HINDI AKO PINAASA PERO UMASA AKO.


HINDI AKO PINAASA PERO UMASA AKO.
I am in love, and nobody knows. Know this guy in our campus, his name is Lazarus. His face is almost perfect. Pero shempre, hindi lang mukha ang nagustuhan ko sa kaniya. Hindi katulad ng iba, sa kabila ng pagiging sobrang gwapo, mabait at disente ang minamahal ko.
He’s kind to all of us. Kaya marami rin ang nagkakagusto sa kaniya maliban sa akin. No one knows is he’s still single or in a relationship with someone because he’s too private. Walang may karapatan na pakialaman ang buhay niya.
Mahal ko siya, mahal ko na siya ng isang taon. Wala akong pakialam kung hindi niya ako mapansin basta hayaan niya lang na hangaan ko siya mula sa malayo.
Pero nag-iba ang pananaw ko nang isang araw, habang nasa library ako, nakasalubong ko siya.
“Bea, hi. You look amazing today.” ako lang ang tao doon at pangalan ko ang tinawag niya. “Have a great day ahead.”
I didn’t said to him what my name is. Isang beses niya palang akong natulungan noon pero alam niya na ang pangalan ko.
Akala ko, nabasa niya lang ang name tag ko kaya nalaman niya ang pangalan ko pero hindi ko naiwasang umasa nang sa mga sumusunod na araw, nginingitian niya na ako kapag nagkikita kami. Natitigil ang mundo ko tuwing mangyayari iyon.
Akala ko, iyon na. Akala ko, napapansin na ako ng taong mahal ko pero hindi. Nauwi lang na sugatan ang puso ko...


nang volleyball contest na namin.
I overheard my classmates talking inside the changing room.
“Alam mo ba, si Lazarus, lagi akong nginingitian kapag nagkikita kami! Tinatawag niya pa ako sa pangalan ko! Owemji!” awtomatikong kumirot ang puso ko roon.
“H’wag kang umasa, girl. Ganu’n din siya sa akin at sa iba nating kaklase. Nalaman kong ganu’n nu’ng halos lahat ng babae sa atin ay kinukwento ang parehong nangyayari sa kanila. Ako, hindi ako umaasa dahil alam naman natin na mabait lang talaga si Lazarus. Friendly siya. Kaya h’wag mong isipin na may pag-asang maging kayo.” her words hit me.
Hindi ko namalayan ang pag-iyak ko.
Tumakbo ako sa likod ng school para pagaanin ang loob ko.
“Good luck, baby. I’ll be cheering you silently since ayaw mong malaman ng lahat na girlfriend kita. I love you, win or lose, I will still congratulate you.”
My heart sank as I witness Lazarus, saying those words to a girl. Naramdaman ko ang maraming likidong umagos mula sa mata ko hanggang sa labi.
He then kissed his “girlfriend”, and I saw that. Kitang-kita ko rin ang saya sa mata niya habang kaharap ang minamahal niya.
All this time, I’m just hurting myself because I thought he likes me. Ganu’n lang pala siya mangtrato ng tao.
Hindi niya kasalanan, kasalanan ko dahil umasa ako. Umasa ako ng matindi at iyon ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
My world was tore apart.
‘I shouldn’t have raise my hopes.’
@astrid.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top