ONE MILLION KAPALIT NG BATANG TO


ONE MILLION KAPALIT NG BATANG TO
WRITTEN BY :ANNIE LOU /aye jeon
pinaiyak ko ang bata sa park at pinicturan at pinost ito sa facebook, ‘ONE MILLION KAPALIT NG BATANG ‘TO’
nagulat ako ng magcomment yung boss ko na kakafired lang saakin sa trabaho.
“ANONG ONE MILLION? AANAKAN KITA NG ONE MILLION PAG HINDI MO BINALIK ANG ANAK KO!!” ay bet, charot
1. “ano na aye?! nakaluto na ako ng agahan tas hindi ka parin bumabangon, tas mamaya magrereklamo ka na napagalita ka nanaman ng boss mo!”
“ke-aga-aga si mama putak ng putak!” kinapa-kapa ko ang alarm clock ko at halos mapatalon ako, alas 9 na! late na akong ng isang oras, wtf!
2. dali dali akong bumangon at naligo, hindi na ako kumain dahil baka mag w!ld nanaman ang lion.
“2 hours ka ng late ms. Rodriguez!” anito sabay tapon ng masamang tingin saakin.
“may crush ka ba sakin sir?” pag iiba ko ng usapan namin, nangunot ang noo niya.
“kasi ako nalang palagi ang napapansin mo eh, alam kong magand- aray!” daing ko ng batuhin niya ako ng ballpen, masamang nilalang
3. “you’re fired ms. Rodriguez makaka-alis kana” kalmadong saad niya
“ede wow nung nakaraan lang ako nahsimula fired agad” bulong ko pa at inismiran siya
“sige sir! good bye!” mataray kong saad at kumembot palabas, baka aye ‘to, djk
4. naglalakad ako pauwi ng mapagpasiyahan kong pumunta muna sa park, magrerelax lang yswa.
“hoy bata may nakaupo ba dito?” tanong ko dun sa batang lalaki na nakaupo sa bench
“may nakikita ka ba? diba wala, edi wala” h4yop gusto ko lang naman magtanong, baka kasama mo kasi tatay mong pogi ahee
H5. “hoy bata ang attitude mo ah! hindi ka pa nga siguro tul!, ang taray mo bakla ka ba?” inismiran niya lang ako
“ah bakla pala” saad ko pa, nang-aasar ako bakit
“hala! bat ka umiiyak bakla?!” nagsimula itong umiyak, at masama akong tiningnan, wala akong kasalanan hah!
6. “bakla, bakla, bakla, bakla” pang-aasar ko pa kaya mas lumakas ang iyak nito.
kinuha oo ang cellphone ko at pinicturan siya, infairness ang pogi niya.
“hoy! tahan na! mapagkamalan pa akong sir4ulo dito pinaiyak kita” saad ko at hinaplos ang likod niya, wandat ibubulsa ko’to
7. “tahan na, asan ba mama mo?” tumigil siya sa pag-iyak
“wala akong mama!” napangisi ako
“single ba tatay mo? pwede ako mag-apply?! pogi ba?” sunod sunod kong tanong pero tiningnan niya lang ako, oo alam kong galit ka sakin pero pakireto ako sa tatay mo ahe.
8. “makauwi na nga, babye na” ayaw mo naman akong ireto
“hoy babae!” sigaw niya kaya lumingon ako
“hoy bata may pangalan ako,wag mo akong tawaging babae” saad ko at inirapan siya
“may pangalan din ako kaya wag mo din akong tawaging bata!” aba palaban
9. “tsk, diyan kana nga”
“teka lang! sasama ako sayo! sayo nalang ako” oo akin ka nalang
“hindi ayaw ko, baka hanapin kapa ng tatay mo”
“hindi..uhmm, s-sinasaktan ako ng tatay ko kaya please?” nagpout ito saka hinawakan ang kamay ko, hawak kamay~~
10. wala akong nagawa kundi sinama ko nalang siya sa bahay
“teka? nagtrabaho ka lang may nagkaanak kana agad? pinapairal mo talaga kal*ndian mo aye!” bulyaw ni mama at dinuro duro ako, hanep ka mag-isip ma
11. “ma naman! san ba utak mo? nagmakaawa kang tong bata na saakin na sumama saakin kasi sinasaktan daw siya ng papa niya” paliwanag ko
“ay ganun ba? ang pogi mo naman single ba tatay mo?” alam niya na ngayon kung saan ako nagmana,
“hindi ko alam, baka double siya” sagot nung bata kaya natawa ako.
12. pumunta kami sa kwarto ko para magpahinga,
“ano ba pangalan mo bata?” tanong ko dito
“kaizer po” sagot niya,
“ikaw ano pangalan mo?” tanong niya saakin
“bakit jojowain mo ako? bawal bata ka pa, joke lang xiera ang name ko, pwede mo akong tawaging aye” ani ko at ngumiti, mabait din naman ako.
13. “sige na matulog kana” tumango ito at humiga na
nakatulog ito at ako syempre gising parin, tiningnan ko ang picture niya sa selpon ko at naka-isip agad ako ng kalokohan
pinost ko ito sa facebook at may caption na ‘ONE MILLION KAPALIT NG BATANG ‘TO’
yayaman na ako nito, char
14. natulog nadin ako sa tabi niya syempre pagod din ako noe,
_
nagising ako dahil tunog ng tunog ang cellphone ko, kaya chineck ko agad ito.
“hala g4ga ka aye, nafired ka lang sa trabaho kinidnapped mo na anak niya!” basa ko sa unang comment ng post ko, nagscroll pa ako at nagulat ng makitang nag comment yung boss ko ay hindi ko na pala boss
15. “ANONG ONE MILLION? AANAKAN KITA NG ONE MILLION PAG HINDI MO BINALIK ANG ANAK KO” ay bet, sabi ko na nga bang type mo ako!
“bata ah este kaizer gising! uuwi na tayo sa bahay niyo”
“d3monyo pala tatay mo, nagmana ka nga sakanya!” kinusot kusot nito ang mata niya at tumingin saakin, ganda ko no?
16. “maligo kana dun” utos ko dito, pumasok naman siya sa cr, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang sunod sunod na message ni ng tatay niya.
‘ magkita tayo sa mars ‘ chat ko dito
‘ charot, pumunta ka sa bahay, kunin mo dito ‘ sinend ko ito at natawa, anak mo ako pa maghahatid diyan sa bahay niyo ano ka gold?
17. lumabas si kaizer sa cr at tumingin saakin, nakatuwalya lang siya, malamang bagong ligo.
“hala gagi! wala ka palang damit dito” tiningnan niya ako ng masama, ano mas matapang kapa kesa sakin?
“maganyan kana lang, bata ka pa naman, at hindi ka pa din tul!” saad ko
“ayaw ko, nahihiya ako!” haluh
18. hinalungkat ko ang ang damit ko at nakita yung bestida ng pamangkin ko,
“bagay to sayo” akmang magsasalita ito ng unahan ko “mamili ka walang damit o may damit?!” ano?!
“fine!” kinuha niya ito saakin at sinout, ay taray pwede kana maging bakla
“matutuwa tatay mo nito” saad ko at tumawa ng malakas, kaya binato niya ako ng tuwalya, pikon amp
19. “hoy ayee! may pogi dito, lumabas ka muna diyan, hoyy ang pogi...


niya beh!” sigaw ni mama
“ako lang dapat pogi sa paningin mo labs!” sigaw din ni papa,
“dito ka lang muna ah” saad ko kay kaizer at lumabas,
20. “nasan na ang anak ko?” kalmadong saad nito
“nasa pw3t mo” sagot ko sabay irap sakanya
“nasan na muna ang wanmilyon?!” nakapameywang kong tanong
“kakayanin mo ba ang wan milyon na anak?!” tanong niya din at tinaasan ako ng kilay, oo ay este hindi!
21. “wag nalang, paki labas ang bata please” saad ko at pumalapak, nakita ko naman si mama na akay akay si kaizer
“WHAT THE! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?!” inis niyang sigaw, ako naman nagpipigil ng tawa.
“kaiden?!” wika ni mama sa likod
“kilala mo yan ma?” umiling iling ito at umiwas ng tingin, hala baka ex to ni mama
22. “halika kana kaizer, umuwi na tayo” aniya at tumingin ng masama saakin
“ayaw ko, dito lang ako” sagot ni kaizer at hinawakan ang kamay ko
“yan sinasaktan mo kasi anak mo!” saad ko, nangunot naman ang noo niya
“wtf?! anong pinagsasabi mo sa babaeng yan kaizer? hindi kita sinasaktan!” ngumisi si kaizer at tumingin saakin
“joke lang yun ate aye” saad niya at tumawa, nakakatawa yun?23. “hindi ako sasama sayo daddy dito lang ako” saad pa ni kaizer
“hindi pwede baka saktan ka ng babaetang yan” sagot ni kaiden at tumingin ulit saakin.
“masaya naman siya kasama eh, andito pa siya lagi sa tabi ko, eh ikaw?”
“kaizer!” isa, dalawa, tatlo nanay mo kalbo
“wandat sasama si kaizer sayo”
24. “sumama kana lang xiera, para makauwi na si kaizer” saad ni mama at hindi diretsong makatingin saakin
“halika kana ate ayee” ani kaizer at hinila ako palabas,
“ate aye? pwede ba kitang maging ate?” nagpout ito, ayaw mo ako maging nanay? sayang ate lang?
25. nakarating kami sa bahay nila at itong tatay niya gusto na ata akong pat4yin, ang sama makatingin
“magbihis kana kaizer” utos niya kay kaizer, nilibot ko ang paningin sa bahay nila at ang laki, ang daming pang maids, pwede amin isa? taga hugas lang ng plato oh.
26. “nasan ba ang nanay ni kaizer?” chismosa ako eh
“hindi ko alam” tanging sagot niya at nagcellphone ulit
“ay, panong hindi mo alam ang ta-”
“nadisgrasya daw kami non, nag ka amnesia ako at hanggang ngayon kakaunti palang naaalala ko, hanggang ngayon wala kaming balita sa nanay ng anak ko” aw sad naman niyan
27. “hala same, nadisgrasya din ako noon at nagka-amnesia rin” masiglang saad ko
“hindi ko tinanong” aniya at iniwan ako sa sala
“hoy, wala kang kwenta kausap, nakinig nga ako ng sayo tas saakin hindi ka makikinig?” yswa ka!
28. “ate aye sa kwarto ko po ikaw matulog” lumingon ako at nakita si kaizer sa taas kumakaway saakin
“may guest room naman ah” singgit nung tatay niyang asungot
“selos ka? gusto ko sa kwarto ko ako matulog?” saad ko sabay kindat, inismiran niya lang ako, wag kang mag selos sa anak mo lods, anak mo yan
29. nandito ako ngayon sa kwarto ni kaizer, nagalalaro kami ng barbie, at nanonood ng dora the explorer
“ma’am pinapatawag na ho kayo ni sir, kakain na daw po”
lumabas kami ni kaizer syempre kakain na kami, kanina pa ko nagugutom
“si kaizer lang pinapatawag ko”
“sabi ng maid mo kaming dalawa” saad ko at umupo na, attitude amp.
30. FF
andito kami ngayon ni kaiden sa kwarto ni kaizer, hinihintay namin si kaizer na naliligo dahil may pupuntahan daw kami.
“may picture ka ba ng asawa mo?” tanong ko, kanina pa kami hindi nagsasalita
“wala” tanging sagot niya at tumingin ulit sa pader, hindi sakin sa mismong pader ah, untog ko ulo mo eh.
31. “pano mo siya mahahanap wala ka namang litrato niya, obob ka pala eh”
“ako nalang,single ka ba?” tinaasan niya ako ng kilay
“baka double ako” nagmana nga sayo ang anak mo, walang kwenta kausap
“ikaw single ka ba?” tanong niya, weyt? Ito na ba yun? owemjiii i do father.
H32. “single ako, kung tatanong mo ako kung pwede akong ligawan, shureee whyyy norttt” pabebeng saad ko pero nandiri yata ito saakin, ayy
“ba’t may singsing ka diyan?” tinutukoy niya yung daliring nilalagyan ng singsing pagmay-asawa kana ganun ba yun?
“design, fashion yan t4nga!”
33. “v!rgin ka pa ba?” tanong niya g4go amp!
“bas2s ka ah! malamang oo!” saad ko at inirapan siya
“gusto ko ako noe?” saad ko at nilapit ang mukha sakanya
“ginagawa niyooo?” nakapameywang na tanong ni kaizer, panira kang bata, sana hindi ka nalang nabuhay, charot
34. Akala ko naman kung saan kami pupunta, hinatid lang naman nila ako sa bahay.
“susunduin ka namin ulit ate ayee” kumaway pa si kaizer
munt4nga sana hindi niyo nalang ako hinatid susunduin lang din naman pala.
pumasok ako at nakita ko ang nanay ko na nanood ng tv, naka relax si mudraaa.
35. “ano kamusta ka nak?”
“ma alam mo ba tinanong ako ni kaiden kong v!rgin pa daw ako” saad ko at napakamot sa ulo
“ano sinagot mo?”
“oo malam— ”
“t4nga hindi na!” owemjii? how? how de carabao
36. “ayy nadulas, sorry nak, pero long story” sagot niya
“wag mo na isipin yon, maaalala mo din soon”
“yuxxx!” saad ko at tumungo sa kwarto ko, kaderder ka selp!
37. ff
“ate aye ikaw daw magbabantay saakin sabi ni daddy, dito ka lang muna ate”
“tinawagan lang ako ng tatay mo para magbantay sayo! aish!”
“sige na ate, punta tayo sa park pleaseee!”
“sige, pero magtwerk ka muna” wandat magtwetwerk si kaizer.
38. ff sa park
“hala sorry miss!” ani ko ng may makabangga akong babae
“ow what a coincidence xiera!” kilala niya ako?
“kilala mo ako?”
“tsk, wang mong sabihing may amnesia ka paren hanggang ngayon?” saad niya, teka naguguluhan ako
39. “ah kaunti palang–”
“di kaya nagpapanggap ka lang na may amnesia para mapagtakpan ang ginawa mo?” wika niya at tinaasan ako ng kilay
“ano bang pinagsasabi mo miss?” b4liw ata ‘to eh!
“ate aye?” napatingin ako kay kaizer, binigay ko sakanya ang pinabili niyang lollipop at tumingin muli sa babae
“anak ‘to ni kaiden ah? nagkikita na kayo?”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top