Isinulat ni :Dhanica/Dhenice
Genre: Gore/Drama
Ilang hakbang nalamang ay malapit na malapit na ako sa bangkay ng taong ito. Yumuko ako at pinulot ko ang punyal na ginamit ko sa kanya. ” Be good, Sir ha?” wika ko habang nakangisi pa sa bangkay na puno ng dugo sa mukha at katawan. Dahil sa sak-sak na iginawad ko sakanya.
Tama lang ito sakanila sa mga taong mapang abuso sa kapwa. Mga taong pansarili lang ang iniisip. Hinila ko ang bangkay. Bangkay na hiwa-hiwalay ang parte ng katawan. Paano walang sawa kong pinag-tataga ang kanyang paa, kamay, maging ang kanyang ulo. Kay sarap sa pakiramdam ko, lalo na nang maamoy ko ang dugong pumatak sa sahig nang i-angat ko ang kanyang pugot na ulo.
Isa-isa ko itong isinilid sa sakong dala ko. “May maihahanda ako mamaya sa notche buena,” mga katagang binigkas ko. Oo tama matutuwa ang mga anak ko pag-niluto ko ito. Hindi na kami magugutom. Hindi na muling iiyak si Cleng-Cleng at Jolina sa pagkalam ng sikmura. Bumalik ang tingin ko sa mga katawang pinag pira-piraso ko. Kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi.
Hindi ako ganitong tao alam ko sa sarili kong hindi, pero pinilit nila ako. Gusto ko lang naman ay ang patas na pamamalakad. Pero naging maramot sila. Naging maramot sila ngayon pang panahon ng pandemya. Kay lupit ng tadhana bakit kung sino pa ang mahirap sila pa ang pinagkakaitan ng tulong.
Habang inilalagay ko sa sako bag ang mga katawan ng aming butihing Mayor. Napatigil ako sa ginagawa. “Butihin nga ba?” mga katagang pilit na tumatakbo sa aking isipan. Sandaling nanayo ang balahibo ko sa isiping butihin ang aming Mayor. “Kailan ba siya naging mabuti?” bulong ko pa.
Nang matapos ako sa pag-silid ng mga pira-pirasong katawan niya. Dumiretso ako sa lababo para mag hugas ng kamay. Dahil ayokong makita ang bahid ng mga dugo na sila ang may gawa. Sa una’y hindi ko maatim na gawin ito. Pero kalaunan nasasanay na din ako.
Sinalubong ako ni Cleng-Cleng kasama ni Jolina, ang aking mahal na bunso. Nakita ko ang kasiyahan sa kanilang mga mata nang masilayan nila ang dala-dala kong supot. Alam nilang may maihahain ako ngayong pasko. “Mama, adobo ang gusto kong luto nan ha!” tumatalon pang padyak ni Jolina.
Bilang isang ina kay sarap makita na ganito kasaya ang iyong mga anak. Walang pagsidlang kaligayahan dahil alam mong hindi sila magugutom sa araw ng pasko. Hindi na tulad ng dati na halos mamalimos na lamang para may pambili nang pangkain. Tapos pag-kakasyahin ang kakapirangot na pagkain para maibsan lang ang gutom.
Bakit kaya ganun, hindi ba kami kasali sa mamayang pilipino? Kaya pag-dating sa aming mahihirap parang napakadamot nilang mamigay. Habang inaayos ko ang karneng aking iluluto, napansin ko ang dilat na mata niyang naihalo pa. Kapag mga ganitong parte hindi ko na isinasali sa aking pag-luluto.
Kaya itinapon ko na sa basura. Hinugasan Kong mabuti ang mga mga karne hanggang mawala ang bakas ng dugo dito. Narinig kong may mga nanga-ngaroling sa kapitbahay. Dinig kong sinasabayan iyon ni Jolina at Cleng-Cleng habang nakadungaw sa bintana.
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas,
We wish you a merry christmas.
And a happy new year…… πΆπΆ
Merry nga ba talaga ang pasko? kung ako ang tatanungin. Ayoko na sanang ipagdiwang ang pasko. Dahil bukod sa hindi naman iyon bagay sa tulad naming mahirap. Mas lalo pang pinahirap ng dahil sa pandemic na ito. Pero ayokong maramdaman iyon ng aking mga anak. Gusto kong habang bata pa sila maging masaya sila. Para sa akin isang “fairytales” nalang ang pasko. Kaya habang bata pa sila gusto ko mabuhay sila sa pantasya na masaya ang pasko ngayong pandemya.
Biglang nagbalik tanaw sa akin ang lahat-lahat bago pa mangyari ang mga bagay-bagay na ginagawa ko ngayon.
***********
“Melinda, magtatanggal ako ng tao. Isa ka sa maalis, matumal ang pasok ng pera lockdown ngayon,” sabi ng amo ko. Isa akong serbidora sa maliit na kainan malapit sa palengke. Dalawang daan araw-araw ay pinag-kakasya ko na. Iniwan ako ng ama nila Cleng-Cleng at Jolina. Mag-isa kong...