Hiding the Billionaire’s Daughter CHAPTER 21


“Ate Fatima malapit na pala ang birthday ni Faith, anong balak niyo ni Kuya, Sa mansyon na lang ba gaganapin, ” nasa hapag kainan sila ng gabing iyon. Ng biglang magsalita si Trish. Nasabi niya na rin kay Tyler ang tungkol sa kaarawan ng anak nila.
“Yun naman talaga ang plano ate ahh. Dito naman talaga gaganapin sa mansyon. Pero base on my assumptions hindi basta simpleng party ang mangyayari.”saad naman ni Troy
“Hayaan nating ang Kuya niyo at si Fatima ang magdecide besides kung ano rin ang gusto ni Faith.”wika naman ng kanilang ina.
“OK na po sakin kahit simple lang po Mami Clara. Kahit luto nga lang po ni mommy na spaghetti okay na po yun.”masayang ani ng anak nila.
” Well it should be special since its your first birthday with us.”Saad ng ama ng mga ito.
“Kung ano po ang gusto niyo yun na lang po. Ilang birthday rin po kasi ni Faith na hindi niyo siya nakasama. Sana lang po ay di ganun kadami ang bisita.” bulalas niya sa mga ito sa makahulugang pananalita.
“Well its all been plan. Sa mansyon gaganapin ang birthday party. All of our business partners are invited also our relatives.” Sa wakas ay magsalita na rin si Tyler na katabi niya. Akala niya ay habang buhay nalang itong mananahimik.
“Who will design the party? Should we hire one? You know I don’t like arts and designing.” natawa naman sila nila dahil sa sinabi ni Trish.
“Tita Trish invite mo po si Ninong Cedric sabihin niyo po punta siya sa birthday ko di ba po nagkikita kayo sa restaurant niyo.” agad na nanlaki ang mata ni Trisha dahil sa sinabi ni Faith.
” Who said that we’re seeing each other? Sorry Faithy.But we’re not close.”
“Talaga ba?” kantyaw ni Troy.
“What the ikaw ang nagsabi kay Faithy non? Tatahiin ko na talaga yang bunganga mo. Mom! Troy is so annoying.”
“Ako na lang magsasabi sa Ninong Cedric mo baby.” kaya napangiti ang anak niya. Si Tyler naman ay wala na namang imik.
“Yey!!! Marami po tayong magcecelebrate ng birthday ko. Im so excited! Thank you po.”
“Welcome, Faithy basta para sayo, we can do everything just for you to be happy. ”
“Tyler galit ka ba? Nag-usap lang kami ni Cedric kanina at nagpaalam naman ako sayo diba.” nasa kwarto na nila sila. Napapansin niya kasing di siya nito pinapansin. Di siya sanay.
“No I’m not at bakit naman ako magagalit? Well jealousy could kill and it will ruin our relationship so its not healthy. I’m just thinking of something.” wika nito pagkatapos ay pumunta sa banyo at iniwan siya.
Pumunta siya sa kwarto ni Faith. Nakita niya dun si Trisha na kayakap ang anak niya. Mukhang tabi matutulog ang mga ito.
” Have a goodnight ate Fatima. Rest well. “sabi ni Troy ng makita siya at isa pa yun sa ipinagtataka niya bakit tila bumait si Troy at di siya inaasar.
“Fatima Iha anong ginagawa mo dito? Dapat naandun ka sa kwarto niyong mag-asawa.Did something what happened? Nag-away ba kayo?” agad siyang umiling sa Mama Clara niya.Feeling niya ay may tutulong mga luha mula sa mga mata niya. She’s been acting weird...


lately.
“Wala po.” halata sa himig ng boses niya ang lungkot.
“Bakit parang maiiyak ka na? Sinaktan ka ba ng anak ko? Tell me.” may halong pangambang sabi ng ginang sa kanya.
“Di ko nga po alam kung anong nagawa ko pero ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Wala naman po akong nagawa na ikakagalit niya. Di lang po ako siguro sanay.”pagpapaliwanag niya.Niyakap siya ng ginang.
” Napapansin ko rin ang weird na naman ng magkakapatid na yan. Pati ang asawa ko ang weirdo na rin ng kinikilos. Wag kang mag-alala aalamin natin ang itinatago nila. Bakit di ka muna tumabi sa anak mo sa pagtulog.Siguradong mamimimiss ka ng anak kong yun.”
” Pero naandun na po si Trisha ”
” Ikaw naman ang ina diba? Tabihan mo muna si Faith. Wag mo ring pansinin ang anak ko kung ganun ang ginagawa niya sayo. ”
” Baka lalo po siyang magalit kung ganun. ”
“Trust me Fatima I know my son. I think my pinaplano sila. Their Hiding something. At si Trish pati si Troy at ang asawa ko lang ang nakakaalam.” makahulugang sabi ng ginang napatango tango na lang siya.
“Now go to your daughter’s room. May sasabihin rin ako kay Trisha.” at nagpunta na nga sila doon.
Paglabas ni Tyler mula sa banyo si Fatima agad ang hinanap niya sa kanilang silid. Ngunit wala ito. Ang tanga kasi bakit ba kasi kasama sa plano nila na Wag muna itong pansinin. Plano kasi nilang isabay sa birthday ni Faith ang proposal niya para rito. He knows na nasasaktan ito sa ginagawa but after nagising masaya naman ito ng sobra.Pati si Faith ay alam ang tungkol sa bagay na yon. Tangling ang mommy lang nila at si Fatima ang Walang alam. Pati dad nila ay kasambwat.
“Hinahanap mo asawa mo? Naandun siya sa kwarto ng anak niyo. Hayaan mong dun siya matulog.” pagkalabas niya ng kwarto nila ay mommy niya na agad ang makita niya. Mukhang masama ang awra.Alam na ba nito?
“Mom bakit nandoon siya?” tanong niya sa kanyang ina. Tinaasan lang siya nito ng kilay.
“Bakit di mo tanungin mo sarili mo? Ayoko sa lahat ay nanakit ng damdamin ng Babae, alam mo ba yung mukha niya kanina nung kinakausap ko siya. Paiyak na ang asawa mo. Kapag nalaman kong sinasaktan mo lang si Fatima. Ako mismo ang maglalayo sa kanila sayo. Mark my word! “at nilagpasan siya ng kanyang ina. Mukhang iba ang iniisip ng mga ito. Kailangan niyang magpaliwanag.
Agad siyang nagpunta sa kwarto ng anak nila.Naandun nga si Fatima at magkayakap ang mag-ina. Tulog na. Biglang bumukas nag pintuan.
” Lagot ka kay mom Kuya, malungkot yan dahil sayo, ayan kasi surprise pa.” sabi ni Troy at tumatawa tawa pa. Agad siyang lumabas pero nakatakbo na ito patungo sa kwarto. Si Troy naman kasi ang nagsuggest nun ehh. Sarap talagang sapakin ng kapatid niyang iyon.
Tutal sinimulan niya na rin itutuliy tuloy niya na. Mga ilang days nalang naman birthday na ng anak nila at sa party rin yung siya magpropropose kay Fatima and its too special. Pinaghandaan talaga nila yon. Gusto niyang malaman ng bulong mundo kung gaano kaimportante si Fatima sa kanya at si Faith.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top