Silent waltz Chapter 2


Umiwas ang mga estudyanteng nakapaligid sa hallway ng makita nila ang grupong ito. Hanggang sa makalapit sila sa kinatatayuan nung apat na babae.
Babaeng Leader: “Well, well, well…”
Kit (meditate): “…Napakalalim ng balon…”
Babaeng Leader: “Napakalalim ng balon!! Este Abnoy!! I mean Kit!! H-Hoy!!! Abnormal!!! Wag mo nga akong inuunahan sa Speech ko!!!”
Althea: “Wow!! Nagsalita lang si Kit, hindi mo na alam ang sasabihin mo.”
Claire: “Oo nga. Basag agad ang trip mo, Ruby.”
Ruby: “Anyway!! Kung okay lang sa inyo mga Losers, umalis nga kayo jan sa kinatatayuan ninyo nang makita ko ang aking Prince Charming, pagpasok nya sa Hallway!!”
Althea: “Asa ka pa. Hindi ka lang naman pinapansin ng Prince Charming mo!!”
Claire: “Oo nga. Nanaginip ka lang ng gising.
Ruby: “Anung sinabi nyo?!! Mga talunan?!!”
Babae1: “Hoy!! Kilala nyo ba kung sinong nasa harap nyo ha?!!”
Babae2: “Oo nga!!! Mga bulag ata kayo ah?!! Anyway, may kasama pala silang bulag kapag walang salamin.”
Nina: “Sinong tinatawag nyong bulag ha?!!!”
Emily: “Nina!! Huminahon ka! Hayaan mo na sila Ivy at Samantha.”
Althea: “Oo nga. Lalo na’t kasama din nila si Jackson.”
Sila Ruby, Ivy at Samantha ay kilala sa bansag na Three Bitches ng grupo ni Emily. Dahil sa galing nilang manlait, mangpahiya at mang abuso ng kapwa estudyante. Nilalayuan sila ng mga estudyante dahil kasama din nila si Jackson na isang Bully, kung saan nanakit ito ng kahit na sino, mapalalaki man o babae.
Ruby: “Oh? Bakit natigilan kayo?!! Kasama lang namin yung boyfriend ni Ivy, hindi na kayo makapalag?!! Tapos putak pa kayo ng putak na parang mga manok!!”
Ivy: “Kaya nga!! Akala nyo naman kung sino kayong may ipapalag!!!”
Samantha: “Ngayon? Kung tapos na kayong pumutak, umalis na kayo sa pwesto namin!! Kaya…”
Ruby, Ivy & Samantha: “SHOOOOOOOO!!”
Sabay tawa ng tatlong maarteng mga babae sa grupo ni Emily. Sandaling tinitigan ng masama ng grupo ni Emily ang tatlo, nang humarang si Jackson at tumitig ito ng masama sa kanila. Kaya wala ng nagawa ang apat na babae kundi ang lumipat sa tabi ng pinto ng Section 10-B. Pag-alis nila Emily, pinanood nila kung anu ang gagawin...


ng grupo ni Ruby sa nakahandusay na kambal at kay Kit na nagmemeditate pa rin ng nakabaliktad.
Ruby: “Eeewwwww!! Bakit nakahiga dito etong mga Lowly-creatures na ito?!!”
Ivy: “Hindi ko alam. Siguro, pinatulog sila nung Amazonang kasama ni Bulag.”
Ruby: “I don’t care kung pinatulog sila o pinatay sila nung Amazonang yon!!! Basta I-dispose nyo sila!! So, kadiri!!”
Ivy: “Jack!! Pakitapon mo nga yan mga walang malay na basurang iyan!! Nadidiri ako kapag nakikita ko sila!!”
Jackson: “Sige.”
Lumapit si Jackson sa natutulog na kambal tsaka nya dinampot ang mga ito na parang mga basura sabay hagis sa lokasyon nila Emily. Nagising naman ang dalawa, pagbagsak nila sa sahig.
Allan: “AAAAWWW!!”
Allen: “AAARRAAAYY!!”
Nina: “Grabe!! Ang babastos talaga nila!!! Dito pa talaga sa kinatatayuan natin ihinagis yung dalawang yan!!”
Claire: “Lalayo na muna ako. Nagising na sila.”
Emily: “Claire, Dito ka sa likod ko. Para di ka nila makita.”
Claire: “Sige.”
Pagkagising ng kambal, galit na hinanap ng mga ito ang taong naghagis sa kanila.
Allan: “SINONG MAY GAWA NUN?!!”
Allen: “OO NGA!! SINO?!!”
Jackson: “Ako. Bakit may angal kayo?!!”
Allan: “Hinde. Wala. Nagpapasalamat pa nga kami dahil ginising mo kami. Di ba tol?!!”
Allen: “Oo nga!!”
Althea: (Kahit pala etong dalawang bastos na to, takot din pala kay Jackson.)
Matapos malaman ng kambal na si Jackson ang naghagis sa kanila, wala na silang nagawa kundi ang tumayo mula sa sahig tsaka sila naghanap ng pwesto na matatayuan.
Samantala, naiinis naman sila Ruby at Samantha dahil hindi nila mapaalis si Kit sa pwesto nito.
Ruby: “Girl!!! Paalisin mo nga yung abnormal jan sa pwesto nya!!!”
Samantha: “Ginagawa ko na!! Pero kahit anung pagsipa ko sa kanya, ayaw nyang umalis!!!”
Ruby: “Hoy!!! Abnoy!!! Tumayo ka nga at umalis ka jan sa pwesto namin!!! Nakakasagabal ka!!!”
Sinunod naman ni Kit ang sinabi ni Ruby, ngunit iniunat naman nito ang kanyang katawan at tumayo gamit ang kanyang mga kamay. Lalo namang nagalit si Ruby sa ginawa ni Kit.
Ruby: “Hoy!!! Ang sabi ko, tumayo ka at umalis ka jan sa pwesto namin!!!”
Yan lang muna guys
Pls do rbp ulit sa mga readers ko thanks






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top