HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 7


HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 7
“Boss anong sabi mo?” yun lang ang lumabas sa bibig ni Keziah. Sinabihan ba talaga siya ng boss niya na gusto siya nito? O baka guni guni lang niya?
“Huwag mo ng alalahanin yung sinabi ko” sabi nito sa kanya. Di niya alam pero parang nakaramdam siya ng pagkadismaya.
“Boss may galit ba sayo yung tita mo?” pagtatanong niya kay Drake habang nagdadrive ito.
“I will answer your question but will you promise that starting today don’t call me boss, call me boss then you’ll face your consequences” may awtoridad na sabi nito sa kanya.
“Edi Drake” sabi niya kunyari ay nayayamot.
“Yeah she’s mad at me so the feeling is mutual, galit siya saa akin at galit ako sa kanya, ever in my life hindi ko siya kayang ituturing na tiyahin ko because she didn’t act like one, she never treats me well at masama pa dun sinisiraan niya ako sa sarili kong ina kay mommy!!! “aburidong sabi ni Drake sa kanya.
” May family problem ka pala, sabagay mukha naman talagang impakta yung tita mo parang gusto ka niyang ibuko na hindi mo talaga ako girlfriend “sabi niya na lang dito.
” She will definitely do everything para maging imbyerno ang buhay ko”di niya inaasahan sasabihin iyon ni Drake.
“Kapatid ba siya ng mommy mo?”
“Nope, she’s my father sister, and my father died because of her and I will never forget that!!! Namatay ang tatay ko dahil sa kanya!!!” mukhang naglalabas na ng sama ng loob ang boss niya.
“kaya pala hindi sila magkaugali ng mommy mo ang bait bait ng mommy mo pero yung tita mo kabaliktaran” yun na lang ang nasabi ni Keziah sa boss Drake niya.
“That woman only wants money ang pera ni daddy ang kompanya gusto niyang mapunta sa kanya but that will never happened hanggat nandito ako” di niya na alam kung ano ano na ang sinasabi ng boss Drake niya.
“Sasabihin mo ba sa akin lahat ng sikreto mo? Ano to labasan ng sama ng loob?” pagbibiro niya sa boss niya kaya bahagya itong natawa.
“Hanggang dun na lang yun baka kapag sinabi ko sayo lahat ay di mo kayanin, our family is a mess lalo na ngayong kasama ng bumalik ni mommy si Tita Minerva, I’m sure she will mess around dahil dun siya magaling” usal ni Drake sa kanya.
“Ikaw wala ka bang balak sabihin sakin kung bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend at ang taray taray mo?”iniiba na ng boss niya ang usapan.
” Simple lang boss galit ako sa manloloko at ayoko ng umiyak ulit tapos ang usapan “walang gana niyang sagot dito.
” You really hate mens huh? “tanong nito sa kanya.
” Oo simula nung paulit ulit akong nasaktan pero isa lang ang dahilan at kayong mga lalaki yun, may pasabi sabi pa ng hindi iiwan tapos mamahalin ng lubusan E bakit ang daming babaeng sugatan? Mga pangakong napako mga manlolokong di na pwedeng magbago” paglalabas ni Keziah ng sama ng loob niya.
“Lahat ng tao ay pwedeng magbago” giit ni Drake sa kanya. Parang hindi na ang boss niya ang kausap niya ngayon.
“Siguro yung iba nagbabago talaga sila para sa taong mahal nila pero...


mahirap na rin umasa kasi masasaktan ka” sabi niya naman dito.
“Pero diba kapag minahal mo ang isang tao binibigyan mo na rin siya ng karapatan na saktan ka?” giit ng boss Drake niya.
“Di porket mahal mo siya pwede ka niya ng saktan” ganti niya naman.
“Di ka talaga papatalo no?” sabi ni Drake sa kanya.
“Talaga lalo na kapag alam kong tama ako”panghahamon niya rito.
” Hindi mo ba naisip mag-iba ng trabaho, I mean sa ibang kompanya mo naman itry magwork “pag-iiba na naman nito sa usapan.
” Aytt ayaw mo na akong maging Secretary mo? Sawa ka na ba sa mga pangtritrip ko”sabi niya na kunyari ay nagdadamdam.” Sorry ka nalang boss wala akong balak magresign, ikaw kaya ang pinakacool at gwapo na boss kaya hinding hindi ako magreresign”determinado niyang sabi dito.
” So inaamin mong gwapo ako”pang – aasar nito sa kanya.
“Oo!! Bakit hindi ba, edi binabawi ko na mukhang kang aso!!!” asik niya dito sabay tawa.
“So papayag ka na ang mukhang asong sinasabi mo ay hahalikan ka kapag hindi ka tumigil katatawa” kaya napatigil siya sa pagtawa.
“Why do you stop laughing?” pang-aasar na naman nito.
“Napagod panga ko!!!” narinig niya namang tumawa ito.
“Were here” anunsyo ng boss Drake niya at tumigil ang sasakyan nito sa harap ng bagay nila.
“Oyy thank you sa paghatid” sabi niya kay Drake at ngumiti ito sa kanya. Shet!!!
“Keziah anak naandiyan ka na pala, aabangan ka sana namin ng tatay mo, ginabi ka ata, nagdate kayo noh?” panunukso ng nanay niya.
“Ma hin-”
“Nagdate po kami ng anak niyo” di niya natuloy ang sasabihin dahil sa pagsingit ng boss Drake niya.
“Wow naman kaya pala ang ganda mo anak ha! Ganda ganda mo! O siya iho pumasok ka muna para magkape” pag-aaya ng mama niya dito.
“Ma kailangan niya ng umuwi”saway niya sa mama niya siguradong hindi ito titigil.
” Yes po tita kailangan ko na long umuwi hinatid ko lang po si Allyson”tinawag na naman siya nito sa second name niya, Shaks!! Bakit iba sa feeling.
“Ay nak buti naman may tumatawag na sayo sa second name mo, maganda naman pangalan niya diba iho? Kapag sa amin hindi niya hinahayaan na tawagin namin siya ng ganun” ang daldal talaga ng mama niya kahit kailan.
“Maganda rin naman po ang anak niyo Tita kahit may pagkamataray”nakita niya namang parang kinikilig ang nanay niya.
” I’m sorry Tita kailangan ko na pong umuwi “pagpapaalam no Drake sa mama niya.
” O sige Iho ingat ha kung hindi mawawalan ng boyfriend itong anak ko, wala ng magtitiyaga sa kamalditahan nito. “narinig niya naman tumawa si boss Drake niya sa narinig nito…
” Bye babe, have a goodnight “sabi nito sa kanya at humalik sa noo niya. Sa harapan pa ng mama niya.
” Oyy anak maggoodnight ka man lang pabalik, ano ka bang bata ka”kahit kailan talaga walang preno ang bibig ng nanay niya.
“Good—night Drake” “nauutal niyang sabi. Sumakay na naman ito sa kotse pero bago Umalis ay kumindat pa sa kanya.
” Anak swerte mo sa boyfriend mo!!! Wag mo ng pakawalan”sabi ng nanay at kinukurot ang bewang niya.
“Mama!!!” sigaw niya sa mama niya pero tumawa lang ito. Kahit kailan talaga ang mama niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top