HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 2


HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 2
Nababagot si Keziah sa opisina ng boss niya. Tapos niya na ang mga trabaho niya. Yakang yaka niya lang ang mga pinapagawa sa kanya ng boss niya dahil di naman ganun kadami pero kapag may topak ang boss ito sa kanya pinapagawa ang lahat.
“Kez asan si boss?” sabi ng kaibigan niyang si Layla may itong papel at mukhang may papipirmahan.
“Umalis ehh baka nambabae naman as usual” walang ganang niyang sagot at sumandal sa silya niya.
“Sige Kez ha papirmahan mo na lang ito, kailangan na kasi talaga ng pirma ni boss” tumango tango na lang siya.
Kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog. Isinalpak niya ang earphone sa tenga niya. Tutal tapos na naman niya ang trabaho niya. Makaidlip muna.
Wag kang maniwala diyan 🎢🎢
Di ka niyan mahal talaga🎢🎢
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kaniya🎢🎢
Iiwan ka lang niya mag-iingat ka🎢🎢
Dagdag ka lamang sa milyong milyong babae niya🎢🎢
Wag naman sana🎢🎢
Dahil sa kanta nakatulog si Keziah. Simula ng lokohin siya ng mga lalaki iyon na ang paborito niyang kanta.
Nakabalik na si Drake sa kompanya niya. Pagkapasok niya ng opisina ay naabutan niya ang sekretarya niyang nakatungo at natutulog sa mesa nito. Nakita niyang tapos na ang mga pinapagawa niya dito. Ang swerte niya talaga kay Keziah dahil napakasipag nito.
Pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha. Di na rin siya tali kung ito ang magpapanggap na girlfriend niya. Gusto niyang ipasalvage ang mga lalaking nanakit dito, ang mga lalaking niloko lang ito dahil hindi deserve ni Keziah ang masaktan. Dapat dito ay minamahal at Inaalagaan.
Pumunta na lang siya sa swivel chair niya at umupo doon. Nakita niya ang isang tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan. Sinimulan niya ng gawin ito. Pero di pa rin inaalis ang paningin sa natutulog na si Keziah.
Iniisip niya kung paano ito mapapapayag na magpanggap na girlfriend niya. Dahil siguradong mahihirapan siyang kumbinsihin ito.
“Dude, pupunta ka ba ulit mamaya sa bar!!!” sabi ng kapapasok lang na kaibigan niya. Si Calvin ang kaibigan ang matalik niyang kaibigan. At ang paborito nitong gawin sa buhay ay mambabae katulad niya. Pero ito wala ng pag-asang magbago.
“Shut the fuck up Calv!!! Kita mo ng may natutulog.” sita niya sa kaibigan. Baka magising si Keziah.
“Wews pare girlfriend mo?”
“Tanga!!! Secretarya ko yan!!!” giit niya sa kaibigan. Pero malapit niya ng maging fake girlfriend “smirk”
“Secretary mo yan?! Swerte mo naman, kung ako sayo hindi na ako mambabae kung ganyan kaganda ng Secretarya ko!!! Pwedeng pang-asawa yan! Swerte mo Drake!!!” binato niya naman ito ng binilot na papel.
“Ano ba yan, ang ingay naman natutulog yung tao ehh” sabi ng nagising na si Keziah. Kahit kailan talaga walang magawang mabuti ang kaibigan niyang si Calvin.
“Get out of my office Calvin!!! You wake her up!!!” sigaw ni Drake sa kaibigan niya.
“Wait lang dude,magpapakilala lang ako sa secretary mo” mukhang ginagalit siya nito. Ayaw niyang may lalapit na lalaki kay Keziah.
“BOSS sino ba tong maingay na ito?” sabi ni Keziah sa kanya sa mahinahong boses.
“I’m Calvin Salvatera, Ms. Beautiful” pero inirapan lang ito ni Keziah kaya muntik na siyang matawa.
“So ikaw yung maingay kanina ?!Kaibigan ka ba ni boss?” si Keziah. Tinitignan niya lang ang reaksyon nito.
“Yes I am kaibigan niya ako, Di ba halata pareho kaming gwapo”
“Halata naman so pareho rin kayong babaero” sabi ni Keziah at tumayo...


siguro ay lalabas ito ng opisina para makapag-usap sila ng kaibigan niya.
“BOSS labas lang ako, no need to worry tapos ko na lahat ng pinapagawa mo” sabi nito at ngumiti sa kanya bago tuluyang lumabas ng opisina.
“Dude Secretary mo ba talaga yon?” usal ng kaibigan niyang si Calvin.
“She’s my secretary, do you have any problem with that? Sabi ko kasi wag ka maingay. Gago!!Kaya ka sinungitan”
“Gaano mo na katagal secretary yun, mukhang close kayo ahh?”
“Allmost 5 years” sagot niya sa kaibigan at nagsimula na ulit pumirma ng mga papeles.
“What the fuck dude!!! Ganon mo na siya katagal na secretary!! Swerte mo pare!!!” di makapaniwalang Saad ng kaibigan niyang si Calvin.
“Ano ba kasing pinunta mo dito? Iniistorbo mo ako!” ngumiti naman ang kaibigan niyang si Calvin ng nakakaloko.
“Pare may gusto ka ba sa sekretarya mo?!” nang-aasar na sabi ng kaibigan niya.
“What the hell are you asking?!” asik ni Drake sa kaibigan niya.
“Wow pare may gusto ka na sa kanya no?!”Tinuloy niya na lang ang pagpirma sa mga papeles sa lamesa at di na ito pinansin.
“Snob ka na dude!!! Sige yayain ko na lang si Ms. Secretary na lumabas mamaya” pang-aasar ng kaibigan niya.
“Don’t you dare Salvatera!!! I’m gonna rip your neck if you do that”!!! “tinawanan lang siya nito.
” May gusto ka na sa kanya!!! Aminin na kasi!!! Magiging good boy na siya! “pang-aasar pa ng kaibigan niya.Inaamin niya na may gusto siya kay Keziah.
” Shut the fuck up!!! “hindi siya makapagfocus sa pagpirma niya.
” Oyy may kausap si Ms. Secretary na lalaking empleyado mo sa labas! “di na lang pinansin ni Drake ang kaibigan niya dahil baka niloloko lang siya nito.pero ng tumingin siya sa labas ng opisina nakita niya ngang may kausap itong lalaki.
Naiinis siya sa nakikita!!!Tunay siya para lumabas at kunin kung ano ang sa kanya.
“Woii pare san ka pupunta?”
“Im gonna get what’s mine!”Pagkatapos ay iniwan niya ang kaibigan sa loob ng opisina.
” Boss Umalis na ba ang kaibigan mo? “sabi ni Keziah ng makalapit siya rito.
” Good afternoon boss”sabi ng lalaking kausap nito. Gusto niya itong sapakin pero di niya magawa dahil nasa harapan niya si Keziah.
“Go to my office now Keziah!!!” tinawag niya na ito sa pangalan.
Nauna siyang bumalik sa opisina niya.
“Boss ano bang problema mo?! Nakikipag-usap lang ako sa isa sa mga empleyado mo dahil hindi niya alam ang gagawin. Binabati ka nga nung tao pero di mo pinansin!!!” sigaw ni Keziah. Mukhang galit rin ito.
“I said don’t talk to any male specie!!! Alin ba ang hindi mo maintindihan dun?!”
“Ehh ano naman kung makipag-usap ako sa kanila?! FYI karapatan kong makipag-usap sa kahit sino! At kahit boss kita di ko susundin yang sinasabi mo!at wala kang karapatang ipag-utos sakin yan dahil boss lang kita at sekretarya mo lang ako! Ano kita boyfriend?! ” suwestiyon ni Keziah.
“Be my girlfriend then, para magkaroon ako ng karapatan na ipag-utos yun sayo” walang kagatol gatol na sabi niya rito.
“Aβ€”no?? Anong sabi mo?” mahina at nauutal na bosses na sagot sa kanya ni Keziah.
Dahan dahan siyang lumapit dito at ito naman ay atras ng atras.
“Hoy boss anong ginagawa mo?!”saway nito sa kanya.
Aatras pa sana ito. Pero wala na. Nakorner niya na ito at nakalapat na ang likod nito sa pintuan habang ang mga braso niya ay nakaharang sa magkabila nitong gilid.
” Be my girlfriend Keziah Allyson”





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top