IT WAS ALWAYS YOU Chapter 9


“Seguro oo naman,may pamilya pang naghihintay sa iyo.Baka nga hanggang ngayon nag-aalala pa rin sila dahil hindi ka pa rin nila nakikita..” sagot sa kanya ni Galvin
“Salamat..kung siguro hindi mo ako tinulungan baka nakain na ako ng mga pating..”
“Wala iyon,hayaan mo darating ang panahon makakabalik ka na sa pamilya mo..kapag nagbalik na ang ala-ala mo..”
Ngumiti ng mapait ang dalaga at tumingin sa malayo.
“Paano kung may mga taong kukuha sa akin dito?ibibigay mo ba ako?” seryoso niyang tanong kay Galvin
“Anong klaseng tanong iyan?,siyempre kung pamilya mo ‘oo’..”
“Natatakot lang kasi ako..”
“Wala kang dapat ikatakot..kung alam mong hindi ka masama..hanggang ngayon ba,wala ka pa ring naaalala?”
“Wala pa rin.”
Bumait na si Galvin at hindi na rin nagtaray si Neri sa pakikitungo niya sa binata.
Masaya silang nagdinner ni Galvin at Neri,first time nilang magkasabay kumain at nilagyan ni Galvin ang plato niya ng pagkain.
“Bigla ka yatang bumait,dati ang sungit mo sa akin..” sabi ni Neri sa kanya
“Mabait naman talaga ako,ikaw nga itong mataray..”
“Mabait din kaya ako..”
Naging malapit na sila sa isa’t-isa.
”Bukas,pupunta ako ng City baka gusto mo sumama?”
“Talaga?sige sasama ako ha,”


/> ****
Kinaumagahan ay inihanda na ni Neri ang kanyang sarili pero nagsout siya ng shades at black sombrero.Excited siyang makapasyal sa City para siyang taga-probinsya na excited makapunta doon.
“Ready ka na pala..” bungad ni Galvin nang madatnan siya sa sala
“Oo naman,gusto ko lang mag-enjoy na makapasyal sa City..ang tagal ko na kasing hindi nakalabas..”
“Sige,mag-enjoy ka mamaya..so,shall we go?””
*****
Nagtungo sila sa mall at binilhan niya si Neri ng mga damit.Nilibot din nila lahat ng mga nag-gagandahang mga view sa city.Na-enjoy ang dalaga sa pamamasyal nila.Maya-maya’y naglakad sila palabas ng mall nang mabangga si Neri sa isang lalaki.
“Clarence!!??” sigaw ng lalaki at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Nagpupumiglas si Neri at dumiritso sa likuran ni Galvin.
“Huwag mong ba*stusin ang girlfriend ko Pare..” pretend na sabi ni Galvin sa lalaki
At umalis na sila.
*****
“Kilala mo ba ang lalaking iyon?” baling sa kanya ni Galvin nang makasakay na sila sa kotse
“Hindi..sa mukha ng lalaking iyon..parang adik,hindi ko kilala iyon..”
“Tinawag ka niyang Clarence o baka gusto lang ng kumag na iyon na maktsansing sa iyo..”
“Huwag mo na ngang pansinin iyon,hindi ko naman seguro kilala iyon..”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top