I’m into you Chapter 10


Idiniretso ni Calvin ang dalaga sa farlor ng kaibigan nyang bakla. Pinaayusan nya si Kylin at may damit na rin itong nakahanda . Bali gift na iyon ng bakla sa kanya, sinabi nya kasi na bawas yon sa sweldo ni Kylin bilang secretary nya.
Pagkatapos nyang ayusan, agad na syang lumabas, naabutan nyang abala si Calvin sa cp nito.” Calvin!”
Agad itong napatingin sa dako nya, may ngiting kinikilig na lumapit si Calvin “pagod ka na ba? On the go ka pa ba?” pinisil pa nito ang pinkish cheeks nya.
“Oo naman.. Kaya pa! para sayo.
Bata pa pala pakners na tayo! Ituloy tuloy na Haha .. Naks, Kalain mo yon, dati pa adik ka na pala sa akin, bat kasi pinagtagpo pa e.” “isiningkit nya pa ang mga mata dito at iginiwang giwang ang suot.
Titig na titig lang si Calvin sa kanya na nangingiti, tila nakikita nyang muli ang batang Kylin na kalaro nya noon.
Pagdating nila sa bahay, dinala sya ni Calvin sa medyo tagong espasyo.
” Ganda ng babaeng to!” sabay kindat nito sa kanya at pisil sa tungki ng kanyang ilong. ” pano ba yan, kasalan na ba to papunta by.”
” Hahaha… Si Alice mo oh, alis na ako” biglang napawi ang mga ngiti nilang dalawa. Pinigilan nya ang kamay ng dalaga pero pilit itong kumawala. Lumayo si Kylin at lumapit sa baklang nag ayos sa kanya kanina. Sumunod na din kasi ito.
Ka table din nito sina Blake at Drew.
Si Alice naman na nka red tube dress kung saan mas lalong tumingkad ang kaputian ay agad hinanap ang birthday celebrant.
Marami na ring naroon, mga kilalang kaibigan ng papa nya at mga batchmates at kaibigan ng binata. Pati mga empleyado at kakilala sa ginagalawang mundo. Buti may naging kaibigan si Kylin, si Sonia na dating ex ni Calvin na mainit ang dugo kay Alice. Kilala rin ito ng bakla. Kaya agad itong lumapit sa kanila. Naka White casual dress ito samantalang black Off shoulder naman kay Kylin.
Malawak ang space nina Calvin bale nahati ang party sa dalawa yong mga kakilala ng papa nya ay nasa ala garden party at yong mga kaedad nya ay may pa pool party.
Pero sa gitna ng dalawang bahagi na yon ay ang stage na may mga attractive designs. Pagbati sa birthday celebrant ang naroon at mga regalo. At ang banda na nagpeperform.
Naaliw sina Kylin kay Sonia puro mura kay Alice na lang ang laman ng bunganga nito, kung alam lang din nitong pinagsabay din sila ni Alice.. Pero ewan ni Kylin, hindi na rin niya kayang pakawalan ang binata sa mga oras na yon lalo na ng malaman nya ang tungkol sa pagkakaugnay nila noon.
Pansin nyang hinahanap sya ng mga mata ng binata, sya namay itinatago ang kanyang sarili dito. Nakita nya ang ngiti ng dalawang kaibigan nito, ang tanging naroon na nakakaalam ng tungkol sa kanila.
” Labas na kuting hinahanap ka na ng tuta mo.” pang aasar ni Drew, tsaka nagtawanan ang dalawa . Napanguso tuloy sya. Umalis kasi ang bakla at Sonia , kumuha ng kanilang matsitsibog.
“Sumbong ko kayo sa tuta ko mamaya.. hehe.. ”
“Tuta, asong ulol yon kapag di ka nakikita. Tingnan mo oh, di na mapakali, mauulol na naman yan”
“san kayo nanggaling” seryosong tanong ni Blake
” Nagdate kayo noh? ” si Drew
“Ssshhh.”
” Alam mo Ky, nahihirapan na si Calvin, ikaw kasi sana bet nya. ”
” Hahaha… Natawa ako sa bet. ” Sa wakas nagpakita na rin sya dito, sumilay agad ang mga ngiti nito nang makita sya.. habang nakikipagkamay sa mga bisita, na katabi si Alice.
“Walang expectation sa amin.. Ok na yong masaya kami ngayon na magkasama pa kami. “magkaiba naman kasi kami ng mundo ..” Sa loob loob nya.
” Lam nyo malakas ang kutob ko may pinaplano ang papa nya ngayon “sabat ni Drew.
Itinatago lang ni Kylin, pero kumikirot na ang dibdib nya habang tinitingnan sina
Calvin at Alice na mag katabing nakikipagkamay at bumabati sa mga bisita. Marami rin syang narinig na pumupuri, kesyo bagay ang mga ito.
” Di naman,” protesta ng utak nya.
Maya maya pa’y lumapit na rin ang binata.. Buti di pa dumarating ang bakla. “Di talaga matiis e” mahinang kantyaw ni Drew
Hinimas himas nito ang braso nya.. “gutom ka na, kain ka na, kunan kita ng pagkain ha, bat di nyo to pinakain huh?” saway nito sa dalawang kaibigan.
” nabusog na daw sya, sa kakatitig sa kagwapuhan mo.”
Nahampas nya ng panyo si Drew. At ng bumalik ang paningin kay Calvin. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.. Ang lagkit ng titig at tamis ng ngiti nito. Tunaw na sya. Napanguso tuloy sya. “isa ka pa!” nahampas nya rin ito.
“hahaha.. Bakit?
” wala!”
Di na kasi inalis ang pagtitig sa kanya.
” Teka lang ha, hoy kayong dalawa wala kayong balak kumain?”
Umalis din si Blake.. Nagsabay na sila ni Calvin.
Habang kumukuha ng pagkain, tinawag si Calvin ng papa nya.
” Balik din ako. Pa ”
Inihatid muna nya ang pagkain kay Kylin at Drew.
“Kain ka muna ha, may pupuntahan lang ako saglit.. dito naman si Drew” para lang syang batang tumango dito habang pisil pisil nito ang pisngi nya. Pero nakailang hakbang lang ito bumalik din at hinila sya papunta sa likod ng pool kung san medyo madilim. Agad syang siniil ng halik ni Calvin.
I love you!
Ang bilis ng pangyayari,” love you too? “tulala pang tugon ni Kylin. Hinila din sya pabalik ni Calvin sa mesa kanina. Para pa syang naengkanto, buti wala nang paki ang mga bisita na kaedad nila dahil abala na sa pagsasaya, pagkain at sa banda,
” Hoy anong ginawa mo dyan?” puna ni Drew sa binata.
” Hehe, wala! Kaw na bahala dito ha,”bro?” eyes on her. ”
” Oo na! Ginawa pa akong lady sitter”
“Baby sitter! , baby ko yan e.”
“Hahaha.. Kinilig!” kantyaw nito kay Kylin.” Hindi ah.” . Nagngitian pa sila ni Calvin, at muntik pang may mabangga ang binata kakalingon sa kanya.
“Yon oh, love is blind. Bulag na po sila, di na nakikita ang daan whooh! Sana all.. ”
“Kumain ka na dyan oi, mabilaukan ka sana”
“Hahaha.. Huwag na ideny te, kinilig e”
“Son!”
“Pa?”
“Kumain ka na?”
“After nating mag usap.”
“Lika, saluhan mo na ako.”
Si Kylin sana ang gusto nyang makasalo.
” May mahalaga ba kayong sasabihin.”
“Huwag ka nang papalag ha, gawin mo na ngayon! Please son, once and for all, hindi matatapos ang gabing to ng hindi ka nagpopropose kay Alice.”
Nagdilim agad ang mukha ni Calvin,at napahilot sa sintido
“Here we go again.”
” are you going to do it? . O ako ang gagawa.Wala kang pagpipilian, tonight your engagement will be done.
Walang salitang tumalikod si Calvin sa ama. Wala sa sariling naglakad at ng makita si Blake, agad syang lumapit.
Habang papunta ng cr si Kylin, may narinig syang bulong bulungan
“May nakalap akong chika guys! mukhang may pasabog ang birthday celebrant mamaya. Aabangan ko talaga, parang may hint na nga ako kung ano yon ”
Di na nya tinapos ang chikahan ng mga babae. Lumabas na sya at bumalik ng mesa.
” Here you are! Pinapahatid ka na sakin ni Cal, Ky.. alam nyang pagod ka na, baka daw kasi matagalan pa sya may pinag uusapan lang sila ng papa nya. Mga 30 min more, manood muna tayo ng band tapos hatid na kita ok? ”
” Ahm.. Di pa naman ako pagod, dito lang ako hihintayin ko na lang sya.”
Agad ng message si Blake sa binata.
Maya maya pa’y niyaya syang uminom ng ladies drink ni Blake. At ilang minuto ang lumipas bumigat na ang talukap nya. Hanggang sa naipikit na nya ang mga mata.Mabilis syang binuhat ni Blake palabas..nakaabang lang si Calvin at kinuha sya. Ito na mismo ang naghatid sa kanya sa bahay nito. Tinabihan muna sya nito, niyakap at kinantilan ng halik sa noo bago iniwan.
Pagsara ng pinto, minulat ni Kylin ang mga mata. Habang umiinom sila ni Blake kanina inaantay nya lang malingat ang binata at iniluluwa nya ang inumin. Mabilis syang nagbihis ng black shirt at black pants. At ng black jacket.
Alerto ang galaw nya na umiwas sa mga camera na kabisa na nya. Buti may nakita syang ladder sa labas, inakyat nya ang bakod sa likod bahay, at nilukso ang pababa nito.. Agad syang ngtatakbo, may dala naman syang pamasahe, buti may taxi agad na nakita agad nyang pinara at sumakay.
Kilala sya ng security at sinabi nyang nagpalit lang sya ng damit dahil nalasing sya kanina. Pinapasok naman sya uli.
Kahit ganoon ang suot nya, mas lalo lang syang naging kaakit akit....


Maangas na may nakakahalina pa ring alindog. Nakaponytail ang kanyang buhok .
Ingat na ingat sya nang di mapansin ng binata at mga kasama nito. Maya maya pa’y narinig nya na itong nagsalita sa stage, nakisilip sya dahil medyo malayo ang kinaroroonan nya.
Nakita nyang lumuhod ito at iniabot ang box na lagayan ng singsing.
At yon na nga nagpropose ito, at tinanggap naman agad ng nobya. Ang higpit pa ng yakap ni Alice sa binata. Masigabong palakpakan mula sa mga bisita. Ibinaling ni Kylin ang paningin sa paligid at di sinasadyang may pumatak na luha sa kanyang pisngi.
Nakakita sya ng ilang babaeng umiinom sa may pool, dahil sa biglang lungkot at sakit na naramdaman, naisipan nyang sumali sa mga ito. At ilang minuto ang lumipas, naka ilang shots na rin sya.
Tuwang tuwa pa ang mga kainuman dahil wala na syang pakundangan sa paglagok. Iiling iling lang sya at idinidilat ang mata dahil parang Umiikot na ang paningin nya. At gumigiwang na rin ang katawan.
Pati pagsasalita nya, abnormal na.
Tagay pa ha! C r muna ko fwiends! K? Ok! Baboh!
Pagiwang giwang na syang naglakad papuntang cr. Buti tanda nya pa ang daan. Matapos mag cr naisipan nyang itour ang bakuran ng bahay, napunta pa sya sa likod.
“Huwow naman! kegandang bahay nyo My baby loves..!” yong cr nyo maghanda pa sa house namin yoh! “di talaga tayo bagay.. Tao tayo.. Huhuhu” natigil sya sa pagmumuni muni ng may narinig na parang alitan.
Tinunton nya ito kahit halos sumimplang na ang paglalakad nya. Malayo pa’y nakita na nya ang dalawa, sina Alice at Calvin. Pero di sya napansin ng mga ito.
“Wow naman ang newly engaged! answeet!! Yahoo!!”
.
” Ano ba Alice! lubayan mo nga ako! ”
“Sobra ka na Calvin ha, di mo nga ako nagawang halikan kanina. Ano ba ha, may iba ka bang babae? ha?”
“Tigilan mo ako sa mga paratang mo ha.”
Siguraduhin mo lang Calvin dahil alam mong pinakikinggan ako ng papa mo! .”
” Shit you!”
” Kaya nga, paramdam mo lang kasi sakin yong dating tayo, yon lang naman para hindi ako nagdududa. ”
” Alam mong hindi na magiging tulad ng dati ang lahat Alice., at kung di lang si papa,I’ll already give up on you. Pero kung halik lang gusto mo, pwes pagbibigyan kita!”, agad nitong inabot ang batok ni Alice at siniil ito ng halik.
Napagitla si Kylin, napaatras sya at napatabon ng bibig.
” Calvin? ” mahinang sambit nya.
Tila may nag udyok naman sa binata na mapalingon ang at ganon na lang ang gulat nya ng makita ang dalaga.
” K-Ky?” pero di nito magawang lapitan sya dahil kay Alice
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Alice pero may inis din syang nadama, ngayon nya naconfirm na may something nga sa dalawa.
Sinamahan muna ni Calvin si Alice pabalik.. Nakipag inuman sya dito. At ng malasing ito agad syang nagpaalam sa mga bisita ng papa nya at nagpaalam na rin sa kanyang mama at kapatid.
Agad nyang sinabihan sina Blake kanina na ipahanap si Kylin.. Kaya ng mabasa ang message ni Blake dumiretso sya sa pool.
Akma ng lalangoy si Kylin na pinipigilan ng dalawang kaibigan.
Halos takbuhin ni Calvin ang pagitan nila, binuhat nya ito na parang sako ng bigas. Nagpupumiglas naman ito.
“Ibaba moko, iinom pa ko!”
Mabilis silang nakalabas at nakarating sa sasakyan nya, ibinigay nya ang susi kay Blake
“Blake ideretso mo sa condo mo. ”
O-ok..
Sumama na rin si Drew.
Pagdating nila, binuhat uli ni Calvin ang dalaga, kahit napuno na sya ng pagbabayo ni Kylin. Tiniis nya.
Diniretso nya ito sa sofa
“Mapapatay ko si Baldo, pano to nakatakas! ”
” Huwag mong galawin si Baldo, ako makakalaban mo! ”
“San ka ba dumaan” puno ng pag aalala si Calvin na hinarap sya
“Mahal mo ba sya ha! Kunyari ka pa, mahal mo naman pala! “ano? Masarap ba sya humalik ha!”.
“Tsk!..” di sya makatingin dito.
“Dito na lang muna tayo matutulog ha.”
“Ayoko, ibalik mo na ako sa apartment kho, ayoko na sayo! ” nagising na ako sa panaginip ko, kung ano man ang magagandang nangyari satin, tapos na yon ngayon. Tapos na tayo! Ibalik mo na ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Gets mo? .. ”
unti unti nang pumatak ang kanyang mga luha
Napakagat ng daliri si Calvin, napabaling sya sa sofa at biglang sumikip ang kanyang dibdib . Maya maya pa’y inarko nya ang mga kilay.. At di na nya napigilan ang nag uunahang pumatak na ring mga luha.
Muli nyang tiningnan ang dalaga. Parehas na silang lumuluha. Umusog ito palayo sa kanya.
“By? ”
“Babyhin mo yang mukha mo!” muntik pang matawa ang dalawa na nalungkot na sa nasasaksihan. Tinapik ni Blake si Drew at hinayaang mkapag usap ang dalawa.
Buti nag kaayos din sila. Pero dinig na dinig ng dalawa ang paghagulgol ni Calvin.
Alam nilang di nito kayang mawalay si Kylin. Gaya nong nasa bar sila, iyak ng iyak din ito ng sabihin nitong pakakawalan na ang dalaga.
Napaatras sila ng makitang naghahalikan ang dalawa.
Muli silang nagtago sa kusina.
“Ahem ahem.. ”
Siniko naman ni Blake si Drew
“Panira ka naman e,”
“Inaantok na kasi ako.. ”
Pagbalik nila, magkayakap na ang dalawa.
Kumalas na rin si Kylin.
“Grabe Ky, ganda mo pa rin kahit nakainom, you’re so damn hot!”
“Anong sabi mo?!”
“Relax dude.. Compliment lang yon. Ang cute nya kasi e”
Drew ha..
“Hahah, di kami talo no.. ba yan.. Possessive lang”
Biglang bumulong si Kylin sa binata.
“Nagugutom ako”
Blake pwede bang galawin ang kusina mo. Pakakainin ko lang tong baby ko.
Sure!
Nakakita ng ramen si Calvin, agad nya itong niluto, pag nababakante agad syang yumayakap sa dalaga. At humahalik sa noo nito.
Pagkatapos, bumalik na rin ng sala. Nakahiga na si Drew sa katapat na sofa, samantalang busy sa cp si Blake.
Unupo na sila habang hinihipan ni Calvin ang noodles.
“Bat ang haba nito, di mo pinutol?”
“On purpose yan e.” may ngiting pilyo na saad ni Calvin
“Ah, alam na” kantyaw ni Drew na abot2 ang ngiti.
“Matulog ka na dyan,” ngunit bumangon ito at biglang kinuha ang cp at kunyari ng scroll pero nag record na pala ng video.
“Kain na by, mga bro, meron pa don ha, baka gusto nyo.”
Nakadalawang subo na si Kylin at ng pangatlo spvrang haba ng noodles, bigla iyong sinalo ng bibig ni Calvin.
Wow! Ayan na! ”
” On purpose talaga e noh” nangingiting sabi ng dalaga. “e kung kagatin ko?
“huwag by”
Hanggang palapit ng palapit ang bibig at mukha nila sa isat isa.. Habang tangan ang mahabang hibla ng noodle.
Ayan na malapit na, huwag pasaway Ky ha, just cooperate”
“Mwesit! Pinagtutulungan ako ng dalawang to.” Naituon na rin ni Blake ang tingin sa kanila. Napapailing na rin ito, mas seryoso ito sa dalawa. Mas nakakatanda kasi.
Kay tamis ng ngiti ni Calvin bawi ang iniyak nya kanina.pinipikit pa ni Kylin ang mata ng sobrang lapit na nila. Hanggang di ba inantay pa ni calvin, kinabig na nito ang batok nya at siniil sya ng halik.
“Owh” napabaling ng tingin ang dalawa, samantalang nanatili ang kamay ni Drew sa kakavideo.
Nang matapos na silang kumain, pumunta na sila ng kwarto at ang dalawa ay sa sofa matutulog.
Bro? Hinay2 lang.
Tinapunan ng stuff toy na naabot ni Calvin si Drew.
Walang ganon! kumag na to. Gee good night!”
Goodnight!”
“Ky? Sumigaw ka lang Ky, dito lang kami. Di namin kukunsintihin yan. ”
“Kakaratehin ko sya, pag nagkamali sya ng galaw”
Pinagbihis ni Calvin si Kylin ng damit nya na naiwan dati sa bahay ni Blake matapos nitong magshower. Maya maya sya naman ang pumasok sa cr para maligo. At magkatabi na silang nahiga pagkatapos matuyo ng kanilang mga buhok.
Niyakap sya ni Calvin bago nila ipinikit ang mga mata.
Mga 2 oras ang lumipas nagising si Calvin sa ingay ng cp nya. Hinablot nya ito at sinagot ang tawag ni Drew.
Tulog na kayo?
Oo kanina pa
E kami hindi makatulog e
Bakit?
Nag aabang kasi kami ng ungol.
Bwesit!
Hahahaha… So wala pala kaming aabangan? Para makatulog na rin kami.
Wala! Gago!
Hahaha.. “dinig nya rin ang tawa ni Blake.
” Dinamay pa ako ng gago!” sabat nito sa tawag
” Haha.. Mga baliw! Kaya pa namang tiisin. ” habang hinahaplos ang maamong mukha ng dalaga na nakaunan sa dibdib nya.
Ang bango bro, ang lambot ng katawan, ang amo siguro ng mukha pag nakapikit. Di ka ba natutukso bro.
” Umayos ka Drew ha.” tulog na!goodnight!”
“Hahah, goodnight. “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top