Silent waltz Continuation of chapter 2.1


Tila walang narinig si Kit at nagpatuloy sa pagtayo nito ng nakabaliktad. Kaya inutusan ni Ruby si Ivy na paalisin si Kit sa tulong ni Jackson.
Ruby: “Ivy!! Sabihan mo nga yung boyfriend mo na palayasin etong abnormal na to sa pwesto natin!!!”
Ivy: “Ruby, Sige ba!! JACKSON?!!”
Lumapit si Jackson sa kinatatayuan ni Kit at handa nang bugbugin ito. Ngunit biglang huminto sa kanyang ginagawa si Kit at tumayo ng normal tsaka tinitigan sa mata si Jackson. Nag-alala naman ang lahat ng mga estudyanteng nanonood sa kanila, kasama na ang grupo ni Emily at ang kambal, dahil sa magaganap na away sa pagitan ni Jackson at Kit.
Jackson: “Aba?!! Ang lakas naman ng loob mo!! OOOF!!”
Biglang sinipa ni Kit si Jackson sa maselang bahagi ng katawan nito, kung saan napahiga at namilipit ito sa sobrang sakit. Nagulat naman ang lahat ng mga estudyanteng nanonood sa kanilang nakita.
Etudyante1: “Jusko!! Patay ka jan Kit!!! Papatayin ka nyan mamaya!!
Estudyante2: “Kit!! Magtago ka na!! Hindi ka sasantuhin nyan!!! Hahanapin ka nyan mamaya!!!”
Allan: “Sira ulo ba sya?!!! Alam naman nyang nananakit ng kahit na sino si Jackson!!!
Allen: “Tol!! Siguradong Headline si Kit sa Dyaryo ng Newspaper club bukas dahil sa ginawa nya!!”
Althea: “Hindi lang din pala sya Wierd!!! Baliw din sya!!!”
Nina: “Oo. Pero atleast nagawa din nyang saktan si Jackson.”
Emily: “Nina?!! Hindi to biro!! Siguradong bubugbugin sya ni Jackson mamaya sa Canteen!!!”
Claire: “Tama si Emily. Ang kaso, naganap na ang hindi dapat na mangyari. Lagot na si Kit mamaya.”
Habang pinag-uusapan ng lahat ang nasaksihang pagsipa ni Kit kay Jackson, muling tumayo ang malaking lalaki at akmang susuntukin si Kit sa ulo. Ngunit nakasimangot lang na nakatitig si Kit sa kanyang kalaban.
Jackson (annoyed): “Ikaw……..WALANG HIYA KA!! IPINAHIYA MO AKO SA LAHAT NG TAO!! PAPATAYIN KITA!!”
Walang anumang pasabi, biglang sinipa ni Kit ang sikmura ni Jackson kung saan napaluhod ito sa sahig. Lalong nagulat at hindi makapaniwala ang lahat ng mga estudyante sa kanilang nakita.
Jackson (in pain): “Mam….maya….patay ka…. sa A..KIN!!”
Habang nakaluhod, lumapit si Kit kay Jackson at tinitigan niya ito sa mata. Tsaka nya tinadyakan si Jackson sa mukha kung saan humandusay ito sa sahig. Hindi naman makapaniwala ang lahat sa kanilang nakita.
Allan: “Tol! Nakikita mo ba ang nakikita ko?!!”
Allen: “Oo, Tol! Nakikita ko din!!”
Allan: “Alam mo ba kung anu ang nakita mo?!!”
Allen: “Oo, Tol!! Parehas tayo ng mga mata!!!”
Allan: “Hindi!! Pinabagsak lang naman ni Kit si Mayabang na Gorilya!!”
Allen:...


“Ah…ganun ba?!”
Allan: “Oo, Tol!!”
Estudyante1: “Tanga ba kayo?! Nakita nyo na ngang tumumba yung gorilya, nagtatanungan pa kayo?!!”
Allen: “Hindi!!! At wala kang pake!!!”
Althea: “Grabe!!! Ngayun ko lang nadiskubring kayang patumbahin ni Kit si Jackson!!”
Emily: “Oo nga. Nagulat din ako.”
Nina: “Panu ba yan?!! Mga Three Bitches!!! May nakapagpatumba na sa alaga nyo!!!”
Claire: “Mukhang sa pagkakataong ito, hindi na kayo makakapang-abuso pa ng mga estudyante. Tumba na ang Bodyguard nyo!!”
Ruby: “Whatever!!! Mga Loser!!!! Basta amin ang pwestong to!!!!”
Ivy: “Hoy!! Ruby!! Anung gagawin ko dito kay Jackson?!
Ruby: “Eh di dalhin nyo sa Clinic!!! Alangan naman sa Sementeryo?!!!”
Nilapitan ni Ivy ang kanyang Jowa tsaka nya ito sinubukan buhatin. Pero dahil sa laki ng katawan nito, nakiusap si Ivy na tulungan siya ni Ruby.
Ivy: “Ruby!! Pakitulungan mo naman akong buhatin si Jackson!!”
Ruby: “Samantha, tulungan mo sya!!”
Samantha: “Ha?!! Bakit ako?!!! Eh sayo nga sya huminto.”
Ruby: “Basta tulungan mo na lang sya!!!! Tsaka ayokong magbuhat ng lalaking may Body Odor!! Nakakadiri ang amoy nya!!”
Ivy: “Grabe ka naman makapagsalita kay Jackson!!!! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka kakatakutan ng ilang mga talunan dito!!!”
Ruby: “Oy!! Baka nakakalimutan mo kung sino kinakausap mo ha?!! Kung hindi kita inimpluwensyahan, baka Loser ka na din tulad ng mga nandirito sa paligid!!”
Sandaling hindi kumibo si Ivy matapos syang sabihan ni Ruby. Napabuntong-hininga na lang ito ng maalala nyang, galing sa isang mayamang pamilya si Ruby at naisip nyang, kung hindi dahil sa kanya ay binubully na rin dapat sya ng ibang mga estudyante. Kaya wala nang nagawa si Ivy kundi ang sundin ang gusto nito.
Ivy (sigh): “Hay…. Oo na. Kami na lang ni Samantha ang magdadala kay Jackson sa Clinic. Tara na Samantha.
Samantha: “Oo.”
Ruby: “See you later, Girls!! Balitaan nyo na lang ako sa kalagayan ni Jackson.”
Dahil hindi mabuhat nila Ivy at Samantha si Jackson, hinila na lang nila ito sa parehong braso. Habang si Ruby, pilit na nanatili sa kanyang pwesto, nang mapansin nyang nakatayo din si Kit sa tabi nya at nakatitig ito sa kanya.
Kit (unamused): “………………….”
Ruby: “Oh?!! Anung tinitingin-tingin mo jan?!! Hindi mo ako mapapaalis sa pwestong to!!! Kahit na napatumba mo si Jackson!!!!”
Hindi sumagot si Kit pero patuloy pa rin sya sa pagtitig kay Ruby. Nakipagtitigan din si Ruby sa kanya pero hindi nya nagawang titigan ito ng matagal. Hanggang sa nairita si Ruby sa ginagawang pagtitig ni Kit at naisip na lang nyang umalis sa kanyang pwesto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top