HIS HEARTLESS LOVE Chapter 9


( Paul Santiban )
__________
“Magandang umaga iha , nako mukhang nagising ata kita , pasensya na iha ngunit pinapasabi ni Seniorita Paula(sharina) na sumabay naraw po kayo sa almusal ” bungad ng isang babaeng may Edad na nasa 50’s na , pupungas pungas ng mata si Sherin ng humarap sya sa taong kanina Pa kumakatok sa Pinto ng kaniyang silid.
“Emmp magandang umaga rin ho. , emmp sige po ? ” aniya inaantok na at pupungas pungas pa ng mata.
“Ako ho si Manang Sonia ang mayordoma ho rito.. ”
“Sige po manang , ako nga po pala si Sherin . ” inaantok na sagot niya. Kaagad rin naman nag paalam at umalis ang matanda sa kaniyang harapan
Ng maisara na niya ang Pinto ay tinungo niya agad ang banyo upang maligo. Ng maka tapos ay inayos niya muna ang kaniyang sarili at inayos rin ang kamang pinagtulugan niya.
“Magandang umaga Bunso . “Ani ng kaniyang ate Sharina
“Goodmorning iha. Kumusta ang tulog mo ? ” ani naman ng ina ng kaniyang ate.
“Magandang umaga rin ho sa inyo , at maayos naman po. Maraming salamat ho madam ” naka ngiting sagot niya. Na kina salubong naman ng kilay ng Ginag.
“Iha please pwede bang Mommy nalang Or mama kahit hindi kayo magka dugo at tunay na magka patid ng anak ko. Ay Kung sino ang mga mahal niya ay mahal narin namin. Kaya pamilya kana rin namin . Kaya wag kanang mahihiya saamin iha okey? ” ani ng ginang na si Mrs Paulyn Santiban.
“Pasensya naho. Ma-mama” nahihiya niyang, sagot sa ginang.
Ng maka upo na siya sa tabi ng kaniyang ate sharina ay nag dasal muna siya bago mag umpisang kumain.. Napangiti naman ang dalawang mag asawa dahil sa kabaitang pinapakita ni Sherin.
“Goodmorning son” naka ngiting bati ng ginang sa lalaking papalapit sa hapag kainan. Na pilit dinidedma ni Sherin at tinuon nalang ang kaniyang pansin sa pag kuha ng kaniyang pagkain.
“Goodmorning. Ganting bati ng lalake at lumapit sa ginang para humalik sa nuo ng ginang at maging sa ate niya. At naramdaman nalang niya ang pag upo ng lalake sa kaniyang tabi na lalong kina bilis ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung lilingunin niya ba ang lalake at kung paano ito pakikisamahan sa harap ng mga magulang nito maging sa kaniyang ate.
At ng Susubo na sana siya ng bigla siyang halikan ng lalake sa Pisngi na lalong kina gulat niya at lalong kina bilis ng kaniyang puso sa ginawa nito.
“Goodmorning ” mahinang bati ni paul sa kaniya at ng mapa tingin siya sa Dalawang mag asawa ay kitang kita niya ang pagka gulat maging ang mukha ng kaniyang ate naka kunot nuo itong naka tingin sa kanilang dalawa ni paul. Pakiramdam niya sobrang pulang pula na ng kaniyang mukha dahil sa kahihiyan .
“Aheeem kagabi kung maka yakap wagas. Ngayon naman may Pa halik halik na sa pisngi. Iba rin mga galawan mo kuya ” pag uumpisa ni Paulo na siya namang kina taas ng isang kilay ni Paul.
At ng lumingon ito kaya Sherin ay bigla nalang siyang napapangiti dahil sa nakikita niyang pamumula ni Sherin.
“Wow nakita niyo yun mommy daddy? Ngumiti si Kuya. Ohh tignan niyo may Pa kuha kuha Pa ito ng tubig kaya sherin. Naks naman ” naka ngiting sabi ni Paulo
“Kuya okey kalang? Ganda ng gising mo ngayon ah. Aheem dahil bato kaya Sheri—
” tumigil ka dyan kuya paulo. Napaka bata Pa ni Sherin para dyan sa iniisip mo. ” pag puputol ni Sharina sa sasabihin ni Paulo.
“Sherin iha. Mamaya pupunta tayong tatlo sa mall. Para maka pamili ng mga iba mong kagamitan at kakailanganin mo sa pag aaral mo ” ani ng ginang
“mom sasama ako ” sabat ni Paul na siyang kina taas ng kilay ng ginang. Sobrang nag tataka na talaga sila dahil, yung paul na nuon ay walang pakealam , palagi nalang tahimik at naka simangot , ngayon nakikisali narin sa Topic at ngumingiti na.
” No. Girls Bonding to anak. ” sagot ng ginang.
Habang si Sherin naman ay Focus Lang sa pagkain at nakikinig lamang siya sa pag uusap ng mga ito.
“Nako sherin kailangan rin pala natin bumili ng mga swimsuit mo para bukas. Paula wag mong kakalimutan yun ha. Baka makalimutan ko. “. Ani ng ginang sabay ngiti sa kanila.
“Bukas ho ? Ano pong meron bukas bakit kailangan kopa po ng pang swimsuit ? ” nag tatakang tanong ni Sherin.
“Bukas kasi pupunta tayo ng Beach bunso. May Pa Suprise tayo sa Kuya Josef mo. Birthday niya kasi bukas. ” naka ngiting sagot ng kaniyang ate sharina.
Ng maka tapos na sila mag almusal ay tinungo na kaagad ni Sherin ang silid para maka pag palit ng maisusuot . Papasok na sana siya ng kwarto ng mag salita si Paul sa kaniyang likod.
“Baby wag kang mag susuot ng maiiksi ” ani nito na siyang kina taas ng kilay ni Sherin at hinarap ang lalake. Ngunit sa pag harap niya ay napa singhap siya kaagad dahil sa Sobrang lapit pala nilang dalawa ni paul.
” abat lumayo kanga at ano bang pakealam mo tanda kung mag susuot ako ng maiiksi. ?!” Mataray na tanong ni Sherin at namewang Pa ito habang naka taas ang kilay.
” siguro naman hindi Pa nila alam ang tungkol saatin , maging si Paula(Sharina) gusto mobang ipa alam ko sa kanila na asawa na kita? ” naka ngising sabi ni Paul sa kaniya na siya namang kina amo ng mukha ulit ni Sherin.
“Tinatakot moba ako tanda ”
“No wife. Pinapaalala kolang sayo ”
Nag umpisa ng kabahan si Sherin. Hindi Pa siya handa para sabihin ang lahat sa kaniyang ate. Alam niyang magagalit ito at yun ang hindi Pa niya kayang harapin .
” please naman tanda. Magagalit saakin ang ate ko kapag nalaman niya ang tungkol saatin. Please wag muna at hayaan mong ako mismo ang...


mag sabi kay ate. Wag mona sa ngayon hindi Pa ako handa”
“Then ? ” maikling sagot ni Paul.
” susundin ko lahat ng sasabihin mo ” mabilis niyang sagot.
” really Wife? Lahat lahat? ” ani ni Paul at naka ngisi Pa ito ng mala demonyo.
” O-Oo basta wala kang sasabihin ”
“Okey baby emmp kiss me first ”
” huh!?, eh wala namang ganyanan tanda ”
” okey madali Lang naman akong kausap eh. SHARINA…. ” sagot ni Paul sabay tawag sa kaniyang ate.
” oo na oo na, peste ka talaga. ” mabilis na sabi ni Sherin sabay Hila sa kamay ni Paul papasok sa Kaniyang Silid para walang maka kita sa kanila.
“Wow dito talaga gusto mo Baby. ” malambing na sabi ni Paul sa Kaniya sabay nguso sa Kama.
Na lalo namang kina inis ni Sherin.
” aaaarg umalis kana nga peste kang tanda ka. ”
” oppps where’s my kiss baby ” pilyong ngiting sabi ni paul.
Wala ng magawa si Sherin kundi halikan sa Pisngi ang Lalake para matigil na ito ngunit ng ilalayo na niya ang kaniyang mukha ay mabilis hinawakan ni Paul ang kaniyang Batok at madiing siyang hinalikan sa Labi.
Pagka tapos ay ngumiti ito na para bang nanalo sa loto ang mukha.
” mangako ka please na hindi mo muna sasabihin sa kanila. Hayaan mong dumating yung araw na maging Handa ako please Paul mangako ka. ” mangiyak ngiyak na sabi ni Sherin habang naka harap sa binata
Napapangiti naman lalo si Paul dahil sa sobrang Cute ni Sherin sa mukha nito habang namumula na ang ilong at mata nito ..
” anything for you wife. Promise , ang sarap naman pakinggan ng pag tawag mo sa pangalan ko. “. Sagot ni Paul at walang sabi sabing hinalikan siya nito ulit sa labi pagka tapos ay mahigpit siyang niyakap ni Paul

Nasa mall na silang tatlo . At sobrang pagka hanga ni Sherin sa lahat ng kaniyang nakikita sa loob ng Mall ,dahil unang beses niya Pa lamang maka pasok roon.
” wow ate napaka ganda naman rito. ” buong pagha nga niyang sabi.
“Sherin iha. Kunin mona lahat ng mga Gusto mo at mga kailangan mo iha. Wag kang mahihiya injoy ” sabat naman ng mommy Paulyn nila
“Maraming salamat po. ” sagot niya.
” osiya mag libot libot na muna kayong dalawa. May e mimeet Lang ako. Paula anak tawagan mona ako pag natapos na kayo “.
” opo mommy. Kuya Freed samahan niyo na si Mommy ” sabi ni Sherin sa apat na Bodyguard
“Kayong tatlo samahan niyo kami ” baling naman ni Sharina sa Tatlo pang Bodyguards .
..
Masayang pinamimili nila lahat ng kanilang nagugustuhan, napaka saya nilang dalawa dahil yun ang unang beses na bonding nila magka patid sa maynila . , Habang nag lilibot sila ay naka ramdam ng pananakit ng puson si Sherin
“Ate mukhang May Dalaw ata ako. Mag babanyo muna ako ”
” nako wrong timing naman bunso. Sige susunod ako ibibili muna kita ng napkin. ” sagot ng kaniyang ate.
Kaagad naman. Nilakad ni Sherin ang papunta sa Ladys room
‘ nako naman bakit ngayon Pa ‘ mahinang sabi niya habang naka yuko. Dahil pakiramdam niya ay matatagusan na talaga siya.
“Araaay! ” inis na daig ni Sherin ng may maka bangga sa kaniya.
” tsk tatanga tanga kase. ” sabi ng lalakeng naka bangga sa kaniya. Na kaagad naman niyang tinignan ng masama. Naka tayo ito habang siya ay napa upo sa sahig kaya napa tingala siya sa lalakeng naka bangga sa kaniya.
Ng makita ng lalake ang magandang mukha ng dalaga ay kaagad nanlaki ang Mata nito habang naka tingin kaya sherin. Kitang kita ni Sherin ang pagka gulat sa mukha ng lalakeng naka bangga sa kanya.
“G*GO KA! titignan molang ba ako. ?! ” inis na sabi ni Sherin sa Lalake. Na kaagad naman siyang itinayo nito.
“YOU ” sambit ng lalake habang hindi maka paniwalang naka tingin kaya Sherin.
Tinaasan naman ni Sherin ang lalake dahil parang timang ito sa kaniyang harapan. Ngunit napa kunot nuo siya dahil parang pamilyar ang mukha ng lalake .
‘Parang nakita kona ito. ‘ ani ng kaniyang isip.
” tama ikaw nga. Hi I’m sorry hindi ko sinasadyang mabangga ka. Naaalala mo paba ako? ” naka ngiting sabi ng lalake. Na walang sobrang tuwa ng makita siya nito.
” huh? Sino kaba? Saka kanina sinabihan mo ako ng tanga. Gusto mo atang sapakin kita. ” mataray na sabi ni Sherin sa lalaki na siya namang nag pangiti sa lalake.
” I’m sorry again. Hmmp it’s me yung tumulong sayo sa Bulacan. I’m Jeppy ”
Kaagad naman nawala ang inis ni sherin. Ng. Maalala niya ang lalake ..
” nako ikaw pala yun. Kamuntikan na kitang sapakin. ” sagot ni Sherin
“I’m sorry ulit kumusta kana? Napaka ganda mona lalo ngayon. Pwede ba kitang yayain kumain kung okey Lang sana sayo bilang peace offering . ” sabi ng lalake sabay hawak sa Batok nito na parang nahihiya.
” nako pasensya na hindi ako pwede. May mga kasama ako at kailangan kona talaga pumunta ng banyo. ” mabilis na sagot ni Sherin sa lalake.
” okey pwede kobang mahingi ang number mo or address mo. Para madali kitang maka Usap at mapuntahan pag yayain kita ulit. ”
” nako wala rin akong Cellphone . Pasensya na sige maiiwan na kita. ” mabilis na sagot ni Sherin at dali dali ng nag lakad.
” wait miss..” Sabi ng lalake ngunit hindi na ito nilingun ni Sherin.
” now nakita kona ulit siya. Sa susunod hindi kana makaka hindi Pa saakin my Queen. ” sabi ni Jeppy habang tinatanaw ang palayong babae.
//next 10
” beach Resort .. Possessive man ”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top