I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS


🎀KABANATA IKA-LABING WALO🎀
“Master Eight, pinadala po ni Grand master iyong babaeng tinulungan nyo minsan, nasa East po sya at palagay ko ay kasalukuyan syang pinahihirapan ni Miss Thalia dahil sa inyo. ” mahabang saad ni Ging .
Mabilis na napabangon si Eight, “Bakit sya naron? “kunot noong tanong nito.
“wala na po akong ibang alam master.” yumuko si Ging senyales nang pagsasabi nya ng totoo. Tumayo si Eight sa sofa ngunit humarang si Ging. ” hindi ko po sinabi ang bagay na iyon upang sumugod kayo sa lugar na iyon. ”
Halos mapataas ang labi ni Eight sa sinabi ni Ging ” Baliw ka ba, kapag namatay ang babaeng yon ay mapapahamak pati ang kaoatid ko. ”
“Master, kapag po nadamay si Master Ivo at Master Raizen sa plano nyong ito ay itatakwil po sila ng organisasyon pati na po ang buhay ng mga kaibigan nyo ay baka masira.. “nakayukong ani Ging.
Batid ni Eight na Tulad nya ay tagapag mana din si Raizen at Primotivo ng pamilya nila kaya’t isang maling kilos lang ay maaari silang mamatay pero isang bagay lang ang malinaw sa kaniya, iyon ay ang iligtas si Hayasein dahil alam nyang iisa lang ang gusto nilang magkakaibigan.
Siniringan ni Eight si Ging kaya’t hindi na ito kumontra pa
Pumasok si Eight sa kwarto nya para kunin ang Long sleeve ng uniform nya, nagmadali syang tahakin ang garahe para kuhanin ang motor nyang nakaparada roon, ang lolo nya ang pakay nya tungkol sa lalaking sumusunod sa kanya ngunit hindi na iyon mahalaga dahil kailangan nyang iligtas si Hayasein para kay Yana,
‘Para nga ba kay Yana? ‘ iyon ang tanong sa isip nya, napailing na lamang si Eight bago padyakan ang motor tsaka pinaharurot iyon palabas ng mansyon.
‘Ano ba talaga ang plano mo Lolo! ‘
Wala syang minuto na sinayang, pinilit nyang makarating sa unibersidad sa loob ng Dalawampung minuto.
Halos ibalibag nya ang motor nya nang marating ang parking lot bumaba sya, palabas na sya nang salubungin sya ng pulutong nang mga Gwardya na nasisiguro nyang tauhan ni Thalia.
“Patawarin nyo po kami ngunit ito ang utos ni Lady Thalia, ang pigilan kayo na makarating sa lugar na nais nyo.” mahabang litanya ng leader nila.
Ipinasok Ni Eight ang isang kamay nya sa bulsa habang ang isang kamay nya ay na-nanatiling nakalaylay tsaka sya tumayo ng maayos.
Nang mag angat sya ng tingin ay napaatras sandali ang ibang gwardya dahil nakakatakot nitong mga mata, sa isang iglap ay nakalapit sya sa harap ng namumuno sa pulutong ng mga Grardya nakatayo lamang sya at hindi manlang, nakita ng mga ito na gumalaw ngunit lima na sa kanila ang, mabilis na bumagsak. “Ngayon sabihin mo kung desidido ka pa ring humarang sa daraanan ko. ” nagbabanta ang boses ni Eight pero nananatili itong kalmado.
Mabilis na nagbigay daan ang mga gwardya habang naka yuko ang iba ay nanginginig pa sa Takot.
Hindi nawala ang nakakatakot na presensya ng binatang silvannia habang naglalakad sya patungo sa Puno kung saan madalas itali ang mga pinarurusahang mga Estudyante.
Paliko na si Eight nang makasalubong nya si Thalia, “Eight! ” masiglang bati wari nito habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lalake kung nagalusan manlang ba ito ng mga tauhan nya pero madilim na tingin lamang ang isinukli ni Eight nang magsalubong ang mata nito. “Bakit ganian kang tumingin. ” inosenteng anang babae habang nakangiti.
“Talaga bang…. “pinigil ni Eight ang nanginginig na kamao nya na naka suksok sa bulsa nya dahil baka masaktan nya si Thalia. ” handa...


kang pumatay para sa walang kwenta mong feelings! ”
Napakurap-kurap si Thalia dahil sa paraan kung paano laitin ni Eight ang nararamdaman nya para sa binata pero itinago nya iyon kahit pa nasasaktan na sya ” ano..bang sinasabi mo, syempre ganun kita kamahal. “nakangiting anito pero nagbabadya ang luha sa mata nya.
“Paano kung sabihin kong wala akong pakialam sa pagmamahal mo na yan” isinuksok ni Eight ang isa pa nyang kamay nya sa kabilang bulsa ng pants nya tsaka naglakad, sinadya pa nyang banggain ang balikat ni Thalia kaya bahagya itong napaatras.
Ang katotohanan na matagal nang kinatatakutan ni Thalia ang malaman ang totoong nararamdaman ng binatang silvannia para sa kanya.
‘Hindi! Hindi dapat ganito! ‘ mangiyak-ngiyak na saad ni Thalia sa Sarili nya.
“Eight! “gigil nyang nilingon si Eight na tumigil sa paglalakad dahil sa pagtawag nito sa pangalan nya. “Subukan mong ulitin to! Papatayin ko talaga ang babaeng yan.” unti-unting tumulo ang luha ni Thalia dahil sa galit pero nginisihan lang sya ni Eight nang lumingon ito sa kanya.
“Subukan mo, para makilala mo ang tunay na pinag mulan ng babaeng gusto mong patayin baka magulat ka na lang na patay na pala ang buong angkan mo. ” saad ni Eight tsaka Nagdiretso sa paglalakad.
Napasalampak si Thalia sa Lupa dahil sa sakit na ipinamukha ni Eight sa kanya.
“E-Eight… ” nanghihinang tawag ni Hayasein sa Pangalan niya gayun pa ma’y nagawa padin ng dalaga na ngumiti. “D-dumating ka.. ” bagaman unang araw pa lang ng itali sya ni Thalia ay inisip na nyang dadating si Eight para iligtas sya tulad ng dati.
Hindi malaman ng binata kung ano ang gagawin nang bumungad ang maputlang si Hayasein, hindi pantay-pantay ang pagkaka gupit ng buhok nyang hanggang balikat animo’y pinaglaruan, puro sugat din ang buong katawan nito dahilan para magkulay brown na ang puting uniform nito dahil sa natuyong dugo ang labi nya din ay bitak-bitak dahil, sa kakulangan nang tubig, pero hindi din maintindihan ni Eight ang sarili, dati na syang nakakakita ng mga ganktong senaryo pero wala lang iyon sa kanya ngunit tila nabago ang sitwasyon ngayon o mas higit pa dahil sa magulo nyang damdamin, awa ba talaga ang nararamdaman nya para sa dalaga o nasasaktan sya sa inabot nito dahil sa kanya na tila dinudurog ang puso nya.
“Anong ginawa nila sa’yo. ” sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Hayasein ang pinaka malambot na paraan nito nang pagsasalita.
“A-ano k-ka ba, Wala lang t-to… “napapikit si Hayasein nang kumirot ang sugat sa labi nya.
“H-Hayasein…. “napalingon si Eight sa boses na kamuntikan nang pumiyok. naroon si Seken.
“K-Kuya… “unti-unting tumulo ang luha ng dalaga nang makita nya si Calvin, “Kuya.. Ko.. ”
Napaluhod si Calvin dahil sa itsura ni Hayasein, “bakit nila to ginawa sa’yo. ” umiiyak na anito.
ngayon lamang naintindihan ni Eight na Kapatid pala ang koneksyon ng dalawa sa isa’t-isa.
Unti-unting lumapit si Calvin kay Hayasein tsaka pinahid ang luha nito. ” tahan na, nandito na si ko, pagbabayarin ko ang mga gumawa nito sa’yo. ” nagmadaling kalagan ni Seken si Hayasein kaya’t pumwesto si Eight para saluhin si Hayasein kasabay ng pagbagsak nito sa bisig nya.
“Ah–“daing ng dalaga dahil sa sugat nya.
“Seken! Eight! “eksakto ang pagdating ni Ivo at Raizen.
Hindi makapaniwala ang dalawa sa kaawa-awang inabot ni Hayasein na halos kaibigan na ang turing nila.
“mauna kana seken Dalhin mo sa clinic ang kapatid mo, may pananagutin lang ako. ” madilim ang matang saad ni Eight tsaka humakbang palayo.
PAKI COMMENT YUNG HINDI NYO MAINTINDIHAN






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top