Escaping From My Possesive Ex


Prologue:
Iniwan nya ako. Hinayaan. Ni hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit bigla na lang isang umaga Hindi nya na ako pinupuntahan sa bahay, kino contact. Ilang beses ko syang pinupuntahan sa kanila pero lagi syang wala. Ilang beses akong nagmakaawa sa daddy nya na sabihen saken kung nasan sya. Pero wala. Iniwan nya akong walang paliwanag saken. Sana sinabe nya man lang saken kung anong dahilan ng pag alis nya. Kung ano bang nagawa ko? Kase kahet ako sa sarili ko, hindi ko alam ang sagot. Dahil wala naman akong ibang ginagawa kundi ang mahalin lang sya.
Chapter1
Viene P.O.V
‘Kamusta paghahanap mo ng trabaho? Tanong saken ng aking ina pagkapasok ko pa lang dine sa bahay. Pagod ko lang itong tinignan at saka naupo sa isahang sofa
‘Wala pa din ma. Ang hirap kaseng maghanap ngayon, lalo na at may Pandemya pa’. Sagot ko dito habang hinihimas ang aking paa. Ang saket neto dahil siguro sa kalalakad ko
‘Oh ate uminom ka muna’. Napa ngiti naman ako ng abutan ako ng bunso kong kapatid ng malamig na tubig. Simula ng mamatay ang aking ama, yung kuya ko na ang tumayo naming pangalwang ama. Nuon, pero ngayon hindi na. May pamilya na kase sya e. Nag asawa na sya nung isang taon pa, kaya naman ako na ang tumatayong ama samen. Si mama pa extra extra lang sa paglalabada at pamamlantsa. 5 kaming magkakapatid. Yung dalwa kong kapatid siguro nasa kwarto nila. Medyo malaki kase itong bahay na naiwan samen ni papa. 2 palapag sya. Merong isang kwarto dito sa baba, sa taas 2 kwarto
‘Oh sya. Hayaan mona. Bukas nga pala ay may labada uli ako, isasama ko yung dalwang babae. Samahan mona lang muna dito si arvin’. Mahabang litanya ni mama na ang tinutukoy ay ang bunso kong kapatid. Tinanguan ko lang ito at saka...


nagtungo sa aking kwarto. Andto lang sa baba ang kwarto ko. Sa taas ang kwarto nina mama.

Pabagsak akung nahiga sa kama at saka nakipagtitigan sa kisame. Hayst.! Kelan kaya ako magkktrabaho? Kailangan ko ng makahanap. Baka mamaya maputulan na kami ng tubig at kuryente. Ang mamahal pa naman ng mga bayarin nun.
‘Kriinggg.. kringg– . Bagot na kinuha ko ang di keypad kong celpon sa bulsa ng aking pantalon at saka ito sinagot
‘Helooo.. besyyy’. Agad na nailayo ko ang selpon sa aking tainga ng marinig ko ang matinis na boses ng kaibigan ko. Tss kahet kelan talaga.
‘Ohh. Ano? Tanong ko dito
‘Haha. Sunget naman’ napa rolled eyes na lang ako. Tss. Siguradong nakanguso na yun ngayon
‘Ano bang kailangan mo? Bat bigla kang napatawag? Nakairap na tanong ko dito kahet na hindi nya naman ako nakikita
‘May goodnews ako sayo sisss’. Tss ang bakla talaga.
‘Siguraduhin mong good news nga yan, kundi matatamaan ka saken’.
‘Oo bakla. Hiring ngayon ng waitress dito sa restau ng mga ninang ko. Kaya punta kana agad ngayon dito’. Masayang sabe nya. Bigla naman akong napabalikwas ng bangon
‘Waitress? Hiring? Tunay ba yan baklaaa? Masayang tanong ko dito. Narinig ko naman ang pagtawa nya sa kabilang linya
‘Yes bakla. Tunay na tunay. Kaya ano pang iniintay mo. Lika na”. Kaagad kong pinatay ang tawag nya at mabilis na sinuklay ang aking buhok.

‘Oh san kana naman pupunta. At mukhang nagmamadali kapa?. Tanong ni mama ng makitang paalis ako.
‘Hiring daw ma sa pinagttrabahuhan ni lucas. Kaya mapunta ako ngyon dun’. Masayng sabe ko dito. Nakita ko din naman na napangiti sya
‘Oh sya. Ayos yan. Mag iingat ka’. Hindi ko na sya sinagot sa pagmamadali kong makaalis..
—-
hey guys.. ako author nung ‘Hating myself for Loving you’. Hindi kona muna sya itutuloy. Ito muna. So sanaaa may magbasaaa❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top