Gusto ko na lang balikan yung araw na hindi pa kita kaibigan


Gusto ko na lang balikan yung araw na hindi pa kita kaibigan”
••••BASAHING MABUTI••••
– Written by:me


“Totoo ba tong nakikita ko?”
“Mahal kita Dave” sambit ni shine
Saktong hahalikan niya na ako, Isang malakas na sampal Ang gumising sa akin.
“Hoy! kuya, binabangungot ka na Naman?!” Saan ng kapatid kong maldita.
“Sana hinayaan mo na lang akong bangungutin. Paepal!” Masungit na tugin ko sabay tingin Ng masama sa kaniya.
“Ako na nga tong nagmamagandang loob, tapos ako pa ngayon masama. Tsk!” Galit na sabi nito sabay lumabas
Sino ba naman kasi hindi magagalit kapag sinampal ka, diba? Nasa gitna na ako Ng isang magandang panaginip tapos sasampalin lang ako. Mali yon si raffy!
Si shine nga pala ang long time friend ko, long time crush ko rin. Nakakaakit kasi yong mapupungay niyang mga mata at Ang ganda rin Ng kaniyang labi. Magaling din makahalubilo sa Shine kaya naman marami siyang kaibigan at kilala rin siya sa buong school
Madalas kami nasasabihang mag jowa, dahil sa sobrang sweet namin sa isa’t isa
“Shine, andiyan na naman iyong jowa mo.”
Sambit nong lalaki na may gusto Kay shine
“Nako! May date na naman iyan silang dalawa.”
Saad Ng tsismosa niyang kaibigan.
” Tumigil nga kayo,besprend ko lang si Dave.”
Tigon niya naman para tumahimik sila.
Madalas akong nasasaktan sa tuwing babanggit niya Ang salitang ” Best Friend”,kasi hindi lang naman doon ang pag-tingin ko sa kaniya.
“Oo nga, hindi naman ako papatol sa pokwang.”
Sagot ko naman.
Madalas ko na lang siya sinasabihang pokwang kahit alam ko sa aking sarili na pang beauty queen ang ganda niya.
We’re been together for almost 4 months as a friend lang guys,baka kung ano ang isipin ninyo.
Madali lang din siyang lapitan at hindi siya madamot katulad ng ibang tao.
*Shine pokwang is Active now*
Dave:Hoy, pokwang
Shine:Alam ko na ang pakay mo,wala ka na namang notes sa math ano?
Dave:Nakakatamad kasi makinig
Shine: Tamad ka naman palagi
Dave:Libre na lang kita ng lugaw sa labas ng school
Dave: Balita ko masarap daw ang lugaw ron?
Shine:Sige,bukas ihahatid ko riyan.Tamad kasi si dave panot
Hindi lang naman iyong notes ang pakay ko sa kaniya,gusto ko rin talaga siya makausap
Hindi ko alam kung bakit kanikilig ako sa tuwing nagaasaran kami,Oo gusto ko siya,Shine gusto mo rin ba ako?Amininmo!Aminin mo!Aminin mo!
Palagi niya pa naman dinadamay ang mga magulang ko sa tuwing nagaasaran kami.
Shine:Mama mo nga si Tonyang
Shine:Tapos pipoy pa ang pangalan ng papa mo,dati ba siyang pototoy? HAHAHAHA
Dave:Edi panalo ka na,nanay mo nga dating crush iyong tito ko. Bleee
Shine:Ikaw nga crush mo ko
*/sinuntok yung pader*
Dave:Fake news
Dave:Mahilig ka talaga sa sa fake news,Nako!
Yeahh! Torpe talaga ako at hindi ko kayang umamin kahit sa chat man lang.
(FAST FORWARD)
Habang nasa lugawan kami pinagmamasdan ko ang ngiti niyang nakakatunaw.
“Hoy!kanina mo pa ako tinitignan”Aniya kasabay nang pag-tapik nito sa balikat ko.
“Hindi ki lang mawari na sobrang swerte ng magiging boyfriend mo.”Sambit ko sa aking isipan.
“Dave lalamig na yong lugaw mo”Pag-gising niya sa diwa kong nagpapantasya na naman.
“Inlove ka na naman sa beauty ko no?Dugtong pa nito sabay ihip sa mga mata ko.
“Ano ba yan!Pinag-papantasyahan pa kita”
“este kakainin ko na nga.”Palusot ko pa.
Nako Dave,malala ka na.”Aniya habang nakita ko naman ang pag-pula ng kaniyang pisngi


Habang naglalakad hindi niya maiwasan ang hindi ako tanungin.
“Paano kung may manligaw sa akin?”
“Edi ang malas niya lang HAHAHA”Pabirong tugon ko na ikinakunot naman ng kaniyang noo.
“Bakit?May mali ba sa akin?”Seryosong saad nito habang nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan ng matagal.
“Ang tanging mali mo lang ay mag-hahanap ka pa ng iba samantalang handa naman kitang samahan kahit sa kabilang buhay pa.”Ani ko sa aking isipan dahil wala akong lakas nang loob na sabihin ito sa kaniya ng harapan.
“Kasi ang pangit mo HAHAHA”Pilosopong sagot ko.
Nakita ko naman ang galit sa mukha niya at bigla tobg nag-walkout
Umiwas ako ng tingin dahil hindi...


ko siya kayang tignan ng matagal.
“Ang tanging mali mo lang ay mag-hahanap ka pang ina samantalang handa naman kitang samahan kahit sa kabilang buhay pa.”Ani ko sa aking isipan dahil wala akong lakas nang loob na sabihin ito sa kaniya ng harapan.
“Kasi ang pangit mo HAHAHA”Pilosopong sagot ko.
Nakita ko naman ang galit sa mukha niya at bigla tong nag-walkout.
Umuwi ako ng may galak sa mukha samantalang sama ng loob naman ang nakuha niya. HEHEHE
(FAST FORWARD)
Habang nasa school ganising ako ng aking besprend na si Kiper.Sarap kaya matulog sa school.Enebe!
“Pre si Shine..”
Kaagad naman bumalik ang aking kaluluwa,dahil binanggit niya ang pangalan ni Shine.
*Bakit?Anong meron kay shine?!”
Pagaalalang sabi ko naman ,habang nakatingin sa mukha niyang hindi na maipinta.
“Mayanliligaw na raw.”Nakasimangot niyang sabi sabay hawak sa balikat ko.
Para akong nawala ng kayamanan,tila ba ako’y ninakawan ng isang mahalagang bagay dahil ang itsura ko ay hindi na rin mawari pa.
“Kailan pa?”Mahinang sabi ko.
“Nakaraan pa,hindi ka lang niya sinabihan.”
Tugon pa niya.
“Condolence pre.” Dugtong pa nito bago niya ako iwanan.
Alam din kasi ni Kiper na may gusto ako kay Shine,tanging soya lang ang nakaka-alam.
Buong araw ako walang gana sa klase,kahit ang paborito kong subject ay tinulugan ko na lang.
Inantay ko na lang mah-uwian,dahil ito lamang ang pagkakataon na makausap si Shine.
Ngumit sa kasamang palad, hindi ako pinalad na maabutan siya……
dahil
maaga raw siyang sinundo nang manliligaw niya.


Nang makauwi ako sa bahay kaagad kong binuksan anh aking messenger.
*Kiper is Active Now*
Kiper:Tol,Klint daw yong pangalan ng manliligaw ni Shine
Dave: Salamat,maaasahan ka talaga
Kiper:Mahirap maging agent,kaya ilibre mo ko bukas.Walang pass kahit broken ka
Kaagad ko namang hinanap iyong manliligaw ni Shine.
*Klint is Active now*
Dave:Balita ko ikaw raw yung manliligaw ng bff ko?
Klint:ah,oo
Dave:Gusto ko lang savihin sayo na ingatan mo siya at huwag mo sanang sasaktan
Dave:Unahin mo soya palagi kasi matamluhin iyon
Klint:sige tol, salamat.
Habang ka chat ang manliligaw ni Shine,hindi ko maiwasang umiyak.
“Ang pwesto na dapat sa akin, ngayon pinupunan na nga iba.”Sambit ko sa aking isipan habang patuloy sa pag-luha.
Habang ako ay nagmumukmok sa gilid napansin ko namang nag chat si Shine.
*Shine pokwang is Active now*
Shine:Bff??
Dave:Bakit?May balak ka bang ilibre ako?
Idinaan ko na lamang sa pag bibiro kahit alam kong nasakit na.
Shine:nah!ano itong nabalitaan ko?
Dave:ang alib?yung pagiging pogi ko WHAHAHA
Nagpapaka pilosopo na lamang ako sa chat habang lumuluha namna sa kabila nito.
Shine:Heh!si Klint,kinausap mo raw?
Dave:opss;Medyo??
Shine:Diba alam mo namang manliligaw ko yon?
Hindi ko alam,dahil wala kang balak sabihin sa akin ang tungkol kay Klint.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang,dahil ang kamalian ko lamang ay hindi ako umamin.
Shine:ayaw ako kausapin nung tao,may sinabi ka na naman siguro?
Pinayuhan ko lamang siya na ingatan ang prinsesa ng kahariaan ko,na huwag sasaktan ang utinuturing kong mundo.
Dave:wala naman,pinagsabihan ko lang siya na ingatan ka,ituring kang prinsesa,unawain ka palagi,tapos unahin ka parati dahil gusto mo lagi sayo naka facus ang isang tao
Pinayuhan ko siya na dapat ako yong gumagawa
Dave:Ayaw ko lang namang masaktan ka,dahil alan ko ying salit sa tuwing mag kasama kayong dalawa.
Maling umamin habang may napupusuan ka ng iba.Alam kong mali to,pero masakit para sa akin ang makitang masaya ka habang kasama mo siya.
Sana pala hindi tayo naging sweet sa isa’t isa,dahil ngayon ang puso ko ang nagdurisa.
“Gusto ko na lang balikan yung araw na hindi pa kita kaibigan…”
“para hindi ako nahihiyang umamin sa aking nararamdaman.”Saad ko habang tuloy-tuloy lang sa pagtagos nga aking mga luha.
“Bigla na lang natutulala sa tuwing ikaw ay nakikita..”
“sabay papasok sa isipan ang mga salitang
“kailanman ay hindi na ako ang dahilan nang pag-ngiti mo.”
Ipagpapatuloy na lang ang pag pagiging statwa,para hindi mo maramdaman na ako ay iyong sobrang nasaktan.
Ngingiti na lang sayong harapan kahit may pait na nararamdaman.
Sa aking pag sasaliksik nalaman kong pinsan ko pala si Klint.
-WAKAS-
SALAMAT SA PAG BABASA!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top