Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 7
Tiktok , tiktok ,tiktok tunog ng alarm clock na ikinagising ko, nkatulog na pala ako sa sobrang antok at pagod sa pagaayos ng mga gamit namin na dadalhin at maiiwan … Eto na talaga , this is it !
” Julia , Donald gising na bilis at aalis na tayo … Bangon n Jan at mgsabay sabay tayong magpainit bago umalis, ang gamut ba ng mga kapatid mo eh naicheck mo ate ?” Habang nagtitimpla ng gatas ng mga bata at aking kape , wala na Kong iintindihin lalo na ang Dede ni baby kasi naisterilized ko na kagabe
” Opo Mama , ok na po pati ang mga snacks na dadalhin at mineral water ” sagot sa akin ng aking panganay
” Oh sya sige at bibihisan ko na si baby at ng maisunod ko na si Serv , bilisan nyo Jan at ng makalakad tayo ng mas maaga , kailangan nasa airport na tayo ng mga 6 ng umaga” litanya ko sa kanila
” Opo Mama ” panabay bilang sagot sa akin
Habang nasa kwarto tapos ko na mabihisan ang aking bunso , habang naghihintay na matapos si Serv nagbihis...