I’LL NEVER GO CHAPTER 14


Kahit sinabi nya sa kaibigan na nakamove on na sya,ng mabanggit nito si Mark ay me gumuhit pa din na sakit sa kangyang puso.Kaya naman panay lagok na lang ng alak ang ginawa nya.
Hayun mabilis syang nalasing kaya ng dumating si Mark ay nakayuko na sya sa mesa dahil sa kalasing*n.
“Bro ang tagal mo naman dumating,ayan nalasing na.”
“Oo nga paano pa kayo magkakausap ng maayos nyan,halos di na makatayo yan.”
“Bakit kasi hinayaan nyong malasing.Akala ko ba gusto nyo kami magkaayos?”
“Parang di mo kilala yan.Matig*s din ulo nyan.Hayaan mo na muna mamaya okay na sya.”
“Beb samahan na muna natin sa cr para mahilamusan.”
Bigla naman itong umayos na upo at nagsalita.
“Ano ba kayo hik*kaya ko pa.Inom pa tayo hik*.”
“Pwede ba tama na yan,ako na lang iinom nyan.”
At inagaw sa kanya ang basong me lamang’ alak.
“At sino ka para pagsabihan ako? hik* Ooyy! Andito ka na pala hik* long time no see.Ano ka kabute hik* bigla ka na lang sumusulpot.”
“Bro next time na lang tayo mag jamming iuwi ko muna to.”
At inalalayan sya ni Markus tumayo.Tinulungan na din sya ng mga kaibigan.
“Sa dati pa rin ba sya nakatira?”
“Hindi na sya dun nakatira sa malapit samin Bro’.”sagot ni Xander.
At sinabi na nga ng mga ito ang address nina Xandie.Naikwento sa kanya ng kaibigan na sa bahay na ito na mga magulang nakatira.
Alam nya kung saan yun pero ayaw nyang iuwi ang dalaga na sa ganoong sitwasyon.
Hindi naman pwede dun sa Tita nito baka masermunan pa sya.
Kaya napag pasyahan nyang iuwi na lamang ito sa condo nya.
Mula ng hindi na sya nagpakita sa dalaga ay bumukod na sya ng tirahan.Lagi na lang kasing nagsusumbong ang Tita nya sa magulang.Kaya sa condo na sya nakatira.
Doon nya inuwi ang dalaga.Tumawag na lang sya kay Cassy na sabihin sa magulang ni Xandie...


na sa bahay nila ito.
“Pasaway ka Mark,tinuruan mo pa ako magsinungaling.”
“Ngayon lang to please…pramis wala akong gagawing masama.”
“Siguraduhin mo lang ha kung hindi ay malilintik*n ka talaga sa amin.”
Naiuwi nya na nga ang dalaga sa condo nya.Nang dahil sa kalasing*n nito ay nasukahan pa sya.
Matapos mabihisan ang dalaga ay naligo na rin sya.
At nakatulog na sila.
Nang madaling araw na ay nagising si Xandie dahil parang uhaw na uhaw sya.
Nagtaka sya dahil hindi naman ito ang kwarto nya.
At hindi rin ito kay Cassy.Alam nya na uminom sya kagabi pero asan ba sya?
Nang lumingon sya sa gilid nakita nya na me katabi sya sa higaan ngunit nakata*b ito mahiga kaya hindi makita ang mukha.
Nagpanic na sya at akmang babangon ng magising si Markus.
Naghysterical na sya at pinaghahamp*s ng unan ang binata.At Kung ano ang mahawakan ay ipinang hahamp*a nya dito.
“Hey stop it.Nagiging bayolent* ka na ah.”
“Anong ginawa mo sakin ha,bakit magkasama tyo dito ha?”
“Lasing na lasing ka po kagabi.Di mo ba alam yun?”
“Alam ko,bakit ba kita kinakausap di tayo close.hmmp.”
Napangisi sya sa inakto ng dalaga na lalo namang kinain*s nito.
Kaya dali dali syang bumangon at pumasok na sa banyo.
Habang naliligo ay napaisip sya.
“Asan ba ako at bakit ko kasama ang lalaking yun.Kung kelan pa okay na ko ngayon pa sya nagpakita.
Teka okay ka na nga ba eh bakit ka nagpakalasi*g? aniya ng isang bahagi ng utak nya.
Pagkalabas ay hinanap ang gamit nya at lumabas na ng kwarto.
Nandun lang sa sofa nakaupo si Markus at ng makita sya ay napatayo ito.
“Mag usap muna tayo please lang.Makinig ka muna sa akin.”
“Wala na tayong dapat pag usapan,mula ng iwanan mo ko tinapos ko na ang anumang namagitan sa atin.”
At tumalikod na sya sa binata bago pa makita nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.๐Ÿ˜‘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top