I’M NOT INTELLIGENT AS OTHERS, BUT I WILL BE SUCCESSFUL


I’M NOT INTELLIGENT AS OTHERS, BUT I WILL BE SUCCESSFUL
“Sa tingin mo papasa ka sa propesyon na kinuha mo? Matuto ka rin maglagay ng linya, wala namang masamang mangarap, pero piliin mo ‘yung kaya mo.”
“Magkayod ka na lang, huwag ka na mag-aral. Lahat naman ng mahirap ay hindi na aahon pa.”
“Kahit kailan hindi ‘yan matutupad, nagsasayang ka lang ng oras sa mga pangarap mo. Tumulong ka rin sa bukirin, kesa unahin mo ang pag-aaral mo.”
“Aral-aral pa, bobo naman. Hindi ka papasa.”
Mga masasakit na kataga na paulit-ulit kong naririnig bawat pagpasok ko sa eskwela. Mga bulong na nakaka-gising ng diwa sa sobrang hapdi na salita. I may not intelligent as others, but I promised to myself that I will pass.
“Hijo, kung ikaw ay papasa sa propesyon na kinuha mo, huwag mo akong kalimutan,” ani ng propesor ko. Si Ma’am Jay lang ang naniniwala sa akin na kaya kong abutin lahat ng pangarap ko.
Alam ni Ma’am Jay lahat ng pinagdadaanan kong paghihirap. She’s my teacher that I can share my feelings. When I feel lost, she always help me from everything. Nagiging pangalawang inay ko na rin siya simula noong pumanaw ang mga magulang ko. Pinangako ko sa kanila na balang araw magiging successful ako at magiging proud sila sa akin.
“Oo naman, ma’am…” I thrilled. “Ikaw pa. Ikaw lang ang meron ko sa panahon ng kahirapan, ma’am. I’ll make you proud like my mom....


Salamat sa tiwala.”

Lumipas ang apat na taon. Apat na taon kong pagdurusa. Apat na taon
kong pagtitiis. Apat na taon din akong paulit-ulit dina-down ng iba. Pero ito ako, nanatiling nakatayo sa matayog kong mga paa. Since my parents died, I already vowed that I will be successful.
“Congratulations, attorney. Seraph Greion. Ang laki mo na, anak,” pag puri ng aking propesor—si ma’am Jay. Kahit sa paglaki ko sinubaybayan niya ako.
“Kung hindi dahil sa’yo, ma. Wala ako sa posisyon na ito, salamat sa tiwala na binigay mo sa akin. Sa oras na wala akong makapitan at masandalan, andiyan ka palagi nakikinig sa akin. Salamat sa pag-ampon mo sa akin, ina,” galak na galak kong sabi sa propesor ko. Si ma’am Jay ang tumayong ina ko. Siya rin ang propesor na naniniwala sa akin.
Walang masamang mangarap, mahirap man o madali, kung gugustuhin mo, kakayanin mo lahat ng paghihirap. Huwag ka makinig sa mga sinasabi nila na walang kwenta ang mga pangarap mo, dahil hindi mo pa nakikita ang kinabukasan mo.
After all those hard days, months, and years. I passed. Ako ang nagpapatunay na hindi hadlang ang pagiging mahirap, basta pursigido ka sa pag-aaral. Walang imposible.
For once again, I am Atty. Seraphim Greion. I’M NOT INTELLIGENT AS OTHERS, BUT I WILL BE SUCCESSFUL. It might be hard, but it will be worth it at the end. Keep chasing your dreams, future professionals!
Words by: Seraphim Greion






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top