Incompatible PART 23


Author: Ren Salazar
” O,bakit parang binagsakan ng langit yang mukha mo? ” Puna ni Dome sa kanya. Kitang kita kasi sa itsura nito ang pagkatulala at hindi maipintang mukha niya kaya hindi niya napansing papalapit si Dome sa kanya.
” Kilala mo si Rhea diba?”
“Oo. Yung matalik na kaibigan ng asawa mo at may gusto sayo.”
” Nasa bahay siya ngayon.” Hayag niya kay Dome.
” Talaga? Eh,Anong problema?”
” Nag aalala ako na baka makilala niya ako. Alam mo naman diba,na kapag interesado ka sa isang tao,kabisadong kabisado mo mula ulo hanggang paa. Ganoon si Rhea sakin noon. Kaya baka dahil sa kanya,malalaman ni Che na…na ako si Zuriel.”
” Hindi ka na makikilala non. Matagal na panahon na ring simula nang sumama ka sa appa mo papuntang korea. Marami na ang nagbago sayo. Nag glow up ka na ,Zu. Kaya huwag kang mag alala. ”
Pero hindi pa rin kampante ang loob ni Bekket. Kailangan niyang iwasan kung maari si Rhea. Hindi pa siya handa na sabihin kay Schiyev na siya rin si Zuriel.
Papunta na siyang mansyon ngayon. Nauna na ring umuwi ang kanyang lolo. Magkikita na lamang sila bahay pagdating don. Matapos ang ilang oras na biyahe,narating niya ang mansyon ng matiwasay.
Suot ang isang salamin,lakas loob siyang pumasok ng bahay matapos maparada ng maayos ang kotse. Nadatnan niyang nasa sofa ang magkaibigan at nagtatawanan. Masayang nag uusap na may halong biruan.
Tumigil siya saglit. Tiningnan ang bisita ni Schiyev na si Rhea. Malaki na rin pala ang pinagbago nito gaya ni Schiyev. Nag ipon ng lakas ng loob si Bekket bago nagpasyang lumapit sa dalawa. At …..
” Hi!” Bati niya sa dalawa na nakangiti. Hindi niya tuwirang tiningnan si Rhea na katabi ni Schiyev.
” Hi.”
Yumuko si Bekket at tinunton ang noo ni Schiyev saka hinalikan. Ngumiti naman si Rhea nang makita ang ginawa ni Bekket sa kaibigan niya.
” Kumain na ba kayo?”
” Nag meryenda na kami kanina.” Sagot niya. ” Siyanga pala. Si Rhea..kilala mo na siya diba?” Pakilala ni Schiyev sa kaibigan.
” Ah..oo.” ani Bekket. Sinalubong niya ng tingin si Rhea at ngumiti sa huli “Hi”
” Hi…..” sabay abot ng kamay kay Bekket.
Pagkatapos makipagkamay ay nagpaalam na siya sa dalawa na umakyat na muna at magpahinga.
” Ang sweet naman ng asawa mo,Aning. Sayang nga lang at..bakla.”hininaan ni Rhea ang huling salitang sinabi niya.
“Shh…”
” Sorry. Pero ..ang gwapo talaga niya…ahhhh” kilig na kilig si Rhea.
Samantala, nakahinga ng maluwag si Bekket nang makapasok sa kanyang kwarto. Nakilala kaya siya ni Rhea? Hindi sana.
Maghahapunan na subalit hindi pa rin lumalabas si Bekket sa kanyang kwarto. Naroon na sa hapag ang kanyang lolo gayundin sina Rhea at Schiyev.
“Tulog ba si Bekket? ”
” Siguro ,lolo. Gigisingin ko na lang po siya. “Tumayo si Schiyev at tinungo ang kwarto ni Bekket.
Pagdating doon,ay mahina niyang kinatok ang pintuan nito. Maya maya’y bumukas ang pinto. Ang totoo,hindi naman siya natulog. Nanatili lang sa loob dahil sa iniwasan nyang magtama mata nilang dalawa ni Rhea. Baka kasi makilala siya nito.
” Kakain na tayo. Pagod ka pa ba?”
” Ah..sige. Susunod na ko. ”
Tatalikod na sana siya nang bigla siyang hawakan ni Schiyev sa braso.
” Halika na. Sabay na tayo. Naghihintay na sina Lolo at Rhea.”
“Mm..sige.”
Bumaba sila ng hagdan na magkahawak ang kamay. Ang isang kamay ni Bekket at nakasilid sa bulsa nito.
” Masakit ba yang mata mo? Naka salamin ka yata ngayon? ”
” Oo. Pero ok lang. Mawawala rin ito.”
Pagdating sa kusina,pinaghila niya ng silya si Schiyev at iginiya paupo. Sumunod ay siya naman. Kumuha ng pagkain saka nilagyan ng pinggan ni Schiyev.
“Salamat. ” Matamis na ngiti ang binigay niya para sa baklang asawa.
” Huwag kang mahiyang kumain ng marami,Rhea ha. Just eat all you can.”
” Opo,Lolo. Salamat po. ” tugon ni Rhea sa matanda.
Matapos nilang kumain,nauna nang nagpahinga ang lolo ni Bekket. Umakyat rin si Rhea para asikasuhin ang gamit niya para sa pagtulog.
” Mrs. Choi,ako na po. ” Bahagyang inagaw ng isa nilang kasambahay ang platong nasa kamay ni Schiyev.
” Ako na,ate . Gusto ko pong tumulong.” Pagpupumilit niya.
” Pero,Mrs. Choi..mapapagalitan po ako ni Mr. Choi o di kaya ni Director Choi kapag nakitang kayo po ang naghuhugas niyan.”
” Haha…hindi iyon. Sige na,ate…gusto kong maghugas ng pinggan. ” Ayaw pa ring bitawan ni Schiyev ang pinggang nasa kamay niya.
” Hayaan nyo na siya ,Ate. ” Sumabat na si Bekket sa kanila. ”
” Mr. Choi..sorry po. ”
” Ok lang. Iwan mo na siya diyan. ” Utos ni Bekket.
” Opo.”
Umalis na ang kasambahay. Ipinagpatuloy na ni Schiyev ang paghuhugas.
” Bakit nandito ka? Dapat nagpapahinga ka na. Maaga ka pa bukas sa opisina mo.”
” Nandito ka kasi kaya nandito rin ako.” Sumandal pa si Bekket sa lababo at tumingin sa kanya.
” Hu…na miss mo lang ako,no? ” Kunway nagpa cute pa si Schiyev sa kanya.
Tinitigan siya ni Bekket saka niyakap sa likod.
” Nasa likod natin ang kaibigan mo.” Biglang bulong ni Bekket sa kanya.
” Eh,ano naman ngayon? “Napabulong na rin si Schiyev sa kanya.
” Gusto ko lang makita niyang sweet ako sayo. Kaya payakap….”
Hinayaan naman ni Schiyev si Bekket na yakapin siya nito. Lingid sa kaalaman ni Bekket na alam ni Rhea ang tungkol sa totoong estado ng pagsasama nilang dalawa.
Natapos ni Schiyev ang paghuhugas ng pinggan sa nakayakap si Bekket sa kanya. Nawili yata kaya hindi...


na bumitiw sa beywang ang mga kamay nito.
” Bitaw na. Aakyat na tayo sa itaas.”
” Saan ka matutulog ngayong gabi?””
” Mm.. tatabi ako kay Rhea. Madami kaming pag uusapan eh. ”
” Bakit,hindi pa ba tapos? Eh isang araw rin kayong magkasama,ah.” Bumitaw na siya kay Schiyev.
” Mm..na miss ko rin yon eh.” Hinila na niya si Bekket papuntang hagdanan.” Tara na.”
Magkatabing matutulog sina Schiyev at Rhea. Habang si Bekket naman ay nag iisa sa kanyang silid.
Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog. Napapabalikwas ng ilang ulit sa ibabaw ng kama.
” Shaakkss…..” Inis niyang sambit. Bumangon siya at napa upo.” Bakit ba hindi ako makatulog?”
Sanay naman siyang nag iisa na natutulog pero bakit tila ngayon ay hindi siya dinadalaw ng antok. Humiga siyang muli saka pinikit ang mga mata. Pilit na makatulog. Subalit ganoon pa rin.
” Ano bwa?! Ano bang problema kwo?” Bumangon siyang muli. Pati pagdadabog nagagawa na niya dahil sa ayaw maki ayon ng kanyang mga mata.
Dahil sa ayaw siyang patulugin ,nagpasya siyang umalis sa kama. Tinungo ang pintuan at tinapat ang kanyang mukha sa scanner na nakakabit sa kanyang pintuan. Agad rin itong bumukas nang makilala ang mukha niya.
Saktong pagbukas ng pinto,sinalubong siya ng isang mukhang puting puti. Daig pa ang white lady sa kulay nito.
” A!!” Hindi naituloy ni Bekket ang pagtili dahil sa maagap na pinasukan ng maliit na tuwalya ang kanyang bibig. ” Mmm”
Tinulak siya papasok patungong kanyang kama. Ni hindi niya nagawang lumaban sa taong gumawa sa kanya non.
” Shh!!” Pigil sa nito sa kanya. Pagkatapos inalis sa bibig niya ang maliit na tuwalya.
” S…Schee!! Papatayin mo ba ako? ” Bulaslas niya.
” Hehehe…pasensya na. Alam ko naman na titili ka kapag nakita mo tong mukha ko kaya nagbaon na ko ng tuwalya para isaksak sa bibig mo. ”
Si Schiyev pala ang taong puting puti ang mukha at ang siyang nagsaksak ng tuwalya sa bibig niya kaya hindi siya lumaban.
Natakot man saglit si Bekket pero hindi sapat yon para sa sayang naramdaman niya ngayon.
” Bakit gising ka pa? ” Tanong ni Bekket sa kanya.
” Hindi pa kasi kami natutulog ni Rhea. At saka, gusto kong magpaalam sayo na uuwi si Rhea bukas at sasama ako.”
” Kararating niya lang,uuwi agad?”
” Ang totoo niyan, noong isang araw ko pang gustong umuwi sa amin. Kaya sabi ko sa kanya,bukas uuwi kaming dalawa. ”
” Bakit hindi muna kayo mamasyal?”
” Yun nga rin sana ang sasabihin ko sayo. Pwede bang humingi ng pang shopping? Babayaran ko naman kapag nagkatrabaho nako. ”
” Ah! Nilagyan ko nga pala ng pera ang account mo. Hindi ko sinabi dahil alam ko naman na ayaw mo. ”
” Ha?! Magkano?! “Gulat na gulat si Schiyev.
” Tingnan mo na lang. ”
” Baka naman pang dalawang buwan na naman yan. Mahihirapan na kong bayaran ka. ”
” Eh,di mabuti. Para mas matagal kitang makakasama. Ayy!! Ang saya saya!!”
” Ang sama nito. Balak mo atang talian ako habambuhay. ” Bahagya niyang pinalo ang balikat ni Bekket.
” O,akala ko ba inlab ka na sakin? ” Natawa pa si Bekket.
” Biro ko lang iyon.”
Natahimik si Bekket. Biro lang pala iyon.
” Ahm..pwede bang umalis ka muna sa ibabaw kwo? Nabibigatan nakwo sayo” reklamo niya. Nakaramdam na kasi siya ng hirap sa paghinga dulot ng nakadagan na si Schiyev sa kanya.
Paano naman kasi..kanina pa silang nag uusap sa ganoong ayos. Nasa ibabaw niya si Schiyev habang nakahiga si Bekket sa kama.
” Oh! Sorry. ” Umalis si Schiyev sa ibabaw niya at naupo sa kanyang tabi.
” Ah…sumakit yata likod ko ,girl.” Hinawakan pa niya ang kanyang likuran.
Maya maya..
” Umalis ka na. Baka hinihintay ka na ni Rhea sa kabilang kwarto.” Labag man sa kalooban niya pero hindi niya pinahalata. Bigla kasi siyang nalungkot matapos marinig ang sinabi nitong ” biro lang.”
” Sige. Salamat ha.”
Tumayo si Schiyev at akmang lalabas ngunit bigla ring tumigil.
” Oh!” Sambit niya.
” Pwede bang…dito ka na lang matulog?” Paki usap ni Bekket sa kanya habang hawak siya nito sa isang braso.
” Ha?” Humarap siya kay Bekket. ” Ikaw yata ang inlab na sakin,Bekki eh..”
Napalunok si Bekket.
” Ah..hindi ah. Ano kasi,girl.” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.” Anwo..na miss ko kasi ang halik mo ay este ang hilik mwo. Kaya…sige na naman. Dito ka na matulog. Tutal,uuwi ka sa nanay mo bukas diba? ”
” Ah..oo.Sige.Dito na ko matutulog. Babalikan ko lang si Rhea. Sasabihin ko lang sa kanya na dito ako matutulog.”
Akmang aalis na naman pero pinigilang muli ni Bekket.
” Huwag na. Ah..tawagan mo na lang. ”
” Mm..sige. pero teka..iniwan ko yung phone ko doon.”
” Ah…ano..bahala na siya. Maiintindihan naman niya kung hindi ka makakabalik don. Alam niya namang mag asawa tayo kaya gets na niya yon.”
” Sabagay…sige. matulog na tayo.” Niyaya na nya si Bekket na mahiga at matulog. Pinagbigyan ang baklang asawa.
Hindi na hinayaan pa ni Bekket na bumalik si Schiyev kay Rhea.
” Hindi ka yata naka nighties ngayon?” Puna ni Schiyev sa kanya.
” Nandito kaibigan mo nwo,baka mabuking ako.” Sagot niya. ” Matulog na nga tayo.”
Si Schiyev lang pala ang kailangan para makatulog siya ng mabuti. Humihilik pa siya dahil sa sarap ng tulog niya. Paano kasi, katabi niya ang babaeng unti unting nagpapabago sa kanya. Pero sa kabila ng iyon,hindi pa rin niya mabibitawan ang pagiging bakla.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top