Huling Yakap—
Written by : 𝒜𝓋ℯ𝓈 𝒲𝓇𝒾𝓉ℯ
“mahal ipangako mo sa akin na hindi ka aalis sa tabi ko”nakangiting turan ng kasintahan ko, hinawakan ko ang kamay niya at napangiti sakaniya.
“hindi kita iiwan mahal, nandito lang ako kaya mag pagaling ka ha” turan ko dito at pinipigalang wag maiyak. Pilit kong tinatatagan ang aking loob para sa akin siya kumuha ng lakas ng loob sa laban niya ngayon.
“ipangako mo rin sakin na… na mag papakatatag ka ha” Dagdag niya pa, halos sumakit na ang lalamunan ko sa pag pipigil ng iyak. Parang sa mga salita niya kasi ay nag papaalam siya sakin. Masakit.
“nag papakatatag ako para sayo, kaya lumaban ka sabay nating haharapin ang laban mo” garalgal na turan ko dito. Hiniwakan niya ng mahigpit ang kamay ko at napapikit alam kong pinipigilan niyang wag maiyak sa harap ko at gano’n rin ako.
“kapag nawala na ako… gusto ko mag pakatatag ka” turan niya kaya hindi ko na napilan ang luha ko.
“shhh wag kang mag salita ng ganiyan ano kaba hindi kapa mawawala diba may pangako pa tayo” turan ko dito. Dun na tumulo ang luha niya na alam kong kanina pa gustong kumawala sakaniya.
“h-hindi ko alam kung matutupad ko ang lahat ng yun…isa lang ang pangako na mananatili at maiiwan ko sayo ang mahalin ka hanggang sa huli kong hininga” turan niya sa garagal na tono. Pilit akong nag papakatatag pero gusto niya na palang sumuko.
“ipangako mo sakin na magiging matatag ka” turan niya ng hindi ako umimik.
“paano? mahirap ngayon pa nga lang nahihirapan na ako pano pa kaya kung wala ka” turan ko dito na umiiyak habang hawak hawak siya.
“mahal kita Dennis… at alam kong kakayanin mo” turan niya.
“lumaban ka wag na para sakin.. lumaban ka para sayo” turan ko habang humahagulhol sa iyak.
“lalaban ako hanggang kaya ko” turan niya. Hinalikan niya ang kamay ko habang umiiyak hindi ako naka imik ng mga oras na yun dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin.
Ilang araw ang lumipas ay tuluyang nanghina ang katawan niya. Lalo siyang nanghina at pumayat. Halos maiyak ako ng tignan ko siya sa isang kama na natutulog. Hindi ko mapigilang wag maiyak sa nakikita ko. Ang laki ng pinag bago niya. Ang sakit na nakikita ko siyang nahihirapan pero masakit sa parte ko na mawala sa buhay ko at sa mundo. Paano ako? paano ang magiging anak namin?paano kami.
“m-mahal..” tawag niya sakin kaya agarang pinunasan ko ang luha ko.
“mahal nagugutom kaba” turan ko dito at nilapitan siya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napa upo ako sa harap niya.
“mahal kita” turan niya, hindi ko alam pero may kakaiba sa sinabi niya. Napatulo ang luha ko sa walang rason.
“bakit ka umiiyak? ikaw naman hindi pa nga ako patay iniiyakan mo na ako” pabirong turan niya kaya hinampas ko siya...
subrang sakit
nakakaiyak😢
so pain😢