IT WAS ALWAYS YOU Chapter 10


Kinabahan si Neri nang makita ang lalaki.Paano napadpad ang lalaki sa Pilipinas?matagal na itong nakakulong sa States.Nag-alala siya baka balikan siya ng lalaki.
“Kanina ka pa tahimik diyan.” tanong sa kanya ni Galvin
Gusto niya sanang ipagtapat kay Galvin na natatakot siya sa lalaking nakabangga niya kanina.Naisip din naman niya,may amnesia pala siya.
“Bakit mo ako ipinakilalang girlfriend kanina?”
“Iyon lang ang naisip ko kanina para layuan ka ng lalaking iyon..huwag mo nang bigyan ng ibang meaning..”
”Okay.” ramdam niya ang pagiging sarkastikong boses ni Galvin
******
Nakarating na sila sa resort,matapos ang mahabang araw na pamamasyal nila sa City.
Lumabas ng silid si Neri pero napansin niyang nakabukas ang isang kwarto sa tapat ng isang cabinet.Sinilip niya ito at curious siyang pinasok ang kwarto.Napamangha siya ng makita ang mga painting ng isang napakagandang babae.Inisa-isa niyang tiningnan ang mga painting.Puro babae ang nasa painting, napansin niya ang isang painting pamilyar sa kanya ang babaeng iyon at napagtanto niyang siya iyon.Nakaupo sa malaking bato at nakatingin sa malayo.Bakit naman siya ipini-painting ni Galvin?
Napansin niya ang maliit na Jar at nagtaka siya kung bakit nandun iyon sa kwarto.Marami siyang katanungan na gumugulo sa isip niya ng...


mga sandaling iyon.Sino ang babae sa painting? at bakit may nakatagong abo sa jar?Lahat ng bagay na iyon,hindi pa naikwento ni Galvin o ni Nay Rosing na may nakatago pala sa silid na iyon.
“Huwag mong pakialaman iyan..”
Nagulat siya nang sumulpot si Galvin sa kwarto at nabitiwan niya ang maliit na jar.Tumilapon ito sa sahig at ikinagalit ni Galvin ang pagkatapon ng abo sa sahig.
”Huwag ka nang pumasok dito!!hindi mo dapat pinakialaman iyan!” galit na sabi sa kanya ng binata
Nagulat siya sa inasta ni Galvin,talaga ngang mahalaga ang mga bagay na iyon sa kanya.Tumakbo siya palabas ng silid at pumasok sa kwarto niya.Napasubsob ang dalaga sa unan at napaiyak.
****
“Galvin,pasensya ka na..naglinis ako kanina sa silid at hindi ko agad nai-lock..” paliwanag ni Nay Rosing
“Ok lang Nay Rosing, hindi pa ba lumabas si Neri?”
“Nandiyan pa sa silid..mamaya na lang daw siya mag-almusal..”
“Nabigla ako kanina at napagalitan siya..hindi ko alam,ba’t parang ang sakit pa rin na maalala ko si Sophia nang makita ko ang mga painting kanina..”
“Matagal na mga panahon na iyon Anak,masaya na si Sophia sa taas..”
May mga oras pa rin na iniisip niya si Sophia.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top