UNWANTED LOVE:( Series One) CHAPTER SIX


AUTHOR REYN
“Best nakikinig ka ba?”, ang nagtatakang tanong ni Cindy.
“Ah hah? Sorry best ano nga ba iyon?”, ang gulat na tanong ni Trisha.
“Sabi ko, Bryan loves. . .”, hindi naituloy ni Cindy ang sinasabi dahil dumating si Manang Saleng.
“Ahm excuse me, Trisha kailangan na nating umuwi baka wala na tayong maabutan na byahe pabalik sa Manila”, ang sabi ni Manang Saleng.
“Ah ganun po ba, sige po sunod na ako”, ang sabi ni Trisha.
“Best pano yan alis na kami congrats ulit”, ang baling ni Trisha kay Cindy at saka humalik sa pisngi ng kaibigan.
“Sige best ingat”, ang wika naman ni Cindy.
“Kung alam mo lang kung gaano ka kamahal ni Bryan best kung alam mo lang”, ang bulong ni Cindy sa sarili habang pinagmamasdan si Trisha na naglalakad.
Gabi na ng makauwi sila Trisha, pare-pareho silang pagod kung kaya nakatulog sila agad. Kinabukasan hindi muna nagbukas ng flower shop si Trisha dahil hindi pa siya nakakabawi ng pagod. Bandang alas nwebe na ng umaga ng tumunog ang bell nila sa gate.
“Ako na Manang”, ang sabi ni Trisha ng akmang pupunta na si Manang Saleng.
Pagkarating niya sa gate laking gulat niya ng makitang sina Cindy at Lester iyon. Pero hindi ang kotse ni Lester ang ginamit nila kaya nagtaka si Trisha.
“Kanino naman ang sasakyan na ito?”, ang tanong ni Trisha.
“Me!”, ang sabi ng lalaking kabababa palang sa sasakyan.
Pinagmasdang mabuti ni Trisha ang lalaking noon at palapit na sa kanya. Hindi siya makapaniwalang makikita niya ulit ang lalaking ito.
“B-Bryan? Bryan ikaw nga!”, ang sabi ni Trisha.
“Yes its me!”, ang sabi din Bryan.
Dahil sa tuwa ni Trisha ay yinakap niya si Bryan. Hindi niya akalaing magkikita pa sila, but the scent she smelled before sa kasal nila Cindy, she smelled it again, kay Bryan. Walang duda, dahil magkapareho ang amoy at tapang ng pabango.
Hindi niya alam kung anong brand pero hindi niya naaamoy iyon sa ibang lalaki na nakakasalamuha niya. Kinutuban na siya, kung si Bryan nga ang lalaking nakaniig niya, bakit niya nagawa iyon sakanya?
“How are you?” ang nakangiting tanong ni Bryan. Makikita sa mata nito ang excited na makita si Trisha.
“I-Im fine”, ang pilit na ngiti ni Trisha dahil hindi na niya alam ang iisipin niya.
“Ahm pasok muna kayo sa loob doon na tayo mag-usap”, ang aya ni Trisha sa tatlo.
Pinaghanda sila ni Manang Saleng ng meryenda, mabuti nalang at tulog pa si Brayll kundi magtatanong na naman ito tungkol kay Bryan.
“Hindi na din kami magtatagal, ihahatid lang kami ni Bryan sa airport, sa Hongkong ang honeymoon namin”, ang masayang sabi ni Cindy.
“Wow naman, napakasaya naman ng honeymoon niyo. Make sure pag-uwi niyo dalawang guhit na ang pregnancy test na gagamitin mo ha”, ang biro ni Trisha kay Cindy.
“Naku ikaw talaga best, dont worry kukunin kitang ninang, kayo ni Bryan”, ang biro din ni Cindy.
“Kaya ikaw Lester ingatan mo ang kaibigan ko ha, wag mo siyang igaya sakin na iniwana nalang pagkatapos gamitin”, ang biro ni Trisha at sinulyapan si Bryan, ngunit parang hindi siya affected sa narinig. Napapaisip tuloy...


siya kung may kinalaman ito o wala.
“Oo naman mahal na mahal ko ang kaibigan mo, promise”, ang sabi ni Lester at saka itinaas ang kanang kamay.
“Ikaw Bryan, uuwi kana ba agad pagkahatid mo sakanila”, ang baling ni Trisha kay Bryan.
Iniisip niyang sana hindi muna, sana babalik pa ito sa bahay niya para makita ang reaksiyon nito sa mga itatanong niya. Ayaw niya kasing ngayon magtanong dahil nakikinig ang mag-asawa.
“Actually may meeting ako dito about partnership, isang hotel business”, ang sagot ni Bryan.
“Talaga? Alam ko yun kasi yun lang naman ang hotel dito, may matutuluyan ka ba?”, ang tanong ulit ni Trisha.
“Sa ngayon wala pa, pagkahatid ko kina Cindy dederetso na ako sa hoel for one day. Saka ako maghahanap ng apartment na matutuluyan”, ang sagot ni Bryan.
Sa sinabi ng binata ay nakaisip ng paraan si Trisha para lali pa siyang mapalapit dito. Upang sa ganun ay madali niyang matuklasan ang gustong malaman.
“Free ang isang kwarto ng bahay ko, pwede kang dumito muna. Dont worry about the rent libre na yun. Pero syempre you need to give a share, sa ilaw sa tubig at ako na bahala sa pagkain”, ang nakangiting suhestiyon ni Trisha.
“Really? Ah sure I’ll like it thank you”, ang masayang sabi ni Bryan.
“Ipapaayos ko na ang kwarto pwede mo ng iwan ang mga gamit mo”, ang wika ni Trisha.
Iyon nga ang ginawa ni Bryan, pagkatapos niya ay nagpaalam na sila para maihatid na niya ang mag asawa sa airport.
Sinamahan na ni Trisha si Manang Saleng para ayusin ang kwartong tutuluyan ni Bryan. Madali kang iyon natapos kaya naisip niyang siya na ang magaayos ng mga gamit ni Bryan sa kwarto. Paraan na din iyon para makita ang pabango na ginagamit ng binata at para makasigurado kung madami babg gumagamit ng pabango na iyon.
Pagkatapos niya ay pumunta siya agad sa mall at tinungo ang stall ng perfume collection para sa mga lalaki. Hinanap niya ang pangalan ng pabango ni Bryan pero linibot na niya ang buong kinalalagyan ng mga pabango pero wala talaga. Lumapit siya sa saleslady at nagtanong.
“Miss meron ba kayong pabango na katulad nito?”, tanong ni Trisha sabay pinakita sa saleslady ang picture ng pabango ni Bryan sa cellphone niya.
“Naku ma’am, wala po samin yan. Imported po yan galing Italy hindi po yan ineexport sa Pilipinas kundi doon lamang sakanila nabibili”, ang sagot ng saleslady.
Napahigpit ang hawak ni Trisha sa cellphone niya. Tama nga ang hinala niyang si Bryan iyon, pero hindi pa ito ang sapat na katibayan para akusahan niya ang binata. Iipunin niya ang ebedinsya niya para panagutin ang binata.
Pagkapasok niya sa kaniyang bahay nakita niyang naglalaro sina Bryan at Brayll. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nilang dalawa. Alam niyang hindi lahat ay namana ni Brayll sakanya, kundi sa ama niya. Nanginginig na ang mga tuhod niya ng makitang parang pinagbiyak na bunga sina Bryan at Brayll.
“Ikaw nga, ikaw nga ang nanamantala sa kalasingan ko”, ang bulong ni Trisha sa isip niya at nangingilid na ang luha sa mga mata niya.
Magkakaroon na kaya ng lakas ng loob si Trisha para komprontahin si Bryan? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top