Hiding the Billionaire’s Daughter CHAPTER 25


“So mom gaano karami ba ang naimbitahan sa birthday party ni Faithy?” nakikinig lang si Fatima sa usapan. Tahimik lang siyang kumakain.Katabi niya ang asawang si Tyler at nasa gitna nila si Faith.
“As usual marami ate Trish sa dami ba ng nakakakilala sa pamilyang to.By the way Mom sama ko tropa ko ha.” Saad naman ni Troy.
“Ibig sabihin po ba marami pong bisita? Pero di ko naman po sila kilala.” nagulat silang lahat ng magsalita si Faith ngunit sa mahina at malambing nitong boses.
“Thats why ipapakilala ka namin sa kanila at ang mommy mo.”saad ng mommy ng mga ito.
“Fatima is there a problem? Bakit ang tahimik mo? Nag-away ba kayo ng anak ko?” bahagya pa siyang nagulat dahil sa tanong ng daddy si Tito Tyron niya. Kaya napatingin din sa kanya sina Trish at Troy ganun din si Tyler.
“Ahh wala po” tumango na lang ito. Iniisip niya kasi kung paano niya sasabihin kay Tyler ang tungkol sa baby sa tiyan niya siguro maganda kung isasabay nalang niya ito sa birthday ni Faith. Tutal bukas na ang birthday ng anak nila.
” It’s a royal theme party. Lahat ng nasa party is like a king and queen or princess and prince.” ani ni Trish ng may ngiti sa labi. Wala siyang alam doon. Mukhang ang mga ito ang nagplano.
“Talaga po Tita Trish? I’m so happy po.Dati po kasi tuwing birthday ko sa house lang naman po kami ni mommy tapos po may cake pero happy rin po ako kasi magkasama kami at ngayon po kasama namin kayo.”
“Ehh Faithy ano bang wish mo sa birthday mo?”
“Natupad na po yung wish ko.”
“Ano ba yung wish mo?” usisa pa ni Troy. Di yan titigil hanggat di nalalaman kung ano yon.
“Secret po pero natupad na po siya. Diba mommy?” at bumaling ang anak niya sa kanya.
“Ala anduga kami di namin alam kung ano yung wish paano kung kaya naming tuparin yon.”
“Shut up Troy!” asik ni Tyler sa kapatid para matigil na.
“I’m so excited that will be the best birthday party ever!Ngayon pa lang iniimagine ko na yung moment na yon. So sweet.Faithy will be the princess and Ate Fatima and Kuya Tyler are the king and queen. ” di niya maintindihan kung ano ang pinagsasabi ni Trisha pero mukhang sayang saya ito.
” Yiee ate Trish naandun si Cedric. Wait nakita ko kahapon nasa resto mo siya. Kausap mo pa nga ehh. Ano kayo na ba? ”
” The hell no! Nag-usap lang kami tinatanong niya lang kung kamusta na si ate Fatima and Faithy.” nakangiti lang ang mag-asawang Baltazar. Pinapanood kung paano mag-asaran ang magkakapatid.
” Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa birthday ni Faith? Did you invite him? “sumali na sa asaran si Tyler.
” I think that man he likes you. ”
” What?! No way. Lagi niya akong iniinis. And he’s so annoying. Ang sama ng ugali niya. He’s also cold like you and dad.He made me pissed off. But I think di niya na gusto si Ate Fatima. He made it clear.”
“Nakausap mo siya Trish?” sumabat na siya sa usapan.
“Ahhm yeah why Ate?”
“ang swerte mo. Hindi masyado nakikipag-usap sa babae yun maliban sakin. Magkaibigan na kayo?”
“I don’t think so sabi nya ayaw niya daw sa ugali ko.”
“Sana all Ate Trish siya na ang forever mo. Di ba Faith?” kantyaw...


ni Troy at dinamay pa ang anak niya.
“Opo bagay po sila Tita Trish at Ninong Cedric . Pero mas bagay talaga ang mommy at daddy ko.” napatawa na lang sila.
“Yesterday sa kompanya ay itinatanong niya kung san ka pwedeng makita. I thought he’s going to ask about Fatima but he ask about you.”
“Are you serious dad? He will never do that. That’s wasting time for nothing.”
“You are not nothing Trisha.”
“Bagay naman kayo Trish.”
“Tama si Fatima bagay kayo. Mas gusto ko pang makilala ang lalaking yan.” Saad ng mommy ng mga ito.
“Stop! That’s not the topic. This is about Faith’s birthday. This not about me.”
“Pikon.” bulong ni Tyler pero narinig pa rin ito ng kapatid.
“Ate Fatima did you know. Tomorrow there will a surprise —” di na natuloy ni Trish ang sasabihin dahil nilagyan ni Tory ng Tinapay ang bibig nito.
“Walang ganyanan ate.”
“Mommy akyat na po muna ako sa room ko.Di ko pa po kasi naliligpit yung bed ko.”
“Advance Happy Birthday Faith! Tomorrow is your big day!”
“Thank you po. Love you all po. Love you din po kay sa —”
“Kanino baby?” tanong ni Tyler sa anak nila.
“Never mind po, daddy.”at umalis na si Faith doon.
” Sana lahat nililigpit ang higaan di katulad ng isa diyan. Manliligaw na tamad pa rin.Naiiba talaga.”Alam niya na kung sino ang pinaparinggan ng Tita Clara niya walang iba kung di si Troy.
” Ill say will you marry me🎶🎶”
I swear that I mean it.”kumakanta pa si Troy habang naglalakad na paalis doon.Habang si Trish ay pabulong bulong dahil di naman maganda ang boses nito at kung hindi dahil sa kadaldalan nito hindi mauungkat yung kay Cedric.
Agad siyang tumayo at nanakbo papunta sa lababo ng maramdaman niyang maduduwal siya. Naramdaman niya na lang na may humahagod na kamay sa likod niya.
” Wife are you okay?” alalang tanong ni Tyler sa kanya.
“oKay lang ako.”
“Tomorrow is our daughter birthday you should be okay. Let’s go to the hospital. Maybe there’s something wrong. Baka may sakit ka.”gusto niyang matawa pero pinigilan niya. Sakit agad? Di ba pwedeng buntis lang kaya nagsusuka?
” Okay lang ako”sabi niya at umalis doon para pumunta sa kwarto nila.
“Iha be careful” paalala sa kanya ng Tita Clara niya.
“Son calm down. Okay lang ang asawa mo. I think May nakain lang siya di nagustuhan ng tiyan niya.” huli niyang narinig.
“Mommy!!!Dito ka po tabi tayo.” aya sa kanya ni Faith ng makapasok siya sa kwarto nito. Masaya ang anak niya halata kasi sa mukha nito.
“Baby are you happy?”
“Yes naman po. Bukas na po yung birthday ko diba. Tapos kasama na po natin si daddy. Yun lang po kasi ang lagi kong wish dati kapag birthday ko. Tapos magkakababy sister or baby brother na ko. Kayo po mommy happy po kayo?”
“Oo naman. Kapag happy ka happy si mommy.”
“Love you mommy”
“Love you baby ko” at niyakap siya ng anak niya.Di mapaliwang ang sayang nararamdaman niya.
“That will be the best birthday ever. Swerte naman po ni daddy kahit di niya birthday may gift din siya. Kasi magkakababy na po ulit kayo para di nalang po ako yung baby niyo.”
“But you’re still the best gift we ever had. We love you so much,Faith.My daughter.”bulong niya.
A/N:ngayon lang po nakaupdate. Na busy po sa assignments sa school♥️I love this family talaga❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top