The_lost_daughter Chapter_26


Agad ko naman pinuntahan ang binigay na address ni Don Federico.
Pero nagtataka ako,bakit sa isang lugar na kakahuyan nilibot ko ang tingin sa lugar pero di ko naman nakita si Don federico..
Don federico,don federico sigaw ko.
Nasan kayo nandito naku.
Chuchay sigaw naman ni Don federico,nang marinig ang boses ni chuchay.
Chuchay,nasabi ba nang nanay mo na sa kakahuyan ka niya napulot,panimula nitong tanung kay chuchay.
Pano niyo,nalaman ang bagay na yan?
Dahil sa lugar na ito chuchay,nawawala ang mag iina ko,ang asawa ko at ang apat na taong gulang kong anak na lalaki,at ang bunso kong anak na tatlong buwan pa lamang,lumuha ang mga mata ni Don federico na sabihin niya yun.
Bakit niyo sinasabi sakin niyan,pagtatakang tanung ni chuchay.
Dahil ikaw..ikaw ang sanggol na yun chuchay na matagal ko nang hinahanap.
Gulat naman si chuchay nang marinig niya yun.
Ako!? Anak niyo,baka nagkamali lang ho kayo Don Federico.
Chuchay sigurado akong ikaw ang anak kung hinahanap,may balat ka na hugis bituin sa talampakan diba,agad na sabi ni don federico na patuloy ang pagluha.
Sa narinig ni chuchay,tungkol sa balat niya ay nagsimula narin tumulo ang mga luha niya..
Hindi,hindi ako magiging anak niyo Don federico imposible maging anak niyo ko,sigaw ko.
Ikaw ang nawawala kong anak chuchay,miss na miss na kita anak,gustong gusto na kita makasama kayo nang mommy at kuya mo pero ngayon hindi ko pa alam kung nasaan na sila.
Hindi..ayoko maging anak niyo!
Ayoko maging kapatid si syra,iisipin ko lang yun nasusuka naku maging kapatid ang isang tulad ni syra,siya at ang ina niya nagpahirap sakin at ang dahilan na hindi ko nakakasama ngayon ang anak ko,humagulhol niyang sabi.
Anak patawarin mo ko kung wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka,sabi ni don federico habang lumalapit kay chuchay.
Wag niyo kong hahawakan sigaw ko,ayoko maging anak niyo,ayoko maging kapatid si syra,sabi ko na umaatras palayo kay don Federico.
Hindi ko anak si syra anak,ikaw lang ang nag iisa kung tunay na anak kong babae.
Tinuring ko lang na anak si syra dahil sa kinakasama ko ang mommy niya.
Pero kung gusto mong iwan ko sila anak,gagawin ko.
Gagawin ko yun anak,tanggapin mo lang ako bilang ama mo at sumama ka sakin.
Hindi ko kapatid si syra,mahina kung tanung.
Oo hindi,hindi mo siya kapatid kaya anak patawarin mo ako kung hindi kita napagtanggol sa kanila.
Anak sumama ka sakin magsimula tayong muli anak,.


/> Hindi parin matigil ang pagluha ni don federico.
Lumapit siyang muli kay chuchay at muli siyang humawak nito,ramdam na niya na di na lumayo sa kanya ang anak at patuloy lang ang pag iyak nito na nakaupo habang yakap ang dalawang tuhod.
Niyakap na niya ito nang mahigpit at sabay silang humagulhol sa iyak.
Sa wakas nakita ko narin ang anak ko,sa wakas nakita ko narin ang baby janelle ko,bulong ni Don federico sa sarili habang yakap yakap nang mahigpit ang anak.
Si Don federico,si don federico ang totoo kung ama,matagal din akong sabik na maramdaman ang pag mamahal nang isang ama,hindi ko akalain makikilala ko pa ang ama ko,at makakasama ko pa at makaramdam nang yakap nang isang ama,bulong ko sa sarili habang humagolhol sa iyak.
Inalalayan ako nang ama kung tumayo at sabay naming nilibot ang kakahuyan,nang matanaw ko ang lumang kubo sa gitna nang kakahuyan naisip ko agad si inay,ito kaya ang kubo na tinitirhan noon ni inay,kaya patakbo akong lumapit at pumasok sa kubo.
Nilibot ko ang paningin ko sa kubo,sobrang luma na ito sa tagal ba naman na panahon,pero alam ko sa puso ko ito ang kubo na tinirhan ni inay,itong kubo kung saan niya ko unang dinala nang makita niya ko sa kakahuyan habang iniisip ko yun di mapigil ang pag agos nang mga luha ko.
Inay nakita ko na ang totoo kung ama inay,ang pangarap ko noon na gusto ko magkaroon nang ama inay,ay natupad na!
Dahil nakita naman ni don federico na humagolhol naman sa iyak ang kanyang anak nilapitan niya ito at muling niyakap.
Tama na anak,tama na hindi kana muli pang masasaktan at mahihirapan nandito na ang daddy mo,hinding hindi nku papayag mawala kapa saking muli anak..
Don Federico wag niyo muna ipaalam sa kanila ni syra at madam mariel na ako ang anak ninyo..
Oo okay kung yan ang gusto mo anak,pero pwede ba tawagin muna akong daddy,ngiti nitong sabi..
Oo,opo daddy ma iyak iyak na sabi ko kay don federico.
Pero anak gusto kung ipakilala kita sa buong mundo na anak kita,nalalapit na ang anibersaryo ulit nang kompanya.
Gusto kong ipakilala kita sa mga taong nandun sa anibersaryo nang kompanya na anak kita.
Papayagan mo ba ako anak!?
Okay..opo daddy!
Nang marinig iyun ni Don Federico ay muli niya niyakap ang kanyang anak na si Janelle Fernandez ang nag iisa at tunay niyang prinsesa sa mansyon niya..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top