I’LL NEVER GO CHAPTER 9


Halos isang taon din ang inabot sa panliligaw sa akin ni Mark.
Masyado na akong nakulitan sa kanya kaya kinalaunan ay sinagot ko na rin sya.Hindi dahil sa makul*t sya kundi mahal ko na din sya.
Hindi lang ako ang naging masaya kundi lahat ng mga kaibigan namin ay masaya din.Sa wakas daw ay di na forever single si Mark.
First monthsary namin ay kami lang sana ang magde date pero makulit sila kaya naging group date tuloy ang nangyare.
Habang magkatabi kami sa mesa ay bumubulong sya sa akin.
“Ano ba naman yan bakit ka pumayag na kasama natin sila?”
“Hayaan mo na,ngayon lang ulit tayo nagsama sama ah.Bakit ayaw mo?”
“Gusto ko masolo lang kita,hindi ganito.”
“Hey anong pinagbubulungan nyo dyan ha?” tanong ni Lance.
“Wala,sabi ko happy monthsary to us.”
“Oh di ikaw na ang loverb*y.Ang sweet mo pala maging bf.”
“Hays! Sana all.”
Pero sana nga ganun lagi ang isang relasyon,laging masaya.Kung kelan pa ako nagkaroon ng nobyo ay me tumutol pa.
Nalaman kasi ng Nanay ko ang pinag gagawa ko dito sa Manila.Ayaw nya na magboyfriend ako kaagad.Dapat daw ay pag aaral lang ang atupagin ko.
Nang minsang tumawag ito panay sermun ang inabot ko.
“Anak tapusin mo muna ang pag aaral mo bago yang pagbo boyfriend na yan.”
“Nay di ko naman po pinapabayaan ang pag aaral ko eh.”
“Nangangatwiran ka pa eh ano tong nabalitaan ko sa pinsan mo na me boyfriend ka na at panay ang gimik nyo sa gabi.”
“Di naman po Nay,bihira po yun.Kapag me okasyon lang.”
“Hindi kita pinapunta dyan sa Maynila para magboyfriend lang.Ang sabi mo magtatrabaho ka,aba’y di na kita inobliga na magpadala ng pera.Ang gusto ko ay makatapos ka ng pag aaral mo.”
“Pero Nay hindi naman po sagabal ang boyfriend ko sa pag aaral ko eh.”
“Kahit na.Kung ako lang sana...


ang masusunod ay ayaw ko mangamuhan ka dyan sa mayayaman na yan.”
“Mabait naman po si Tita Pia.”
“At Tita pa talaga ang tawag mo.Anak di na kita kilala nagpapaka sosyal ka na dyan.Ang mabuti pa ay umuwi ka na lang dito sa probinsya.”
“Pero Nay,isang taon na lang at magtatapos na ako.”
“Basta anak ang gusto ko ay umuwi ka na dito.”
“Pag iisipan ko po Nay.”
Nalaman kasi ng Nanay nya na mayayaman daw ang mga kaibigan ng dalaga.At ganun din ang nobyo nito.
๐ŸNanay Alicia POV๐Ÿ
Ayaw nyang matulad sa kanya ang dalaga,nainlove sya sa isang mayaman yun ay ang Tatay nina Xandie.
Nagtatrabaho sya noon bilang saleslady sa isang mall sa bayan ng makilala ang lalaki.Niligawan sya nito,at naging magnobyo.Hindi nya alam na mayaman pala ito dahil lumayas lang ito sa kanila dahil pinagkasundong ipakasal sa hindi naman nito gusto.Pareho silang nagtatrabaho noon sa mall.Dahil sa palaging magkasama kay mabilis magkapalagayan ng loob.Hanggang sa nagsama na nga sila at nagkaroon ng anak.
Kapapanganak nya lamang noon kay Xandie ng matuklasan ng mga magulang ang lalaki.
Hindi sya tanggap ng pamilya nito kaya kahit me dalawa na silang anak ay pinaghiwalay pa din sila.
Sya lang mag isa ang nagtaguyod sa kanyang mga anak.Grabeng hirap ang pinagdaanan nya. Kaya pag nagtatanong sa kanya ang mga anak tungkol sa ama ng mga ito ay ayaw nya pag usapan.
Kaya ganun na lamang ang galit nya mayayaman.
Pero itong anak nya talaga ay matagal nya ng napapansin na kung makaasta ay mayaman.
Kahit pa nga sa napili nitong kurso.
Hindi nya kakayanin kung ganun din ang gawin sa anak nya ng mga mayayaman na yan.Tama ng sya lang.Kaya natuwa sya ng malaman nya na nag aaral ulit ang anak nya.Kasi kahit papaano ay may maipagmalaki ito sa pamilya ng Tatay nya balang araw.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top