Her Greatest Downfall CHAPTER 2


Her Greatest Downfall🍁☪
📚CHAPTER 2📚
NAPUTOL ang pagbabalik-tanaw ko ng huminto na ang bridal car sa tapat ng isa sa pinamalaking simbahan kung saan gaganapin ang araw na ako’y matatali na. Humugot ako ng malalim na hininga. Parang may mga kadenang pumipigil sa mga paa ko para lumabas.
“Nandito na po tayo.” Ani ng driver. Kaya naman bumaba na ko hawak ang gitna ng gown na suot ko para hindi ko matapakan ito.
Sumalubong sa akin ang mga bridesmaid na mga kaibigan ko din para tulongan ako. Magarbo ang gayak ng simbahan ano pa nga ang aasahan ko isa sa pinakamayaman dito ang mapapangasawa ko. Wala sa wisyong umikot ang mata ko waring may hinahanap. Bigo akong naghanda ng sinenyesan na kami ng wedding coordinator na magsisimula na.
“Let me tell you now all that’s on my mind
For a love like yours is oh so very hard to find
Looked inside myself now I’m very sure
There can only be you for me
I need you more and more…”
Nanlamig ako ng marinig ang napakagandang awitin kasabay ng napakalamig na boses ng kumakanta. Hindi ko namalayan ang paghakbang na ginawa ko sa aisle dahil sa kasabikang makita kung sino ang nasa likod ng boses na iyon. Ngunit bigo akong makita kung sino ang umaawit sapagkat wala akong makita sa unahan bukod sa mapapangasawa ko at ang pari na siyang magkakasal sa amin.
“You turned me inside out
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole my heart away
I wanna do all I can just to show you
Make you understand
Only you
The only one that stole my heart away.
When you’re in my arms
When I’m close to you
There’s a magic in your touch that just comes shining through
Want you everyday
Want you every night
There can only be you for me
You make it seem so right
Oh, girl
Cause you turned me inside out.”
Hindi ko alam kung anong mahika ang nakabalot sa awitin at boses ng kumakanta para makalimutan ko kung ano at nasaan ako ngayon. Kung hindi lang ako nilapitan ni Greg ay matatangay na ako ng dahil sa boses na iyon.
“Shall we my beautiful bride?” Nilahad ni Greg ang bahagyang nangungulubot niya ng kamay sa akin na nag-aalinlangan may ay tinanggap ko.
Mabigat ang mga paang humarap ako sa pari na magkakasal sa amin. Para akong mababaliw sa halu-halong emosyong lumulukob sa akin. Wala sa sarili akong nag I do pero bago iyong ilang minuto din akong hindi sumagot sa pari naghihintay na may pipigil sa nagaganap na kasal na iyon.
“Now that you both have committed yourselves to one another and to your Holy Union through the sacred vows that you have taken and by the giving and receiving of these rings, I now pronounce you husband and wife. Those whom God has joined together may He generously bless Forever. You may now kiss the bride.” Pagdedeklara ng pari na siyang nagpaluha sa akin. Para akong sasabog habang nagpipigil ng iyak na pinipigilan kong kumawala.
“I’m so sorry Lord for crying in front of you. You knew my stand and my feelings right now. Please guide me through out this life that I chose.” Taimtim kong dasal sa aking isipan bago humarap kay Greg na ngayon ay asawa ko na. Pikit-matang tinanggap ko ang halik na iyon bago ko narinig ang malakas na palakpakan.
“Wipe your tears. This not a funeral.” Agad kong nilingon ang boses na nagmamay-ari noon ngunit tanging malapad na likod na lamang ang nasilayan ko ng estrangherong iyon. Nakasuit ito na itim at nakapamulsa pang naglakad papalabas. Tatanungin ko sana...


si Greg kung sino iyon ngunit abala na siya sa pagpapalitrato kasama ng mga kamag-anak at kaibigan niya. Nakangiti din niya akong tinawag na lumapit.
Hindi ko alam ang kinalabasan ng kuha ko sa litrato. Marahil ay mababanaag doon ang lungkot na pilit kong tinago sa likod ng mga pekeng ngiti na tangi kong maibibigay para sa araw na ito.
Maging ang reception ay magara. Sa isang sikat na hotel ito idinaos. Talagang pinaggastusan ito ni Greg na ngayon ay nakikipagtawanan at inuman na sa mga kaibigan at kasosyo niya sa negosyo siyempre katabi ako.
“Mukhang mapapalaban ka sa pulot gata niyo Greg ah batang-bata ba naman ang asawa mo.” Biro ng isang kasosyo ni Greg na halatang lasing na. Ako naman ay nakaramdam ng pagkailang sa narinig lalo na ng hinapit ako ni Greg papalapit at hinalikan sa pisngi. Kinindatan niya lamang ang mga kaibigan na siyang umani pa ng hiyawan at biro. Agad akong nagpaalam na pupunta munang restroom. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Kaya ko bang makipagtalik sa taong hindi ko naman mahal?
Naghilamos ako ng mukha at tumingin sa salamin. Wala na ang bakas ni Miyaka Solenn noon. Nakasuot ako ng kulay gintong dress at gintong mga alahas. Pero wala akong kasiyahan na nararamdaman. Tama ba talaga ang desisyon ko? Magsisisi man ako huli na ang lahat ako ay nakatali na at sa isiping iyong namuo na ang luhang kanina pa gustong umalpas. Napahawak ako sa bibig ko at napaupo na sa malamig na tiles.
Ayoko nito. Ayoko nito.
Wala na kong pakialam kong may makirinig man. Pero awa ng Diyos walang tao dito na nakasaksi ng pagdadalamhati ko. Gusto ko lang iiyak lahat ng ito dahil ambigat-bigat na sa dibdib. Alam kong hindi ko na kakayanin kung hindi ko ito ilalabas. Bigla ay napahinto ako nang may dumaang lalaki sa may pinto ng ladies room na kinaroroonan ko. Sa dulo kasi ay ang comfort room para sa kalalakihan kaya makikita ko talaga ang mga dumadaan na nanggagaling doon. Pamilyar ang lalaking iyon, ang tindig ang katawan. Hindi maaari. Papaano siyang mapupunta dito?
Mabilis akong tumayo. Umaasa ang puso ko na tama ako. Hinanap ko siya pagkalabas. Kung sinu-sino ang tinawag at hinarang ko sa pag-aakalang siya iyon. Ni hindi ko namalayan ang pagluha ko, desperadang makita ang taong iyon. Hanggang sa may humigit sa akin sa braso.
Madiin at mahigpit.
Si Greg. Dinala niya ko sa may gilid sa labas kung saan walang tao at madilim.
“Anong problema?” Mariing tanong ni Greg na nakakunot-noo pa. Ako naman ay aligaga at waring wala pa din sa huwisyo. Paikot-ikot ako habang nakasabunot sa buhok ko at luhaan. Akmang tatalikod na ko ngunit hinigit akong muli ni Greg.
“Si Simon! Kailangan ko siyang makita! Nakita ko siya! Bitiwan mo ko! Nandito siya! Nandito siya! Nandito siya!” Sigaw ko at desperadang makawala sa hawak ni Greg halos magwala na din ako.
Halos matumba ako dahil sa isang malakas na sampal na natanggap ko. Natumba akong may pagkagimbal sa nangyari. Lumuluhang napatingin ako kay Greg na masama na ang tingin sa akin.
“Istupida. Sinigurado kong mabubulok siya sa kulongan kaya tumigil ka na.” May pagbabantang ani nito bago tumalikod sa akin.
Hindi ko alam ng muling pag-iyak ko. Kung dahil ba sa sakit ng pagpapakasal ko, ng sampal, sa pagkabigong makita ko siya muli o sa katotohanang hindi ko na siya makikita pa…
To be continued…
Dahil alam kong madami na ding nag-aabang dito bukod kay Masarap nyahaha So anu guys? Okay lang ba? Anu masasabi nyo sa nangyari? Hulaan time😆 Nyahahahaha iyong kanta nga pala ay The Only One ni Lionel Richie maganda siya promise pakinggan nyo😊






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top