Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 6


Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 6
.
Hinatid ni Mary Ann hanggang sa tarangkahan si Ariel..naroon naman si Mang Andres.
.
Ariel : uuwi na po ako mang Andres..salamat po sa masarap na hapunan.
Andres : naku wala yun señorito, para yun lang.
Ariel : sa uulitin po mang Andres ah.
Andres : walang problema señorito.
Ariel : Ariel na lang po mang Andres..para ko na din po kayong tatay. Kasi noong bata ako lagi ako dito sa inyo, parang kapatid ko na itong si Mary Ann..at sana po huwag po kayong madadala sakin sa pagpapatuloy nio po sakin sa inyong tahanan.
Andres : walang problema dun, laging bukas ang tahanan namin para sa inyo.
Ariel : salamat po mang Andres, sige po tutuloy na ako, sige Mary Ann, uwi na ako.
Mary Ann : sige ingat ka Ariel. At salamat uli.
.
At nang maka-alis na si Ariel ay, hinarap na ni Mary Ann si Franco.
.
Franco : kumusta ka na Mary Ann?
Mary Ann : ayos lang naman.
Franco : May bisita ka pala kanina, nanliligaw ba siya sayo(direkta niyang tanong)
.
Gusto sanang sabihin ni Mary Ann na OO. kaya lang natakot siya dahil baka makarating kay Ariel yong sasabihin niya eh nakakahiya daw.
.
Mary Ann : hindi, kababata ko yun.
Franco : kung ganun pala wala akong dapat ipangamba.
Mary Ann : H-ha?? Franco please, gaya ng sinabi ko sayo, ibaling mo na lang sa iba ang pagtingin mo sakin..wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend.
Franco : gaya din ng sinabi ko Mary Ann, handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal, hihintayin ko na tugunin mo din ang pag-ibig ko sayo kahit taon pa ang bilangin..ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay.
Mary Ann : eh paano kung sabihin ko na hindi mangyayaring tutugunin ko ang pag-ibig mo, dahil may mahal akong iba!
Franco : basta, hindi ako mawawalan ng pag-asa Mary Ann..kahit ipagtabuyan mo ako, mananatili pa din ang pag-ibig ko para sayo.
.
Nakukulitan na si Mary Ann kay Franco. Kahit pinagtatabuyan na ay hindi pa din tumitigil sa panunuyo sa kanya. Eh kaso nga, wala naman ibang mahal ang puso ni Mary Ann kundi ang kababata niyang si Ariel, tanging si Ariel lamang ang laman ng puso ng dalaga..at hanggang sa gustong gusto ng mapag-isa ni Mary Ann, gusto niyang balikan ang mga sandali nila ni Ariel sa ilog, oo nakikipag-usap siya kay Franco pero si Ariel ang iniisip niya..minsan ngang may sinasabi si Franco sa kanya,pero hindi niya ito naririnig dahil sakop ng isip niya si Ariel, at napansin naman ni Franco na wala ang isip ni Mary Ann sa pinag-uusapan nila, kaya nagpaalam na lang si Franco na uuwi.
.
Franco : sige Mary Ann. Uwi na ako..pasensiya ka na kung naabala kita.
Mary Ann : sige, pasensiya ka na din, medyo napagod lang kasi ako ngayong araw na ito.
Franco : okay lang sige tuloy na ako.
Mary Ann : sige.
.
At lumabas na nga si Franco sa bahay, hindi naman na inihatid ni Mary Ann si Franco sa tarangkahan, nanatili lang siya sa may pinto, at tinanaw niya lang si Franco, lumipas ang oras ay handa ng matulog ang dalaga, ngunit di pa siya dalawin ng antok, iniisip pa din niya ang napakagandang araw, nakasama niyang muli ang kaibigan sa paborito nilang tambayan, samantala si Ariel ay, iniisip din ni Ariel ang mga yakap ni Mary Ann sa kanya, parang ramdam pa nga niya ang mga yapos sa kanya ni Mary Ann..iba na talaga ang nararamdaman niya sa kababata, umiibig na siya dito, dahil noon pa man din ay lagi niya itong naiisip, hindi niya nakalimutan ang kababata..at napatunayan niyang mahal na niya si Mary Ann ng makita niyang may nanliligaw dito, sa isip niya ay parang gusto niyang manapak, nakaramdam siya ng takot na baka maunahan siya nito..kaya uumpisahan na din niyang ligawan si Mary Ann, kaso nga lang hindi niya alam kung paano uumpisahan!!
.
Ariel : paano nga ba? (Sabi sa sarili)..ano ka ba Ariel, katanda mo na hindi mo pa alam kung paano? Sabihin mo mahal mo siya!
.
Hindi nagtagal ay may kumatok sa pinto niya, si Alexander ito.
.
Alexander : pinsan, kumusta?
Ariel : pinsan, hindi ko alam yong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Alexander : sisimulan na ano?
Ariel : na ligawan si Mary Ann!!
.
Natuwa si Alexander sa sinabi ng pinsan.
.
Alexander : yun oh!! Inlove ka na pinsan!!(sigaw nito)
.
At narinig naman ng mama ni Ariel ang sigaw ni Alexander, kaya biglang pumasok ito.
.
Elena : sinong In-love?
Alexander : tita ang binata nio po inlove na!
Elena : talaga anak. Naku magandang balita yan! kailangan ko yatang magpaparty ah!
Ariel : ma, naman masyado kang excited!
Elena : masaya lang ako anak..at dahil magkaka-apo na kami.
Ariel : hala si mama, hindi pa nga ako nanliligaw!
Elena : abay manligaw ka na at huwag kang tutulog-tulog sa pansitan!! Si Mary Ann ba yan anak?
Ariel : O-opo ma!
Elena : wala akong tutol anak, mabait na bata yang si Mary Ann..kaya anak sige lang ipaglaban mo yang nararamdaman mo para kay Mary Ann!! Ipagtapat mo kay Mary Ann ang nais ng puso mo!!
Alexander : oh ayan pinsan, alam mo na yang gagawin mo. Meron ka ng tutor kong paano manligaw.
Ariel : kaso nga lang ay, merong nanliligaw sa kanya.
Elena : eh ano naman kung nay nanliligaw. Eh hindi pa naman niya boyfriend.
Alexander : oo nga naman pinsan.
Elena : kaya mo yan anak..Ang gwapo mo kaya anak..at saka hindi lang naman sa gwapo ang lamang mo sa mga nanliligaw kay Mary Ann..kababata mo siya kaya mas pagtitiwalaan ka niya..
Ariel : sana nga po ma!
.
Napaisip si Ariel, na sana nga ay mahalin din siya ni Mary Ann, dahil ang panghahawakan niya ngayon ay ang pagiging magkaibigan nila at ang pagiging magkababata nila..at lumipas ang mga oras ay nananatiling gising si Ariel, di siya dalawin ng antok, nagsusumiksik sa isipan niya ang mga naganap sa kanila ni Mary Ann, sobrang saya ng damdamin niya, sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong pakiramdam, sa isip niya masarap palang umibig, lagi na niyang gustong makita si Mary Ann at makasama, at excited siya ulit bukas dahil makakasama niya ulit si Mary Ann, dahil pupunta sila sa ilog, nagpasalamat pa si Ariel dahil umaayon sa kanya ang kapalaran, mabuti nalang daw at may pamangkin si Mary Ann na parang matanda kung mag-isip, at buti na lang daw at magiliw sa kanya si Annabelle..at hanggang sa lumipas nga ang mga oras ay ginupo din si Ariel ng antok. Halos madaling araw na nong makatulog si Ariel. At hanggang sumapit ang umaga, sikat na ang araw ay tulog pa si Ariel, mahimbing pasiyang natutulog dahil nga madaling araw na siyang nakatulog, at ganun din si Mary Ann, halos umaga na din siyang nakatulog. Kaya mahimbing na mahimbing pa din ang tulog niya, ang kaso nga lang meron bata na mangungulit sa kanya, kinakatok ni Annabelle ang pintuan ng kwarto niya, dahil hindi nakalimutan ni Annabelle ang pagpunta nila sa ilog..pinakikiusapan ni Evelyn na huwag munang abalahin ang pagtulog ng tita nito, ngunit ipinipilit pa din nito ang gusto. nagising si Mary Ann, na nagmamaktol na naman ang pamangkin.napilitan siyang lumabas para aluin ang pamangkin.
.
Evelyn : bunso, pasensiya ka na at, umandar na naman ang kakulitan ng pamangkin mo.
Mary Ann : okay lang ate, sige ate ako na ang bahala kay annabelle.
Annabelle : tita punta na po tayo sa ilog!!
Mary Ann : oo baby pupunta tayo pero hihintayin natin si Tito Ariel ha, kasi Wala tayong kasama doon, sabi kasi ni Tito Ariel hintayin natin siya.
Annabelle : sige po tita.(sabay talikod sa tita niya)
Mary Ann : oh saan ka pupunta baby?
Annabelle : sa labas po, hintayin ko po si tito Ariel.
Mary Ann : ah okay!
.
At nagpunta nga sa labas ng bahay si Annabelle para hintayin si Ariel..
.
Marissa : apo bakit ba nakatalungko ka diyan?
Annabelle : eh kasi po lola, hintay ko po si tito Ariel eh..
Marissa : apo mamaya pa dadating si Tito Ariel. Halika na sa loob, manuod ka muna ng tv. Sige na pasok ka na sa loob at wala kang kasama diyan. Magluluto pa muna kami ng babaunin ninyong pagkain, walang titingin sayo diyan,kaya manood ka na lang ng tv.
.
Sumunod naman si Annabelle sa lola niya..at samantalang si Ariel ay ginising na siya ni Elena..nagmadali namang bumangon si Ariel..nagtungo muna siya sa banyo upang mag-sipilyo, at ng makatapos ay agad na ding lumabas.
.
Elena : Ariel anak. Mag-almusal na tayo.
Arman : mukhang napuyat ka anak?
Ariel : napasarap lang po ng tulog.
Marielle : kuya, sabi ni mama pupunta kayo sa ilog. Sama naman ako kuya.
Ariel : oh sige.
Marielle : yes!
Arman : pero kung sasama ka huwag kang pumupunta sa malalim ha baby girl!
Marielle : opo papa!
Arman : ikaw alexander hindi ka ba sasama sa kanila.
Alexander : ah hindi po, may lakad po kasi ako.
Arman : saan?
Alexander : meron lang po akong sasamahan na isang kaibigan na nakilala ko noong sayawan.
Arman : ah ganun ba, babae ba yan o lalake?
Alexander : babae po tito?
Arman : mainam naman!
.
Lumipas ang oras, masaya na si Belle ng makita nito si Ariel na pababa ng sasakyan.
.
Annabelle : yehey, nandito na si Tito Ariel!
Ariel : naiinip ka ba sa paghihintay sakin baby?
Annabelle : hindi po, nanood po kasi ako ng tv.
Marissa : ayan na pala si tito Ariel, kaya masaya na si Annabelle.
Ariel : magandang umaga po aling marissa!
Marissa : magandang umaga din.,Annabelle nasaan na ba ang tita mo, tawagin mo na..
.
tinawag ni Annabelle ang tita niya, nasa loob pa ng kwarto si Mary Ann dahil sinisigurado niya na maganda siya kapag nakita siya ni Ariel..at lumabas na si Mary Ann sa kanyang kwarto, si Ariel ay excited naman na din siyang makita si Mary Ann.
.
Annabelle : tita tayo na po, punta na tayo, bilis.
Mary Ann : oo baby sandali lang at yong mga baon nating pagkain.
.
Si Mary Ann ay excited na din siyang makita si Ariel. At paglabas niya ng bahay ay kausap ng nanay niya si Ariel, may kasama si Ariel, ang kaparid nito.
.
Ariel : hi,(nakangiting bati) pasensiya na ah, at medyo natagalan kami.
Mary Ann : ayos lang, ako nga itong nahuling gumayak.
Ariel : ah, siya nga pala Mary Ann. Si Marielle kapatid ko.
Marielle : hi ate Mary Ann!
Mary Ann : hello, mabuti at sumama ka sa kuya mo.
Marielle : opo ate, buti nga po at gusto akong isama ni kuya.
Ariel : ikaw naman baby sis, syrmpre isasama naman kita. Oh pano tayo na, at hindi tayo pwedeng magpahapon at may bulilit.
Annabelle : yehey.
Evelyn : anak huwag kang pasaway sa tita mo ha at kay tito Ariel..
Annabelle : opo nay! Bye po nanay, lola.
Marissa : sige apo. Huwag matigas ang ulo doon ha, kapag sinabing hindi pwede, hindi pwede!!maliwanag ba ha apo!!
Annabelle : opo lola!!


/> .
habang nasa byahe ang apat ay tuwang tuwa si Annabelle, at ganun din si Marielle dahil magkasundo silang dalawa, tuwang tuwa si Marielle kay Annabelle. Dahil si Marielle ay nangangarap magkaroon ng kapatid na babae,kaya magiliw siya kay Annabelle..at hanggang sa nakarating na sila sa may ilog, sobrang tuwang tuwa si Annabelle..gusto na daw niyang magtampisaw sa tubig.
.
Mary Ann : mamaya na tayo maliligo baby kapag nailagay na natin yong gamit natin doon sa may kubo.
.
Sumunod naman si Annabelle, buti at hindi ipinilit ang gusto.,at nang mailapag na nila ang mga gamit ay hindi na nakapaghintay si Annabelle tumakbo na siya sa may ilog, hinabol naman ni Ariel, kaya naiwan sina, Mary Ann At Mariel sa kubo.inaayos ni Mary Ann ang mga dala nilang pagkain..
.
Mary Ann : madami pala kayong dalang pagkain.
Marielle : opo, pinadala po yan ni mama, kayo po pala si Ate Mary Ann, ang ganda nio po pala.
Mary Ann : naku salamat, ikaw din naman Marielle ang ganda-ganda mo!
Marielle : salamat po..alam nio po lagi ka pong kinukwento ni kuya sakin nun, noong nasa America pa kami.
.
Naligayahan naman si Mary Ann ng sabihin ni Marielle na lagi siyang ikinukwento ni Ariel, ibig sabibin naaalala pa din pala siya ni Ariel na hindi lang pala siya ang parang sira na, kakaisip dito..at hanggang sa nagpunta na din sina Mary Ann at Marielle kung saan ay naroon sina Ariel at Annabelle.
.
Ariel : halina kayo, maligo na tayo!
Marielle : kuya, pwede pa ako sa malalim?
Ariel : baby sis, doon ka lang sa natatanaw ko ha, huwag ka ng gagawi pa doon sa kabilang bato, at sobrang lalim na doon.
Marielle : opo kuya.
Annabelle : ako din po pupunta ako sa malalim.
Mary Ann : ay hindi pwede baby ko, malulunod ka doon.
Ariel : oo baby, nakakatakot doon.
Annabelle : may monster po ba na fish doon?
Ariel : oo,baby kaya dito ka nalang.
Annabelle : dito na lang po ako ayaw ko na po doon.
Mary Ann : mabuti pa nga baby! Ariel samahan mo muna si Marielle doon, baka mapunta pa siya sa malalim.
Ariel : o sige.,okay lang kayo diyan?
Mary Ann : oo naman!
.
masayang naliligo ang magkapatid, nagkakarera pa ang mga ito sa paglangoy, pinanunuod ito ng mag-tita at tuwang tuwa naman si Anabelle sa panunuod sa magkuya.
.
Marielle : kuya ayoko na, napagod na ako doon muna ako kay Annabelle.
Ariel : sige, tayo na doon sa kanila.
.
At nang makarating ang magkapatid ay nilaro ni Marielle si Annabelle, libang na libang si Marielle sa pakikipaglaro kay Annabelle..si Ariel naman ay tumabi sa pagkakaupo kay Mary Ann sa batuhan.
.
Ariel : tuwang tuwa yong kapatid ko kay Annabelle oh, paano nasasabik siyang magkaroonna kapatid na babae.
Mary Ann : oo nga, hindi na ba pwedeng magbuntis si Doña Elena?
Ariel : hindi na pwede, kasi hirap siya sa pagbubuntis.
Ariel : kaya ganyan na lhang ang kasabik niya sa mga batang babae, huwag kang magtaka kapag, lagi ng nagpupunta si Marielle sa bahay nio..
Mary Ann : wala namang problema doon, mainam nga at para nalilibang din si Annabelle.
Ariel : Mary Ann, may itatanong lang ako sayo, kung okay lang.
Mary Ann : ano ba yun?
Ariel : kayo na ba nong Franco?
Mary Ann : hindi ah.
Ariel ; ah, mainam naman.
May Ann : ha bakit?
Ariel : wala, kasi baka kako pagbawalan ka na niya na makasama ako, kasi malulungkot ako kapag hindi kita makakasama!
Mary Ann ; totoo ba?
Ariel : oo naman..eh si Franco gusto mo ba siya?
Mary Ann : ha! tinapat ko naman na siya noon na sabi ko wala naman siyang maaasahan sakin, pero hindi pa din siya tumitigil eh..
Ariel : titigil na siguro siya kapag alam na iyang may boyfriend ka na..
Mary Ann ; kaya?
Ariel : oo sigurado ko yun,.matagal ka na ba niyang nililigawan?
Mary Ann : hala, mga 2nd year college palang kami, lumiligaw na yun eh!!
Ariel : huwow!! Grabe katagal na pala! Ganun siya katiyaga!
Mary Ann : oo, pero nagkakaroon na din naman siya ng ibang girlfriend, pero kapag naghiwalay na sila ng girlfriend niya, eh liligawan niya uli ako, eh kaso nga ayaw ko naman sa kanya dahil may ib—(hindi natuloy ang sasabihin)
Ariel : dahil may iba kang gusto??
Mary Ann : dahil lagi siyang may iba.may bago ng may bagong girlfriend, ayoko ng ganun!
Ariel: ah Mary Ann may sasabihin sana ako sayo eh..
.
Binitin pa niya ang sasabihin niya, at hanggang sa..
.
Marielle : kuya. Ate kumain na tayo, nagugutom na daw si Annabelle.
.
Nawalan na tuloy ng lakas ng loob si Ariel.
.
Mary Ann : Ano ba yong sasabihin mo?
Ariel ; kumain na tayo, nagugutom na daw yong mga bata.
Mary Ann : sige tayo na!
.
At nagpunta na nga sa kubo ang apat, naghain na sina Mary Ann at Ariel ng pagkain sa may papag..
.
Mary Ann : naku. Andami na naman akong makakain nito, kadami na naman nating pagkain.
.
Annabelle : tita gusto ko po ng hotdog!
Ariel : sige baby kumuha ka, ito ang tinidor oh.
.
At tumuhog si Annabelle ng hotdog, at kumagat ito, pagkagat niya ay ninamnam pa niya ito, ginaya naman siya ni Marielle, tumuhog din si Marielle ng hotdog niya, at ginaya ni Marielle ang pagnamnam ni Annabelle at natuwa naman si Annabelle sa ginawa ni Marielle.
.
Mary Ann : masarap ba baby?
Anabelle : opo tita. Kagat po kayo.
.
pinakagat niya ang tita niya sa hotdog na kinakain niya.kumagat naman si Mary Ann.
.
Mary Ann : hmm..masarap nga!!
Annabelle : ikaw din po tito Ariel kagat po kayo.
.
At pinakagat din niya si Ariel ng hotdog na hawak niya, natuwa naman si Ariel dahil alam niyang kinagatan ni Mary Ann yun.
.
Ariel : hmm..oo nga masarap!
Annabelle : kagat ka uli tita!
Mary Ann : ha!
Ariel : kagat ka daw uli.
Mary Ann : sige.
.
Walang nagawa si Mary Ann kundi sundin ang pamangkin..at pagkatapos niyang kumagat ay pinakagat uli siya niya si Ariel.
.
Mary Ann : naubos na yong hotdog mo baby.
Ariel : kuha ka na lang uli baby.
Mary Ann : pero ikaw na ang kumain ng kakainin mo ha.
Anabelle : opo tita.
.
Masaya silang kumakain, bida sa pagkukwento si Annabelle.
.
Annabelle : tita pagkatapos ko po kumain ligo po uli ako.
Mary Ann : oo baby pero sandali na lang ha, kasi masyado ka ng nababad baka ka lagnatin, hindi ka na uli papayagan ni tatay at nanay na pupunta dito.
Annabelle : opo tita.
.
Minadali ni Annabelle ang pagkain, dahil gusto na niya uling magtampisaw sa ilog.,hanggang sa nabubulunan na ito sa pagmamadali.
.
Mary Ann : huwag ka kasing nag-namadaling kumain baby, tignan mo tuloy nabulunan ka na.
.
Annabelle : tita punta na po ako ilog.
Mgary Ann ; sandali baby kumakain pa ako.
Mvarielle : ate, ako na po ang bahala kay annabelle. Dito lang po kami sa mababaw, sa malapit dito sa kubo..
Ariel : sige baby sis, pakisamahan mo si Annabelle.
Mary Ann : salamat Marielle.
.
At pumunta sina Marielle sa tubig, upang magtampisaw, malapit lang sila sa kubo na abot tanaw naman sila nila Mary Ann at Ariel..
.
Mary Ann : magkasundo yong dalawa ano!
Ariel ; oo nga eh..sana tayo din magkasundo!(nakamgiti niyang sabi)
Mary Ann : magkasundo naman tayo ngayon ah, hindi naman tayo nag-aaway.
Ariel : oo nga ano!!
Mary Ann : nasaan nga pala si Alexander..buti hindi siya nagtatampo, dahil lagi mo siyang iniiwan sa bahay nio!
Ariel : Alam mo bang, lagi din na magkasama sina Alexander at Carmela!
Mary Ann : ganun ba!
Ariel : oo.
Mary Ann : nanliligaw ba si Alexander sa kanya?
Ariel : hindi ko alam, siguro! Alam mo ako nga din eh nag-aalala ako sa sarili ko, dahil sa ganitong edad ko wala pa akong nagiging girlftiend, nakakabahala!
Mary Ann : anong nakakabahala dun, hindi ka naman nag-iisa dalawa tayo kaya huwag kang mag-alala.
Ariel : ah Mary Ann, baka kaya parehas pa tayong walang kasintahan ay baka tayo ang nakatadhana ah.
.
Sa pagkasabi ni Ariel ng mga salitang baka sila ang nakatadhana, ay nagwala ang puso ni Mary Ann sa saya, nasamid pa si Mary Ann, at nagmadali kumuha si Ariel ng inumin ng dalaga, bumilis ang tibok ng puso ni Mary Ann dahil sa tinatagtag ang likod niya ni Ariel, dahil nga nasasamid siya, naging abnormal na naman ang pintig ng kanyang puso…at sa isip ni Mary Ann ay sana nga daw ay magkatotoo ang sinabi ni Ariel..
.
Ariel : okay ka lang Mary Ann?
Mary Ann : ikaw naman kasi, kung ano ano ang sinasabi mo!
Ariel : sorry na! Baka lang naman(nakangiti niyang sabi)
Mary Ann : ikaw talaga, kumain ka na nga lang, baka nagugutom ka pa!.
Ariel : oo nga, yong biko na lang yong kakainin ko.
Mary Ann : sige, matutuwa si nanay kapag nalaman niyang kinain mo yong ginawa niya,kaya siya nagluto ng biko ay dahil paborito mo daw..
Ariel : kakainin ko talaga ito, kung may matitira iuuwi ko na lang ha!
Mary Ann : okay!!
.
Sarap na sarap si Ariel sa pagkain ng biko..at sinusubuan pa niya si Mary Ann ng biko, tumatanggi si Mary Ann, ngunit pinipilit naman siya ni Ariel kaya pinagbibigyan na lang niya ito.
.
Mary Ann : grabe ka naman, kalaki naman ng sinubo mo sakin.(halos hindi makagpagsalita dahil puno abg bunganga)
Ariel : hindi naman ah.
Mary Ann : ah hindi ba. Teka lang!!(kumutsara ng biko at isinubo kay Ariel)
.
At katulad ni Mary Ann ay punong puno ang bunganga at hindi makapagsalita, at hanggang sa biniro naman siya ni Ariel, nagkunwari si Ariel na nabubulunan, sobra namang natakot si Mary Ann, nagmadaling nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay kay Ariel, at siya naman ngayon ang naghihimas sa likod ni Ariel, tuwang tuwa naman si Ariel dahil tarantang taranta si Mary Ann..
.
Mary Ann : oh my God. Sorry Ariel!!(panay ang katog niya sa likod ng binata)
.
Mary Ann : uy, sorry ha. Okay ka na ba?
Ariel : hindi pa ako okay, parang hindi pa ako makahinga..
Mary Ann : ha? Uminom ka pa ng tubig..
Ariel : parang kailangan ko ng mouth to mouth resucitation!
.
Mary Ann : (tinapik ng marahan ang likod)..Ano?? Ikaw ha!!
Ariel : aray ko!!
Mary Ann : grabe ka, nasaktan ka na nun, mahina lang naman yong tapik ko sayo!!
Ariel : ang sakit kaya!!
Mary Ann : talaga ba, sorry uli ha.
Ariel : hilutin mo, dito oh!!
Mary Ann : ah sige, san dito ba??
.
Hinawakan ni Mary Ann ang tagiliran ni Ariel at saka niya ito kiniliti ng kiniliti,tawa naman ng tawa si Ariel, at hanggang sa naagaw nila ang atensiyon ng dalawang bata.
.
Itutuloy…
Gusto ko pong sabihin sa inyo, na masaya po ako na may sumusuporta at sumusubaybay sa kwento ko. Salamat po sa lahat ng nakasubaybay sa kwento ni Ariel at Mary Ann, sana po patuloy po kayong sumubaybay sa love story nila…Salamat.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top