HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 8
Kapapasok lang ni Keziah sa opisina ng boss Drake niya. Inagahan niya talaga ang pasok.Ewan niya ba gusto niya lang na maaga at isa pa baka madami itong ipatrabaho sa kanya. Mabuti na yung handa.
“Good morning bo—Drake” bati niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya at nakatingin sa dala niyang lalagyan. Nagbake kasi siya ng cake noong gabi pero di niya naubos kaya binaon niya na lang sa opisina tutal di pa naman siya nag-uumagahan.Siyempre may dala dala rin siyang dalawa ng mainit kape Well naalala niya si boss Drake niya and diba acting girlfriend siya nito.
“Ano yang dala mo?” nakakunot noong tanong nito sa kanya.
“Umagahan, di pa ako nag-uumagahan ehh” pangangatwiran niya.
“Sayo lang yan?” tanong ulit nito sa kanya.
“Siyempre” sagot niya dito.
“OK” walang ganang sagot nito sa kanya.Mukhang masama ang gising nito.
“Oyy joke lang share tayo noh kaya ko bang ubusin itong isang tupperware ng cake at dalawang kape napakaseryoso mo naman” asik niya dito, narinig niya naman ang mahina nitong tawa.
“Hindi maganda ang gising ko dahil tumawag sakin si mommy kanina kanilang lang” pagkukuwento nito sa kanya. Akala niya naman pino problema na nito ang global warming, ang kahirapan, overpopulation, corruption, yun pala tumawag lang ang mommy nito.
“Parang yun lang, mabuti nga tumawag mommy sayo baka namimiss ka na” sabi niya dito.
“Yeah your right, miss niya na daw ako kaya gusto niya na aking umuwi sa mansion namin that will never happen” sabi ng boss Drake niya kay Keziah.
“Bakit ba ayaw mo sa inyo? Wala naman tita mo dun ahh. Miss ka na nung tao bakit di mo pagbigyan eto naman di mo ba mahal mommy mo?”napatitig naman ito sa kanya. Nakakatunaw na titig char!
” Kapag umuwi ba ako dun magiging masaya ka? “di niya alam kung ano ba ang tinatanong nito sa kanya.
” Alam mo wala akong kinalaman sa pag-uwi mo sa inyo? Bakit kailan mo pa ng opinyon ko? Ano to acting boyfriend and girlfriend na naman? “natawa na naman ito dahil sa sinabi niya.
” Well I’m just asking your opinion “sabi nito at inabot ang tupperware namay lamang cake.
” Oyy wag mong uubusin yan sabi ko share tayo “di siya nito pinansin binuksan nito ang tupperware at kinuha ang tinidor na nakalagay din sa lalagyan.
” Ang sarap ha, San mo to binili? “gustong kutusan NI Keziah ang boss niya dahil sa sinabi nito. Binake niya yun, hindi binili.
” Alam mo nagbago na isip ko hindi na tayo share, hindi ko kasi binili yan ginawa ko yan Binake ko yan “halata naman sa mukha ng boss niya ang pagkagulat.
” Really? “tanong nito sa kanya.
” Oo walang halong joke, maniwala ka man o hindi. Ewan ko ba gusto kitang bigyan. Mama ko nga at papa ko di ko binibigyan kapag nagbabake ako sinasarili ko lang. Tapos sasabihin mo binili ko yan. Ouch naman!!! “kunyari ay nagdamdam siya.
Di na siya pinansin nito. Sinimulan na nitong kainin ang cake na gawa niya.
” Sabi ko wag mo ubusin, “pero halos maubos na nito ang cake. Wala na siyang almusal.
” Ang sarap mo palang magbake”sabi nito sa kanya.
“Oo kaya naubos mo na!!! Aaaaaaa! Wala na akong umagahan!! Kainis ka Drake!!! Ohh ito yung kape mo!!!” nilagay niya sa table nito ang kape at dinala niya ang sa kanya.
“Where are you going?” tanong nito sa kanya.
“Sa Mars sama ka?” asik niya dito.
“I’m serious Allyson San ka pupunta?” Bakit parang ang sarap sa tainga kapag ito ang ang nagsasabi ng second name nya.
“Maghahanap ng pwedeng kainin, sayo na yan mauubos na ehh.!!!” usal niya dito. Pero tinawanan lang siya.
Lumabas siya ng opisina ng boss niya pero napabalik din siya sa loob dahil nakita niya ang tita nito na naglalakad papunta sa opisina ng boss Drake...