His Lola’s Last Will Chapter 5


His Lola’s Last Will
Chapter 5
‘Hindi mo pwedeng gawin sakin ito attorney! Ako ang nag iisang apo ni lola, karapatan kong malaman ang sinasaad ng last will ni lola!’ Nagtatagis ang bagang ni Rico na napatungkod sa ibabaw ng malapad na mesa ng batang abogado ng kanyang Abuela.
‘Yes I know but the thing is kabilin bilinan ni Donya Francesca na babasahin ko lang ang testamento sa harapan ng mga taong involve sa kasulatan’ mahinahong pahayag ni Liam, hindi alintana ang mat*talim na tinging pinupukol sa kanya ng apo ng nasirang kliyente.
‘And who else beside me? dont tell me ang mama ko, imposible naman, dahil malaki ang galit nya sa ina ko!’
‘Well actually kasama naman talaga ang mama mo sa huling habilin ng Donya, but the thing is, her presence is not required , but to one particular girl..’ sadyang binitin ni Liam ang huling sasabihin at matiim na tinitigan ang kaharap, na para bang tinatanya nito ang magiging reaksyon ng binata ukol dito.
‘What?!’Naningkit ang nga mata ni Rico na napatitig sa abogado. His mind began to race wildly.
‘Yes..you heard me right.. a girl’ napangiti si Liam sa naging reaksyon ni Rico, satisfied to what he just seen.
He almosts wanted to laugh nang makita nyang napatayo pa ito at nag iikot sa harapan ng kanyang mesa na para bang sinisilaban ang p*wet.
‘Then sino naman yan, wag mong sabihing may pinsan ako? Eh nag iisang anak lang si mama’, o baka naman may ampon sya..’ Rico bite his knuckles out of frustration saka napatanaw sa labas ng bintana ng opisina, wari nag iisip kung sino ang taong tinutukoy ng lola nya.
‘Her name is Amichele Fenandes I believe sya ang isa sa mga caregiver ng lola mo’ inilapag ni Liam ang isang larawan ng kanyang lola kasama ang caregiver nito na matamis ang mga ngiting nakatabi sa matanda. Napamulagat sya ng makilala nya ang pamilyar na mukha ng babaeng kasama sa larawan.
Ang chinitang babaeng may malalalim na biloy sa mag kabilang pisngi, that lady from the atm machine incident, who actually took his attention because of her wittiness at simula noon di na nawala sa isip nya ang imahe nito.
And it turn out na caregiver nga ito ng lola nya, dahil kanina lamang ay ipinakilala sya nito ng head ng Center.
But how this could happen?
‘What? Paanong?’hindi na mapigilang maisantinig ni Rico ang labis na pagtataka.
‘I dont know either, pero believe it or not, kasama sya sa last will ng lola mo, now you better get her soon kung gusto mong mabasa ang kasulatan..’ pinal na saad ni Liam.
Muling napatiim baga si Rico.
D*mn it hanggang sa kamat*yan ba nya parurusahan parin nya si mama!
This is insane!
‘Bumalik ka na lng dito kung kasma mo na si Mitch.’
‘Who’s Mitch?’ Pumihit ng leeg si Rico pa direksyon kay Liam.
‘Mitch ang nick name nya, Shes actually nice though, kaya marahil nagustuhan sya ng Donya.. ‘
‘This cant be happening! Paanong ang di kamag anak ay masasama sa huling habilin ng Lola ko, baka namn may iba pang paraan para mawalan ng bisa ang sinasaad sa last will’
‘Im sorry Mr. Williams, anu man ang nakasulat sa dokumento na naglalaman ng mga personal na datos ng may akda ay hindi na maaring mabago, alin sunod narin sa batas, im sorry but i cant do anything i hope you understand, now if you have any question feel free to tell it to my secretary, may mga importante pa akong dapat asikasuhin and-‘ hindi na natapos pa ni Liam ang ilang sasabihin dahil sinabayan na sya ng alis ng kausap, leaving the door open in front of him.
Nailing na napasandal ng swivel chair si Liam at mariing napasapo ng sintido.
What a Selfish , spoiled brat person! Bakit ba nagkaroon ng gantong klase ng apo ang donya! Anyway , he still half away from the reality, tiyak sas*bog ang bungo nya sa oras na malaman nya ang buong detalye. And I cant wait to see that..
—////
Buong sama ng loob na napas*ntok ng manibela si Rico pagkaupo sa driver’s seat ng kanyang sasakyan.
Katatapos lang nyang tawagan ang private investigator nya at halos hilahin nya ang oras sa sobrang pag kainip habang hinihintay ang sagot ng kanyang tao.
Hindi ito maari! D*mn it! Pera na mukhang magiging bato pa! But i dont have any choice.. i need to get that lady , kailangan kong malaman ang buong katotohanan sa likod ng last will ng magaling na matandang iyon!
Mabilis nyang inapuhap ang telepono sa kanyang bulsa nang bigla itong tumunog.
‘Hello, yes anong balita?’
‘Sir wala na po si mitch sa center, ang sabi nag immediate resigned kaninang umaga lang..’
‘What?! ‘ muling napam*ra si Rico.
At bakit ngayon pa nagresigned ang babaeng iyon! Ano to talaga bang pinahihirapan ako ng tadhana?
‘Can you trace her location? May lead ka ba kung san pwedeng makita ang babaeng iyon?’
‘Actually sir napagtanong ko na , ang sabi nakatira sya sa isang apartment, luckily someone gave me her full address but when i went there wala na sya dun, even her phone , out of reach na, mukhang ayaw na nyang magpakontak, parang may iniiwasan sya boss’
Mariing napapikit sya ng mata. This cant be happening! Wait.. baka natakot sya sa sinabi kong mag coconduct ako ng investigation.. hindi kaya?!D*mn it me and my big mouth indeed!
He tried to calm down. Kailangan nyang mag isip ng matino or else mawawalan ng saysay ang pinuhunan nyang panahon makarating lang ng Pilipinas.
‘But you can still track her down?’
‘Maari naman po but it will take time’
‘Mga ilang araw?’
‘Give me a week, maximum.’
‘What?! Thats too long!’ Napasuklay sya ng buhok gamit ang mahahabang daliri nya.
Hindi sya maaring magtagal pa ng isang linggo, nakumprimiso na ang lahat ng appointment nya this week, malaki ang mawawalang pera sa kanya sa oras na maextend pa sya sa pinas.
‘Kung may ID man lang sana sya or any identification na may address mas mapapadali ang paghahanap natin ,’
‘Id? Wait.. i think i have one over here’ kanda ka kumahog nyang binuksan ang leather wallet at mabilis na inscan ang mga atm cards na nakaipit sa loob nito.
He immediately pull out one particular card. Atm card yun na naiwan ni Mitch sa Atm machine the first time na nagkita sila nito.He was about to return it the same day pero mabilis nang nakasakay ng taxi ang dalaga dahilan para maiwan sa palad nya ng card nito.
Who would’ve know magagamit nya pala ito sa gantong pagkakataon.
Sa kabila ng problemang kinahaharapan nya hindi nya mapigilang mapangisi.
Mukhang hindi parin pala sya nawawalan ng swerte.
—////
‘Ano! At bakit ka namn nagresigned! Alam mo namang wala na akong trabaho!’ Halos panawan ng...


kulay ang mama ko nang ibalita ko sa kanya na nagresigned na nga ako.
Kakalapag palang ng luggage ko sa kwarto ko at nagsisimula na akong magtanggal ng sapatos nang datnan ako ni mama at inulalan ng maraming tanong.
‘Hi-hindi ko kasi gusto yung trabaho, saka namis ko ang probinsya natin..’ pagdadahilan ko, iwas na makatitigan ang mama.
‘May nangyari ba?’
Ako naman nagyon ang namutla sa tanong nyang iyon at marahas na napailing.
‘Naku wala hehehe.. gusto ko lang talagang bumalik dito saka ang hirap ng buhay sa manila..’ napakagat ako ng labi sa kasinungalingan ko.
‘Mas lalong mahirap ang buhay dito! Naku bata ka , hindi ka ba talaga ng iisip! Pareha na lang kayo ng papa nyo! Alam mo bang namamasukan na lang akong katulong ngaun sa tiya Loring mo! Dahil problema ko pa ang tuition ng kapatid mo!’
‘Sabi ko namn ke mama okay nang tumigil ako, mag wowork na lng ako sa internet cafe ng barkada ko..’ singit ng magaling kong kapatid na nooy prenteng nakaupo sa harapan ng tv namin habang abala ang mga kamay nito sa kakadutdot ng phone. Parehas narin ni Papa na ad*k. Ad*k nga lang ng ML ang bw*sit.!
‘Tumigil ka isa ka pa! Wala ka nang inatupag kundi ang mag laro sa l*tseng phone na yan! Naku papatayin nyu na talga ako sa problema!’
‘Ma.. kalma lang.. makakahanap din ako ng trabaho.. babalik na lng siguro ako sa pag titiser..’ pagkuway alo ke mama. Madali lang namn amuin ang mama ko eh. Konting lambing lang at positive vibes okay na uli kami.Tulad lang ng dati. Im her beautiful sunshine , ika pa nga nya dati nung bata pa ako. Muntikan pa nga nyang ipangalan ang sunshine sakin nun, kaso mas type nya ang Amichell na nakuha nya daw sa isang sikat na american movie nung araw.
‘Ewan ko sa inyong magkakapatid! Ang dami ko nang kinakahrap na problema! Isa pa yang tatay nyo!Pati ang titirhan natin namimiligro naring mawala ng dahil sa bw*set mong ama!
‘Ho? Bakit?’anong ibig nyung sabihin?’ Nangunot ang noo ko bigla sa tinuran ni mama
‘Um.. ano kasi’ nauutal sya dahilan para kabahan ako ng di oras.
‘Si papa sinanla pala yung bahay natin, nxt month ma reremata na , ‘ kaswal na sagot ng kapatid kong si Edward.
‘Ano?!’ Halos mapatid ang litid ko sa lakas ng bulalas ko.
‘At kailan pa naisanla ni papa ang bahay?! At mag kano?’
‘Matagal na pala anak.. may limang buwan na.. bale naisanla nya ng 50 mil.. tas tumubo umabot na ng.. ng 100 thousand..’ maluha luhang pahayag ni mama.
Para akong mawawalan ng malay sa narinig.
Ang kaisu isunang pag aari ng pamilya namin, mawawala pa ng parang bula! Hindi pwede to! San kami titira pagkatapos nito..
‘Tang*na naman oh! Bakit nagawa ni papa to’ ay oo nga pala Ad*k nga pala si papa. Wala talagang magagawang magaling ang dr*ga sa buhay ng tao! Sisirain nya di lang ang buhay mo pati ang kung anu mang pamilyang meron ka!
‘Hindi ko na alam ang gagawin ko anak.. masis*raan na ata ako ng bait sa lahat ng nangyayari satin..’ tuluyan ng napahagulgol ang mama ko.
Napaangat ako ng mukha nang maramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.
Hindi ako pwedeng umiyak.
Lalo lamang pang hihinaan ng loob ang mama pag lumuha ako sa harapan nya.
Kailangan kong magpakatatag.
Dapat yata hindi muna ako nag padalos dalos ng desisiyon na nagresigned. Sinunuod ko na lang sana ang payo ni Ate loudes na maghintay muna ng resulta bago ako nagpasyang umalis.
Tutal under investigation pa naman at sinuguro naman nyang wala akong kasalanan sa lahat.
Pero kasi inunahan na ako ng takot. Nangyari na eh.At heto nakauwi na ako ng probinsya.
Di bale. Babalik na lng sigro ako pag wala na talaga akong makuhang trabaho dito. Sa ngayon kailangan kong makakita ng pag kakitaan. Hindi pwedeng matulog kami sa lansangan. Hindi carry ng beauty ko ang maging babaeng lansangan!
‘Cge na, mag pahinga ka na.. wag mo munang pag kaisipin ang problem, makakahanap din siguro tayo ng paraan..’ sandaling pinahiran ni mama ng kanyang palad ang mukha at hinarap ang luggage ko para ayusin, na mabilis ko namng sinuway.
‘Ako na jan mama.. wag kayong mag alala makakahanp din ako ng trabaho.. pipilitin kong mabawi ang pagkakasanla ng bahay, pangako yan..’ walang katiyakang saad ko ke mama, saka ko sya niyakap ng mahigpit. Dahilan para muling napahagulgol ang mama.Hindi ko narin napigilan ang emosyon ko.Naiyak narin ako. Iba parin talaga ang pakiramdam pag yakap mo na ang magulang mo. Nakakapanghina , nakakadala ng damdamin.
Nasa ganung posisiyon kami ni mama ng biglang nag ring ang telepono ko.
‘Sandali mama.. sagutin ko lang ito’ humiwalay muna ako ke mama saka dinukot ang aparato sa bulsa ko.
Sa kabila ng panlalabo ng mata ko mula sa pakakaiyak nagawa kong basahin ng malinaw ang numerong nakarehistro sa screen.
‘Sino naman ito?’
‘Baka sa dati mong trabaho, pinababalik ka..’ may halong pag asang usal ni mama sakin habng inaayos nya ang lamn ng luggage ko.
Bantulot kong pinindot ang answer button at sinagot ito.
‘Hello sino po sila?’
‘Hello Thank God you answered! is this Amichell Fernandes’
Muling gumuhit ang linya sa noo ko. Parang pamilyar sakin ang bose nito ah.
Chineck ko ang phone ko at nun ko lang napansin ang sanda makmak kong miscol.
‘Um opo bakit po?’ Binalik ko sa tenga ang gamit na phone.
‘This is Federico, can we meet tonight at your place?’
‘Ho? Federico?’ Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kawalan.
‘Yes ang apo ng inalagaan mong matanda, i want to see you ASAP’
‘Ho? Pa-para saan’ dyusko wag mo sabihing kakasuhan na nya ako!
‘Some imporatant matter, ill be at your place within five to six hours ‘
‘A-ano? Teka paano , alam mo ba ang lokasyon ko?’
Nataranta ako sa paraan ng pagsasalita nya.
‘Yes i know, taga bulacan ka diba, Sta Rosa to be exact’
Lalo akong napaluwa ng mga mata.
At papaanong nalaman nya ang lugar ko! Anong kalokohan ito?! Is he stalking at me?
‘Dont you dare hanging the phone on me, masusundan at masusundan kita, kaya if i were you do what i said , kung ayaw mo ng problema, pagdating ko jan tatawagan kita, better answer it or else, wag kang mag alala we will just talk , no harm will be done, nag kakaintindihan ba tayo?’
‘Um..’ pigil ang paghinga kong hinarap ang nagtatanong na mga mata ni mama sakin at napalunok.
Hindi pwedeng malaman ni mama ang nangyari sakin sa manila.
Ayokong bigyan ng isa pang alalahanin ang mama. Kota na sya ngayong araw. Tama na.
‘Okay.. maghihitay po ako ng tawag nyo..’ tila may bara ang lalamunan kong napasagot.
‘Good.. then see you later bye.’
—////
Salamt po samga sumusuporta..
Nakaktaba po ng puso ang likes na natatanggap ko
Muli po salamat sa mga admin sa pag approved 😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top