ONE NIGHT WITH MY BOSS Chapter 3


Nasa bahay siya ni Lucas. Hindi alam ni Yanna kung paano siya napunta sa sitwasyong iyon. Pero pilit man niyang itago o itanggi alam niyang may nararamdaman din siya dito kahit alam niyang boss niya ito at isa lang siyang hamak na sekretarya.
“Baby do you like my house?” Yumakap ito sa bewang niya at ipinatong ang baba sa balikat niya. Nakatalikod siya rito. Iba talaga ang epekto nito sa kanya. Hindi niya ito kayang iwasan.
“Asan ang pamilya mo?” Malambing niyang tanong at humarap dito. Gusto niya lang kasi malaman kung sino ang kasama nito sa bahay bukod sa mga maids.
“Why are you asking? Gusto mo kong samahan?” May pagbibiro nitong sabi kaya nahampas niya ito sa balikat dahil parang kinilig siya dahil doon.
“Sir nakahanda na po ang dinner niyo.” Sabi ng katulong kaya natigil sila sa paglal*ndian este paglalambingan.Kinurot niya si Lucas sa braso kaya napaaray ito.
“Kahit kailan ang landi mo! Muntik na nga tayo sa opisina kanina e.” Kunwari ay inis niyang sabi. Mahina lang itong tumawa.”Sayo lang naman ako mal*ndi. ”
“Kaya ko ng uwuwi mag-isa. Wag mo na kong ihatid.” Mahinahon niyang sabi. Pero hindi ito nagpapigil ihahatid daw siya nito. “I want to make sure that your safe.”
“Yanna.” Pagtawag nito sa pangalan niya kaya agad siyang napatingin dito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon ang likod ng palad niya.
“Wag ka sakin tumingin baka mabangga tayo.” May pag-aalala niyang sabi. “I just want to know kung ano ba ko sayo.”Natigil siya dahil sa sinabi nito.
” Huh? Ano? “Parang t*nga niyang tanong. Itinigil nito ang kotse sa gilid ng kalsada at humarap sa kanya.” Ano ba ko sa buhay mo? ”
Kakaiba ang mga titig nito sa kanya. Tila siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.” Boss kita diba.”Hindi niya kasi alam ang sasabihin.
” After all what happened ganyan pa rin ang tingin mo sa akin?”Pagalit nitong ani. Kailanman ay hindi pa ito nagalit sa kanya. Siguro sa ibang empleyado oo.
“Hindi ko rin alam ehh. Ikaw, ano ba ko sayo? Malay ko ba kung pinaglalaruan mo lang ako.” Agad siyang nag-iwas ng tingin. Kahit siya hindi niya alam kung ano nga ba sila.
“I love you so much. Can’t you feel that? Ikaw lang ang nakakagawa sakin nito. Binab*liw mo ko Yanna.” sabi nito sa kanya.
Iniharap nito ang mukha niya sa mukha nito at agad siyang hinalikan. Ewan niya ba pero sa tuwing umaabot sila sa ganon ay hindi siya makatanggi.
Pagkatapos non ay inihatid na siya nito sa bahay sa kanila.Agad din niya itong pinaalis dahil naka kung sino pa ang makakita sa kanila.
Siyempre hindi ito umalis hanggat hindi nakakatanggap ng goodnight kiss galing sa kanya. Nag-iiba talaga ito kapag siya ang kasama.
“Yanna ang l*ndi mo.” Bulong niya sa sarili habang papasok ng bahay. Ang dilim na ng bahay kaya binuksan niya ang mga ilaw.
Pagkaakyat niya sa kwarto niya. Naabutan niya doon ang kanyang Nanay na may hinahanap na kung ano.”Nay ano pong hinahanap niyo?”
“Pahingi akong pera. Ang malas! Natalo ako sa sugal kanina!”Sigaw nito sa kanya. Mukhang nakainom na naman.
” Pero Nay hindi pa po ko sumuswel-“hindi niya na natuloy ang sasabihin ng sumigaw ito ng pagkalakas lakas.Pagdating sa kanya laging ang init ng ulo nito.
“Basta akin na ang pera! Ibenta mo yang katawan mo sa boss mo para magkaroon pa ko ng pera!”Ang sakit lang talaga na dito niya pa narinig ang salitang iyon.
Inagaw nito ang bag niya. At basta na lang kumuha ng pera doon. Pambaon sana yon ng kapatid niyang si Mia.” Nay kay Mia pambaon niya yan. ”
” Wala akong pake! Kahit kailan wala kang kwenta Yanna!” Sabi nito at iniwan siya sa loob ng kwarto. Hindi na talaga siya nakatanggap ng magandang salita mula dito.
Kumuha siya ng damit pamalit at nagdiretso sa C. R para magbihis. Humarap siya sa salamin.Saganang luha na naman ang dumadaloy mula sa mga mata niya.
“Kaya mo to Yanna. Malakas ka diba. Mahal mo sila. Tiisin mo na lang. Mahal ka ng Nanay mo.” Pagkausap niya sa sarili.
“Ate Yanna.Ate, si Mia to.” Boses mula sa labas ng kanyang pintuan. Agad siyang bumangon at binuksan iyon.
Mabilis siyang niyakap ng bunsong kapatid. Alam talaga nito kapag malungkot siya.”Ate iwanan mo na lang kaya kami.” Sabi nito habang nakayakap sa kanya.
“Ano ba yang sinasabi mo Mia bat ko naman kayo kailangang iwan?” Kahit sobra na siyang nahihirapan. Hindi niya magagawang Iwan ang mga ito.
“Ate nahihirapan ka na ih. Simula ng magkatrabaho ka pasan mo na kaming lahat. Si Nanay puro sugal nalang. Unahin mo naman ang sarili mo.” Halos paiyak ng sabi ng kapatid niya.
“Huwag mo ng isipin yon. Kaya ko ang sarili ko. Ang gusto ko makapagtapos ka ng pag-aaral mo.” Pagkatapos noon ay sabay silang natulog at magkayakap.
——
“Rise and Shine Ate Yanna.Bangon ka na maaga akong nagluto.”Napangiti na lamang siya.Ito na talaga ang pinakamapagmahal na kapatid.
“Magkano nga yung sa project mo?” Tanong niya dito. Buti na lang talaga at may naitabi siya. “Okay na ate may natira pa naman dun sa binigay mo eh.”
Naligo siya at nagsuot ng damit pang-opisina at sabay na silang bumaba. Sabay silang kumain ng niluto nito at ang sarap noon. May talent talaga ang kapatid niyang ito sa pagdating sa pagluluto.
“Alis na ko.” Hinalikan niya ito sa pisngi....


Ang sweet talaga nila sa isat isa at sila lang naman ang magkakampi sa bahay. Minsan nga naiisip niya na kamusta ito kapag umaalis siya ng bahay.
“Ano Yanna girl asan ka na?” Agad na bumungad sa kanya ng sagutin niya ang tawag. Mukhang trip na naman siyang pagtripan ni Chesca. Naloloka na talaga siya sa babaeng yon.
“Nasa taxi na. Wag mong sabihing galit na naman. Wag mokong pinagloloko ko Chesca. Kahit kaibigan kita sasab*nutan talaga kita.” May pagbibiro niyang sabi. Natawa naman ito sa kabilang linya.
“Bilisan mo nalang. May mga itatanong ako sayo. Naiintriga na talaga ako kung anong meron sa inyo ni boss.” Parang kinikilig pa nitong sabi. Bigla namang namatay ang tawag.
Pagkadating niya sa kompanya. Binilisan niya ang paglalakad. Baka nga kasi galit na naman. Ayaw na ayaw pa naman nun ng Late!
“Blooming na blooming Yanna!” bati sa kanya ni Janice. Tanging ngiti na lang ang isinukli niya rito. Kaclose niya talaga ang mga empleyado.
“Goodmorning Lu-Boss.” Bati niya ng makapasok siya sa opisina nito. May bisita pala ito bakit walang nagsabi sa kanya?
“You’re Asshiana right? By the way I’m Calyx Lucas friend.” Ani sa kanya ng lalaki. Kaya si Lucas este ang boss niya ay mamula mula na sa galit este sa selos.
“Stop fl*rting with her. Even if your my friend. I can k*ll you. “Tila nagseselos nitong ani.Lihim na lang siyang napangiti. Seloso na nga posessive pa.Iba talaga ang boss niyang ito.
Inabot niya ang kamay niya at nakipagshakehands siya dito.”Yanna na lang. “Ngiti niya pang sabi. Tinitignan niya ang magiging reaksyon ni Lucas.
” Calyx get the h*ll out of my office! “Galit nitong sigaw. Ang kaibigan naman nito ay tatawa tawa lang.” Wrong move Miss Yanna. Nangangain yan ng buhay. “bulong nito sa kanya.
Lumabas ito ng opisina na tatawa tawa.” So poss*ssive bro nakakamatay yan. “pang-aasar pa nito. Kaya ang boss niya ay halos umapoy na sa Inis. Kinakabahan na tuloy siya.
“Lu-” hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil sa sinabi nito. Galit nga. Nakipagkilala lang naman siya ehh.Wala namang masama doon.
“Do you like him?” Gusto niyang tumawa pero natatakot siya sa itsura nito. “Huh? Parang nakikipagkilala lang naman ehh.” Pagdadahilan niya pa.
“You let him touch your hands!” sigaw nito kaya halos mapatakip na siya sa kanyang tenga. “Bakit galit ka? Wala naman akong ginawang masama.” sagot niya rito.
“I’m not mad at you I’m just jealous.” Lumapit ito sa kanya. “Nagseselos ka pa rin? Ikaw nga ang nakakuha sakin.” Halos pabulong niya ng sabi.
Nasa harapan niya na ito kaya iniwas niya ang kanyang tingin. “Yanna look at me.” utos nito.”Ewan ko sayo.” sagot niya.
“Yanna look at me hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako.” Kaya sinunod niya na ang sinasabi nito.At iyon na naman ang mga nakakadala nitong titig.
“Nakakainis ka. Ang Oa mo alam mo yon. Se-” hindi niya na natuloy ang sasabihin ng bigla siya nitong h*likan. “You’re to noisy, baby.” nakangisi nitong sabi pagkatapos siyang h*likan.
“Ang hilig hilig mong manghalik!” kunyari ay inis niyang sabi pero nagustuhan niya rin naman ang halik nito. “Hindi ko kayang pigilan.” Sabi pa nito sa kanya.
Pagkatapos noon ay niyaya siya nito lumabas ng kompanya at mamasyal daw sila. Hindi naman siya pwedeng humindi.Dahil baka magalit ito o ano.
Nagpunta sila sa mall dahil may bibilin daw ito para sa kanya. Pumasok sila sa isang bilihan ng damit at ito naman ay pumunta sa jewelry store.
“Looks who’s here. The secretary of my boyfriend. The fl*rty one.” Sabi Cassidy na ex ng boss niya. Ang maart*ng at maland*ng babaeng yon.
“Correction ma’am he’s no longer your boyfriend at hindi po ako malandi katulad niyo.” May halos Inis niyang sabi dito. Ngumisi lang ito.”Cassidy lumalaban siya sayo.” Sabi ng kasama nito.
“How dare you to call me mal*ndi! I’m Cassidy Forbes one of the famous models in this country. And your just a plain secretary!” sigaw nito sa kanya.
“Lucas baby.” Sabi nung Cassidy at lumapit pa talaga sa boss niya na agad naman nitong tinulak. “Babe don’t you miss me?” Maarte pa nitong sabi.
Hinawakan ni Lucas ang braso niya at niyaya siya paalis doon. Aalis na sana sila pero bigla ng hinila ni Cassidy ang buhok niya.
“You’re a fl*rt! You take him away from me!” pag-aakusa nito sa kanya.Pinagtitinginan na tuloy sila ng ilang tao. Agad niyang tinanggal ang kamay nito sa buhok Niya. At matapang itong hinarap.
“FYI hindi po ko fl*rt! Halata naman po kung sino talaga at kayo yon! Dahil labas na ang kal*luwa niyo sa suot niyo! At di ko inaakit ang boss ko dahil kusa siyang naakita sa akin at hindi ko kasalanan kung ako na ang gusto niya at hindi na ikaw!”
Palaban niyang sabi dito. Kaya halos sumabog na ito sa galit. Akmang sasampalin na siya pero may humawak sa braso nito. Si Lucas iyon este ang boss niya.Galit ito kita naman niya ang pagngiwi ni Cassidy. Halatang nasasaktan.
“Don’t your dare hurt my, baby. You are no way near her,Cassidy! And if there’s a sl*t, b*tch and fl*rt in here its you!”Pabalya nitong binitawan ang braso ni Cassidy at tsaka umalis na sila doon.
Magkahawak sila ng kamay na naglalakad palabas ng mall.Naswesweetan na nga sa kanila ang ibang tao. Hinalikan nito ang kamay niya.” I’m sorry baby. Promise it won’t happened again. ”
Palike po kung gusto niyo ang story♥️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top