Incompatible Part 8


Author: Ren Salazar
Mula sa ika 50th floor ng gusali patungong pababa hanggang sa marating ni Dome ang ikalawang palapag. Bawat madadaanan ay walang mintis niyang tinitingnan. Hinahanap ang tapat na sekretarya ng Lolo ni Bekket.
” Nasaan na kaya yon?” Tanong niya habang tuloy tuloy lang sa paglalakad.
At nang makarating sa isang sulok kung saan nakalagay ang fax machine, nakita na niya ang kanyang hinahanap at agad itong nilapitan.
” Ate Myrn…” Panimula niya.
” O,may kailangan ka?”
” Yung boss ko kasi..pinapatanong kung natawagan mo na raw po ba ang ka blind date niya.”
Matanda si Myrna ng anim na taon sa kanya kaya labis ang kanyang paggalang dito.
” Ah yun ba? Hindi pa pero tatawagan ko pagkatapos nito. Kakasabi lang din ni Dorector Choi sakin.” Sagot nito na ang mga kamay ay nasa fax machine.
” Ah…” Nasambit lang ni Dome. ” Pwede po bang tingnan ang numero niya? ”
” Ha? Para saan? ”
” Ibibigay ko sa boss ko. Para kung saka sakaling maganda ang naging resulta ng blind date nila,hindi ka na niya kailangan ipahanap sakin para hingin ang numero nung chicks.”
” Ok. Sandali.” Itinigil nito sandali ang ginagawa saka ibinigay ang kanyang telepono kay Dome. ” Mm..walang password kaya madali lang buksan.”
” Salamat po. ” Tugon niya nang makuha na niya ang telepono. ” Anong name po?”
” Blind date.”
” Po?!”
” Blind date. Yun ang nakarehistro sa telepono ko. Hindi ko inalam yung pangalan niya.”
” Sige po. Titingnan ko po.”
Nakabuti kay Dome ang sinabing iyon ni Myrna. Para kung papalitan niya ang numero ng babae,hindi niya mahahalata.
Dahil sa expert sa paggamit ng kahit anong telepono si Dome,mabilis niyang nabura ang numero ng ka blind date ng boss niya at inilagay niya ang numero ni Schiyev na binigay ni Bekket / Zuriel sa kanya bago iniwan ang huli.
” Heto na po ate Myrn. Salamat po. Alis na po ako.”
” Sige..”
Yun lang at sumakay na uli sa elevator pagkatapos makausap si Myrna.
Samantala……….
Tinawagan ni Zuriel si Schiyev. Sa una’y nagdadalawang isip pa subalit nagkalakas loob ding tumawag dahil sa nanganganib na mawala ang lahat ng meron siya. Inalala niya rin ang kanyang ina na nakatira sa bahay na kanyang binili para rito. Baka kapag hindi niya sinunod ang kanyang lolo,babalik sa umpisa ang buhay niya pati ng kanyang ina.
” He..llo? ” Alanganin niyang saad.
” Hello?” Sagot naman sa kabila.
” Schi….chi.( hay…paano ba babanggitin ang name ng girl na ito?) ” Bulong niya.
” Si Schiyev to? Sino tong kausap ko?” Ito na ang nagpatuloy sa sasabihin sana ni Zuriel/ Bekket.
” Ahmm..its me. Yung..yung nag swimming sa mga prutas.” Biro niya para maalala ni Schiyev ang nangyari kanina.
” Ikaw ba ito? Bakit? May masakit ba sayo? Ano? Ahm..saan kita pwedeng puntahan?” Nag aalala naman ito kay Bekket.
Bahagyang nilayo ni Bekket ang hawak na telepono sa kanyang teynga.
” Wow ,ha. Concern na concern si Girl sakwin…” Mahina niyang saad. Tamang tama lang sa hina para hindi marinig ni schiyev.
” Ahmm..pupunta ka ba dito?”
” Oo!” Maagap niyang sagot kahit hindi niya alam kung malapit ba o malayo ang lugar ng kausap.
” Malayo kasi ako. Pero ganito na lang. Kapag may tumawag sayo na babae at ibinigay ang address at oras,pwede bang pumunta ka? Kailangan lang kasi.”
” Ah…seryoso ba naging pinsala mo?” Hindi pa rin nawawala ang pag alala ni Schiyev kay Bekket kahit na ito pa ang bumangga sa kanya.
” Ah….” Maging si...


Bekket ay nag aalinlangan sa pagsagot. Nadama niya kasi ang pag aalala ng babae.
” Ano?”
” medyo lang naman. Kaya please come.” Sabi niya na galing sa puso.
” Ok. Pupunta ako.”
” Thank you.” Bukal sa loob na sagot ni Bekket. Buti at pumayag si Schiyev. Sana man lang tuloy tuloy na hanggang sa magawa niya ang kanyang plano.
Ibinaba na ni Schiyev ang telepono. Nalilito man ng bahagya pero inisip na lang niya na kailangan niyang tulungan ang lalaki dahil sa siya rin naman ang nagbigay ng sariling numero.
Maya maya ay may tumawag uli sa kanya.
” Hello….” Sagot niya.
” Hi maam. This is the secretary of Director Choi of BC company, i’ll text you the address at time for the blind date.”
” Bli…” Nagtataka niyang tanong pero hindi na siya nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil sa bigla na lang itong binaba.
” Ano raw? Blind date? Tama ba ang narinig ko? Yun ba talaga?” Mga tanong na taglay sa kanyang isipan.
Naalala niya bigla ang lalaking tumawag sa kanya kani kanina. Address at oras lang ang binigay sa kanya kaya inisip niya na baka ang babaeng kakatawag lang sa kanya ay ang siyang tinutukoy ng lalaki.
Inisip agad ni Schiyev na baka kaya niya kailangan pumunta dahil baka hindi makakarating ang lalaking ito sa ka blind date at kailangan siya doon para magpaliwanag kung bakit hindi ito makakasipot.
Tama nga ba ang kanyang naisip?
Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang telepono. Isang mensahe galing sa numerong kakatawag lang.
” Hello,Rheang…” Tinawagan niya ang kaibigan. Nasa kanya kanya silang bahay nun.
” Aning….napatawag ka?”
” Tinawagan kasi ako ng lalaking nakabangga sakin kanina. Pinapapapunta ako sa blind date.”
” Ano?! Hahahhaa….grabe naman siya. Hinanapan ka agad ng ka blind date. Nahalata ba niya na walang kang jowa?”
” Rheang……”
” Sorry. ” Bawi nito.” Pupunta ka ba?”
” Ahh…” Napakamot si Schiyev sa kanyang batok.” Nagkataon kasi na pareho sa araw ng pagbalik ko sa Maynila kaya siguro….saka sinabi ko rin naman sa lalaking iyon na tawagan ako kung may problema.”
” Parang ikaw ang nakapwersiyo sa kanya ah..samantalang siya naman ang may kasalanan.”
” Alam ko. Pero kasi hindi naman ako nasaktan. At kitang kita mo naman yung nangyari sa kanya diba?”
” Sabagay…pero uy! Mag ingat ka. Baka naman masama ang lalaking iyon. Gwapo lang sa panlabas pero mmm…alam na.”
” Anong gagawin ko?” Humingi ng payo. si Schiyev sa kaibigan.
” Isama mo kaya ako.” Tila umiba naman ang itsura ni Rhea nang masabi iyon. Kung kasama lang ni Schiyev iyon, makikita niyang kilig na kilig ito.
” Diba may trabaho ka? Saka ,malayo iyon. Sinong kasama mo pabalik?”
” Yun ang problema. Hmmp! Nararamdaman kong exciting to ah. Baka ,siya na yong magiging jowa mo,Aning..”
” Oy! Tumigil ka. Crush mo pinamimigay mo sakin.”
” Ok lang naman basta ikaw. Gaya non..”
” O! Babalik na naman ba tayo sa Zuriel na iyon?”
” Hindi naman.”
” Sige na. Ibaba ko na to. Ipagluluto ko pa si nanay. Ako muna ang gagawa ng mga gawain niya ngayon habang nandito pa ko at kasama siya. ”
” Sige na. Balitaan mo na lang ako.”
” Sige .”
Yun lang at sabay na nilang ibinaba ang kani kanilang telepono. Pagkatapos naghanda na si Schiyev sa pagluluto para sa kanyang ina. Sasamantalahin ang pag aalaga rito habang nasa piling niya ito. Babalik rin kasi siya ng Maynila pagkatapos ng isang linggo. At doon magsisimula na ang kanyang buhay na kay kasamang kilig at saya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top