Fated Hearts CHAPTER TWO


Fated Hearts ❤️
❣️ CHAPTER TWO ❣️
“MAGANDANG umaga, ” bati agad ni Mark kay Cris nang makita ito sa kusina na nagluluto ng almusal. Awtomatikong nasira ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapangiti. Lantaran niyang pinagmasdan ang mukha nito. Kagabi, nang hingin niya ang pangalan ni Cris, nais lang talaga niyang malaman ang pangalan nito, iyon lang. Hindi naman siguro masama iyon. Bagay na bagay kay Cris ang pangalan at hindi niya ikakaila iyon. Sinabi rin niya ang kanyang pangalan bagaman “Rhodel” lang ang ibinigay niya at hindi ang buong pangalan para may sense of privacy. Usually, his friends call him “Mark”, so he decided to go for “Rhodel” this time.
Tumikhim siya. “Ang aga-aga, yang nakasimangot na mukha mo agad ang ibabati mo sa kin? Don’t tell me, naiirita ka na naman sa pagta-Tagalog ko?”
“Nandito ka sa Mindanao kaya dapat pag-aralan mo ang dialect namin,” sabi ni Cris.
Natawa nang mahina si Mark. “Give me a month, okay? Wag kang mag-alala, I’m a fast learner.”
Bumuntong-hininga ito. “Whatever. Heto nga pala…..” Inabutan siya nito ng ice pack. “Para sa mga pasa mo. Sayang naman yang mukha mo kung wala kang gagawin sa mga pasa mo.”
Napangisi siya nang maluwang habang kinukuha ang ice pack. “Are you implying that I’m good-looking?”
“May sinabi ba ako?” Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
Napansin ni Mark ang bahagyang pamumula ng mga pisngi ni Cris. The urge to tease her once more was overwhelming but he did not want to embarrass her any further. Umupo siya at inilapat ang ice pack sa mukha. “Wala.”
“Ganon naman pala, eh,” sabi ni Cris, saka tumalikod. Sunny side-up egg ang niluto nito. Meron ding hotdog, bacon, at fried rice. “Kumain ka muna bago ka umalis,” sabi nito matapos ilapag sa mesa ang mga niluto.
Sumandal si Mark sa mesa habang nakatingin kay Cris. “On second thought, pwede bang dito na lang ako tumira? I’ll pay you two thousand five hundred every month. Or three, if you want.”
Napanganga ito. “Ano?”
“You heard me. Gusto kong dito na lang mag-stay sa bahay mo. Of course, babayaran kita buwan-buwan.”
Napakurap ito na para bang hindi makapaniwala sa narinig. “Nagbibiro ka ba?”
Nagkibit-balikat si Mark. “No, I’m afraid not.”
“Hindi dormitory o boardinghouse itong bahay ko,” sabi nito na lalo lang napangisi sa kanya.
“Siyempre alam ko yon. Pero I honestly feel at home here kaya naisip kong dito na lang mangupahan.”
Well, totoo iyon. There was another reason : he wanted to know more about this girl who was standing in front of him, making breakfast. He did not exactly know why but there was something mysterious about her. And since saving her last night, he had this urge to always protect her.
Naningkit ang mga mata ni Cris at alam na alam na niya kung ano ang iniisip nito. Tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. “Hayan ka na naman. Napaka-negative mo. I’m not a rapist or a murderer, if that’s what you’re thinking. Hindi ako masamang tao. I’m harmless, trust me. You’re safe with me.”
“Lalaki ka at kayang-kaya mong gumawa ng masama sa isang mahinang babaeng gaya ko.”
Natawa si Mark. “Ikaw na nga mismo ang nagsabi, diba, na puro siga ang mga kapitbahay mo at hindi ako makakalabas nang buhay rito kung gagawan kita ng masama. Nakalimutan mo na ba?”
Nalukot ang ilong ni Cris at nakikita niya sa mukha ng dalaga na pinag-iisipan nito ang alok. He just needed to push a little more, and voila, papayag na ito.
“So, ano na?” Mukhang nagdadalawang-isip pa rin ito. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip. “Ayaw mo non? May matatanggap ka buwan-buwan. At kung paglilinis at pagluluto rin lang ang inaalala mo, kaya kong gawin yon. I know how to clean and cook.”
Sa totoo lang, marunong naman talaga siyang maglinis dahil siya ang maglilinis ng kuwarto niya. Pero sa pagluluto, hindi siya masyadong sigurado.
“At kung nag-aalala ka sa parents mo, don’t worry aalis ako as soon as they come back.”
Cris played with her tongue inside her cheek. Alam niyang pinag-iisipan nitong maigi ang alok. “Okay, fine. Three thousand per month. Walang labis, walang kulang,” sa wakas ay sabi nito.
He flashed her a big smile, wide enough that the corners of his mouth ached. “Sure. Three thousand, it is.”
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
PAALIS na sana ng bahay si Cris upang magtrabaho nang makita si Rhodel sa sala na komportableng nakaupo sa couch. Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na pantalon. Ang suot nitong Converse ay mukhang bago pa na para bang ngayon lang kinuha sa shoe box. Napakunot-noo siya.
“Aalis ka?” tanong ni Cris bago pa mapigilan ang sarili. Hindi naman sa may pakialam siya. Curious lang siya. Wala namang masama roon, diba?
Ngumiti nang matamis si Rhodel. “Yeah. Actually, ihahatid sana kita, if you don’t mind.”
Napakurap siya. “Ano?”
Bumuntong-hininga ito habang tumatayo. “Bingi ka na ba ngayon? Ang sabi ko, ihahatid kita sa pinagtatrabahuhan mo.”
“Bakit pa? Hindi naman ako mawawala. Kabisado ko ang pasikot-sikot dito sa siyudad. Huwag mo na akong ihatid, okay?”
“But I want to. And besides, gusto kong maging pamilyar sa siyudad na to. At ikaw lang ang makakatulong sa akin.”
“Hindi mo ako tour guide,” bulong ni Cris. Siyempre, narinig iyon ni Rhodel dahil tumawa ito.
“Come on, Cris. Can’t you at least be nice to me even for just a day?”
Pinaikot niya ang mga mata. “Oo na, oo na. Payag na ako,” sabi niya bago mapigilan ang sarili.
Ano ba ang meron sa lalaking ito at bigla na lang siyang napapapayag sa mga gusto nito?
“Great. So come on, let’s go.” Nagpatiuna na si Rhodel na lumabas ng bahay at sumunod siya.
Nang mai-lock na ni Cris ang pinto at ang gate ay nagsimula na silang maglakad. Pero nakakailang hakbang pa lang sila ay may dalawang lalaki na malalaki ang katawan ang sumalubong sa kanila. Napa-“whoa” si Rhodel na napaatras pa at muntik na...


siyang matawa.
“Kinsa ni?” tanong ng isa sa mga lalaki na itinuro si Rhodel.
“Relax, Kuya Indong,” sabi ni Cris. And yes, these two guys were one of the many protective neighbors she had. “This is Rhodel. Nangungupahan siya sa bahay. And be nice, okay? Wala pa naman siyang ginagawang masama.”
Pinaningkitan siya ni Rhodel ng mga mata.
“At dapat magsalita kayo ng Tagalog. Hindi pa nakakaintindi ng Bisaya yan. From planet Mars kasi, eh.”
Humalukipkip si Rhodel at tumingin sa kanya.
“Joke. I mean, taga-Maynila kasi siya,” balewalang bawi ni Cris.
“Ganon ba? Hey, Rhodel boy,” bati ng isa, si Kuya Borj. Rhodel smiled awkwardly in return but slightly bowed his head, nonetheless. “Kumusta ka, bata?”
He cleared his throat loudly. “Uhm, okay lang po…..”
“Ako si Borj. Ito namang hayop na to….” Itinuro nito ang kasama. “Si Indong,” saka ngumisi.
Hindi alam ni Rhodel kung ano ang ire-react sa joke ni Borj ngunit si Cris ay tumawa lang.
“Hay naku, ikaw talaga, kuya Borj. O siya, aalis na kami,” paalam niya.
“Teka, saan ang punta niyo? Kakakilala niyo pa lang, date na agad?” tanong ni Kuya Indong.
She heard Rhodel snicker but she ignored it. “Anong date? Gusto mong kalbuhin kita riyan, Kuya?”
“Joke lang, kaw naman.”
“Gusto niya akong ihatid sa trabaho. Nagpapadyak, eh, kaya isinama ko na lang. Kawawa kasi.”
Napatingin uli si Rhodel sa kanya na nakasimangot pa. Gusto niyang matawa ngunit pinipigilan niya ang sarili. She was actually enjoying the moment.
“Sige na, aalis na kami, ayokong ma-late sa trabaho,” muling paalam ni Cris.
“Oh, sige. Kita-kits mamaya, Rhodel,” sabi ng dalawa at sumaludo pa.
Rhodel saluted back in reply. “Gee, you really weren’t kidding when you said na puro siga ang mga kapitbahay mo,” sabi nito nang naglalakad na sila.
Tumaas ang isang kilay niya. “Bakit? Takot ka?”
“Hindi naman.” Ngumisi ito. “Despite their scary faces and aura, I can sense that they’re good guys.”
“Maniwala ka, hindi magdadalawang-isip ang mga yon na ihawin ka kapag may ginawa kang masama sa akin.”
“Hmmm, yeah right,” anas nitong tumingin sa kanya habang nakangiti.
Pinaikot ni Cris ang mga mata at hindi na lang sumagot.
💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
“HEY, YOU,” bati ni Cris kay Rhodel matapos niyang ilagay sa mesa nito ang in-order na chocolate caramel tart at mocha frappé. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Kanina ka pa nandito. Akala ko ba gusto mong maglibot sa buong siyudad?” halos pasinghal na sabi niya.
Ang akala niya ay aalis na si Rhodel nang maihatid siya. Pero pumasok ang binata sa loob ng coffee shop. Hindi naman niya ito pinalayas dahil akala niya, magpapalipas lang ito ng ilang minuto. Ngunit ang ilang minuto ay naging isang oras at kalahati. Hindi naman matao ang shop ngunit ang ibang katrabaho ni Cris ay napapansin na ang binata. And she did not know why but it was freaking her out.
Komportableng sumandal sa upuan si Rhodel. “I wanted to. Pero naisip ko, mas gusto kong gawin iyon nang kasama ka.”
(Oh, dear heart. Calm yourself, Merry Cris!) Tumikhim siya. ” Nagtatrabaho ako. Hindi kita masasamahan, okay? Kaya please, umalis ka na. You’re a distraction here.”
Napakurap ito at napangisi. “Me? I’m a distraction? How come?”
Pinigilan ni Cris na mag-init ang mga pisngi. “Basta! Sige na, umalis ka na. Bumalik ka na lang kaya sa bahay? Ibibigay ko sayo ang susi?”
“No, I don’t want to go home just yet.”
“Ano? Talaga bang gusto mong nag-aksaya ng oras dito sa coffee shop?”
Ngumisi si Rhodel. “Why not? Hihintayin na lang kita hanggang sa mag-out ka.”
“Mamayang alas-otso ng gabi pa ang out ko. Mababagot ka lang sa kakahintay. Umuwi ka na lang okay? Ibibigay ko sayo ang susi ng bahay.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pumunta na siya sa locker room upang kunin ang susi sa bag.
Nang mapadaan si Cris sa counter ay nakangising kinindatan siya ng kaibigan at katrabahong si Barbie. At walang tunog na sinabing “guwapo”.
Pero inirapan lang niya ang kaibigan.
💓💓💓💓💓💓💓💓💓
MATAPOS magpaalam sa mga katrabaho ay umuwi na si Cris. Binati siya ng malamig na hangin paglabas. Nagsisimula na siyang maglakad nang biglang matigilan. Nilinga niya ang paligid at biglang natakot nang maalala ang nangyari kagabi. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pinauwi pa niya si Rhodel kanina.
Kinakabahang kinagat niya ang ibabang labi, sinisikap na pakalmahin ang sarili. She wondered if the stalker was there watching her in the dark. Lumunok siya at pilit iyong iwinaksi sa isip. Alam niyang hindi iyon makakatulong.
Nagsimula na uling maglakad si Cris. Pero biglang may humawak sa kanyang braso. Muntik na siyang mapatili ngunit hindi natuloy nang malingunan si Rhodel. Hinampas niya ito sa balikat.
“Balak mo ba akong patayin sa nerbiyos?” sigaw niya habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Ngumisi lang ang walanghiya. “Sorry, I didn’t mean to startle you,” he said.
Ngunit kahit paano ay nakaramdam siya ng relief na makita ang binata.
“I was actually waiting for you.”
Pinigilan ni Cris na mapangiti dahil sa sinabi nito. Baka isipin pang masaya siyang makita ito. “Kanina ka pa?”
“Not really. Siguro mga five minutes ago. Kumakain lang ako ng proben,” sabi ni Rhodel, sabay turo sa di-kalayuan.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa binata. Ang lalaking ito? Kumakain ng proben? Seriously?
Tumawa ito na tila nababasa ang kanyang naiisip. “Kumakain din ako ng street foods. Yon nga lang, kumakain lang ako kapag mainit yong pagkain. A study says that the pathogenic food-borne microbes in proben, or in any street food, are mostly destroyed when the food is cooked. Kaya ikaw, kapag gusto mong kumain, piliin mo iyong mainit. Yong kaluluto pa lang.”
Hindi niya mapigilang mapangiti. “Whatever.”
“I’m serious.”
“Oo na, oo na. I’ll remember what you said.”
He grinned. “Good girl.”
Ewan ni Cris kung bakit nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Bumaling siya sa ibang direksyon upang hindi nito iyon mapansin.
“Tara na, umuwi na tayo.”
Tumango siya at magkatabi silang naglakad pauwi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top