Long time no see,bungad ni madam mariel kay Armando Agustin nang makita niya ito sa loob nang isang room sa hotel.
Akala ko hindi kana babalik dahil nag eenjoy kana kasama ang peke mong asawa.
Hindi mangyayari yun,hindi pa tapos ang misyon ko.
Ikaw mukhang nag eenjoy ka rin sa peke mong asawa ngiti nitong sabi.
Pero bakit matagal na panahon hindi mo parin nakuha kayamanan ni Don Federico.
Ung lalaking yun,matalino pa sa matsing,kahit anong landi ko para mapaibig lang,no effect.
Kamusta nga pala si syra,agad na tanung ni Armando.
Yan din pala ang isa sa pinunta ko,kung bakit pumayag akong makipag kita sayo ngayon.
Paalisin niyo sa poder niyo ang babaeng si chuchay.
Chuchay!? Bakit ano meron sa kanya,agad nitong tanung.
Siya lang naman lagi ang nag papaiyak at nagpapahirap sa anak mo,inis na sabi ni madam mariel.
Bakit di mo agad dinispatsa,agad na sabi ni armando.
Akala ko nga madali lang dispatsahin ang babaeng yun,pero nagkaroon pa nang lakas nang loob na kalabanin ako dahil sa tulong nang anak anakan mong si Ali.
Pagkatapos mag usap nila Armando at Mariel ay agad naman kinausap nito si Ali.
Ali bakit mo pala tinutulungan si chuchay,may gusto kaba sa babaeng yun!?
Yes dad,tyaka mabait si chuchay dad.
Paalisin muna siya dito,makakasira siya sa plano nating paghihiganti kay Don federico.
Hindi dad,hindi siya pwedeng umalis dito nangako akong proprotektahan ko siya,agad na sabat ni ali.
Ayoko sa kanya para sayo,kaya paalisin muna siya dito.
Pero dad..
Gusto ko na magpahinga ali,tapos na ang usapan basta sundin mo ang gusto ko,sabi nito at agad na lumakad papuntang kwarto ang dad ni ali.
Rinig naman iyun ni chuchay ang pag uusap nang mag ama sa sala..
Pagkatapos niya yun marinig ay bumalik na siya ulit sa kwarto niya.
Pagka inumagahan ay kinausap agad niya si Ali.
Ali may nakita na nga pala akong apartment,gusto ko sana mag paalam na umalis na dito at doon na tumira.
Pero chuchay baka hindi ka safety dun,dito ka lang agad na sabi ni ali na seryoso ang mukha.
Ali,malaki na naitulong mo sakin ngayon nakaipon nku,tama lang naman siguro na umalis nku.
Wag kang mag alala safety ang nakita kong apartment,dagdag pa niyang sabi para pumayag si ali.
Inunahan na niya si ali,dahil alam niyang maiipit ito sa gusto nang dad niya.
Kung yan ang desisyun mo,ok sige pero tumawag ka agad sakin pag kailangan mo nang tulong.
Oo wag kang mag alala,tyaka lagi parin naman tayo magkikita sa panahian diba,ngiti niyang sabi.
Bago umalis si chuchay ay pinuntahan niya muna ang mom ni ali.
Pinunasan niya ito at kinakausap.
Sorry nga po pala nung isang araw po maam,ha kung hinawakan ko kwentas niyo nagandahan lang kasi ako.
Alam niyo po ma’am swerte parin si ali,kasi nandito pa kayo,buhay pa!
Kaya pagaling po kayo ha,naalala ko po kasi sa inyo si inay ko.
Ang inay ko na akala ko totoo kung ina,at sobra kung mahal,pero hindi pla siya ang tunay kung ina napulot lang daw niya ko,ngiti kong sabi sa kanya nanatili parin itong nakatingin sa malayo..
Ung kwentas niyo pong may bituin po ma’am,tulad din po nitong balat ko sa talampakan diba po bituin din po siya,sabi ko sabay pakita sa kanya ang balat ko.
Nagulat naman ako nang bigla na naman nagwala ang mom ni ali.
Kaya tinawag ko agad ang caregiver nito.
Mabilis naman siya agad pinasok sa kwarto para painumin nang gamot,kahit papalayo na ito nagwawala parin ito at pilit tinataas ang kamay..
Don federico dito po yun,agad na sabi ni mang romy nang marating nila ang lugar kung saan nkatira noon sila chuchay.
Sigurado ka dito,pagtatakang tanung ni Don Federico dahil kita sa lumang bahay na nasunog ito.
Oo sigurado ho ako Don federico,nung nakita ko anak niyo sa ospital na may balat sa talampakan,sinundan ko na agad pag uwi niya diyan ko ho nakita silang tumira kasama ang isang matandang babae.
Kaya naisipan ni Don federico tanungin ang ibang dumaan kung saan na nakatira ang dating may ari nang bahay...