A-ayos lang Alex. Maghihintay ako kung kelan ka babalik. Mis na mis narin kita ”
” Sige na Lorraine. Kelangan ko ng bumalik. Mahal na mahal kita.” Natulala ako sa huling sinabi ni Alex. Deserving paba ako sa pagmamahal nya? Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay nya na ang tawag. Kumirot ang dibdib ko dahil sa mga sinabi nya na lalong nagpakonsensya sakin
– MARK –
Napabangon ako bigla nang magising ako na wala ng katabi. Hinanap ko si Lorraine pero wala na akong makita. Umuwi na sya ng hindi manlang nagpaalam sakin pero napangiti ako ng maalala ang nangyare samin. Parang bumalik lang kami sa dati. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin yon sa kanya. Mahal ko parin ba sya?
Umuwi ako sa bahay at sinalubong agad ako ni Ate Mitch
” Mark anong sinasabi ng asawa mo na niloloko mo sya? Totoo ba?”
” Anong sinasabi mo? ” Tuloy-tuloy lang akong naglalakad papunta sa kwarto namin.
” Oo lang at hindi! Totoo ba? At kay Lorraine? ”
” Masyado kayong nagpapaniwala kay Jane . Palagi naman akong pinagbibintangan nun”
” Andito na kana pala! ” Lumingon ako kay Jane na ngayon ay galit na galit nanaman ang awra.
” Ano nanaman tong pinagsasabi mo sa ate ko Jane? Akala ko ba napag usapan na natin to? Nag sorry kana sakin diba? Okay na tau? ”
” Pwes ngayon hindi na ako magso sorry! Alam ko na! Sinungaling ka! Ang sabi mo pinsan mo lang ang babaeng yon! Sya pala ang dati mong asawa! Pinagmukha nyo akong tanga! Ipagpapalit mo lang din ako sa walang silbi mo pang ex-wife! ”
” Bawiin mo yang sinabi mo!” Uminit ang ulo ko ng tawagin nyang walang silbi si Lorraine
” Bakit nasasaktan ka?! Anong gusto mong itawag ko sa kanya? Boba? Tanga ? Baliw? Alin don?”
” Wag na wag mong tatawagin si Lorraine kahit na saan sa mga yan! ” Tiningnan ko sya ng masama at lumapit ako sa kanya
” Pinagtatanggol mo na sya ngayon? Samantalang dati kung magalit ka sa kanya wagas! Kung ikumpara mo sya sakin noon ang liit-liit nang tingin ko sa kanya. Ano? Maayos na kayo ngayon? Magkakabalikan na kayo ? Matapos mong isuka babalikan mo ulit? Pare-pareho lang kayong tanga! ”
...


” Mark enough! Jane tumigil na kayo! ” Awat samin ni Ate dahil kahit ako ay nahihirapan naring kontrolin ang galit ko kay Jane.
” Hindi mo alam ang pinagdaanan nung tao kaya manahimik ka Jane! Shut up!!!! ”
” Hindi ako titigil! Wag mong sabihin sakin na tumigil ako! Anong nangyare sayo Mark?! Nakalimot kana ba? Nakalimutan mo na bang sya ang may kasalanan kaya nawala ang anak mo. Na naging dahilan kaya ka humanap ng iba. Ako ang nagbigay sayo ng anak! Ako ang kasama mo nung nalulungkot ka! Ngayon binabalewala mo nalang ako dahil sa kanya?! ”
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil ayokong manakit ng babae. Isa pa, may punto din naman si Jane. Sya ang nagbigay sakin ng kaligayahan ko . Binigyan nya ako ng anak.
” Ok, i’m sorry Jane. Sorry na.. hindi naman kita binabalewala. Hindi ko nakakalimutan ang mga ginawa mo para sakin nuon. ” hindi ko talaga alam pero ayokong may sinasabi ang iba na masama kay Lorraine.
” Siguarduhin mo lang Mark! Ayoko sa lahat ng may kaagaw! Tandaan mo to Mark, sa susunod na makita ko kayong magkasama ulit. Hindi ako magdadalawang isip na awayin ang babaeng yon sa harap mo! ”
” Ngayong wala na si Jane, pwede bang aminin mo na ang totoo sakin Mark? Ate mo ako kaya wag kang maglihim sakin! ”
” Ate problema namin to. Lalo lang gugulo kung manghihimasok kayo . Kapag nalaman to ni mama pati yon, magagalit din”
” So totoo nga? Kelan pa? Ang tagal na Mark! Matagal na kayong hiwalay! Dalaga na yung pamangkin ko magloloko kapa? Hahanap ka lang rin ng ibang babae dun pa sa babaeng yon?! Hindi ka talaga nadadala? Ano bang meron sa babaeng yan at hirap na hirap kang kalimutan yan?! ”
” Hindi ako nagloloko ok? Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag-alala kay Lorraine”
” Mahal mo parin ba sya?”
” Bakit mo ba tinatanong? Hindi mo na problema yon! ”
” Ayoko lang masaktan ang pamangkin ko! Ano pa bang hahanapin m0? Anong meron kay Lorraine na wala kay Jane?!”
” Hindi ko alam !”
– LARA –
” Kamusta na daw si Lorraine at Reyden ?”
” Ayon ayos naman daw sila ”
Bilib talaga ako kay Alex. Kapag mahal nya ang isang tao gagawin nya lahat. Parang sa akin lang nuon. And the way he cares for Lorraine, the way he talk, the way he smile, ibang-iba at makikita mo lahat yon kapag espesyal ka sa buhay nya . Sinayang ko ang tulad nya pero kung hindi ko naman ginawa yon, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ako kasing tapang nya na, handang isakripisyo ang career para sa pag-ibig. I hate to admit na, hindi sya ang priority ko noon kaya nagkahiwalay kami. Pero thankful parin dahil kahit alam kong nasaktan ko sya, sinalba nya parin ang friendship namin. Akala ko pati yon mawawala ng halos isang taon nyang hindi pagpaparamdam sakin. At kung kelan ako naging handa dun naman sya nagmahal ng iba. Kahit masakit, masaya parin ako dahil kay Lorraine nya nakita ang kaligayahang hinahanap nya. Kilala ko na si Lorraine at mapapanatag ang loob ko. Nakakalungkot lang at hindi manlang nalaman ni Alex ang totoong nararamdaman ko sa kanya at yun ang malaking pagsisisi ko. Dahil natakot ako. No boyfriend since birth parin ako dahil sa best friend ko. Dahil kay Alex. I still love him more than friends kahit na may minamahal na syang iba at may nagmamahal na sa kanyang iba.
” Lara, kumain kana oh. Wag kang magpapalipas ng gutom ” palagi nyang ginugulo ang buhok ko at hindi ako naiinis don. Sa lahat ng hobby nya, yun ang pinaka favorite ko. Kahit na meron na syang lorraine, hindi nya parin ako nakakalimutan. Yung pag-aalala nya sakin ganon parin.
” Ikaw din. Sabay na tayo. Mas masarap kumain kapag kasabay ka ”
” Mag boyfriend kana Lar! Tanda mo na! ” Parang hindi ko malunok yung kinain ko dahil sa sinabi nya.
” Puro ka nalang trabaho. Ok na ang buhay mo, asawa nalang ang kulang ”
” Ano kaba, alam mo namang hindi ako basta nagtitiwala sa hindi ko pa kilala. Ok naman ako, masaya naman ako basta nandyan ka, si Lorraine at Reyden sa buhay ko ”
” Kung nagpapaligaw kalang sana sa iba, hindi ka sana tatandang dalaga”
” Wag mo akong yabangan Alex. Nagka girlfriend kalang ginaganyan mo na ako. Nakakatampo ka naman. Wala nga akong balak! ”
” Bakit naman? Ang ganda-ganda naman ng bestfriend ko ” niyayakap-yakap nya pa ako. Gawain nya na yan nuon pa sa twing nagtatampo ako sa kanya para patawarin ko sya. Wala nang malisya saming dalawa yan. Medyo nakakainis lang yang pang aasar nya sakin lalo nat sya ang dahilan .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top