Fathers and son Part 25


Hatinggabi na ng magising si Leslie. Nakaramdam siya ng sakit sa may bandang ibaba ng kanyang tiyan. Naiihi yata. Tiningnan niya si Lee. Tulog ito perio nakadantay pa rin sa kanya ang kanang binti at paa.
” Lalaking ito. Nakatulugan na ganyan ang ayos. Mabigat pa naman ang binti niya. ” Bulong niya na bahagyang naiinis.
Nag aalangan siyang gumalaw at alisin ang binti nito dahil baka magising niya ang lalaki. Pero kailangan na niyang magbanyo.
” Hmm..lee..lee…” Ginigising niya ito ng mahina. ” Lee..magbabanyo ako. Pwede bang alisin mo yang binti mo.” Paki usap niya.
Hindi siya narinig ng lalaki. Nanatili pa rin itong tulog sa paningin niya. Wala na siyang pagpipilian kundi ang iwaksi ang binti nito.
” Hindi naman siguro magigising ito kung gagawin ko ito.” Binuhat niya ang binti ni Lee saka iwinaksi sa isang kilos lang. At nagawa naman niya ito. Sinilip niya si Lee. Sinigurado na hindi niya nagising. ” Haaayy…salamat.” buntong hininga niya.
Marahan siyang bumangon. Dahan dahan. Isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang bigla siyang hinawakan ni Lee sa braso.
” Oh?!” Nasambit niya sa pagkagulat.
” Saan ka pupunta?” Nakapikit na tanong ni Lee. Hawak pa rin braso niya.
” Magbabanyo ako. Ihing ihi na ko kanina pa. Bitawan mo nako bago pa ko dito magkalat.” Pilit na kumakawala si Leslie sa pagkakahawak ni Lee.
” Ganoon ba…sige. Tumakbo ka na lang kapag makarinig ka ng sunod sunod na yabag.” Paalala nito na nakapikit pa rin.
Binitawan siya ni Lee. Tinungo ang pintuan pero parang natigilan.
” Teka….sunod sunod na yabag? ” Nilingon niya si Lee.” A..nong ibig niyang sabihin?” Nalilito niyang tanong at saka natigilan.
Bumalik si Leslie sa pwesto ni Lee.Lumunok muna bago nagsalita.
” Lee…Lee…” Nag aalangan niyang yugyog kay Lee.
” Hmm..???” Nagmulat ng mga mata si Lee.
” Pwe..de bang samahan mo ko.” Paki usap niya.
” Ano?! Samahan kita sa banyo?”
” Oo..”
” Huh! Sigurado ka?!”
” Mmm….” Sinabayan pa ni Leslie ng tango.
Hindi sumagot si Lee. Sa halip,bumangon ito at nilinisan ang mga mata. Tumayo at nauna pa kay Leslie paglabas. Sinundan naman siya ng huli.
Pagkalabas,dumiretso ng banyo ang lalaki. Binuksan ang ilaw saka sumandal sa isang gilid na nakapikit ang mga mata.
” Lee…”
” Mmmm..ano na naman?” Sagot nito na nakapikit ang mga mata.
” Ihing ihi nako.” Namimilipit na sabi ni Leslie.
” Umihi ka na diyan. Nandito na tayo sa banyo.”
Nainis yata si Leslie. Pinapaihi nga siya ni Lee pero nasa loob pa rin ito ng banyo.
” Hoy! Paano ako maka iihi kung nandito ka rin sa loob ng banyo? Ano? Sisilipan mo ko?”
Minulat ni Lee ang kanyang mga mata.
” Sabi mo samahan kita dito sa banyo. Eh,di. Heto na. At saka nakapikit naman ako kaya wala akong makikita.” Inis ring wika ng lalaki.
” Haaiiishhhhtt!!!! Lee!!” Nanggigil na turan ni Lee. ” Kahit kelan…naku….” Hahampasin na sana ni Leslie si Lee dahil hindi na niya kaya ang pang aasar nito at maiihi na siya, pero mabilis nakalabas si Lee na nakangiti pa. Masaya yata sa naging reaksyon ng babae.
” Huuu!!!!!”
Agad na sinara ni Leslie ang pintuan at ni lock. Saka tinuloy na ang kanina pa niyang nararamdaman.
Pagkatapos magbanyo,lumabas na siya. Hindi na niya pinatay ang ilaw sa banyo. Madilim kasi sa kusina kaya hinayaan na lamang na nakabukas ito.
Natigilan siya nang hindi nakikita si Lee sa paglabas.
” Lee…uy! ” Tuloy tuloy sa paglakad hanggang sala. ” Lee…lokong iyon. Iniwan ako.” Bulong niya.
Malapit na siya sa sofa. Kinakapkap bawat mahawakan.
” Nasaan ba kasi ang switch rito. Huu…Lee talaga. Hindi pa binuksan ang ilaw dito sa sala.”
Tuloy tuloy lang sa pagkapkap si Leslie. Nang bigla syang may nahawakan na kamay.
” A…” Titili na sana pero maagap siyang hinila ng kamay at tinakpan ang bibig.
” Shh!! Huwag kang maingay. Ako lang to” saka inalis ang kamay na tinakip niya kay Leslie.
” Lee?! “Nakadagan siya sa lalaki ngayon.” Anong….teka nga! ” Tatayo na sana pero niyakap siya ni Lee.
” Dito ka lang muna. Kahit ngayon lang. Namiss ko rin kasing may kayakap.” Bumuntong hininga si Lee sabay pikit ng mga mata.
” Pwede ba…kung namimis mo yung asawa mo,huwag akong pagtripan mo.”
Pero hindi siya pinansin ni Lee. Nagpatuloy lang ito sa pagkayakap sa kanya.
” Bitawan mo ko. Uy!” Sabi niya pero hindi naman nagpupumiglas.
Nang biglang bumukas ang ilaw….sa isang iglap,napunta si Leslie sa sahig. Itinulak pala siya ni Lee.
” Aaraayy….” Daing niya na hawak ang pang upo.
” Oh! Leslie! Anong ginagawa mo diyan?” Si Larry. Nuuhaw kaya lumabas mula sa kabilang kwarto. ” May kailangan ka ba kay Lee?” Tanong agad nito nang makita si Lee na nakahiga sa sofa.
” Ha?!” Saad...


niya. Pagkatapos tiningnan ng matalim si Lee na nagkunwaring tulog. ” Ahh….wala. Sige..papasok na ko sa silid.”
” Sige….” Sinundan ni Larry ng tingin si Leslie hanggang papasok sa silid.
At nagtungo na si Larry ng kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Bumalik na rin sa kwarto pagkatapos.
Si Lee naman ay bumangon at papasok rin sa kwarto nila ni Viel nang makitang wala na si Larry. Pinihit ang pintuan saka pumasok. Hindi niya inaasahan na gising pa pala si Leslie at inaabangan siya. Hindi niya tuloy naiwasan ang hampas ng babae sa kanya.
” Sira ka talaga! Nilaglag mo pa ko!” Mahinang anas niya pero halatang galit.
” Arayy!” Turan naman ni Lee pero mahina rin. Iniiwasan nila na magising si Viel.
Saka nagpatuloy na naman sa paghampas si Leslie. Mahina man pero madiin. Nang hampasin niyang muli si Lee,nahawakan nito ang kamay ni Leslie. Hinila sabay pinahiga sa sahig kung saan sila nahiga kanina.
Tinitigan ni Lee si Leslie. Walang kakurap kurap. Seryosong seryoso. Palipat lipat ang mga mata sa mga mata ng babae patungo sa ilong saka sa labi nito.
Pulang pula si Leslie. Hindi mawari ang pakiramdam. Sunod sunod na lunok na lang ang ginawa niya. Handa ba sya sa gagawin ni Lee sa kanya ngayon. Ganitong ganito kasi ang eksena kapag hahalikan ng lalaki ang isang babae.
Dahang dahang bumaba ang mukha ni Lee kay Leslie. Sabay pikit ng mga mata saka….
” Aahhh……. Matulog na tayo.” Sabi lang nito saka umalis sa pagkakadagan kay Leslie. Umayos ng pagkakahiga.
Nakagat ni Leslie ang labi niya. Nahiritan na naman siya ni Lee. Siguradong bukas,tatawanan siya nito. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na hininga saka nagpasyang matulog na rin.
Kinabukasan, nahuli sa paggising si Leslie. Pagtayo niya,wala na sa kama si Viel pati na rin si Lee ay wala na sa tabi niya. Iniligpit na lamang niya ang hinigaan pati ang sa kama.
Sabay na naliligo sina Larry at Lee sa labas ng bahay. Kasama kasi rin nila si Viel na nanonood sa kanyang dalawang papa.
” Lilinisin ka lang namin anak. Huwag ka na munang maligo. ” Sabi ni Lee.
” Opo..”
” Ako na maglinis sayo. ” Prisinta ni Larry. ” Lee,paki abot nga ng tabo.”
” Heto….” Sabay abot sa tabong ginamit kanina.
” Dahan dahan lang tayo…” Maingat na nililinisan ni Larry si Viel.
” Ako na ang magsabon.” Si Lee na naman. ” Masakit ba anak?”
” Hindi papa..”
Tulong tulong ang dalawa sa paglinis kay Viel. Sabay pang nagtatawanan.
” Mga papa..kelan ba babalik si Papa Rodney?” Tanong ni Viel na napatigil sa dalawa at nagtinginan.
” Ah…hindi namin alam ,eh. Baka sa susunod na buwan. Hintayin na lamang natin siya.” Ngumiti pa si Larry para hindi malungkot si Viel.
” Ang daya naman niya.” Bahagyang tampo ng bata.
” Huwag kang mag alala. Pagdating ni Rodney. Pasyal tayong lahat.”
” Tama. Pasyal tayong lahat,anak. Kaya huwag ka ng malungkot.” Dagdag pa ni Lee. ” Susuntukin ko yon pagdating niya. Pinapalungkot ka.”
” Huwag naman po papa. ”
” Biro lang…” Bawi agad ni Lee.
” Hayan…malinis ka na anak. Hintay lang saglit at maliligo lang kami ni Lee. Dyan ka lang ha. Panoorin mo lang kaming mga matcho mong papa. Pero teka..sino nga ba mas matcho samin ni Lee? Ha?..”
” Mas matcho ako sayo,tingnan mo!” Sabay porma pa ni Lee.
” Mas matcho ako. Tingnan mo.” Sadya pang pinalaki ni Larry ang braso niya.
Naka short lang sila at walang pang itaas habang naliligo.Tuwang tuwa naman ang anak nila sa kanilang ginagawa.
” Hahha..mas matcho po ako papa…” Hirit ni Viel. Sina Lee at Larry naman ang nagtatawanan ngayon.
Sa kanilang pagtatawanan,hindi sadyang nahagip ng mga mata ni Lee ang nakatingin na si Leslie. Nakangiti rin. Tuwang tuwa habang minamasdan sila mula sa bintanang paharap sa kanila.
Hinampas ni Lee ang tiyan ni Larry. Bagay na kinabigla at kinagulat ng huli.
” Aray…” Sabay arko ng kilay na tila nagtatanong sa kanyang ginawa.
” Hetoo…” Tinapon sa kanya ni Lee ang kanyang towel. ” Tapos ka na. Mauna na kayo ni Viel sa loob.”
” Eh,hindi pa ko tapos…”
” Tapos na.” Mariin nitong saad. Tiningnan niya ulit ang kinaroroonan ni Leslie. Nandoon pa rin ang babae.
Tiningnan naman ni Larry si Lee. Saka niya nalaman kung bakit pinapapasok na siya nito. Nakuha na rin niya ang tinuran ni Lee.
” Hu…”
” Ano?! ”
” Wala…pasok na kami. Mag enjoy ka diyan!” Kumuha pa ng isang tabo ng tubig saka binuhos kay Lee.
” hAh!…” Magkasalubong na mga kilay ang ginanti ni Lee kay Larry.
” Halika na ,anak. Pasok na tayo dali.” Binuhat ni Larry si Viel papasok ng bahay.
Nakita rin ni Lee na umalis na si Leslie.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top