{YNA’S POV}
Napabalikwas ako ng bangon,
Hapong-hapo na kinapa ko pa ang dib-dib na ngayon ay sobrang bilis sa pagtibok.
Panaginip.
IT WAS JUST A DREAM.
Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko nang maramdaman ang mainit na likido na nagmumula sa mga mata ko.
Umiiyak ako dahil sa napakasamang panaginip na ‘yun.
Bahagya kong pinakalma ang sarili pagkuwa’y luminga-linga sa paligid.
Maliwanag parin ang buwan.
Nayakap ko ang sarili ko nang tumama sa’kin ang napakalamig na simoy ng hangin.
“Pstt”
Napalingon ako nang marinig ‘yung tumawag sa’kin. Ngunit wala akong makitang tao sa likuran ko bukod sa punong naan’dun.
Tumayo ako at ‘nun ko naramdaman ang pagkalam na naman ng sikmura ko, pero in- ignore ko ‘yun at sa halip ay dahan-dahang lumapit sa puno kung saan narinig ko ‘yung tila tumatawag sa’kin.
Ilang beses pa akong napalunok.
“Si-sino ‘yan?”
Kinakabahang tanung ko sa kawalan.
Bahagya akong napaatras nang lumabas mula ‘dun sa puno ang isang pamilyar na lalake.
“I-kaw?!”
Sabay na sambit namin ng lalakeng siyang naghatid sa’kin sa bahay ni Hace ‘nung araw na nawalan ako ng malay sa palengke.
Halos ‘di ako makapaniwala na magkikita ulit kami.
Siguro ga’nun din ito kasi nakita kong nakatunganga lang din ito sa harap ko.
Akmang magsasalita ako nang maramdaman ang pananakit ng tiyan ko. Medyu nahihilo na’din ako.
Siguro ay dahil sa sobrang gutom.
“Are you okay?”
Nakita siguro ng lalake na mukhang may dinadamdam ako kung kaya’y bahagya siyang nataranta.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Alam kong tutulungan n’ya ako kagaya ng dati.
“Na-nagugutom kasi ako. Kanina pa ako di kumakain.”
“What? Seriously?”
Isang tango lamang ang isinagot ko sa gulat na namayani sa mukha nito.
Malalim na buntong hininga lang din ang isinagot nito pagkuwa’y napapailing.
“Come”
There’s an authority in his voice dahilan upang mapasunod ako.
Nang biglang,
“Where d’you think you’re going, idiot?!”
Napasinghap ako nang marinig ko ang baritonong boses na ‘yun mula sa likuran ko pagkuwa’y dahan-dahang napalingon.
It was him.
The man I love.
“H-Hace?”
C4•1
Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang makita si Hace na ngayon ay nakatayo sa harap namin ‘nung lalake ‘yun.
Nanginginig nadin ang mga tuhod ko.
Siguro dala nadin ng matinding gutom at kaba.
Kinakabahan ako sa tono ng pananalita nito na animo’y manunuklaw anu’mang oras.
Aninag sa sinag ng buwan ang pagtiim ng bagang nito pagkuwa’y napatingin sa braso kong hawak ‘nung lalakeng tumulong sa’kin.
Agad naman ‘yung binitawan ng estranghero at nagsalita.
“She’s hungry, kakain lang kami.”
Napalingon ako sa lalakeng nagsalita.
Seryuso ang mukha nito na nakipag-titigan kay Hace.
At ako,
Ako ang natatakot para dito.
Lihim akong nagdasal na sana hayaan na lamang niya si Hace sa kung anu’mang gawin nito.
I know Hace.
Hinding-hindi ito papayag na malalamangan ito.
Hindi na ako nagulat nang k’welyuhan nito ang estranghero.
“I’m not talking to you bastard. Get lost!”
Sabay ‘nun ang pagtulak nito nang pagkalakas-lakas ‘dun sa estranghero na muntik ng ikatumba ng huli.
Lalapitan ko na sana ang lalakeng ‘yun nang higitin ni Hace ang kaliwang braso ko at walang anu-anong kinaladkad ako papasok sa k’warto niya.
“H-hace anu ba! Nasasaktan ako!”
Pagpupumiglas ko.
“Wala akong pakialam!”
Pagkapasok ay pilit niya akong ‘pinaupo sa upuan sa bedside table. May platong nakalagay ‘dun at isang tupper ware na may takip.
Alam kong pagkain ang laman niyon.
God.
Sobrang nagugutom na talaga ako.
“Open it!”
Utos nito.
Bahagya akong napatingala sa mukha niya na ngayon ay makahulugang nakangiti.
“I said open it!”
Binuksan ko ‘yung tupper ware,
At tama nga ako.
May kanin at ulam sa loob.
Mukhang masarap.
Pero nag-alangan akong kainin ‘yun.
Muli ko siyang tinignan ng diretso sa mga mata.
Mga isang minuto kaming nagka-titigan pagkuwa’y napaiwas siya ng tingin.
“Eat.”
Sabay talikod na sabi niya.
“H-hace pa-panu kung—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla na lamang n’ya akong hawakan sa magkabilang pisngi at pilit na ‘pinasok sa bibig ko ang pagkain na hawak niya.
Nangingilid ang luhang nginuya ko ‘yun.
Ang sakit.
Hindi lang sa sakit na dulot ng pagkakahawak niya sa pisngi ko,
Kun’di masakit dito sa dib-dib ko.
Parang ilang libong punyal ang tumusok sa puso ko.
“Walang lason ‘yan, tanga!”
‘Yun lang at bumalik na ito sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.
Kumain akong hilam na naman sa luha ang mga mata.
Halos hindi ko malunok ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa sakit.
Napapahikbi na’din ako.
“F*ck!”
Napalingo ako kay Hace na ngayon ay bumalikwas.
“Hindi ka ba talaga tatahimik?
O gusto mong ako ang magpapa-tahimik sayo?”
Dali-dali ko namang pinunasan ang luha ko at nag ayos ng sarili.
Alam ko kasi na galit na galit na siya.
Agad ko nang tinapos ang pagkain at niligpit ang pinagkainan ko.
Nagpalinga-linga ako at baka sakaling may makita akong mineral water.
Pero wala talaga.
Hanggang sa nakita ko ‘yung bote ng tubig sa tabi lang ng higaan ni Hace.
Tiningnan ko muna siya na nakatalukbong lang ng kumot.
Kinuha ko ‘yung mineral water at binuksan pagkuwa’y ininom ito.
Kasalukuyan akong lumalagok ng tubig nang may biglang humablot sa’kin ‘nun.
Nagkanda-ubo pa ako dahil sa tubig na pumasok sa ilong ko.
Hindi pa ako nakabawi nang maramdaman ang malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko.
Agad itong nangilid sa dib-dib ko.
“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa’yo na ‘wag mong pakialaman ang sariling gamit ko?”
“Pe-pero Hace, nauuhaw kasi -!”
Umurong ang dila ko nang nayupi ang plastic bottle ng mineral water na hawak ni Hace dahil sa higpit ng hawak niya ‘dun.
“Pa-pasensya—”
C4•2
{Hace’s POV}
Kapwa kami natigilan ng b’wesit na babae sa harap ko nang tumunog ang phone kong nakapatong lang sa kama.
“Shit!”
Napamura ako. Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras?
I...