ESCAPE ROOM CHAPTER 5


Author shela mae
CHAPTER 5 – Waiting Room
◆ THIRD PERSON’s POV ◆
Naalarma ang limang magkakaibigan nang makarinig sila ng isang malakas na ingay sa kwarto. Mabilis din itong nawala kaya kumalma ang lima sa nangyari.
“Guys, keep calm. Baka may technical problem lang na nangyari, wag maging paranoid” wika ni Jared na nakatayo malapit sa isang mini counter nang kwarto.
“Hindi pa nagsisimula ang ‘Escape Room’ mukhang talo na agad tayo ah” – Russu.
“Anong talo? Hindi to paligsahan. Kelangan lang natin makalabas sa mga kwarto para matapos yung laro, ganun yun” saad ni Mikha saka umupo sa tabi ni Annie na halata sa mukha ang kaba dahil sa nangyari, napansin naman ito ni Austin kaya lumapit siya sa dalaga.
“Hey. Are you okay?” Wika niya.
Napatingin si Annie sa binata saka binigyan nang tango bilang sagot.
“Nabigla lang yung katawan ko sa tunog na yun” wika niya.
“Hmmm okay. Ikalma mo lang sarili mo para mawala na yung kaba” – Austin.
Ngumiti lang sa kanya si Annie saka na umiwas nang tingin. Naglakad naman pabalik sa pwesto niya kanina si Austin dahil medyo nakakaramdam siya ng pamumula nang pisngi kapag nagkakalapit sila nito. Tila, kinikilig siya kapag magkatabi silang dalawa ng dalaga.
Tanging boses nila Mikha at Russu na nagtatalo ang ingay na maririnig sa kwarto.
Sinubukan silang patigilin ni Jared ngunit hindi lang siya pinansin nung dalawa kaya bumalik na lang siya sa pagmamasid ng kwarto.
Dahil sa malikot ang kanyang mata kakalibot sa buong kwarto. Marami siyang bagay na nakita isa na rito ang mga picture frame, wall clock, vase at telopono. Lahat ng gamit sa buong kwarto ay magagara at may “aestethic” na taglay.
Tahimik naman si Annie na nilibot lang ang kanyang paningin sa buong kwarto habang nakaupo lang sa sofa. Iniiwasan niyang madako ang paningin niya kay Austin dahil pansin nito ang panay sulyap ng binata sa kanya kaya dinadaan na lang niya dito upang hindi siya makaramdam ng pagkahiya.
Isang bagay ang napansin ni Annie matapos niyang maglibot. Ito ay ang apat na picture frame sa bawat kanto ng kwarto na may pare-parehas na litrato (isang babae na nakatayo sa isang kagubatan). Hindi na lang niya ito binigyan ng pansin kaya iniwasan na lang niya to. Napadako naman ang tingin niya sa iba niyang kaibigan. Napansin niya si Mikha na mukhang hindi na pinatulan si Russu at busy ngayon na nagbabasa nang isang libro. Si Jared naman ay nakita niya na naglilibot samantala si Russu naman ay abala sa pagkakalikot sa kanyang cellphone. Gusto niya sanang tapunan ng tingin si Austin pero hindi na lang niya ginawa.
“Walang signal na makuha cp ko, hanep yan” sabi ni Russu saka niya sinuksok sa kanyang bulsa muna ang cellphone.
Mahigit 5 minuto na silang naghihintay nang hint kung kelan magsisimula ang ‘Escape Room’ kaya nakaramdam na ang ilan nang pagka-inip.
“Kelan na ba magsisimula ha? Aabutin tayo nang pasko dito oh” saad ni Russu.
“Tss. Edi sana naisip mo kanina na tanungin yung lalaki kanina para makapaghanda na tayo” – Mikha.
Sasagot na sana si Russu nang biglang magsalita naman si Jared.
“Mga beh, mag-aaway na naman kayo. Tigilan niyo na nga yan. Pansinin nyo, mag mga CCTV yung kwarto kaya posible na napapanood tayo ng staff, nakakahiya.”
Pinasadahan nila dalawa nang tingin ang kaibigan saka sila tumahimik.
Napapansin naman ni Annie na wala parin nagaganap sa kanila sa kwarto kaya naisipan niyang maglakad papunta sa telepono para tawagan at magtanong. Pagkalapit niya doon ay isang flashcard ang nakapatong sa isang counter malapit sa telepono at may nakasulat doon na number nang Minos.
Isa isa niyang tinipa ang mga numero hanggang sa tuluyan na niyang sinimulan ang pagtawag.
“Uhmm.. hello po. Gusto po sana namin malaman kung ke——-AHHHHHHH!!!”
Napatingin at patakbong lumapit ang apat kay Annie matapos nilang marinig na sumigaw ito. Binitawan ng dalaga ang telepono agad dahil sa isang nakakabinging sound na sumagot sa kanyang tawag.
Nanghina ang katawan niya dito kaya tinulungan siya ng apat na paupuin sa sofa.
“Annie! Hey! Are you okay ha?”
“Anong nangyari Annie?”
“Okay ka lang ba beh?”
“She’s not alright i think”
Wika ng apat habang tinitingnan ang kalagayan ng dalaga na iniinda ang pananakit nang kanyang tenga.
“A-ayos lang ako. M-meron lang ingay akong narinig na hindi ko kinaya kaya parang nabingi a-ako” sagot naman niya kaya medyo naging kampante ang mga kaibigan niya sa kaniya.
“Teka. Ano ba ginagawa mo dun sa telepono? Sino ba tatawagan mo ha?” Tanong naman ni Russu sa kanya.
“Balak niya ata siguro magtanong sa mga staff kung kelan magsisimula yung ‘Escape Room’ . Nakita ko kasi kanina yung number ng Minos pero hindi ko lang pinansin.” -Jared.
“Tss. Bakit nyo kelangan pang tumawag sa telepono, pwede naman kayong lumabas ng kwartong to’ diba?” – Russu.
“May point ka naman Russu pero hindi ko na...


kelangan pang sumakay ng kotse para bumaba sa 1st floor at tanungin ang bagay na yan direkta.” – Mikha.
Naging maayos naman kaagad si Annie matapos hindi na niya naramdaman ang pananakit ng kanyang tenga. Binigyan naman siya ng tubig ni Austin para maging okay na rin ang dalaga.
“Thanks” pasalamat niya sa binata at nginitian lang siya nito.
“By the way. Ako na lang magtatanong sa telepono para magkaroon naman ako nang ambag” biro ni Austin saka naglakad palapit sa telepono.
“Takpan mo tenga mo pre kung sakali lang” wika ni Russu. Lumingon lang sa kaniya si Austin saka tumango.
Agad niyang sinimulang tawagan ang number ng Minos at mabilis din nakatanggap siya nang sagot. Balak sana niyang takpan ang tenga niya kung sakaling marinig niya ang nakakabinging tunog ngunit hindi na niya itinuloy.
“Welcome to Minos Escape Room. The room for immersive people. To finish this game, you must escape the given rooms by finding and solving clues and puzzles. If you do that, you will win a special prize for beeing an immersive players. The Escape Room will starting now so goodluck!” At kaagad namatay ang tawag. Hindi naman naiwasang magulat ng binata sa kanyang narinig kaya nagtanong si Jared sa kanya dahil sa pagtataka.
” Anong sabi? ” tanong nito habang naghihintay nang sagot sa binata. Ganun din sila Mikha, Jared at Annie na okay na ang pakiramdam.
“May premyo daw tayong matatanggap in case na matapos natin tong laro which is hindi natin alam at isa pa nagsisimula na daw yung ‘Escape Room’ ngayon na.”
“What?!!” Sabay na sigaw ni Mikha at Jared. Nagulat naman sila Russu at Annie dito.
“So ibig sabihin, kanina pa nagsisimula yung ‘Escape Room’ habang naghihintay tayo?” Nagtatakang tanong ni Annie.
“Possible nga bukod dun sa premyo kuno na matatanggap” sagot sa kanya ni Jared.
“Edi kung ganun! Nasa Escape Room na tayo!!!” Masayang wika naman ni Mikha sabay tayo. “Maghanap na kayo ng clue guys! Don’t waste our time aba” dugtong pa nito.
Nag-aalangan namang tumayo si Russu saka siya sumagot. “Ito na ba yung Escape Room na sinasabi niyo. Mukhang walang thrill eh nakakagulat lang yung kanina pa pala tayo nauuto.”
Masama naman siyang tiningnan ni Mikha.
“Walang thrill kasi nga wala pa sigurong nangyayari na something. Yung dapat na dahilan kung bakit talaga kelangan nating makatakas dito.”
“Yeah. Tama si Mikha beh. Tulungan mo na lang kaming apat maghanap” wika ni Jared.
“Kj mo pre. Moody ka na naman” saad lang sa kanya ni Austin. Nagsimulang maghanap sila sa buong kwarto nang mga clue samantala si Russu ay nakatayo lang at pinagmamasdan sila. Naisipan naman niyang umalis na lang nang kwarto kaya naglakad siya palapit sa pintuan
“Huwag kayo magsayang nang oras kakahanap ng kung ano-ano. Kung gusto niyo talaga makalabas, edi buksan niyo na lang yung pinto ng kwarto” saad niya kaya napalingon sa kanya ang apat. Tuluyan na niyang pinihit yung doorknob ngunit sa hindi inaasahan ay natanggal ang doorknoh sa may pinto at isang malakas na ingay ang muling gumulantang sa buong kwarto.
Natakot ang lima sa nangyari kaya naisipan nilang magtago sa mga sulok ng lamesa at kumapit sa mga matitibay na bagay.
“Anong ginawa mo Russu ha?!” Natatakot na sigaw ni Mikha habang nakatago parin sa ilalim nang lamesa.
“Hindi mo ba napansin na natanggal yung doorknob nang pinto!!!” pasigaw na sagot sa kanya ng binata.
“ANO!!!!” Sigaw ni Jared.
“Anong nasira yung doorknob? Natrap na ba tayo dito ah?!”
“Mukhang ganun na nga! Kaya kelangan na natin maghanap ng clue para makalabas tayo dito!” Wika naman ni Annie saka siya lumabas sa pinagtataguan niya.
“Ohhhmaygad! Annie, anong gagawin mo ha??” Natatakot na sigaw sa kanya ni Mikha.
“Guys! Tunog lang yan okay. ‘Wag kayong matakot. Ang bigyan nyong pansin na natrap na tayo dito sa kwartong to okay!” -Annie.
Agad na tumigil ang malakas na tunog sa buong kwarto matapos magsalita nang dalaga. Mabilis naman silang tumayo at umalis sa ilalim nang lamesa nang bumalik sa normal ang lahat.
“Tama nga si Annie guys. Kung natatakot tayo sa isang tunog lamang mukhang talo na tayo sa larong to” wika ni Austin saka mabilis na sumulyap sa dalaga.
“Well. Mukhang kelangan ko na rin maghanap.” Tanging nasabi na lamang ni Russu na mukhang nagsisisi sa kanyang sinabi.
Hindi na lang ito pinansin nang apat saka muling nagpatuloy sa paghahanap.
Sa kasamaang palad ay biglang napansin ni Annie na nagbago ang hitsura ng kanilang kisame.
“G-guys” natatakot niyang tawag sa apat saka tumuro sa kisame. Halos nanlaki ang kanilang mga mata nang makita na ang dating normal na kisame ay naging isang matutulis na bakal na nakatutok pababa.
Mas lalong naging dahilan nila ito upang makalabas sa kwarto na to nang pumasok sa kanilang utak ang magiging kahihitnan nila kung hindi sila makalabas ng WAITING ROOM.
—end of chapter 5






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top