I’m not Her


I’m not Her
“Adeline” bigkas nya sa pangalan ng dalagang nasa tabi n’ya ng makita itong nakatingin sa grupo ng naggagandahang babae “Saan ka nakatingin?”
Humarap naman ito at tinignan ang dalaga sa mata “I’m just looking at them ” bahagyang napakunot ang nuo nya na ikina ngiti naman ng dalagang kausap nya “Di lang ako makapaniwala na isang napakagandang binibini ang nasa harapan ko ngayon at minamahal ako”
“Tsk,Sa tingin mo mabobola mo ako?” Saad ng dalaga at umiwas ng tingin upang itago ang pamumula ng mukha.
Sa tinagal tagal nilang magkasintahan ay di parin nawawala ang pagmamahal niya para dito, sa araw-araw na nagigising sya ay tila mas lumalalim pa ang pagmamahal nya para dito.
Marami ang hadlang sa relasyon nila,maging ang magulang nila ay tutol sa pag-iibigan ng dalawa.
Mas lalo s’yang namula ng maramdaman nya ang kamay ng dalawa na dumadampi sa malalambot nyang pisngi pababa sa kanyang baba. Iniharap nito ang mukha nya at tinignan sya diretsyo sa kanyang mata.
“Stella” Malambing na bigkas ng dalaga sa pangalan nito habang hawak kanyang pisngi “Kahit sino pang babae ang lumapit sa akin,kahit pa halikan nila ako ng marahas, di non mababago ang katotohanan na ikaw lamangang ang babaeng nilalaman nito” sambit nya sabay turo ng...


dibdib kung saan naroon ang puso n’ya.
Di na nya mapigilan ang pag ngiti dahil sa sinabi ng dalagang kaharap nya.At tila ba nawawala ang pangamba sa puso nya.
Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga at pinagdikit ang labi nilang dalawa.
“Siguraduhin mo lang na wala ng ibang babae pa ang makakakuha ng puso mo bukod sakin Stella”
“Kundi bubuhusan ko ng gasolina ang titirhan nyo at papalibin yon” Pagbabanta nyang sambit.
“I love you My Stella” Sambit ng kaharap nya na ikinangiti naman n’ya.
“I love you too My Adeline sugar plum” pag tugon nya na ikinatawa nilang dalawa.
NANG iwan mo ako ay parang gumuho ang aking mundo. Tama nga ang sinabi mong ako lamang ang babaeng laman ng puso mo.
Dahil ng iwan mo ako ay sa lalaki ka sumama. Lalaking makakasama mo sa pagtupad ng pangarap mo, Pangarap na bumuo ng pamilya na magkasama. Alam kong di ko matutupad ang pangarap mo na iyun kaya naiintindihan kita kung bakit ako’y iniwan mo na.
Ngunit Adeline kahit anong gawin ko, ikaw parin ang tinitibok nitong puso ko.
Kung ang pagmamahal saiyo ay tila ba pagsabak sa digmaaan, nasisiguro ko na ang balang nakamamatay ay ang binitawan mong salita na “Di na kita mahal”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top